Hindi ko alam sa sarili ko pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko no'ng sinabi niya 'yon.Bakit ba kasi kailangan 'yon pa ang sasabihin niya no'ng nalasing siya kung hindi naman pala 'yon totoo? Kung ano ano na 'yong mga inisip ko dahil sa sinabi niyang 'yon tapos sa huli malalaman ko lang na kaya niya 'yon nasabi kasi lasing siya?Ang sakit. Ang sakit sa pakiramdam na mabigo ka sa expectations mo. 'Yong akala mo totoo na, hindi pa pala.Dapat pala kasi hindi agad ako nag assume. Dapat hindi ko sineryoso 'yong sinabi niya kasi lasing naman siya no'n at may possibility na hindi totoo 'yon. Pero heto ako, nag assume at nag expect na totoo 'yong sinabi niya na nagseselos siya samin ni Cedrick. Ang tanga ko. Umabot pa sa point na inisip ko na baka gusto nga niya ako. Isa akong malaking tanga pagdating sa karupukan. Ngumiti ako ng pilit sa kanya para matakpan itong sakit na nararamdaman ko at para ipakitang ayos lang ako. "Kuya, bakit nag e-explain ka?" kunware natatawa kong s
Tumakbo ako nang mabilis pa alis hanggang sa makababa ako ng second floor. May naririnig akong footsteps no'n bukod sa footsteps ko na tila tumatakbo rin ka sunod sakin. Tingin ko, si Kuya na 'yon na hinahabol ako kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pag takbo ko para hindi niya ako mahabol. Sa sobrang bilis ng pagtakbo ko e napapalingon na sakin lahat ng mga tao sa paligid. Nagtataka sila siguro kung anong meron at bakit ako tumatakbo na animo'y hinahabol ng masamang espirito. Pero hindi ko na sila inisip pa at pinagpatuloy ko ang mabilis na pagtakbo. Bahala na kung anong isipin nila sakin, ang importante ay makaalis ako rito.Paglabas ko ng building saktong napatigil na ako sa pagtakbo no'n habang natatarantang nag iisip kung tatakbo pa ba ako o magpapara ng taxi para makalayo agad dito?Saktong nakaabang no'n 'yong driver nila sa harap ng building para sunduin kami ni Kuya pareho at tinanong niya ako kung uuwi na ba ako at kung nasaan si Kuya at bakit hindi ko siya kasama. Pe
Sumapit ang bukas hanggang sa gumabi na. Kinabahan na ako kasi susunduin nga ako ni Cedrick dito sa bahay kagaya ng sinabi niya kahapon sa text.Kaninang umaga pa ako nag iisip ng palusot kung anong sasabihin kong excuse sa kanya para hindi na siya matuloy pero kahit anong piga ko ng utak ko e wala akong maisip na magandang dahilan. Kung meron man, puro waley lahat. No'ng makatanggap ako ng text galing kay Cedrick na papunta na raw siya rito sa bahay e nag panic na ako. Sa hindi malamang gagawin, naghanap na lang ako ng masusuot na damit na para bang wala na akong choice kundi ang pumayag na lang na kumain sa labas kasama siya.Pagkatapos kong mag bihis, lumabas ako ng kuwarto ko at bumaba. Saktong nakasalubong ko si Kuya na naglalaro ng online games sa phone niya nang mapatingin siya sakin at sa suot kong damit."San ka pupunta nang ganitong oras?"Magsisinungaling pa sana ako at sasabihin kong pupunta ako kay Mira nang bigla kaming makarinig ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay.
Simula ngayon, hindi mo na ako Kuya, manliligaw mo na ako. Understood?Nagpa ulit-ulit sa isip ko 'yong sinabi niya kagabi. Para na akong mabaliw kakaisip no'n habang nakangiting nakatitig sa kisame. Napanaginipan ko pa nga siya kagabi, at do'n sa panaginip ko e boyfriend ko na raw siya. Ang bilis, grabe!Bumangon ako at inayos ang sarili ko bago ako lumabas ng kuwarto ko para kumain ng breakfast nang makita ko sa kusina si Kuya na nag luluto tapos may mga pagkaing naka prepare na sa lamesa. Nagtaka naman akong napatingin do'n at napatingin sa kanya.Hindi ko inexpect na magaling pala siyang magluto.Akala ko puro lang siya pa pogi. Tapos ang suplado pa. Hindi ko akalain na magaling rin pala siya pagdating sa pagluluto.No'ng mapagtanto niyang parang may tao sa likod niya e napalingon siya at do'n na nagtama mga tingin namin."Gising ka na pala." aniya habang tinitikman 'yong niluluto niya. "Maupo ka." Tumango naman ako pagkatapos.Hinila ko 'yong upuang nasa tabi ko at tsaka ako um
Habang naglalakad si Kendall papalapit sa gawi ko ay napatulala lang ako habang iniisip kung totoo nga bang nakikita ko siya ngayon dito?Hindi ko akalain na nagising na siya mula sa coma. At ngayon, heto na siya. Hindi ko alam kung papano ako mag e-explain sa harap ng maraming tao ngayon na naguguluhan na sa nakikita nila.Nakikita ko sa mukha ni Kendall na hindi siya natutuwa. Halatang galit siya habang nakatitig sakin na any moment ay sasampalin ako."Siya po ang totoong si Kendall." dagdag pa ni Jennie. "Hindi 'yong babaeng kasama niyo ngayon.""Jennie!" sigaw ni Cedrick. "Tumigil ka na!"That time, inis na inagaw sa kanya ni Cedrick ang microphone at pabatong tinapon 'yon sa kung saan tsaka niya pinagalitan si Jennie. Si Kuya naman ay pinuntahan sina Mom na sobrang gulat na gulat sa nalaman nila ngayon. Nag explain si Kuya pero hindi sapat 'yon para maintindihan nila agad.Napatingin ako kay Kendall na ngayon ay nasa harap ko na.Napatitig ako sa mga galit niyang mga mata.Hin
Hinatid ako ni Cedrick sa bahay. Ilang beses pa niya akong sinabihan kung ayos lang ba ako na umuwi muna rito samin. Alam kasi niyang walang ilaw sa bahay kasi nga walang kuryente. Sobrang nag aalala pa siya dahil sa nangyare kanina at alam niyang hindi ako okay ngayon.Ilang beses niyang sinabi na do'n na lang muna ako matulog sa hotel nila para kahit papano mas maging kumportble ako pero tumanggi na ako kasi nakakahiya. At isa pa, ayokong nakakaabala ako.No'ng umalis siya, pumasok na ako sa loob ng bahay. Gamit ko pa 'yong flashlight ng cellphone ni Kendall no'n habang naghahanap ng kandila at posporo para gawing ilaw dito sa bahay. Sobrang dilim kasi, pati mga kapitbahay e wala ring mga ilaw kaya walang ilaw na nag re-reflect dito kahit papano.No'ng makahanap ako ng posporo at kandila ay agad kong sinindihan 'yon tsaka ko dinala 'yon sa maliit kong kuwarto tsaka ako umupo sa kama ko. Chineck ko 'yong mga text messages sa cellphone ko. Do'n ko lang nakitang maraming text message
1 week later~Ilang araw na akong walang tulog habang nag mumukmok lang sa sulok ng kuwarto ko matapos ang libing ni Lola. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Ang bilis ng pangyayare at ngayon mag isa na lang ako sa buhay. E kung bakit ba kasi ang daya daya ng mundo. Bakit kailangan sakin pa mangyare 'to. Bakit kailangan isa ako sa mga taong naghihirap sa mundo samantalang 'yong iba ang sa-sarap ng mga buhay. Naiinis ako kasi ang unfair ng mundo para sakin.No'ng mga araw na nawala si Lola, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak at magmukmok sa kuwarto. Ni hindi ko nga kinakausap sina Cedrick at Mira sa loob ng ilang araw. Sinusubukan nila akong kausapin at pakainin pero hindi ko sila kinikibo at tanging nakatulala lang ako sa kung saan.Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Lola. Dapat hindi ako naging pabaya. Dapat dinalaw ko siya palagi. Nagsisi ako kasi masyado akong nawalan ng oras para kay Lola. Ni hindi ko man lang siya nagawa
Pag gising ko, nakita kong sobrang linis ng buong bahay. 'Yong kurtina nakatali, 'yong sahig sobrang kintab, 'yong cabinet napaka pulido at wala ng alikabok at 'yong mga gamit na nagkakalat sa kung saan e nakalagay na sa kinalalagyan nila.Tapos nakahanda na 'yong breakfast sa lamesa at puno lahat ng tubig ang tab namin sa kusina, gano'n din sa banyo namin pag tingin ko.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.Impossibleng magagawa niya 'to nang ganito ka dali.At anong oras siyang nagising kanina para lang mag linis, mag igib ng tubig at mag luto?"Good morning, Girlfriend ko!" Agad naman akong napalingon sa likuran ko kung saan nakatayo siya't nakangiti sakin."Your breakfast is ready." nakangiting sabi niya. "Ang gagawin mo na lang ay mag hugas ng kamay para kumain."Tapos lumapit siya sakin at dinala ako sa lababo para mag hugas ng kamay. Pagkatapos no'n, hinila niya 'yong upuan tsaka ako pina upo."Kumain ka na." aniya. "Tsaka kung gusto mong maligo, puno na lahat ng tubi