Share

CHAPTER 2

“SORRY am I late?"

Parang uusok na ang ilong ko sa inis dahil sa nakita ko. Hanggang kailan niya ba ako lulubayan? Nakakainis na siya a!

“Ikaw na naman?” magkasabay naming tanong.

“Do you know him, Miss Magtrano?” Ms. Angeles asked me.

“Naku hindi po!” Umiiling sa sagot ko. Bumalik na ako sa sarili kong upuan at ang best friend kong si Daphne ay binigyan ako ng malisyosong ngiti.

“Girl, kilala mo siya?”

“Siya ‘yong nakipag-agawan sa akin ng notebook kahapon at siya rin ‘yong muntik nang makasagasa sa akin kanina,"

usal ko.

“Siya? Ang gwapo naman!” mahinang sigaw niya. Pinalo pa niya ako sa braso. Ang sakit no’n a!

“Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali.”

“Naku, Girl, destiny na ‘yan.” Sinusundot pa ako sa tagiliran.

“Anong destiny ka riyan? Nagkataon lang,” sambit pero ang magaling kong best friend mukhang hindi naniwala. Natigil ang pag-uusap namin ni Daphne nang magsalita si Ma’am

“Come in and introduce yourself.”

Lumapit na ‘yong lalaking sa harap. Ang mga kababaihan naman dito sa classroom ay nagtilian na parang mapuputulan na ng ugat sa leeg sa sobrang kakatili. Gwapong-gwapo e?

“Keep quiet!” sita ni Ma’am na siyang nakapagpatahimik ng mga babae rito sa loob.

“Good morning everyone, I’m Phillip Rosier and I’m 18 years old,” pagpapakilala no’ng lalaki.

“What is your motto in life?” tanong ni Ma’am sa kaniya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagmura. Hindi niya ba alam ang motto?

"Ah… my motto in life is…” Mukhang hindi siya mapakali pero naroon pa rin ang poise niya. Ilang segundo siyang natahimik at mukhang mag-iisip ng sasabihin. “Life is too short, don’t make it even shorter,” he added.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. What the hell? Bakit magkaparehas kami ng motto? Sinasadya niya bang gayahin ako?

“Oh, magkaparehas pala kayo ng motto ni Miss Magtrano. Please go to your seat beside kay... Magtrano.” Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Ma’am at ang lalaki naman ay may ngisi na sa mukha. Iniinis talaga ako ng lalaking ‘to. Urgh!

“Girl, destiny na talaga as in,” bulong ni Daphne.

“Tse!”

Hindi na nakakatuwa.

“Magkatabi pa tayo. Nice,” tumatangong sambit niya.

Hindi ko na siya pinansin. Magsalita kang mag-isa riyan! Hindi tayo close ‘no!

“Class, this is your schedule for this school year. Kindly copy this,” utos ni Ms. Angeles. Sinimulan ko nang kunin ang notebook ko mula sa bag at nagsimula nang magsulat.

Napalingon ako kay Phillip at pansin kong hindi niya ginamit ang notebook na inagaw niya sa akin kahapon.

Nakapagtataka. Nangunot ang noo ko at tinitigan siya.

“What?” tanong niya. Tinaasan pa ako ng kilay.

"Wala,” giit ko at binalik ang atensyon sa pagkokopya.

Bakit dito siya pumasok? Bakit magkatabi pa kami? Bakit dito pa siya sa section na ‘to? Bakit ginaya niya ang motto ko kanina? Bakit?

Sinusundan niya ba ako? Bakit iniisip ko siya?

Pansin kong nakatingin siya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin pabalik.

“Anong tinitingin mo riyan?” tanong ko. Hindi siya nagsalita.

“Bawal ba?” naghahamong tanong niya. Tinitigan niya rin ako.

Parang inaasar ako ng gagong ito. Kainis! Napairap na lamang ako.

“Girl, may kinokopya tayo ‘wag kang ano riyan,” sita sa akin ni Daphne. Ano ba ang ginagawa ko?

“Wala naman akong ginagawa a?”

“Wala nga ba?”

“Tse!”

Nag-aaral kami sa Huntsburg Academy. Isa sa kilalang eskwelahan dito sa Pilipinas. Maswerte ako dahil scholar ako rito. Hindi kasi biro na makapasok ka rito kasi ang mahal ng tuition fee. Kaya nagsipag akong mag-review para makakuha ng scholarship. Salamat sa Diyos na dininig niya ang panalangin ko na pumasa ako. Hindi rin biro na makakuha ng scholarahip dahil limited lang ito at 150 lang ang pwedeng makakuha ng scholarship kaya sinuwerte ako.

Dito ko napiling mag-aral dahil high standard kasi ang mga tinuturo rito kaya hayun, nagsipag at makamit ko naman ito.

Pangarap kong maging nurse kasi gusto ko na ako ang mag-alaga kina Mama at Papa pati na rin ang mataba kong kapatid. Mahirap lang kami at gusto kong maging successful balang araw para makabawi ako sa lahat ng paghihirap ng mga magulang ko para lang makapag-aral ako sa prestihiyosong eskwelahang ito.

Hindi biro ang mga pinagdadanan namin pero maswerte pa rin ako dahil may pamilya akong masasandalan. May pamilya ako na handang sumuporta sa lahat mga pangarap ko. At may pamilya ako na sobrang mapagmahal.

Gagawin ko talaga ang lahat para maging masaya sila. At hindi na ako makapaghintay na maging proud sila sa akin. I’ll make that happen. Wait for my turn.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status