A MONTHS LATERHabang pinagmamasdan ni Bryce si Gianna and Althea habang naglalaro ang dalawa sa dalampasigan. Hindi nya maiwasan na mapangiti, hindi nya kasi akalaing darating ang araw na magiging buo sila.Noong una palang nyang nakita si Anna ay naging interesado na siya dito. Hindi nya lang akalaing mamahalin nya ito. Akala nya ay wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa. Lalo na nong panahong umamin ito sa kanya kaso nga lang ay naging duwag siya ng mga panahong yon.Natakot siya sa mga pwedeng mangyare pero ngayon ay handa na siyang harapin ang lahat. Lalo na ay may anak na silang dalawa."Papa Arturo!" sigaw ni Althea kay Bryce.Natawa naman ng sobra si Gianna ng marinig nya na naman ang tawag kay Bryce ni Althea."Papa let's play please." agad namang umiling si Bryce."Baby we need to visit your cousin." umupo siya para maging kapantay nya si Althea."Talaga po? Makikita ko si Yael and Olivia?" tumango naman si Bryce.Excited naman si Althea at nag madali itong tumakbo papunta k
"Anna! Ano ba 'di ka pa ba gigising dyan?" Isang malamig na tubig ang nagpa gising kay Anna. Binuhusan pala siya ng ina ng tubig sa pagmumukha."Marami pang labahin don, oh! Kumilos ka naman hindi yong puro higa ka lang. Palamunin ka na nga lang dito tapos ganyan pa gagawin mo!" Matapos mag buyawyaw ng ina ay lumabas na ito.Bumangon si Anna kahit masakit ang kanyang katawan at mukhang lalagnatin pa siya. Labandera kasi ang kanyang ina kaya maraming labahin ang naka tambak ngayon. Mukhang siya lang din ang maglalaba nong lahat. Simula kasi mawala ang kanyang ama ay sinisisi siya ng kanyang ina kong bakit nawala ang kanyang ama.Nabaril ang kanyang ama dahil malaking tao ang binangga nila. Anak kasi ng gobernador sa kanilang probinsya ang nang bastos kay Anna at sinugod iyon ng ama ni Anna. Pero dahil sa wala naman silang laban sa pamilya na yon ay wala rin silang nagawa. Agaw buhay na sinugod ang ama ni Anna sa hospital at tuluyan itong binawian ng buhay kinabukasan. Nalubog din sila
Gumising siyang maayos na rin kahit pa paano ang kanyang pakiramdam. "Bilisan mo dyan Anna bumangon dahil pupunta tayo ng resort." Kusinera rin kasi ang ina nya sa resort kapag nangailangan ng magluluto. Lalo na kapag maraming guest.Agad siyang naligo bago nag-ayos ng sarili. Sumabay siya sa ina habang naglalakad."Hoy Merlina! Pinagtataguan mo ba kami? Baka gusto mo ipa barangay ka namin sa utang mo?" Nagulat sila sa biglaang pagsalubong sa kanila ni Aling Nacing. Ito yong naniningil sa kanila dahil baon na sila sa utang sa tindahan nito. Yong kahapon naman na pumunta na si Maricar ay kapatid nito."Ikaw pala Nacing, mamaya nalang namin bayaran pag-uwi. Papasok 'tong si Anna sa resort. Sure na talaga na babayaran ka na namin sa pag-uwi.""Siguraduhin mo lang ang tagal na nun, 'di pa bayad." Mabuti na lamang din ay 'di na ito nag tagal pa dahil may dumating itong bisita.Pagdating sa resort dumiritso agad ang ina sa kusina para magluto. Mukhang maraming guest ngayon dahil pagdating
Nakatingin si Bryce sa Mapa ng Barangay Tugdunan. Tugdunan ang pangalan ng lugar na pinuntahan nila kasama ang kanyang partner na si Oliver. Isa kasi sa mission nya bilang secret agent ay mag spy sa naturang lugar. Dito daw kasi ang kuta ng drug lord na pinaghahanap nila. Hindi lang basta ito drug lord dahil marami pa itong ibang mga illegal na gawain. Leader ito ng isang sindikato at 'di lubos ma isip ni Bryce kong anong meron sa lugar na ito kong bakit dito na isip mag hide-out. "Nakakalap ka na ba ng iba pang information?" umiling si Bryce sa tanong ni Oliver na kasalukuyang busy sa paghahanap ng signal. Mahirap kasi ang signal sa naturang barangay dahil 'di pa naman ganon ka improved ang lugar. Tanging sa dalampasigan lamang may signal at sobrang hina pa. Kailangan ay talagang mapag pasensiya ka."Hindi ko pa nakikita ang hide-out nila. Sigurado ba sila sa nakuha nilang information na dito naglulungga yong drug lord na yon?" "Maybe may iba pa silang lugar na pinagtataguan hindi
Nasa dalampasigan si Bryce at malapit na rin mag hating gabi. Nagpapa signal kasi ito dahil may i-se-send raw na files ang organization tungkol profiles na in-imbestigahan nila. Uuwi na sana si Bryce nang may marinig siyang paparating na isang grupo ng kalalakihan. Agad siyang kumubli sa isa sa mga puno."Pre, ngayon na ba ang dating ng mga armas?" nakikinig lamang si Bryce sa pinag-uusapan ng mga ito."Bobo ka ba? Kaya nga tayo naka abang ngayon dito!""Mga armas lang ba ang darating?""Hindi ko alam, pero mukhang may iba pa."Hindi maaninag ni Bryce kong sino-sino ang mga ito dahil sa madilim ang area. Wala rin kasi talagang buwan o bituin man lang na makikita sa kalangitan. Nanatili si Bryce sa pinagtataguan nito upang makakuha pa ng ibang information. Malalaki ang katawan ng mga ito halos doble ng katawan nya. Kaya kong babalakin nya man sumugod ay dehado siya. Wala rin naman sa mission nya ang sumugod kundi ang magmanman lang.Mga ilang minuto pa na paghihintay ay may dumating na
Naglalakad papunta sa resort si Anna ng makasalubong nya si Crissa at Melany. Bestfriend nya ang dalawa at kasalukuyang mag-aaral ng third year college sa pasukan ang dalawa. Naiinggit nga siya sa dalawa dahil malapit na sila grumaduate samantalang siya ay naiiwan pa rin. "Waaah! Beshy, I miss you!" Agad siyang niyakap ng dalawa at gumaan naman ang pakiramdam nya. "Kamusta naman kayong dalawa?" "Ayos na ayos, gala tayo mamaya minsan na nga lang tayo mag kasama eh." ani ni Crissa at halatang masayang masaya ito dahil nakita siya. Ilang years na rin kasi sila 'di nagkita dahil nag-aaral ang mga ito sa syudad. Kong uuwi man ito sa kanilang lugar di pa rin sila nagkikita dahil 'di naman lumalabas si Anna. Medyo malayo kasi ang bahay ng mga ito kaya 'di sila nagkakasalubungan. Wala rin silang komunikasyon dahil ang phone ni Anna ay 'di gumagana minsan at mahina sumagap ng signal. "Hindi ko sure, busy kasi kami ngayon sa resort. Lalo na darating si Mayor." "Hala, I heard that. Jowa pa
Nasa kanyang room si Bryce at hinihintay si Oliver. Kinailangan pa kasi nitong ma access ang cctv ng buong resort para 'di pumalpak ang kanilang plano. Palihim kasing pumasok ito sa kwarto ni Ayesha. Bumakas ang pintuan ng kanilang kwarto at bumungad si Oliver. "Ayos ba?" mayabang na sabi ni Oliver kay Bryce. "Nakuha mo ba?" "Ako pa ba?" mayabang na sagot pa rin nito. Itinaas pa nito ang flash drive na hawak para siguraduhin kay Bryce na nakuha nya nga.Nakita kasi nila kanina na may ibinigay na flash drive kay Ayezha ang mayor. Base kasi sa information na nakalap nila ay importante ang nilalaman nun. Kasabwat din ang mayor sa mga illegal na gawain sa naturang lugar."Lagay na natin sa laptop," agad nilagay ni Bryce ang flash drive.Maraming folder ang nakalagay pero walang mga laman ito. Pinaka huling folder na lang ang 'di nila na o-open at may nakalagay na file name na blue print.Pag click ni Bryce ay lumabas ang blue print ng buong isang bahay. Hindi lang siya as in bahay dahil
ANNA POINT OF VIEWPumasok ako sa resort kahit na masama ang loob ko kay mama. Alam ko naman kasi na kailangan namin ng pera kaya titiisin ko na lang. Isang araw na rin kasi akong absent at isang araw na rin kaming 'di nagpapansinan ni mama. Pero 'di ko pa rin lubos ma isip kong anong nangyare sa akin nong na lasing ako? Kong sino ang nag hatid sa akin?"Anna," pag dating ko pa lang ang tinawag agad ako ni Janice. Lumapit naman ako sa kanya."Ano yon?""Linisan mo nga yong room ko, absent kasi si Emelda." Naalala ko tuloy yong nangyare noong isang gabi."Pero 'di naman ako naka assign sa paglilinis sa kusina ako," sagot ko sa kanya. Kasi don naman talaga ako lagi naka assign."Sino bang boss dito?" nakataas pa ang kilay nito sa akin.Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Sa totoo lang 'di ko alam na ganito ang ugali ni Janice. Noong high school kasi 'di ko siya nakakausap kasi 'di naman siya namamansin. Habang naglalakad ako ay na pa hinto ako at napatingin sa buhanginan ng dalam