Share

Chapter 2

Olivia's POV 

"Nandito na naman siya?" tumango si Jhon, isa sa mga kasama ko sa trabaho. Halos isang linggo na itong nagpapa balik-balik dito sa coffee shop namin. 

Buntong hiningang kinuha ko ang tray saka sinimulang ayusin ang usual na order ni Miss Dela Vega. 

As usual, ayaw nitong iba ang maghahatid ng order niya. 

Pasalamat talaga siya at si Kris ang naka toka ngayon sa counter. 

I sigh. 

Nahihirapan ako sa sitwasyon ko, lalo na at nandito na naman ang mga mapang husgang tingin ni Miss Arigato. It's not her real name, sadyang nakaka inis lang ang kasingkitan ng mga mata niya.

I mean—naiinis ako sa ugali niya, but I couldn't say that. Ibinubuntong ko na lang sa mata niyang halos hindi na naididilat. 

Naglakad ako papunta kay Miss Dela Vega dala-dala ang order niya. Wala naman siyang sinabi na kung ano. Tiningnan niya lang ako saglit bago ibinalik ang tingin sa phone niya. 

She look stress. 

Naka suot pa rin ito ng formal attire, mukhang galing sa trabaho. Tapos parating dito na sa shop namin ang tuloy niya. Uuwi talaga yan kapag mag-sasara na kami. 

At ilang gabi ng parating may sumusunod na magarang sasakyan sa kada jeep na sasakyan ko. Pero iba iba, kagabi nga isang Lamborghini na kulay white, noong isang gabi naman ay mustang na red. Hindi ko na alam kung nagkakataon lang ba. 

Kasi same spot sila ng hinihintuan noong kotseng una kong nakita, pauwi sa dorm. 

"You still need anything, Ma'am?" tanong ko. 

Ang tanga ko naman. 

Naiinis nga ako sa pagiging demanding niya, tapos ngayong hindi niya ako pinansin ay magtatanong ako kung may kailangan pa siyang iba. 

Sa bossy ng babaeng yan, syempre; magsasabi iyon kapag may kailangan pa siya. Pero dahil wala naman ay iiwan ko na sana. 

"A bottle of water," saad nito ng tumalikod na ako. I nod, kahit hindi ko sigurado kung nakita niya ba ang ginawa ko. Pumunta akong malaking freezer kung nasaan nakalagay ang mga drink namin. 

The temperature is enough to not totally freeze the whole beverages. Bumalik akong table niya dala ang tubig na hinihingi. 

"Anything else?" Tanong ko. 

Ibinaba niya ang cellphone, ipinatong ang dalawang siko sa lamesa bago ipinagsalikop ang mga palad. She crosses her legs and seductively look at me. 

"You, are you on the menu?" parang nang-aasar na tanong niya. Kaya naman as rude as it may seems, inirapan ko ito saka tinalikuran. 

Hindi naman ako nababahala, ginagawa niya rin kaya sa akin yan. Lalo na kapag nas-serve ako ng order sa ibang table, tapos magkakatinginan kami sabay tatarayan ako. 

Akala mo naman inaagrabyado ko siya. 

Nagtatrabaho ako ng marangal. Mabuti nga hindi ko pa siya pinapa-ban sa cafè. 

Lol. 

Kidding. 

Hindi nga pala akin ito.

Pero soon, wala pa akong coffee shop. 

Papatayo ako ng sariling akin, hindi muna ngayon kasi busy pa ako. Bukas na lang siguro. 

Ay—parati ko nga palang nakakalimutang isauli sa kanya 'yong pera. Hindi naman sa ayaw kong isauli. Nakakalimutan ko lang talaga. 

Pero noong gabing iyon, iyon din ang una at huling inaya niya akong sumama sa kanya. She's really weird e. Sinong matinong tao ang mag-aaya sa taong kakakilala lang niya? 

To think na until now, Dela Vega lang ang alam kong pagkakakilanlan niya. Malay ko ba kung isa pala siyang serial killer. 

Edi namatay ako ng hindi yumayaman? 

Let's skip to the good part na kasi, Lord. Hirap na hirap na ako sa buhay ko. Gusto ko ng yumaman. 

"Olivia," napapikit na lang ako sa inis ng marinig ang pagtawag sa akin ng manager namin. 

Ano ba namang buhay to, pagkatapos ko kay Miss Dela Vega, kay Miss Arigato naman. Bakit ba ganito itong mga babaeng ito? 

Humarap ako sa kanya ng nakangiti. 

"Po?" tanong ko. 

"Staff room, sumunod ka." buntong hiningang binitawan ko ang tray na hawak saka sumunod sa manager namin. Naabutan ko itong para na namang galit.

"Anong pag-uugali iyon?" 

"Ho?" nag maang-maangan ako. 

"Nakita ko ang ginawa mong pagtataray sa customer. Sa susunod nga, h'wag mo ng asikasuhin si Miss Dela Vega. Let me assist her." tumango ako. 

As if naman na papaasikaso sa iyo ang isang iyon. Tingnan na lang natin. 

Pupusta ko limang piso ko sa wallet. Hindi niya tatanggapin ang service ni Miss Arigato. Mag self-service na lang iyon kaysa tumanggap ng pagkain mula sa manager namin. 

Pfft—

Muntik na akong matawa sa iniisip ko, mabuti na lang napigilan ko pa kasi baka mas lalong mainis sa akin itong si Manager. 

"Bumalik ka na doon, h'wag mo ng aasikasuhin si Miss Dela Vega. I can handle her." 

I nod, "yes, Ma'am." saka ako umalis ng room at iniwan siya. 

Buong oras na natitira sa shift ko ay hindi ko nga tinitingnan si Miss Dela Vega. Hanggang sa ilang minuto na lang ang natitira ng mag taas ito ng kamay. I saw it. 

Nakita rin ni Miss Arigato at gaya ng sinabi niya ay hindi ko aasikasuhin si Miss Dela Vega dahil siya ang bahala. Kita kong kina-usap ni Miss Arigato si Miss Dela Vega. 

Nagkunyare akong may ginagawa ng bumaling ang mga ito sa banta ko. 

Pft—

Can handle her pala e. 

Para pang cino-concince nito si Miss Dela Vega hanggang sa sumuko na lang si Miss Arigato. Masama ang timplang lumapit ito sa akin, pahablot niyang inagaw ang pinupunasan kong baso. 

"Asikasuhin mo si Miss Dela Vega." 

"Pero, Ma'am.." kinagat ko ang pang-ibabang labi. "Sabi niyo—" 

"Olivia, ano ba." pasigaw nitong bulong. Gigil na gigil. "Ikaw nga ang gusto. Hindi ko alam kung anong kailangan niya. Puntahan mo na bago pa mainip iyon." 

Nangingiting tinungo ko nga ang table ni Miss Dela Vega. Bakit ako nangingiti? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang ay may pagtataka sa magaganda nitong mga mata. 

Nagtagal ang tingin niya sa akin, bago napunta kay Miss Arigato. Bigla ngang tumalin ang tingin ni Gaga. 

"Bakit mo naman ginanon ang manager namin?" tanong ko. 

Gusto ko pa ring matawa. 

"What did she tell you?" umiling ako. 

"Anong kailangan mo?" 

"I saw her expression, she's being arrogant." si Miss Arigato pa talaga. E' siya nga itong nilapitan na ng manager namin para asikasuhin ang kung ano mang kailangan niya. 

Confirm na talagang may sapak sa utak ang babaeng ito. 

Muli akong umiling. "Ano nga pong kailangan niyo?" itinuro niya ang tubig na hindi nga halos nangalahati. Kaso hindi na malamig.

"I want another one." I nod. Tumalikod na ako saka kumuha uli ng tubig. 

"Mag sasara na kami." I informed her. Alam naman na niya kung anong oras kami nagsasara dahil siya parati ang pinaka huling customer namin. 

"I know," binuksan nito ang water bottle. 

"Lilinisin ko na rin ang table mo," she just nod. Kumuha ako ng tray saka nilinis ang table niya. 

"Olivia..." tawag nito habang naglilinis ako. 

"Miss?" 

"You wanna come with me?" I shook my head. Saturday ngayon, at day off ko bukas. "Why not?" hinintay kong ilagay niya ang bottled water sa tray na hawak ko. 

"Kasi hindi po kita kilala." kung nagpapakilala lang sana siya ng tuluyan, edi sana baka pinagkatiwalaan ko na siya. 

Kaso hindi e. 

Tinatamad din akong hanapin ang pangalan niya sa internet. Mukha kasi siyang importanteng tao. 

Importante pero may saltik. Naks naman. 

Fair talaga si Lord. Kahit gaano kaganda, at kayaman itong babaeng nasa harapan ko, hindi naman siya nanalo sa pagiging matino. 

Thanks, God. Kasi hindi ako kasing baliw ng isang ito.

"C'mon, it will be fun." umiling ako. 

Linyahan ng mga manyak iyong sinabi niya. Jusko namang babaeng ito. 

"Umuwi ka na, Miss. Balik ka na lang dito sa monday." pag-papaalis ko. Matatapos na rin kasi sa paglilinis sina Kris at Dolcie. Tapos ako halos wala pang naitulong.

She heaved a deep sigh, "I understand." nag iwan na naman ito ng ilang libo sa table but this time, napigilan ko na siya. Ibinalik ko ang pera sa kamay nito. "Hey," angal ni Miss Dela Vega. 

"Hindi charity itong shop namin, Miss Dela Vega. Nandito pa nga sa akin iyong ilang libong iniwan mo. Nakakalimutan ko lang isauli tapos mag-iiwan ka na naman." 

"It's for the cake, coffee and water. Ano ba?" inirapan ako nito. 

"Cake, coffee at water pero makapal na tig one thousand peso bill uli? Gold ba yung tinda namin?" 

"And a tip.." 

"Hindi kami tumatanggap noon," nang masigurong hawak na niya ang pera ay tinalikuran ko na siya. Narinig ko na lang ang pagbukas at sara ng pintuan, sinyales na lumabas na ito. 

Wala si Rick ngayon kaya si Jhon at Kris ang kasama kong lumabas. Nasa loob pa rin si Miss Arigato. May gagawin yata. 

"Nag away ba kayo noong si Miss beautiful?" tanong ni Jhon. 

"Bakit naman kami mag-aaway," pumara kami ng jeep saka sumakay. 

"Halata kayang nagka initan kayo kanina." sabat naman ni Kris. Nagka initan? Ibinalik ko lang ang pera sa kanya. 

Tumingin ako sa labas ng jeep, bagong kotse na naman.. 

Kulay puti, pero hindi Lamborghini. Iba, hindi ko alam kung anong brand. 

Kagaya noong mga nauna, hindi rin ito nago over-take, naka sunod lang talaga siya sa jeep na sinasakyan ko. Hindi ko inaalis ang tingin sa sasakyan, kahit na bumaba na nga sina Jhon at Kris. 

Pagdating sa tapat ng dorm ay huminto muna ako. Huminga ng malalim bago tumingin sa parating hinihintuan nito. Napasimangot ako. 

Wala. 

Pag tingin ko naman sa kabila ay ayun na, nagpapaharurot na ng takbo. 

"Ang delulu ko pala." natatawang bulong ko sa sarili. Binati ko sina Kuya guard bago pumuntang building kung nasaan ang dorm namin. 

Naabutan kong nanunuod na naman ng k-dram—ay mali, C-drama na pala ang pinapanuod ni Chin kasi tapos na siya sa huling pinanuod niya. 

Sana naman hindi na yan horror. 

Ang daming naging customer namin kanina kaya kahit malakas ang aircon sa cafè ay sobra akong pinag-pawisan. Tumuloy akong kwarto para kumuha ng damit at mabilis na naligo. 

Hiniram ko na rin ang blower ni Chin para mabilis na matuyo ang buhok ko. Ang kapal pa naman nito, kasing kapal ng kumot na nakabalot sa katawan ni Chin. Tapos nakatutok pa ang electric fan sa kanya. 

Bigla kong pinatay ang electric fan. 

"Hoy ano ba!" angil niya. Itinuro ko sa kanya ang aircon na naka bukas. 

"May aircon na. Gusto mong lumaki lalo ang babayaran natin sa dorm. Apaka nito," buti siya may pambayad. 

"As if naman na nagbabayad ka, full scholarship ka diba?" binatukan ko na nga. 

"May bayad pa rin to kasi nagk consume rin ako." pumunta akong kusina na ilang hakbang lang ang layo mula sa sala namin. "Gusto mo ng milo?" 

"Oo," kapal talaga ng mukha. Hindi tumanggi. 

Nag init lang ako ng tubig na pang dalawang baso. Balak ko ring sumamang manuod kasama siya. Wala naman kaming pasok bukas, at isa pa. Sa second mass na ako magsisimba. 

Masyadong maaga ang first mass. Hindi kaya ng katawan ko. 

Naki-upo ako sa tabi ni Chin matapos kong makapag timpla ng dalawang baso ng milo. Mainit pa nga. 

Tiniis kong intindihin ang pinapanuod niya. Medyo confusing kasi hindi ko na nasimulan. Pero habang tumatagal ay nag-gets ko naman na. 

Napahikab ako, naubos ko na ang milo at ganoon din si Chin. Tumayo ako, dala ang dalawang gamit ng baso ay pumunta akong kusina para hugasan ang mga ito. 

Kumuha na rin ako ng tubig, uminom na ako at dinalhan na lang si Chin. 

"Tatlong episode na lang," malungkot niyang saad. Ni-tap ko ang balikat niya. 

"Hindi ko na kaya, antok na antok na ako." muli akong humikab habang naglalakad papuntang kwarto. Hinayaan ko na siyang magpuyat ng sobra ngayong gabi. 

Siya naman ang tanghali ng gigising bukas, hindi ako. 

Naupo ako sa kama saka tiningnan ang cellphone kung may text ba si mama, pero instead na text ni mama ang makita ko ay isang unregistered number. 

+6395*****014

I won't be seeing you for days :(

Kumunot ang noo ko. 

Sino 'to? Sino' tong bwakananginangshit na ito? 

Napaigtad ako ng muling tumunog ang cellphone kong mumurahin. Tangina. 

+6395*****014

Take care, see you. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status