“PAPAANONG…nagkaanak sila, hindi ba hiwalay na sila five years ago?” nagtatakang tanong ni William pagkatapos nitong makabawi sa pagkabigla.“Iyon na nga, mismong nung paghihiwalay nila, ay buntis na pala nun si Saskia. Bale ipinanganak niya si Wesley, sa U.S., doon siya tumira sa pamilya nina Jedrick, at iyon din ang nag-asikaso sa kanya simula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak,” sagot ni Diana.“Naging kaibigan niya rin pala ang mga kaibigan ni Weston, ano? Iyong magkapatid?” tanong ni Gladys.“Oo nga, eh,” sagot ni Diana sabay palihim na sumulyap sa kaharap na si Gerald. Ito lang ang tanging walang sinabi at ikinomento pagkatapos niyang sabihin na anak nina Weston at Saskia ang katabi niyang bata sa larawan.“Kailangan natin na pumunta roon, kailangan kong makita, mahawakan, at makausap ang apo ko. Ito na rin siguro ang tamang panahon para makahingi ako ng tawad kay Saskia,” ani William.“Ako rin po, Daddy. Gusto kong sumama para makita at mahawakan ko rin ang pamangkin ko!” m
KASALUKUYANG magkakaharap sa mahaba at malaking lamesa ng dining area ng mansyon ang pamilya Del Flores habang kumakain ng pananghalian, maliban kay Weston dahil ito lang ang wala.“By the way, mayroon akong malaking balita sa inyo, pwede rin sabihin na magandang surpresa,” pukaw ni Diana sa kalagitnaan ng katahimikan ng kanilang pagkain.Tanging mga kalansing lang kasi ng kutsara at tinidor ang maririnig, kaya naisipan na rin niyang sabihin ang dahilan ng pag-uwi niya. Total, mas magandang ngayon niya na sabihin dahil kumpleto sila.“Sigurado ka bang malaking balita ‘yan at malaking surpresa? Ikatutuwa ba namin ‘yan, ha? Diana?” si William ang unang nagsalita.“Ano, hindi na matutuloy ang kasal ni Weston kay Katrina? Dahil may naisip na siyang dahilan at solusyon?” kahit na nananamlay si Gladys, nakitaan niya ito ng kaunting pag-asa na hindi tuluyang maikakasal sa masamang babae ang kaisa-isahan nitong kapatid.“Ano, na hindi ko pala tunay na ama ang masama at halang ang kaluluwa na
DAHAN-DAHAN siyang lumapit sa harap ni Weston, pilit na hinuhuli ang mga tingin nito ng kanyang nang-uusig na mga mata. Dahil nangyari na rin lang, lulubos-lubusin na niya ang panunumbat dito.“Alam mo, kahit sabihin ko man sa ‘yo ang lahat ng mga pinagdaanan kong paghihirap, alam ko naman na hindi mo ‘yon maiintidihan. Muntik na kaming parehong mawala sa mundo ni Wesley, dahil noong ipinapanganak ko siya, muntik ko na siyang hindi mailabas. Dahil nagkaroon ako ng mga kumplikasyon na siyang naging dahilan para mahirapan akong iluwal siya. Siguro, dahil sa pagnanais ko na mabuhay para man lang masilayan siya, ay nakipaglaban ako kay kamatayan. Kaya ano pa ba ang gusto mong pasakit at paghihirap na gusto mong iparanas sa ‘kin, ha, Weston? Gusto mo ba talagang nakikita akong nahihirapan?” puno ng pait ang kanyang damdamin ng bigkasin niya iyon.Nabasa niya ang dumaang awa, konsensiya at pang-unawa sa mga mata nito. Kusa itong dumausdos pababa at yumakap sa mga binti niya habang nakaluhod
HINDI ALAM ni Saskia kung paano aawatin sina Jedrick at Weston. Panay ang palitan ng suntok ng mga ito sa bawat isa. Nakita niyang parang mas dehado si Jedrick dahil nasa ibabaw nito si Weston, at nagpapakawala ito ng malalakas na suntok sa mukha ni Jedrick.Dahil sa pagkataranta at hindi malaman ang gagawin, mabilis niyang kinuha ang isang malaking vase na nakapatong sa isang tabi, pagkatapos ay malakas niyang ibinagsak iyon sa sahig. Lumikha iyon ng malakas na ingay gawa ng pagkabasag nito, at tumilapon sa bawat sulok ng living room ang mga malalaking tipak nito.Dahil doon ay saglit na natigil ang pagbubugbugan ng dalawa, at parehong nakatingin na ngayon sa kanyang direksyon. Mabilis na itinulak ni Jedrick si Weston na nasa ibabaw nito para lapitan at daluhan siya.“Sas, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Nasugatan?” nag-aalalang tanong nito sa kanya habang sinisipat ang kabuuan niya.Mabuti pa si Jedrick, mas nag-aalala pa sa kanya kaysa kay Weston. Samantalang ito, parang hindi pa
“ANO BA KASI ang ginagawa mo at hindi mo namalayan na literal na lumipad ang laruang eroplano diyan sa…noo mo?” naiinis na tanong sa kanya ni Saskia kasabay ng pag-ikot ng dalawa nitong mga mata.“Wala eh, hindi ko namalayan. Hindi ko naramdaman,” iyon na lang ang naisagot niya sa kawalan ng masasabi. Alangan namang sabihin niya na nakikinig siya sa paglalandian ng mga ito.“Takot kasi sa sugat at sa dugo itong si Wesley, para alam mo. Dadalhin ko na muna siya sa kwarto, papatulugin ko muna, baka inaantok na rin,” paalam ni Saskia bago ito tumalikod habang karga-karga si Wesley.Naiwan naman sila sa labas ni Jedrick. Tiningnan niya ito ng masama pagkapasok na pagkapasok ni Saskia sa kwarto.“Kailangan nating mag-usap, Jedrick,” sambit niya kasabay ng pagtawag sa pangalan nito. Wala na siyang amor pa para tawagin ito sa nakasanayan nila.“About what?” wala sa sariling tanong nito, wari’y hindi interesado sa sasabihin niya.Nainis siya sa inasta nito kaya mabilis niya itong nilapitan at
HINDI TULOY makapag-focus si Weston sa pakikipaglaro sa kanyang anak sa isiping nasa iisang kwarto sina Jedrick at Saskia. Pagpasok niya kanina pagkatapos siyang imbitahan ni mommy Sania na pumasok, ay siya namang pagpapaalam ng dalawa na papasok ang mga ito ng kwarto dahil may gagawin daw.Sa halip na ibigay sa kanilang buong pamilya ni Jedrick ang oras para mag-bonding, ay sinolo lang nito si Saskia sa kwarto. Magpasalamat ito at bisita lang siya roon, dahil kung hindi, kanina pa niya nilusob ang dalawa sa kwarto para bugbugin si Jedrick at ilayo rito si Saskia.Isipin pa lang niya kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob, ay para na siyang mababaliw. Sila lang talagang dalawa ni Wesley ang naroroon sa living room at naglalaro, dahil ang mag-asawang sina Daddy Juancho at Mommy Sania ay nagpaalam na may pupuntahan daw.Nagngingitngit siya sa galit. Naka-focus siya sa pakikinig sa ingay na nanggagaling sa kwartong kinaroroonan nina Jedrick at Saskia.“Love naman, eh! Huwag diyan, may k