Of Frost and Fire

Of Frost and Fire

last updateHuling Na-update : 2023-02-10
By:  KivokOngoing
Language: English
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
84Mga Kabanata
5.0Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

love will always win exactly how it should. their love was bad, never good enough. she had always been afraid to move.

view more

Kabanata 1

PROLOGUE

“Bili na po kayo ng gulay! Murang-mura at sariwa pa!” sigaw ni Hope habang naglalako ng gulay. Lumapit naman si Elyze, ang nakababatang kapatid nito. Maraming tao sa kalyeng iyon kaya naman maraming suki ang lumalapit kay Hope.

“Ate!”

“Oh, Elyze? Ikaw pala? Anong ginagawa mo rito?” kunot noong tanong ni Hope. Sabay lingon sa mga nabili para asikasuhin ang mga ito.

“Ate, hayaan mong tulungan kita. Halos ikaw na lahat ang nagsakripisyo para lang maibigay lahat ng pangangailangan ko.” Malamlam ang mga matang nakatingin kay Hope si Elyze.

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Hope dala ang planggana at nag-alok sa mga tao.

“Hindi na.. Alam kong wala na tayong magulang kaya ako na lang ang meron ka. Kaya pa naman ni ate, isa pa kung iniisip mo pa rin ang tungkol sa pagtigil ko sa pag-aaral para sayo. Sarili kong kagustuhan iyon, Elyze bilang ate mo,” nakangiting tugon ni Hope at umalis.

Makalipas ang isang oras nang hapon na iyon, nakarating siya sa kanila at inabot kay Elyze ang pasalubong niyang meryenda.

“Heto ang meryenda mo, Elyze. Kumain ka na ng kamoteng kahoy,” nakangiting alok ni Hope. Tuwang-tuwa naman si Elyze habang tinatanggap ang pasalubong. Bakas sa muka ng dalaga ang labis na kaligayahan habang tinutulungan ang kaniyang ate na ibaba ang plangganang wala ng laman.

“Thank you, ate ko! Talagang mahal na mahal mo ako ah?” magiliw na tugon ni Elyze. Niyakap naman siya ni Hope at marahan itong tumango.

“Dahil ikaw na lang ang meron ako. Kaya gagawin ni ate ang lahat para sayo, Kapatid,” nakangiting sagot ni Hope. Sabay silang kumain ng meryenda at nagpahinga.

Samantala, natanggap naman si Elyze sa trabaho sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Renz. Ito ang lagi niyang kasama sa loob at sa trabaho. Hanggang sa isang hapon, umuwi sila ng sabay galing trabaho. Gaya ng nakagawian hinatid ni Renz si Elyze sa bahay nila. Sobrang tahimik ng lugar. Kaya hindi nila akalain na may iba pang tao bukod sa kanila.

"Maraming salamat, Renz. Ingat ka pauwi.." saad ni Elyze habang nakangiti. Tumango naman si Renz at dismayadong tumalikod dahil sa tinagal-tagal na nilang mag kasintahan. Ni hindi man lang nag-aabot si Elyze ng pang-gas. Nasanay ito na lagi siyang libre.

"Okay.. Goodnight.. Siya nga pala, baka bukas mag-commute na lang ako. Wala na akong pang-gas," sagot naman ni Renz. Supladong tinalikuran ng binata ang nobya.

"Sorry, wala na akong pang-budget sa gas. Sobrang dami naming gastusin, nag bayad kami ni ate sa tubig at kuryente dahil mapuputulan kami. Tapos, nagbayad na rin sa tindahan dahil naniningil na si Aling Maria. Baka hindi na kami makautang ulit? Bawi ako sa sunod pag nakaluwag.." paliwanag ni Elyze bakas sa muka nito ang hiya.

“Sige..” tumango naman si Renz. Paalis na sana ito nang matanaw ni Elyze si Hope na nakahandusay sa sahig at walang malay.

“Renz! Si Ate!” sabay turo ni Elyze sa nakahandusay niyang Ate Hope. Nakaramdam ng takot si Elyze nang daluhan niya ang ate niya.

"Ate! Gising! Gumising ka, Ate Hope! Anong n-nangyari sayo?!" kinakabahang tanong ng dalaga. Saka siya bumaling kay Renz.

“Renz! Magmadali ka! Dalhin natin si Ate sa Hospital!” natatarantang sigaw ni Elyze at pilit binubuhat ang kapatid. Tinulungan naman siya ni Renz at ito ang kumarga sa ate ng nobya.

"Anong nangyari, Elyze?" nakakunot noong tanong naman ni Renz.

"Inatake ata ang ate ko ng asthma sa sobrang pagod?” sumakay agad sila sa tricycle at nagpahatid sa Hospital. Makalipas ang kalahating oras nakarating sila sa maingay sa Hospital at mataong lugar. Natatarantang kinuha ng mga nurse ang kapatid ni Elyze at isinugod ito sa emergency room. Halos mang lambot naman ang tuhod ni Elyze sa nerbiyos habang naghihintay sa labas ng ER.

“Anong gagawin ko, Renz? Wala akong ibabayad,” umiiyak na tanong ni Elyze sobrang kinakabahan na talaga siya. Pakiramdam niya napakamalas niyang tao. Amoy niya naman ang kakaibang amoy ng ospital na mas lalong nakapagpahina ng mga tuhod niya kaya bahagya siyang napakapit sa pader habang umiiyak.

“Humingi ka ng tulong sa mga kandidato, Elyze,” suhestiyon naman ni Renz dahil mag-e-election na.

“Hindi ako tutulungan ng mga iyon,” sagot ni Elyze sa nababahalang boses. Sakto namang lumabas ang doctor at sinabing kailangang operahan si Hope dahil lumala ang sakit nito sa puso.

“Ano?! P-Pero, Doc.. Wala po akong.. Renz, pahiramin mo muna ako..” desperadang saad ni Elyze habang umiiyak, galit na hinatak ni Renz ang nobya matapos magpaalam sa Doctor.

“Nababaliw ka na ba, Elyze?! Anong akala mo sa akin, bangko? Wala na akong pera, ako na lang ba palagi huh?! Mahiya ka naman!” gigil na tugon ni Renz, halos mamula naman ang kamay ni Elyze sa higpit ng pagkakahawak ni Renz. Bahagya siyang napangiwi sa sakit. Binawi ni Elyze ang kamay niya at doon masamang tinitigan si Renz.

“Mahiya? Akala ko ba hindi ako iba?” nasasaktang tanong ni Elyze.

“Masyado ka na kasing pabigat, Elyze! Wala kang naitulong o naidulot na maganda sa akin! Mabuti pang maghiwalay na lang tayo!” salubong ang kilay na sagot ni Renz at walang alinlangang umalis. Hahabulin sana siya ni Elyze kaya tumakbo ito nang mabangga siya sa isang matigas na bagay.

“A-Aray!” Halos malukot ang muka ng dalaga sa lakas ng pagkakatama niya roon.

“Ayos ka lang ba, Miss Serrano?” narinig niya ang malamig na boses ng isang lalaki at nang mag-angat siya ng tingin. Tila na-starstruck si Elyze sa kakaibang kagwapuhan at karismang taglay ng kaniyang boss na si Oliverio, ang CEO ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho. Nakaramdam ng hiya si Elyze sa kaniyang pag-iitsura nang kaharapin ito.

“S-Sir..” nag-aalangan niyang sagot.

“Sorry, I accidentally heard what you and your ex-boyfriend talking about..” sagot agad ni Oliverio. Napahawak naman si Elyze sa laylayan ng kaniyang damit sa hiya.

“S-Sir, masisi niyo ba ako? Kailangan ni ate maoperahan.. Kailangan ko ng pera..” matapang na sagot naman ni Elyze.

“It happen to be, I need a contract wife and you urgently need money for your sister. Let’s help each other..” seryoso ang mukang tugon ni Oliverio, sumikdo naman ang puso ni Elyze at tila nabingi siya sa kaniyang narinig.

“How?” kinakabahang tanong naman ni Elyze, tila naghaharumentado ang kaniyang puso sa sobrang kaba.

“Marry me, Elyze..” seryosong sagot ni Oliverio.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Mga Comments

default avatar
LaPosay
I started this last night and I am already hooked!! plz upload ASAP
2020-05-21 06:44:53
4
84 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status