Se connecterTHE WORLD OUTSIDEIlang araw matapos ang naging usapan nila ni Jason tungkol sa pagbabalik niya sa school, hindi na muna iyon binanggit ni Elise.Hindi naman nagbago ang isip niya. Gusto lang niyang malaman muna kung posible ba talaga ang plano niya bago nila muling pag-usapan. Kaya nang isang umaga ay dumalaw si Riza at inalok siyang bantayan muna si Hope, naisip niyang iyon na ang pagkakataon para magtanong.“Hindi naman ako magtatagal. Pupunta lang ako sa school para magtanong sa registrar,” sabi ni Elise habang inilalagay sa bag ang ilang lumang documents niya.Karga ni Riza si Hope na abala sa paglalaro sa kuwintas nito. “Sige lang. Huwag kang magmadali. Ako na rito kay Hope.”Hinalikan muna ni Elise ang anak bago umalis.Hindi niya sinabi kay Jason na pupunta siya roon. Hindi dahil gusto niyang maglihim, kundi dahil wala pa naman siyang desisyong ginagawa. Magtatanong lang siya. Kapag nalaman niyang posible, saka niya ito kakausapin.Pagdating sa campus, kusang bumagal ang mga h
SOMEWHERE BETWEEN USHabang lumilipas ang mga buwan, pakiramdam ni Elise ay lalo ring bumibilis ang takbo ng bawat araw. Karaniwan nang nauuna siyang magising kay Jason para makapaghanda ng breakfast habang tulog pa si Hope. Pagkatapos kumain ng asawa at umalis para sa school, magsisimula naman ang sarili niyang routine—magliligpit ng pinagkainan, maglalaba, mag-aayos ng condo at, higit sa lahat, mag-aasikaso sa anak nila.Hindi naman niya kinamumuhian ang ganoong buhay. Sa katunayan, si Hope ang pinakamagandang parte ng araw niya.Habang lumalaki ang bata, lalo itong nagiging malikot at masayahin. Madalas siyang sundan nito sa kusina habang gumagapang at kakapit sa binti niya kapag abala siya sa paghahanda ng pagkain. Kapag yumuyuko naman si Elise at nagtatago sandali sa likod ng kitchen counter, tatawa nang malakas si Hope na para bang iyon na ang pinakanakakatawang bagay na nakita nito.May mga pagkakataon ding habang pinapakain niya ang anak, bigla nitong hahawakan ang mukha niya
A HOME OF OUR OWNHindi agad nakasagot si Elise sa sinabi ng mama ni Jason.Nasa kandungan ni Riza si Hope, abala sa paghawak sa kuwintas nito habang ang dalawang babae ay naghihintay sa sagot niya.“Gusto kong sa amin muna si Hope kapag nagsimula ka nang mag-aral.”Hindi naman masama ang pagkakasabi. Kung tutuusin, malaking tulong iyon. Pero hindi mawala kay Elise ang pakiramdam na may kapalit ang condo na ibibigay sa kanila.Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Salamat po. Pero gusto ko po sanang pag-usapan muna namin ni Jason.”Bahagyang kumunot ang noo ng babae. “Hindi naman namin siya kukunin sa inyo, Elise. Habang nasa school ka lang.”“Opo, naiintindihan ko.”“Then what's the problem?”Napatingin si Elise kay Hope. Nang makita siya ng anak, agad itong ngumiti at iniunat ang maliliit na kamay sa kaniya.Tumayo si Elise at kinuha ito mula kay Riza.“Wala naman pong problema. Pero kung lilipat kami, gusto ko pong kasama namin si Hope. Tapos tungkol po sa school…” Sandali siy
MORE THAN HIS WIFEHindi inaasahan ni Elise na magiging ganoon katahimik ang buong mesa.Hindi naman mataas ang boses niya. Wala rin siyang intensiyong bastusin ang mama ni Jason.Pero malinaw ang ibig niyang sabihin.Ang unang gumalaw ay si Jason.“Ma, gusto kong bumalik si Elise sa school.”Napatingin dito ang ina. “Wala naman akong sinasabing huwag na siyang bumalik.”“Pero parang gano'n na rin.”“Jason.”“Ma.”Doon kinabahan si Elise.Ayaw niyang mag-away ang mag-ina dahil sa kaniya.Hinawakan niya ang kamay ng asawa sa ilalim ng mesa.“Okay lang.”Pero hindi na umatras si Jason.“Hindi, love. Kasi tama ka. Anak natin si Hope. Hindi lang ikaw ang parent.”Napatingin si Elise sa kaniya.Hindi nito binawi ang kamay. Sa halip, mas hinigpitan pa ang hawak sa kaniya.Hindi na lumaki ang usapan. Pero ramdam ni Elise na hindi natuwa ang mama ni Jason.Nang pauwi na sila, ito pa mismo ang lumapit kay Hope at hinalikan ang apo.Pagkatapos ay tumingin kay Elise.“Hindi kita pinipigilan. Nag
A HOME OF OUR OWN“Parents mo?”Tumango si Jason.Hindi agad nagsalita si Elise.Maganda ang unit. Kung tutuusin, iyon din naman ang gusto niya—sariling bahay, silang tatlo, walang ibang kailangang isipin.Pero hindi niya maalis sa isip kung sino ang magbabayad.“Temporary lang naman,” paliwanag ni Jason. “Habang nag-aaral pa ako.”“Jason, ang mahal niyan.”“Kaya nga tutulungan muna tayo.”“Hindi tulong 'yon kung lahat sila ang magbabayad.”Napakunot ang noo nito. “Ano bang masama?”Hindi agad nakasagot si Elise. Alam niyang practical ang sinasabi ng asawa. Nakatira sila ngayon sa bahay ni Renato. Kung tatanggapin nila ang offer, kahit paano ay magkakaroon sila ng sariling space.Pero kilala na niya ang mama ni Jason.Hindi niya gustong dumating ang araw na sa tuwing may desisyon silang hindi nito gusto, maaalala nilang bahay din nito ang tinitirhan nila.“Gusto kong bumukod,” sabi niya. “Pero gusto kong kapag ginawa natin, kaya natin.”“Paano natin gagawin 'yon ngayon?”“Hindi ko ala
WHOSE DECISION IS IT?Hindi na muling pinatikim ng pagkain kay Hope ang mama ni Jason, pero hindi na rin bumalik sa dati ang mood sa mesa.Sinubukan nilang ipagpatuloy ang pagkain. May nagkuwento tungkol sa trabaho, may nagtanong kay Jason tungkol sa school, pero ramdam ni Elise ang paminsan-minsang tingin ng biyenan.Hindi siya nagsalita.Ayaw niyang doon sila magkaroon ng eksena.Pagkatapos kumain, siya na ang kumuha kay Hope. Nang magpaalam silang umuwi, maayos pa rin siyang nagmano at nagpasalamat.Tahimik din siya sa sasakyan.Ilang minuto silang nasa biyahe bago napansin iyon ni Jason.“Galit ka?”“Hindi.”Napabuntong-hininga si Jason. “Elise.”Napatingin siya rito. “Ano?”“Kanina pa kita tinatanong.”Hindi na siya umiwas. “Hindi ko nagustuhan 'yung ginawa mo kanina.”“Alin?”“Sinabi ko nang huwag munang pakainin si Hope. Tapos sinabi mong okay lang.”Napahawak si Jason sa manibela. “Hindi naman sa kinakampihan ko si Mama. Ang sinasabi ko lang, sobrang konti lang naman.”“Iyon n







