Share

Chapter 3

Olivia's POV

"Nagmumukha ng flower shop itong kwarto natin, Via." Tama naman siua, inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto namin, puro bulaklak nga ang makikita. Sa loob ng dalawang linggo, araw araw na nagpapadala ng bulaklak si Miss Dela Vega sa'kin. Walang palya.

Alam kong maganda ako pero hindi ko naman alam kung ano ang trip niya sa buhay? Binabawasan niya ba ang yaman niya sa pamamagitan nang pagbili ng bulaklak at pagbibigay nito sa'kin araw-araw? Isama mo pa ang mga pagkain na kung hindi galing sa fast food ay galing naman sa isang mamahaling restaurant.

Kung sobra na ang yaman niya at gusto niyang bawasan, sana naman pera na lang ang ipadala niya. Jusko ka, baka matuwa pa ako. Hindi yung ganito. Aanhin ko itong mga bulaklak na nagkalat sa loob ng kwarto? Maliit na nga ang kwarto namin mas lalo pang lumiit dahil sa dami ng bulaklak.

Hindi ko naman siya masabihang tumigil dahil hindi na sya sa'kin nagpakita pa sa loob ng dalawang linggo. Ang babaeng iyon. Wala ng ibang ginawa kung hindi ang tumakbo sa utak ko araw-araw. 

"Hayaan mo na lang, chin." Inismiran niya ako at nagpatuloy sa pag-aaral. Napapadalas na yata ang pag aaral niya.

Humiga ako sa kama habang yakap yakap ang malambot na teddy bear nang makatanggap ako ng tawag mula kay mama.

Nakalimutan ko pala siyang tawagan, wala kasi akong load. Tipid ako ngayon. Gusto ko na rin kasing tumigil sa paglalabada si mama dahil medyo may katandaan na ito kaya minsan ipinadadala ko sa kanya ang pera ko. Tinitipid ko na lang ang matitira at kung kukulangin man, bahala si batman ang dumiskarte.

"Ma?" Bungad ko. Linggo naman ngayon at simula na naman ng kalbaryo ko sa buhay.

"Anak... Kamusta?" Unang bungad niya. I miss her. I miss my mama. Gusto ko ng makapag tapos at mabigyan siya ng marangyang buhay na ipinag kait sa kanya simula pa lang. Sa lahat ng naging sakripisyo niya para sa'kin, deserve niyang mamuhay na tila reyna balang araw.

"Ayos lang ma, ikaw?" Humigpit ang pagkakayakap ko sa teddy bear at biglang pumasok sa isip ang mukha ng babaeng dalawang linggo ng hindi nagpapakita.

Teka nga-

Gulat na napabangon ako mula sa pagkakahiga? What the fuck? Why am I thinking about her? Why am I thinking that she's the one I'm hugging? Hala natatanga na rin ba ako gaya niya? Maybe? Jusko, wag naman sana.

"A-ano nga ulit yun ma?" May sinabi kasi siya pero hindi maproseso ng utak ko.

"Kako anong balak mo sa birthday mo?" Ay oo nga pala, next month birthday ko na. Tatanda na naman ako ng isang taon.

"Wala ma, wala naman akong pera." Totoo naman kasi, dati noong high school ako ay ipinagluluto ako ni mama kahit kaunti, pero ng mahiwalay ako sa kanya, tamang simba na lang ako, at wala ng iba.

Tsaka na lang ako babawi kapag mayaman na ako. I mentally laugh, kailan kaya iyon? 

"May naipon ako anak, ibibigay ko sayo." Nagulat naman ako, nag lalabada pa ba sya?

"Ma? Wag na po, itago niyo na lang yan, ma. Hindi ko kailangan ng handa." 

"Eh anak uuwi ka ba sa pasko?" Napaisip naman ako, dalawang pasko na akong hindi nakauuwi at kapag hindi pa ako umuwi ngayon ay siguradong mag tatampo na si mama. Parati na lang siyang nag papaskong mag isa. Tinitipid ko kasi ang pera ko, malayo ang probinsya namin at baka kapusin ako ng pera.

Bumuntong hininga ako.

"Uuwi ako ma, pag iipunan ko po." Dobleng pag titipid na naman ang gagawin ko. Hindi na bale, ang importante ay makauwi ako kay mama ngayong pasko. 

Kinabukasan ay maaga akong umalis, tulog pa ng iwanan ko si chin. Mamaya pa naman ang klase niya. 

Sinalubong ako ni Avery kasama ang mga kaibigan niyang sina Syche, Sacharelle at Yaena.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Wala naman silang sinabi, sumabay lang sa'kin papasok sa unang klase namin. Si avery ang classmate ko sa lahat ng subject, habang sina Syche, Sacha at Yaena naman ay sa dalawang major lang at isang minor. Kaya minsan lang din kaming magkausap. 

"Let's eat together." Bigla yatang nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Sacha. Galante kasi ang isang ito kaya kapag kasama namin siya kahit gaano pa karami ang makain ko ay wala akong binabayaran.

"Oo ba, sige ba." Agad na sagot ko. Nagsitawan naman sila.

"Habol mo lang yung libre ni Sacha eh." Asar ni Yaena. Nginisihan ko naman siya. Ngayong doble ang pag titipid ko, iga-grab ko na lahat ng opportunity 'ni. Por que ang yayaman nila. Afford na afford ang halos kalahating milyong tuition fee sa L.I.S.

"Syempre, libre yun eh. Tatanggi pa ba ako." Sa sunod na klase namin ay kami na lang ni Avery ang magkasama.

"Samahan mo ako mamaya, V." V ang kadalasang tawag nya sakin kapag tinatamad siya.

"Saan? May pasok ako sa café." Sumimangot naman ito, tapos nabulong bulong.

"Kailan ka ba free?" parang batang tanong ni Avery. 

"Sa sunday." Umupo kami sa pinaka likod, ako sa tabi ng bintana.

"Ang tagal pa."

"Bakit ba?" Kinuha ko ang notebook ko sa bag para mag ready sa susunod na subject namin, wala pa naman ang professor at kakaunti pa lang kami rito.

"Papasama sana ako sayo sa salon. Alam mo na.." tiningnan ko naman siya. Salon? Siya? Sasamahan ko?

"Sina Syche na lang, mas afford nila for sure." Nagulat ako ng hampasin niya ang braso ko, hindi naman ganon kalakas.

"Ehh ikaw ang gusto ko."

"Sorry Ave, pero straight ako." Muntik na akong matawa sa naging itsura nito.

"Lalo na ako 'no," pikon niyang saad. 

"Alam ko, kaya mag isa kang pumunta sa salon." Hindi na siya nakaangal pa dahil dumating na rin si ma'am. Gulat na gulat kami ng magpa surprised quiz ito.

Literal, malamang olivia, bobo lang? Kaya nga surprise quiz eh.

Nakakuha ng Zero si Avery kaya naman tawang tawa ako.

"Nga pala V naalala mo si Kohan?" Tanong ni Yaena habang kumakain kami. Nahawaan na sila ni Ave na V ang tawag sa'kin.

"Oo naman." Si kohan, 2nd year kami ng nagbalak siyang ligawan ako pero hindi ako pumayag dahil sabi ko kailangan kong tutukan ang pag aaral ko. Last year ng manalo siyang President ng School council, ni respeto nya ang disisyon ko pero sabi niya na liligawan niya raw ako kapag handa na ako.

"Nagtanong sa'kin.." umangat ang tingin ko sa kanya.

"Ng?"

"Kung may nababanggit ka raw ba sa'min na gusto mo ng mag boyfriend." Umiling ako, ganon rin si Avery at Sacha.

Si syche naman ay walang paki alam na kumakain lang. Ang siba. Hindi naman nadadagdagan ang timbang. Sana all. 

"Wala." Ibinalik ko ang tingin ko sa kinakain.

"Pero gusto ka na raw niyang ligawan." 

"Why did he tell you that?" Tanong ni Sacharelle. Nag kibit balikat din lang si Yaena.

"Speaking of the devil..." Mahinang saad ni Ave. 

Tumingin kami sa labas ng cafeteria. Andun si Kohan. He looks clean. Halatang anak mayaman.

Ngumiti ito sa banda namin, nginitian ko siya. Kung ngiti ba iyon dahil sa pilit lang.

"He's gwapo naman ah, maraming nagkaka crush. You're swerte nga kasi untik now he's still waiting." Tumingin kaming apat kay Syche na ngayon ay ubos na ang kinakain.

Inilagay ni Sacharelle ang pasta niyang hindi pa nagagalaw. Tapos iyon naman ang pinagkaabalahan ni Syche. 

"Don't talk, just eat." That's her way of shutting Syche Oliveros from talking.

Hindi naman lingid sa kaalaman naming gusto ni Sacharelle si Syche at wala namang kaso iyon sa isa. 

Tuluyan nang nakalapit samin si kohan.

"Hi.." bati nito. Tinanguan lang siya ng tatlo kaya napipilitan naman akong mag "hello."

Hindi ko siya ma offer-an na umupo at sumabay na samin dahil saktong pang apatan lang ang mesang napili namin. Kumuha nga lang ng isang upuan sa kabilang lamesa si Yaena para maging lima. Mabuti na lang.

"Uh.." Hinaplos nito ang batok. Halatang nahihiya. "Can we talk, Via?" 

"Naku kohan ano.." kinuha ko ang kamay ni Ave na may suot na mamahaling relo. "Malapit na ang next class namin eh, next time na lang." after kong matingnan ang oras. 

"Mabilis lang naman." May accent pa ang tagalog nito. Halatang hindi sanay.

"Ngii." Ngiwi ko. "Talagang need na naming umalis eh. " Binalingan ko ang apat. "Hoy halina kayo, major pa naman ang next subject natin." Nagsitayuan naman sila. Nagpapaumanhin naman akong tumingin kay kohan.

"Sige ha, next time na lang kohan." Tumango ito, kahit na halatang pilit lang.

"Wews." Nasabi ko na lang ng makalabas kami ng cafeteria.

"Why not make him your boyfriend." Sayang, wala akong nadalang pagkain para pasakan ang bunganga ni Syche.

"Ayoko nga."

"Why?" Sacharelle ask.

"Ayaw ko lang."

"May nagugustuhan ka bang iba?" Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok ang babaeng yun sa utak ko, kinginang avery. Nag tanong pa talaga.

"Wala ah."

"Yumaman lang ang gusto niyan." Tumpak ka riyan yaena.

"LATE ka na naman." Unang bungad sakin ni Miss Arigato. Kapag ako yumaman who you ka sa'kin.

"Sorry ma'am. Late lang po kasi kaming pinalabas ng prof." Totoo naman. Nagpahabol pa ng quiz ang last period namin kaya naman na late ako.

Hindi na lang ako nito pinansin. 

"Trip na trip ka talaga ni manager ano.."

"Mas maganda kasi ako sa kanya." Sabay kaming humagikhik ni Kris sa sinabi ko. Well, it's true. I am more beautiful than her. Insecure lang siya kaya siya ganyan sa'kin.

"Thank you ma'am, sir. Come again." Isa isa ko silang nginitian. Nakakapagod. Haist.

Malapit na rin naman ang out ko at paunti-unti na rin ang mga tao sa café.

Pagod na rin akong kakatayo pero wala naman akong magagawa. Trabaho ito, at kailangan ko ng pera. 

Napatingin ako sa table na kadalasan niyang inuupuan kapag nandito sya sa café. Gosh, tatlong linggo pa lang mula ng makita ko siya pero sinakop nya na ang buo kong sistema. Hindi ko alam na may ganyang tao pa pala. 

Bumuntong hininga ako, kahit hindi ko man aminin alam ko sa sarili kong nami-miss ko ang pag taas baba ng kilay nya kapag nagkakasalubong ang mga tingin naming dalawa.

Kung paano syang mag taray, maging cold at maging parang tanga minsan. Isang linggo'ng pangungulit tapos heto ako, hindi na sya maalis sa sistema ko.

God, Dela Vega. Ano bang trip mo sa buhay? 

"Hoy out na." Naitulak ko naman ang mukha ni jhon dahil sa sobrang lapit.

"Gago lumayo ka nga." Inis na sabi ko. 

"Ikaw kasi nakatulala ka lang jan. Sino bang iniisip mo?" Tinarayan ko sya.

"Iniisip ko kung po-pogi ka pa ba." biro ko. 

"Grabe ka naman sa'kin via, gwapo naman ako ah."

"San banda?" Niligpit ko na lang ang mga kalat ko sa counter bago tumungong locker para kunin ang gamit ko. Sa wakas, makakahiga na rin ako.

Hinaplos ko ang mag kabilang braso dahil sa lamig. Ano ba yan, kanina pa ako nakatayo rito pero kahit taxi ay walang dumadaan.

Gustong gusto ko ng matulog. Gustong gusto ko ng magpahinga. Muli kong niyakap ang sarili ng humangin ng malakas. May mga dumadaang mga tao, may mga sasakyan dinf dumadaan pero mga service na. Kailangan ko ng jeep, o hindi kaya ay taxi. Wala na akong paki alam, basta ang gusto ko na lang ay maka uwi.

Napaigtad ako sa gulat ng mag kung anong bagay ang dumantay sa balikat ko. At ng maamoy ko ang pamilyar nitong pabango ay alam ko na agad kung sino.

Oh gosh lord.

Pumikit ako at pasimpleng suminghab ng hangin para mas mamoy pa ang pabangong dalawang linggo ko ng hindi naaamoy.

God, I miss her-what? No. No way. Ha? What the fuck? Ano yun? Anong sinabi ko? No, I don't miss her.

"Let's eat." Natigil ako sa pakikipag talo sa sarili ng marining ang boses nya. Ayan na naman sya, bossy.

"Sino ka??" Mahinang tanong ko sakto lang para marinig niya.

"I'm tired and hungry, Olivia, come on. Let's eat." I mean it, bakit hindi siya nagpakilala. Para naman alam ko kung ano nga ba ang pangalan nya.

Hinawakan nito ang braso ko para alalayan papunta sa sasakyan nyang naka park.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Ayan na naman ang buhok nyang bagsak na bagsak, hinayaan nya lang na nakalugay. Naka itim na long sleeve sya na itinupi hanggang siko. Itim na pants at brown leather shoes.

Ang manly pero ang ganda. S***a. Unfair Lord.

"Uuwi na ako.." gusto ko sanang irugtong ang pangalan nya pero hindi ko nga pala alam kung ano.

"Let's eat first. I'm hungry." Binawi ko ang kamay ko.

"Edi kumain kang mag isa mo." Tumingin naman ito sa'kin. Nagulat pa ako sa itsura niya. Alam kong maganda siya pero ngayon, para siyang pagod na pagod kumpara noong huli naming pagkikita.

"Please, Via." Damn it. Ang unfair lang. Sa kung paanong umikot ang pangalan ko sa kanyang dila habang ako ay apilyedo lang nya ang alam. Miss dela Vega. Pssh. Patawa.

I heaved a sigh. Mukha siyang kaawa-awa ngayon.

Nauna na akong pumasok sa sasakyan niya. Oh diba, kapal ng mukha ko. Ay anak ka ng tinapang hindi nabilad.

Ang sabi ko hinding hindi ako sasakay sa sasakyan ng magandang baliw na ito e.

Ano, Olivia? Masarap bang kainin ang sariling sinabi?

Ayos lang. Ako lang naman ang nakakaalam na sinabi ko iyon.

Ay shit. Mag kasing amoy na yata sila ng kotse niya. 

"Where do you want to eat?" Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may multo ng ngiti sa kanyang mga labi. Luh? Nakangiti siya?

Ipinilig ko ang aking ulo, imposible.

"Kahit saan." Yun lang at pina andar niya na ang sasakyan. Sa isang filipino restaurant kami pumunta. Dahil gabing gabi na ay kakaunti lang ang tao.

Bicol express at kanin lang ang order ko habang siya ay adobo at kanin. Tapos iba't ibang side dish. And drinks. 

Namangha pa ako ng mailapag sa mesa namin ang pagkain. Wow. Bicol express Rich version. 

Nag simula syang kumain, sumunod na rin ako. Busog ako pero dahil ilang oras akong tumayo sa counter ay parang bolang nawala lang iyong kinain ko.

"I went to France. One week. There's this fashion show that I needed to attend." Panimula niya. Bakit niya sa'kin ito sinasabi? Para lang may maging topic kami? Ganon? Kahit wag na. Kaya ko namang kumain ng hindi nag sasalita.

Pero...

1 week? Edi saan siya nag punta ng isa pang linggo?

"And then suddenly my sister called. Nasa hospital si lolo and he wants to see all of us. Kaya I don't have a choice but to stay in our province." Ah, okay. Patuloy lang akong kumakain ng makita kong hindi na siya sumusubo.

Inangat ko ang tingin habang nasa bibig pa rin ang kotsara.

"Bakit?" Tanong ko.

Mahina syang tumawa dahilan ng pagkakatigil yata ng mundo ko.

Taena naman.

"Nothing." May sinabi pa ito pero hindi ko na narinig.

"A day after I arrived. My lolo died." Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Sorry to hear that." Wow, via. Napapa english ka na rin ha.

Ikaw ba naman, parating nagi english itong kausap ko. Akala mo nasa ibang bansa.

"It's okay. People die anyway." Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya ron?

Hinayaan ko na rin syang ihatid ako. Don't worry, first and last na ito. Hindi na masusundan pa. Mukha kasing kailangan nya ng makakausap, kung usap ba ang tawag doon.

Wala kasi akong naging ambag.

"Thank you, Olivia." Ngumiti sa akin si Miss Dela Vega. Lord, fusto ko na lang na himatayin. Mas sanay pa akong tinatarayan niya.

"You're welcome."

Bumaba na ako ng sasakyan nya at sa hindi malamang dahilan ay sumunid siya. 

"Take care of yourself." Tumango ako. 

"Sige. Good night." bigla na lang iyon lumabas ng kusa sa bibig ko. Mabilis akong tumalikod dahil sa hiya. 

"Good night." I heard her says 

"Uh olivia.." muli akong humarap, nagulat pa ako ng sobrang lapit niya na.

She leaned forward, making me gasped in shock.

Jusko Lord.

Binigyan nya ako ng isang marahang halik sa noo bago ibinulong ang mga salitang gusto kong ikumpirma sa kanya dalawang linggo na ang nakakaraan.

"I like you, Olivia." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status