Good evening
PAUWI sa kanilang mansyon ngayon si Weston kasama ang kanyang mommy. Halos mahigit anim na taon din siyang hindi umuwi at nagawi roon dahil sa hindi nila pagkakaunawaan noon ng kanyang pamilya, kaya hindi na niya alam kung ano na ba ang hitsura nito.Napilitan siyang umuwi dahil tumawag sa kanyang mommy ang kanyang ate Gladys na ginigipit na ni Bastian na ama ni Katrina ang kanyang daddy sa mga pagkakautang nito. Wala sana siyang balak pang tulungan at makialam sa problema ng kanyang daddy, pero nakiusap at nagmakaawa sa kanya ang kanyang mommy, na kahit anong mangyari, ay ama pa rin naman daw niya ito.Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ang kanyang ina sa kahilingan nito na tulungan niyang makabayad sa utang ang kanyang daddy, pagkatapos, ay pwede na niyang kahit na hindi pansinin kahit kailan ang daddy niya.Alam niyang hindi basta-bastang tao si Bastian, isa itong drug lord at master mind sa likod ng human trafficking na lumalaganap sa kanilang lugar. Matagal na itong
“KIA, ANAK. Kailan ba ninyo balak umuwi at mag-stay na lang dito ng gwapo kong apo sa Pilipinas? Napapagod na rin kasi kami ng daddy mo sa pabalik-balik riyan taon-taon. Hindi naman sa nagrereklamo kami, alam mo naman kasi, tumatanda at nagkakaedad na rin kami ng daddy mo,” sambit sa kanya ng mommy niya isang gabi habang magkausap sila sa video call.Simula kasi nung sumama siya kina Jamila at Jedrick sa U.S, ay binibisita siya ng mga magulang taon-taon.“Pinag-iisipan ko pa po, Mom. Alam niyo naman po, nahihiya ako na basta na lang umalis dito at permanente na silang iwanan, dahil sila ang nag-aruga at kumupkop sa ‘kin nung nasa kasagsagan ako ng hirap sa pagbubuntis ko kay Wesley. At saka, mahirap din na basta na lang iwanan ang trabaho ko sa restaurant nina Jamila at Jedrick. Pero hayaan niyo po, hahanap ako ng tamang tyempo at panahon par sabihin sa kanila ang bagay na iyan,” sagot niya sa ina.“Sige, anak. Basta, hindi na muna kami riyan makakabisita ng daddy mo ngayong taon, ha?
“KUYA, napansin ko lang, bakit parang kanina ka pa tahimik at malungkot? Nagkausap lang kayo ni Sasa, bigla ka na lang nanahimik. Siguro, ni-reject ka na naman niya ulit, ‘no?” narinig niyang tanong ni Jamila kay Jedrick.Papunta kasi siya sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom ng kanyang anak, at dadaanan niya ang silid ni Jedrick, kaya aksidente niyang narinig ang pag-uusap ng magkapatid, medyo nakaawang ng kaunti ang pintuan, kaya kita niya rin ang dalawa.Nagkubli siya sa likod ng pintuan habang nakasilip sa kauting awang na pinagkabitan ng bisagra ng pinto para hindi siya mapansin ng dalawa, at matamang pinapakinggan ang pag-uusap ng mga ito.“Ano pa nga ba? Wala namang ibang pwedeng maging dahilan ng pananahimik at kalungkutan ko, 'di ba?" walang siglang sagot ni Jedrick sa kapatid.Nakita niyang tumabi sa pagkakaupo kay Jedrick si Jamila sa paanan ng kama, at hinawakan nito ang likod ng kapatid.“Kuya, naiintidihan kita. Pero hindi mo naman kasi pwedeng ipilit kay Sasa ang n
“PWEDE ba kitang tabihan sa pag-upo rito?” pukaw kay Saskia ni Jedrick.“Oo naman!” umusod siya ng kaunti para bigyan ito ng sapat na espasyo.Nakinuod na rin ito sa pinapanood niyang naghahabulan na sina Wesley at Jamila.“Ang bilis lang ng panahon, ano? Ang laki na agad ni Wesley!” masayang sambit nito habang kumikinang ang mga matang nakatingin sa anak niya.“Oo nga, eh! At ang kulit-kulit pa! Namana pa yata sa ama niya ang pagiging suplado at mainitin ang ulo. Napaikli rin ng pasensisya! Tingnan mo, oh! Hindi niya lang maabutan si Jamila, nagagalit na agad!” nakatawang sambit niya habang pinapanood pa rin ang pakikipaghabulan ng anak kay Jamila.“Hindi lang ugali ang nakuha ni Wesley sa gag* niyang ama, kung hindi pati ang buong mukha. Kaya kung makikita man niya si Wesley, alam kong iisipin niya na anak niya ‘yan sa ‘yo. Magpasalamat siya at pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin, dahil kung hindi, ay matagal na kitang inagaw sa kanya,” seryosong sambit nito habang nakatitig s
GINAWA ni Weston ang lahat ng kanyang makakaya para hanapin si Saskia. Nag-hire siya ng kilala niyang mga magagaling na private investigator, at ipinakalat niya iyon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, nang sa gayon, ay mapadali ang paghahanap kay Saskia.Kahit siya ay tumutulong na rin sa paghahanap. Hindi na nga siya nakakapasok pa sa kompanya, at ipinagkatiwala na lang muna niya ang pagpapatakbo niyon sa isang empleyadong pinagkakatiwalaan niya sa lahat doon.Bawat araw na dumaraan na hindi niya matagpuan ang asawa, ay nanghihina siya. Pero hindi siya sumuko. Kung kailangan na gamitin niya lahat ng pera niya at kayamanan mahanap lang si Saskia, ay gagawin niya.Ngunit nang pare-parehong resulta ang ipakita sa kanya ng mga private investigator na binayaran niya, na puro negative, ay doon na siya unti-unting nanlumo. Unti-unting nawalan ng pag-asa na muli pa niya makikita at makakasama si Saskia.Ayaw man niyang sumuko sa paghahanap, pero ang katawan na niya ang bumibigay. Hindi na it
“MOM, ano kaya kung puntahan ko na sa kanila si Saskia? Miss na miss ko na siya, gusto na siyang umuwi rito para magkasama na ulit kami,” wika ni Weston sa kanyang mommy, habang magkaharap silang kumakain ng tanghalian.Halos mahigit isang linggo na rin kasi ang nakararaan simula nung umalis sa bahay niya si Saskia at iwan siya. Siguro naman ay malamig na ang ulo nito, nagbabakasaling baka pwede na niya itong makausap ng maayos.“Ikaw, anak. Nasa sa ‘yo ang desisyon,” sagot naman nito.“Pwede niyo po ba akong samahan sa pagpunta roon mamaya?” pakiusap niya sa ina.“Oo naman! Para naman makita ko si Saskia at madalaw na rin sina Sania at Juancho.”Pagkatapos nga nilang mananghalian, ay agad silang bumiyahe ng kanyang mommy patungo sa bahay ng kanyang asawa. Kabado pa siya habang nagmamaneho, hanggang sa makarating na sila.Wala siyang nakita o nabasa na kahit anumang reaksyon sa mukha ng mga magulang ni Saskia, nung mapagbuksan sila ng mga ito ng pintuan.“Pasok kayo,” paanyaya ni mommy