UNTI-UNTI nang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. This is it pancit! Mahahalikan ko na siya.
âLeslie, bangon na tanghali na!â Isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Pagsabog nga ba? âLeslie, tanghali na!âParang umaalog ako. Lumilindol ba?âAyaw mong gumising a.âBakit parang may nagsasalita?âMa naman!â hiyaw ko. Binusuhan lang naman ako ng malamig na tubig sa mukha ko. Ang lamig!âAyaw mong gumising e. Teka, bakit ngumunguso ka kanina?âWait, panaginip lang ba âyon? Sayang!âW-wala. Bakit mo âko ginising, Ma?â tanong ko. Natutulog pa ako e,â dagdag ko ulit.âMay pasok ka ngayon, hindi mo ba alam?â pabalang na tanong ni Mama sa akin.âSh*t!â bulalas ko. Dali-dali akong bumangon at pumunta sa CR para maligo. Hindi ko alam na ngayon na pala ang unang pagpasok namin sa eskwela. Bakit parang nahihilo ako? Anong nangyari kahapon?After kong maligo ay dali-dali akong nagbihis. Ayoko ma-late sa first day of school ngayon. Paglabas ko ng kwarto pagkatapos kong magbihis ay tumambad na sa akin ang mga pagkain para sa almusal.âAte, anong nangyari sa âyo kagabi?â tanong ni Cholo.âAnong ba ang nangyari kagabi?â tanong ko pabalik sa kaniya.âNaku anak hinatid ka lang naman ni Daphne rito kagabi na lasing na lasing,â sabi ni Mama. Lasing ako kagabi?âWala po akong matandaan e.â Napakamot na lang ako sa ulo.âNaku hangover lang âyan, anak. Kumain na kaya tayo para hindi kayo ma-late sa pasok niyo,â sabi ni Mama.âTamang-tama gutom na rin ako.â Takam na takam na âko sa pagkain na inihanda ni Mama.Kahit mahirap lang kami ay masaya kami, hindi katullad ng mayayaman na kahit marami silang pera e hindi naman sila masaya. Hindi nabibili ng pera ang kasiyahan.Nang matapos kaming kumain ay kinuha ko na ang bag ko para lumabas na ng bahay.âMa, alis na po ako!â Pinisil ko ang cute na pisngi ni Cholo at binigyan ko rin si nanay ng halik sa pisngi."Mag-ingat ka anak!"âOpo!â Sumaludo pa ako at naglakad na paalis ng bahay.âMagandang umaga, Leslie!â bati ng kapitbahay ko. Hindi sa pagmamayabang, kilala kasi ako rito sa baranggay namin. Palakaibigan kasi ako kaya kilala ako ng iba.âMagandang umaga rin po, Mang Pedro!â bati ko pabalik sa kaniya.Patuloy lang ako sa paglalakad, malayo-layo pa kasi ang lalakarin ko papunta ng eskwelahan. Hindi na ako nag-abalang sumakay ng trisikel kasi kaya ko namang lakarin ito. Walking distance lang naman kaya ayos lang. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang may biglang pumreno at muntik pa akong masagasaan. Putek!âAy palaka!â sigaw ko. Lumingon ako sa likod nang may pumrenong sasakyan at asul na sports car ang tumambad sa akin. Ang gara! Yayamanin ang lintik!"Hoy! Ano bang problema mo? Lumabas ka nga riyan, muntik mo na akong masagasaan! Ang luwag-luwag ng daanan sa kaliwa at dito mo pa naisipang dumaan? Hoy!" naiinis na bulyaw ko sa may-ari. Hindi ko alam kung naririnig ba ako ng driver sa loob. Pinalo ko ang harapang bahagi ng kotse niya gamit ang palad ko at bigla na lang akong nakaramdam ng sakit."Hoy ano ba?" Pilit ko siyang pinapalabas sa sasakyan niya. Kahit ang dumadaang mga tao ay napapatingin na sa akin. Wala akong pakialam! "Hoy! Ano bâ" napahinto ako nang lumabas na ang driver. Biglang nanlaki ang mga matako nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.âIkaw na naman?â tanong ko. Nanlaki rin ang mga mata niya sa nakita.âIkaw!â sigaw niya.âAnong ginagawa mo rito?ââDumadaan? Bakit sa âyo ba âtong kalsada ha?â tanong niya.âAbaât! Hoy ikaw, muntik mo na akong mabangga kanina! Alam mo ba âyon?ââHindi hoy ang pangalan ko, may pangalan ako, Miss. At saka hindi ko naman sinasadya.ââWala akong pakialam kung ano ang pangalan mo, Mister. Baka ma-late pa ako dahil sa ginawa mo. Bwisit! Panira ng araw!â Naglakad na ako palayo sa kanya. Bwisit na lalaking âyon, gwapo nga sana pero ang sama ng ugali.Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa eskwelahan at laking pasasalamat ko na hindi ako na-late.âGirl, ang tagal mo naman ata. Noon, ikaw pa âtong unang pumapasok kaysa sa akin, ngayon ikaw naman ang huli. Anong nangyari sa 'yo? Tinanghali ng gising?" Sunod-sunod niya tanong.âHindi. Muntik na nga akong masagasaan kanina at âyong muntik nang makasagasa sa akin ay 'yong lalaking nakipag-agawan ng notebook sa akin kahapon. Bwisit!ââAno? Siya?ââOo at wala ng iba.â Napairap na lamang ako.Pumasok na kami sa classroom at naghanap ng mauupuan namin. Napili namin sa likuran dahil para iwas recitation at iwas utos. Joke lang.May pumasok na teacher sa classroom namin. Siguro adviser namin siya. Maganda siya at mukhang hindi pa lumalagpas sa trenta ang edad niya. Halata kasi sa itsura niya.âGood morning fourth year Class Daisy! Iâm Ms. Toni Angeles, your class adviser.âNagsimula na kaming magpakilala sa aming sarili at ako na ang susunod na sasalang.âGood morning Maâam. Good morning classmates. Iâm Leslie Magtrano, 17 years old and my motto in life is Life is too short, donât make it shorter. Thank you.âNagpalakpakan lahat ng mga kaklase ko. Totoo naman e maiksi lang ang buhay kaya âwag natin itong sasayangin. Pagkatapos kong magpakilala ay may bagong dating na estudyante na siyang ikinalaki ng mga mata ko.Na naman?Leslie's POVARAW ang lumipas mula nang pumunta sa bahay namin si Phillip. Nasauli ko na rin ang jacket niya pero agad niya ring binalik sa akin. Nagtaka nga ako kung bakit pero sabi niya akin na lang daw 'yon.Kahit kailan talaga 'yong lalaking 'yon.At araw rin ang lumipas nang naging busy ako sa trabaho ko sa Golden Empire. Ngayong linggo ata naging abala ako sa trabaho. Madaling araw na akong nakakauwi sa bahay at pagdating sa school ay puyat ako. Natutulog lang ako sa classroom at hindi na rin ako nakikinig sa mga tinuturo nila sa amin. Ngayon nga ay pasado alas diyes na ng gabi at nandito pa rin kami sa opisina. Todo xerox ako sa mga binibigay sa aking dokumento at mas dinoblehan ko na ang bilis ko kompara sa dati.Hindi pala madali ito.Sa ilang linggo kong pananalagi dito ay ngayon ko lang na-realize na hindi pala madali ang ginagawa dito sa kompanya. Kahit 'yong matataas na rango sa akin ay sobrang abala rin sa kanya-kanyang ginagawa. Sina Aira at Maecah ay hindi na bumibisi
Leslie's POVMabilis lumipas ang mga araw at kahit ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan 'yong nangyari noong paghalik sa akin ni Rey. Kahit palagi niya akong nakakasalubong, ngingiti 'yon at para bang walang nangyaring paghalik sa akin 'yong tao. Palagi ring bumabagabag sa isip ko ang katanungang, may gusto rin kaya siya sa akin? Hindi mawala-wala sa isipan ko ang tanong na 'yan. Hindi na nga ako nakakatulog sa gabi sa kakaisip nun. Sinong hindi magugulat na bigla ka na lang hinalikan nung tao at first kiss ko pa siya ah. "Leslie, ano pang ilalagay namin dito?" Tanong ng kagrupo kong si Ivan.Linggo ngayon at wala akong pasok sa trabaho ngayon at kasalukuyan kaming nagdedesign sa assigned project namin dito sa bench ng school. At bilang leader nila (bobong leader to be exact haha), ako 'yong nagmamanage ng mga gagawin namin."Marami pa, hintayin muna natin si Phillip nasa kasi kanya 'yong pinapabili natin eh." Sagot ko. "Ang tagal naman ni Phillip," naiinip na tugon ni Jane, k
Leslie's POV"ATE, kanino 'yong magarang cellphone na nasa kama mo?" Tanong sa akin ni Cholo habang nasa hapag kainan kami, naghahanda na para pumasok sa eskwela."Sa akin," sagot ko nang may sinusubong pagkain."Talaga?! Sa'yo 'yon?!""Ito naman, parang hindi ka makapaniwala ano?""Nasaan ba 'yong dating cellphone mo at saan mo nakuha 'yan? Sweldo niyo na ba kaya nakabili ka ng mamahaling cellphone?" Usisa niya."Nasira kasi kahapon 'yong luma. Ito naman," sabay pakita sa kanya nitong cellphone ko. "... bigay sa akin ng k-kaibigan ko, oo bigay niya hehe." Nauutal na sambit ko.Bakit ang hirap bigkasin ang salitang kaibigan?"Kaibigan mo? Si ate Daphne ba?""H-Hindi.""Eh sino?""B-Basta kaibigan ko," sambit ko dito at sabay inom ng tubig."Baka bigay ng boyfriend mo?" Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya.Huk!"A-Anong boyfriend ka dyan?! Ni wala nga akong boyfriend eh!" Nauubong sabi ko."Okay ka lang ba, Ate?""Ikaw ba naman ang gulatin at masamid, sa tingin mo okay lang ak
Leslie's POVHindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa hawak ko. Hindi naman sa first time kong makahawak ng Iphone at hindi marunong gumamit nito pero iba kasi sa pakiramdam na may nagbigay nito sa akin.At sa tao pa na kinaiinisan ko.Hindi ako mapalagay. Tinitigan ko lamang ang ito at masusing pinagmasdan. Kasalukuyan akong nagpapa-photocopy nitong mga nakatambak na mga papeles at nanatiling nasa hawak ang atensyon ko.Tungkol doon sa inalok niyang kapalit, hindi na ako nag-atubiling tumanggi pa dahil kailangan ko rin ng panibagong magagamit na cellphone. Nung una, nagdalawang-isip ako sa magiging desisyon ko pero nakikita ko sa kanya ang sinseridad sa kanyang mga mata kaya pinagbigyan ko siya kahit labag sa pride ko.Lakas maka-pride 'no? Pride chicken, gusto mo?Napagdesisyunan kong buksan ang laman ng paper bag na hawak ko. Karton lang naman ang cellphone ang laman nito maliban sa...Ano 'to?May namataan itong isang papel at isang makapal na papel na sa tingin ko ay lalagya
Leslie's POVNakakapagod!Sobrang nakakapagod!Unang gabi ko pa nga lang sa trabaho pero parang bibigay na ang katawan ko sa sobrang pagod. Biruin mo, buong gabi akong pinapapunta sa kung saan-saang floor ng mga nagpapautos sa akin. Tignan natin kung hindi bibigay ang katawan mo nun.Kaya ang ending, inaantok pa akong bumangon sa kama ko. Parang hinahatak ulit ako nito at pilit pinapabalik sa pagkakatulog. Pero kailangan kong magising ng maaga kasi may pasok pa ako.Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at hindi na ako nagulat sa itsura ko ngayon. Para akong multo na ngayon lang nagpakita dahil bagsak ang mga mata ko, sabog ang buhok, at kumikilos na parang patay.Panget ka na nga, mas pumanget ka pa ngayon.Bigla nalang nagising ang diwa ko nang may naalala ako. 'Yung lalaki kagabi sa may elevator!Bigla na lang kasi niya ako kinausap at ako naman ay nagulat sa paglitaw niya."We meet again."'Yan ang sinabi niya na hindi ko maintindihan. Ano daw? We meet again eh kagabâteka... n
Leslie's POVNaalimpungatan ako ng gising at kitang kita ko ang sinag ng araw na dumapo sa katawan ko. Napagdesisyunan ko nang bumangon at gawin ang daily routine ko. Lunes na naman at papasok na ako sa school at pati na rin sa trabaho ko.Pagkauwi ko galing sa kompanya na pinag-apply-an ko ay doon ko din sinabi kina Mama at Papa na nag-apply ako sa nasabing kompanya. Nung una nagalit sila sa akin dahil nagsinungaling ako at hindi man lang ako nagsabi sa kanila kumbaga nagpadalos-dalos lang ako. Pero tinanggap na rin nila dahil gusto ko rin makatulong sa kanila at naiintindihan rin naman nila ang punto ko bilang mga magulang.Ang hindi ko lang maintindihan ay ang mga reaksyon nila. Imbis na galit ang dapat una kong makita, gulat ang kinalabasan. Bakit gulat na gulat sila nang banggitin ko 'yong kompanya? Dahil ba bihira lang sila tumanggap ng empleyado at nakatsamba lang ako? Hehe parang ganon na nga siguro 'yon.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at tingungo ang kus