Share

Obsessive Love (gxg)
Obsessive Love (gxg)
Author: Gayreenn

Chapter 1

Olivia' s POV

"Via, sa table four daw." nag angat ako ng tingin mula sa perang bini-bilang.

"Ha? Ako ba?" tanong ko. Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig. Tapos hindi pala.

"Oo," tugon nito. Tiningnan ko ang harapan na wala ng pila.

"Pero dito ako naka toka ngayon," hindi naman sana ako magtataka kung waitress ako ngayon. Sinong magbabantay dito kung pagsi-silbihan ko ang nasa table four?

"Ako na muna, naka ilang balik na kasi si Dolcie. Ayaw namang ibigay ang order unless it's you." walang nagawang tumango ako saka kinuha ang maliit na notebook na ibinigay nito sa akin.

Hinanap ko kung nasaan ang table four, at nang makita ay madaling pinuntahan ko ito. Weekdays ngayon, tapos hapon na rin kaya marami talagang customers. Mabuti nga naubusan nang pila sa counter kanina. Nakakangalay din kasing tumayo.

"Good afternoon, Ma'am. May I take your order po?" magalang kong bungad. I wasn't able to see her face dahil naka focus ang tingin ko sa notebook na panay naman doddle. Parang bata talaga ang mga kasama ko sa trabaho minsan.

Kapag ito nalaman ni Boss.

"You," isang malamig na boses ang nagpawala sa akin sa focus. Muntik pa akong matumba dahil sa gulat. Jusko namang boses yan.

Dinaig pa ang mga voice actor.

I tried to hide my embarrassment through clearing my throat.

"P—po?" Oh gosh. Bakit naman nauutal, Olivia?

Saka ko lang din tiningnan ang babaeng kaharap. Mahabang buhok, mabango, mahahabang binti; gaano kaya katangkad ito? Wala sa sariling dumako ang tingin ko sa kamay nitong mahinang nagt-tap sa table.

Her nails were pretty. Mahabang mga daliri, maganda ang kulay at mukhang malambot ang kamay.

"I can cut them if only you'll be mine."  sabay tingin sa kuko niya.

"H—ha?" disoriented kong tanong. Mas lalo lang yata akong nabuang ng tumawa ito.

"Silly, recommend me something. Gusto ko masarap."

"Ako?" dapat na tanong ko dapat ay bakit ako? Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

"You?" her voice is kind of husky and deep, yet it's cold. Ano ba itong mga pinagsasabi ko? Para naman akong tanga.

Alam ko straight ako e.

Straight naman talaga ako, inserting the gender fluid here. Yep, I'm straight.

Sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw niya, kung paanong parang dahan-dahan niyang hinubad ang blazer, sa paraan ng pag tupi niya rito para maayos na mailagay sa ibabaw ng table. Left part.

"I mean—ako po ang bahala?" tanong ko, para na kasi akong nagmumukhang tangang nakatulala sa kanya. Bibihira lang kasi talaga ako makakita ng ganyan kagandang babae.

Ina-admire ko lang. But still, I consider myself as a straight woman. Straightest of all the straight.

"Hm, I trust your judgment." I nod. Bumalik akong counter para igawa siya ng kape'ng parating mabenta sa amin.

" 'ba yan," bulong ko nang may matapon ng kaunti dahil bahagyang nanginginig ang mga kamay ko. Hindi naman ako pasmado. Kinabahan lang ako sa huli niyang sinabi.

She trust my judgment daw.

Ilang beses ko ng nagawa ang kape' ng ito, pero ngayon tuloy pakiramdam ko unang beses ko lang ulit. Ano ba namang ginagawa sa akin ng babaeng iyon?

"Ayos ka lang?" tanong ni Rick ng makitang para akong natataranta.

"Oo," nakita niya sigurong hinihilot ko ang palad ko. Kinakabahan lang talaga ako sa hindi ko malamang dahilan.

Hirap na hirap pa ako kung anong klaseng pagkain ang ibibigay ko sa kanya. In the end, iyong chocolate crepe cake na lang dahil alam kong babagay iyon sa kapeng ginawa ko for her.

Ibinigay ko kay Rick ang tray matapos ayusin ang order ng babae.

"Table four," kinuha niya naman saka umalis.

Inasikaso ko na rin ang ibang naka pila. Dumarami na naman kasi, dalawang oras na lang ay magsasara na kami. Uuwi pa ako, tapos mag-aaral dahil baka biglang may mang-surprise bukas.

Surprise na hindi gusto ng karamihan.

Quiz.

"Via," bumalik si Rick na dala ang tray at ang pagkain.

"Oh, bakit?" umiling ito.

"Ayaw e." anong ayaw?

"Ayaw saan?"

"Ayaw kunin, ikaw daw mag abot." ang pahirap naman ng babaeng iyon. Hindi por que mukha siyang mayaman ay magd demand na lang siya basta-basta.

Hindi na lang kunin ang pagkain kay Rick.

Inis na ibinaba ko ang receipt na hawak saka kinuha kay Rick ang tray.

"Dahan-dahan naman." saad nito. I just rolled my eyes.

"Ang arte-arte kasi," inis kong turan saka naglakad papunta sa kanya.

Hinanda ko na ang isang peke at pilit na ngiti.

"Here's your order, Ma'am.." magalang kong sambit.

I can't be rude to her. Kailangan ko itong trabahong ito e. Dito ako kumukuha ng budget ko sa pang araw-araw na gastusin. Tiningnan ako nito, sunod ay ang nameplate na nasa parteng dibdib ko.

"Dela Vega, you can call me Dela Vega." I nod. "Thanks for this...Olivia,"

Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Bitbit ang tray ay tinalikuran ko ito. Wala sa sariling hinaplos ko ang name plate na nasa may kaliwang dibdib ko.

Olivia..

I hate my name kasi it's so common.

Pero noong siya na ang nagbanggit, parang biglang naging sosyal at mamahalin ang pangalan ko. Haist. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

Kasalanan ito ni Miss Dela Vega

Dela Vega pala...

Ang ganda ng surname niya. Bagay sa kanya, parehong mukhang mayaman.

Natapos ang dalawang oras na shift ko ng hindi man lang umalis or tumayo itong si Miss Dela Vega sa kina-uupuan niya. Napapa-isip nga ako kung hindi ba siya jan nangangalay.

Busy lang siya sa cellphone niya, at mukhang walang paki-alam sa iba. Lalo na sa mga lalaking gusto pa yata siyang pormahan.

"Lapitan mo na," utos ni Dolcie. Siya na kasi ang lumapit sa grupo ng kabataan na nasa table malapit kay Miss Dela Vega.

Sasabihin lang namin na mag-sasara na kami dahil malalim na ang gabi.

I sigh and nod. Tinahak ko ang daan papunta sa kanya. I cleared my throat to get her attention.

"Ma'am—"

"End of your shift? That's great. Let's go." para akong nalula, hindi dahil tumayo na siya at nalaman kong ang liit ko pala kung hindi dahil sa mga sinabi niya.

Anong let's go?

Saan naman kami pupunta?

May saltik ba siya?

Anong trip niya?

Sana ayos lang siya.

Ang lakas naman nang epekto ng chocolate cake at coffee sa kanya. Mukhang nasiraan na e.

I step back a little. Tangkad, teh.

"Uh, gusto ko lang po sanang sabihin na mag-sasara na kami." Miss Dela Vega gracefully nod her head.

"I know that, I was waiting for you actually. So, let's go?" naglahad ito ng kamay matapos itago ang phone niya.

Exaggerated na napailing iling ako.

Naf-frustrate ako sa hindi ko malamang dahilan. Anong akala nito sa akin? Magpapadala sa ganda niya? Malay ko bang leader ng gang ito tapos balak akong ikidnap kasi kukunin mga lamang loob ko.

Damage na nga halos lahat ng internal organs ko tapos nanakawin pa nila.

"Miss, you can go home na po. Bukas naman po kami bukas ng maaga. Balik na lang kayo."

"But you have class tomorrow, wala kang schedule rito bukas." hindi ko alam kung saan ako kikilabutan.

Sa part na alam niyang wala akong pasok bukas dito, or sa paraan ng pagkakasabi niya. She's like, threatening me kasi. Ano ba to?

"Ma'am—" she shook her head.

"C'mon, change your clothes. I'll wait for you."

"Miss hindi nga po kita kilala," tumingin ako sa mga kasama kong mukhang curios na rin sa pinag-uusapan namin.

"At wala po akong balak na sumama sa inyo." I continue. Miss Dela Vega's lips parted a bit. Para itong natauhan saka umiling.

"Right, damn.." may ibinulong pa siyang hindi ko naman narinig.

Maya-maya pa ay nag iwan ito ng ilang libo sa table saka kami iniwan. Nanginginig ng kaunti ang kamay kong kinuha ang perang tig-iisang libo.

Saka binilang.

Ang kapal kasi.

"Tangna, twenty nine thousand para sa kape at cake?" gulantang kong tanong sa sarili?

Nagmamadaling lumabas ako ng coffee shop para habulin siya at ibigay ang sobra-sobrang pera. Pero sa kasamaang palad ay hindi ko na ito makita. Nagpapadyak ako sa inis.

Itinago ko ang twenty-eight thousand saka bumalik sa counter. Ibinawas ko ang kape at cake sa isang libo. Itinago ko na rin ang sukli. Isasauli ko na lang sa kanya ang pera kapag nagkita kaming muli.

"Nakita ko yun, ang kapal na pera. Magkano?" tanong ni Rick.

Umiling ako.

"Ibinalik ko sa kanya." pagsisinungaling ko.

"Ay sayang," inayos na lang namin ang mga table, at sinigurong lahat ay maayos ng nakalagay sa tamang lalagyan ang mga gamit bago kami nagsara ng tuluyan.

Hindi ko nga alam kung ipagpapasalamat ko bang wala si Miss Arigato ngayon. Kasi kung nandito siya, malamang ay walang pagdadalawang isip nitong kukunin ang pera mula sa akin.

Sabay na kaming umuwi ni Rick, iisang daan lang naman kasi. Si Dolcie naman ay sinundo ng ka-live in partner niya. Napatingin ako sa kulay itim na magarang sasakyang naka-park sa gilid.

Kanina pa yan jan nanjaan, napansin ko na rin kasi ang sasakyan na 'yan ng lumabas ako para habulin si Miss Sorandelle.

"Samahan na kita sa dorm niyo, Via." maagap akong umiling sa sinabi ni Rick.

"Mauunang madadaanan ang bahay mo, hindi ba? H' wag na."

"Hindi, ayos lang—" ako ang unang pina pasok nito ng may humintong jeep sa tapat namin. Mabuti na lang hindi na gaanong maraming sakay.

Nakakahinga ako ng maayos. Hindi katulad kapag umaga, lalo na kapag sobrang aga. Siksikan talaga.

"Hindi na, Rick. Saka, safe naman ako kapag nakababa ako ng jeep kasi may guard." nakatira ako sa dorm ng L.I.S, may ka roommate ako na for sure tulog na ngayon. O baka nga nanunuod na naman ng k-drama.

Iyon na lang ang halos inaatupag ni Chin. Bored daw kasi siya sa buhay. Naisipan pa nga nitong sumama sa akin sa trabaho pero may kaya ang pamilya nila. Hindi niya kakayaning mag-trabaho sa coffee shop.

Napatingin ako sa labas ng jeep ng makita ang kotse kanina, mabagal lang din ang takbo nito kagaya ng sa jeep na sinasakyan namin. Pwede na nga siyang mag over-take pero hindi ko alam kung bakit hindi niya ginagawa.

"Swerte nang nakasakay jan 'no?" biglang tanong ni Rick. Tumango ako.

"Ayan daw kasi' yung mga taong mababait sa past life nila." biro ko na tinawanan naman niya.

Di naman nakakatawa ang joke ko. Sira na humor nito. Kainis.

Nagpa-alam si Rick ng makarating na sa bahay nila, sinubukan niya pang I-convince ako na sasamahan niya pero sa hindi mabilang na pagkakataon ay tinanggihan ko siya.

Pero naki-usap naman siyang siya na lang ang magbabayad sa pamasahe ko. Kaya hindi ko na tinanggihan. Ako na lang ang magbabayad sa kanya sa susunod.

Nag-unat ako ng katawan ng makababa ng jeep, ah! This day is so tiring. Grabe ka na talaga sa akin Lord.

"Good evening, kuya." tumingin si kuyang guard sa relo'ng suot niya.

"Curfew na." sambit nito na tinawanan ko lang. Alam naman nilang nagt-trabaho ako kaya ginagabi ako ng uwi.

Nakangiting umiling ako, nahagip pa ng mga mata ko ang pamilyar na kotseng nakasunod kanina sa jeep na sinasakyan namin.

I just smile and shrugged it off.

Baka nagkataon lang.

Pagdating ko sa dorm room ay tama nga ang hinala ko, nanunuod na naman ng K-drama si Chin.

"Maaga ang pasok bukas ah." I said. Kumuha ako ng baso saka nilagyan ng tubig at ininom.

"Oo," may yakap-yakap pa itong chips. Nakitabi na rin ako dahil hindi pa naman ako inaantok. Dapat kasi mag-aaral ako after kong makapag hilamos.

Pero heto at nakikinuod ako sa laptop ni Chin.

"Pahingi nga," binigyan niya naman ako.

"Ano ba yang pinapanuod mo?" panay halikan naman kasi ang scene.

"Horror,"

"Shit." ibinalik ko sa kanya ang chips saka tumayo. Mag hihilamos na lang ako tapos mag-aaral kaysa naman bangungutin ako niyang pinapanuod niya.

Bahala nga siya kung mal-late na naman siya ng gising. Bubuhusan ko talaga ng malamig na tubig ang babaeng iyon. Parati na lang. Ang ganda nga niya, pero iyong mga mata naman niya ay nagmumukha namang panda.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status