Good evening! Umulan sa amin kaya baka bukas ulit ako mag-update.
Celeste's POV Nakaharap ako ngayon sa isa sa pinakamalalaking kaso sa career ko. Isang high-profile corporate dispute na halos tatlong buwan ko nang hinahawakan. Lahat ng atensyon ng media at legal industry ay nasa amin, lalo na’t ang clients ko ay isa sa mga pinaka-influential na negosyante sa bansa. Pero ngayong nasa loob ako ng courtroom, habang pinapakinggan ang mga argumento ng kabilang kampo, isang bagay ang napansin ko—hindi ako makapag-focus. Lahat ng naririnig ko ay parang ingay lang sa background. Madalas, ang ganitong klaseng setting ay ang mundo kung saan ako nag-e-excel. Ang bawat galaw sa korte ay parang isang chess game, at ako ang master strategist. Pero ngayon, hindi ko magawang ituon ang isip ko sa laro. Dahil sa isang dahilan—Chester Villamor. Ang aroganteng, cold-hearted billionaire doctor na napilitan akong pakasalan. Ang lalaking hindi ko dapat iniisip ngayon, pero patuloy na sumasagi sa utak ko sa pinakamasasamang pagkakataon. Muling bumalik sa isip ko ang
Celeste's POV Pagdating ko sa private restaurant na pagmamay-ari ng isa sa business partners ni Ninong Chester, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako pumayag makipagkita sa kanya. The place was secluded, sophisticated, and exactly the type of venue he would pick—somewhere discreet, away from prying eyes. Pagpasok ko, agad kong nakita siya. Nakaupo siya sa dulo ng VIP section, hawak ang isang baso ng whiskey habang nakasandal sa upuan na parang wala siyang pakialam sa mundo. Napansin kong kami lang ang customer. Mas mabuti ang ganito kesa may makakita sa amin at makarinig kung ano man ang pag-uusapan namin ngayong gabi. He looked completely unbothered. Samantalang ako? Pakiramdam ko parang may unos sa loob ko. Huminga ako nang malalim bago lumapit. The moment he saw me, he tilted his head slightly and gestured to the seat across from him. "Celeste," Ninong Chester greeted smoothly, his deep voice carrying its usual authority. Hindi ko siya sinagot at naupo na lang. "Let’s
Celeste's POV Pagkatapos ng gabing iyon, mas lalo akong naging determinado na panatilihing propesyonal ang lahat sa pagitan namin ni Ninong Chester. He could dictate the terms of our marriage all he wanted, pero hindi niya ako mapipilit na hayaan siyang kontrolin ang buhay ko. Kaya nga nang bumalik ako sa trabaho kinabukasan, ginawa ko ang lahat para ibalik ang focus ko sa aking legal career. I was handling a high-profile case, something that could push my name further as one of the most formidable lawyers in the industry. But no matter how much I tried to immerse myself in my work, my mind kept drifting back to him—to us. At ang mas lalong nakakainis? Parang hindi ako iniistorbo ng konsensya ni Ninong Chester. He went about his life like nothing had changed, like our secret marriage was just another business transaction. Then, the inevitable happened. *** “Celeste, hija! Bakit ngayon ka lang? Akala namin hindi ka na dadalo.” Pagkapasok ko pa lang sa ancestral house ng mga Alca
Celeste's POV “Your Honor, I move to dismiss the plaintiff’s claim on the grounds of insufficient evidence and malicious intent.”Matigas ang boses kong bumasag sa tahimik na korte, ang bawat salita ay may bigat na parang matalim na kutsilyong tumatama sa depensa ng kabilang partido.Nasa kalagitnaan kami ng isang mabigat na kaso—isang high-profile corporate fraud case kung saan ako ang pangunahing abogado ng akusado. Kung mananalo ako rito, mas lalong titibay ang reputasyon ko bilang isa sa pinakabatang abogado na kayang magpabagsak ng kahit sinong makapangyarihang kalaban sa loob ng korte.Ang problema?Ang prosecutor na kaharap ko ngayon ay si Attorney Martin Velasco—isang beteranong litigator na kilala sa pagiging walang awa sa mga kaso niya.Hindi pa man siya sumasagot, ramdam ko na ang pag-aalab ng courtroom. Lahat ng mata, nakatutok sa amin.Ngumisi si Velasco bago lumapit sa podium. “Your Honor, this is a blatant attempt to escape accountability. The defense is merely trying t
Celeste's POV Nagbukas ang pinto ng courtroom at agad kong naramdaman ang bigat ng bawat hakbang ko papasok. Ang mga mata ng lahat ay nakatutok sa akin, tila inaasahang makakakita ng isang matinding laban. Sa likod ng korte, nakaupo ang media, nakahanda ang mga camera at recorder para i-cover ang isa na namang high-profile case. Ang kliyente kong si Mr. Sebastian Go, CEO ng isang kilalang tech company, ay inakusahan ng insider trading at financial fraud. Huminga ako nang malalim bago tumayo sa harapan ng korte. Ito ang mga sandaling pinaghahandaan ko buong buhay ko. Sa kaliwang bahagi ko, nakaupo si Attorney Martin Velasco, ang paboritong prosecutor ng gobyerno para sa mga kasong may kinalaman sa corporate crimes. Matagal ko nang alam na balak niyang gamitin ang kasong ito para sirain ako—pero hindi ako magpapatalo. Hukom: "Let’s begin. Attorney Velasco, you may proceed." Tumayo si Velasco, lumapit sa witness stand kung saan nakaupo si Mr. Jonathan Lao—ang dating empleyado ng ku
Celeste's POV Pagkalabas ko ng courtroom, bumungad agad sa akin ang mga camera at reporters. Alam kong gusto nilang makuha ang unang pahayag ko tungkol sa pagkapanalo ko sa kaso. "Atty. Rockwell, anong pakiramdam matapos ang isa na namang matagumpay na trial?" sigaw ng isang reporter habang inilalapit ang mikropono sa akin. Nginitian ko sila nang bahagya, pero hindi ako huminto sa paglalakad. “Justice has been served. That’s all I can say.” Biglang may sumabay sa akin. Isang pamilyar na presensya. Si Ninong Chester. Naka-blue tailored suit siya, walang bahid ng pagod sa mukha, at tulad ng dati, nandoon ang signature smirk niya na para bang alam niyang naiinis ako sa presensya niya. “Another victory for you, Counselor,” aniya habang nakapamulsa ang kamay. Napatingin ako sa kanya nang masama. “Ano bang ginagawa mo rito?” Tumawa siya nang mahina, tila ini-enjoy ang pagkainis ko. “Gusto kitang panoorin habang nakikipaglaban sa korte. You were impressive, Celeste.” Tumaas ang kil
Celeste's POV Hindi pa ako nakakalayo sa korte nang maramdaman kong may humabol sa akin. "Celeste, huwag mo akong takbuhan." Napahinto ako sa gitna ng hallway nang marinig ko ang mababang, authoritative voice ni Ninong Chester sa likuran ko. Maraming tao ang dumadaan, mga abogadong abala sa kanilang kaso, ngunit hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim at lumingon. "Hindi kita tinatakbuhan, Ninong. Nagtatrabaho ako." Tinaasan niya ako ng kilay habang naglalakad palapit. "Talaga? Dahil ang nakita ko lang ay isang babaeng matigas ang ulo na patuloy na pinapahirapan ang sarili niya." Napairap ako. "Wala kang pakialam kung paano ko gustong gawin ang trabaho ko." "Actually, meron." Inilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa ng mamahalin niyang suit at lumapit sa akin. "Dahil asawa kita. At buntis ka. I’m not going to just stand by and watch you collapse in court dahil sa katigasan ng ulo mo." "Huwag mong gamitin ‘yang papel ng kasal natin para
Celeste's POV Muling bumalik ang lahat sa courtroom matapos ang recess. Matigas ang ekspresyon ko, ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang presensya ni Ninong Chester na umupo sa likuran, tila ba isang VIP guest na nagmamasid sa bawat kilos ko. "Ignore him, Celeste," bulong ko sa sarili ko. Mas mahalaga ang kasong ito kaysa sa presensiya ng isang aroganteng doktor na tila ba masyadong nasisiyahan sa pang-iinis sa akin. Tumingin ako sa judge, na seryosong nag-aabang ng susunod na mangyayari. Lumunok ako ng kaunti bago muling humarap sa witness stand. "Mr. Alvarado, sinabi mo na utos lang sa 'yo ang pag-apruba ng mga withdrawals. Sino ang nag-utos sa 'yo?" Napatingin siya sa paligid, tila ba nag-aalangan. "Hindi ko pwedeng sabihin." Nagtaas ako ng kilay. "Nasa ilalim ka ng panunumpa, Mr. Alvarado. Kung may alam kang impormasyon na makakatulong sa kasong ito, may pananagutan ka kung tatakpan mo lang ito." Napakapit siya sa gilid ng witness stand, halatang kinakabahan. "Kung sasabi
Napahawak ako sa tiyan ko, pilit pinapakalma ang sarili habang nakatitig sa dalawang lalaking nakatayo sa harapan ko.Parang huminto ang mundo ko. Ang puso ko ay tila lalabas sa dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi ko na malaman kung dahil ba ‘yon sa takot o sa unti-unting pananabik na sana ay makita ko na ang tunay na Drako. Pero paano kung mali ang piliin ko? Paano kung sa maling braso ako muling sumandal?“Drako…” bulong ko habang unti-unting umatras. “Which one of you is my husband?”Nagkatinginan ang dalawang lalake, pareho silang seryoso. Parehong may taglay na kumpiyansa at 'yon ang mas lalong nakakatakot.The one on the left stepped forward. “Caleigh, it's me. Don’t be scared. You know my eyes. You know my voice.”Pero hindi siya nagpatalo. 'Yung isa ring Drako, sumunod sa hakbang.“No. She knows me. Don't mess with her. Baby, come here.”Halos masuka ako sa pagkalito. Napahigpit ang hawak ko sa tiyan ko, at hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga luhang kanina ko pa pinipigil.
Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Nakangiti ako habang ka-video call si Drugo, ang pinsan ni Drako. Hindi ko napigilang mapatawa sa mga kwento niya, lalo na nang ikuwento niyang nagkagulo ang opisina nila dahil lang sa nawawalang siopao."You should've seen Tito Ramon," natatawang sabi ni Drugo. "He was about to launch a full-scale investigation just to find out who took it.""Seriously? Over siopao?" tawa ko rin habang nangingilid ang luha ko sa kakatawa."It was his favorite!" giit ni Drugo, sabay acting na parang detective. "I will not rest until justice is served!"Mas lalo pa akong natawa. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Drako, hawak ang isang baso ng tubig. Tumigil siya sa paglalakad nang makita niya kung sino ang kausap ko.“Drugo,” malamig niyang tawag, ngunit hindi niya pinigilan ang sarili niyang titigan ako.“Drako!” masiglang bati ni Drugo. “Hey, pinsan. Just making your wife laugh, you should t
Pagkababa ko mula sa hagdan ay nakita ko si Drako na nakaupo sa harap ng grand piano. Malayo ang tingin niya, tila may iniisip na malalim. Kasabay ng bawat pagpindot niya sa ivory keys, naramdaman kong bumigat ang dibdib ko. Kung dati ay galit at takot ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya, ngayon ay kabaligtaran na. Gulong-gulo ako.Pero hindi iyon sapat na dahilan para manatili ako rito.Kailangang malinaw ang lahat. Kailangang malaman niyang hindi sapat ang mga lambing at ngiti para kalimutan ko ang lahat ng nangyari.Huminga ako nang malalim bago siya tinawag.“Drako.”Agad siyang napalingon, at nang magtagpo ang mga mata namin, parang may kung anong bigat ang gumaan sa mukha niya.“You’re awake,” ani niya, tumayo at lumapit sa akin. “How are you feeling?”“I’m fine,” sagot ko. “But we need to talk.”Tumango siya, at sabay kaming naupo sa malaking sofa sa receiving area. Ipinatong niya ang mga siko sa tuhod, at tinitigan ako na para bang hinihintay ang sentensiya mula sa bibig
Habang pinupunasan ko pa ang labi ko gamit ang tissue, marahan akong inalalayan ni Drako pabalik sa loob ng silid ko. Tahimik lang siya, pero dama ko ang kaba sa bawat hakbang niya—parang takot siyang may mangyaring masama sa akin. Pagpasok namin sa kuwarto, agad siyang naglakad papunta sa wardrobe at binuksan iyon. Kinuha niya ang isa sa mga nightgown ko—'yung kulay cream na may manipis na tela at lace sa dibdib. Hawak niya iyon habang nakatingin sa akin. “You should get changed. You're sweating,” mahinahon niyang sabi, pero may halong pag-aalalang hindi niya maitago. Tumango ako. “I will. Thank you,” sagot ko, pilit na ngumiti. Akala ko ay lalabas na siya ng silid, pero nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ng kama. Nagtagpo ang mga mata namin. Tahimik lang siya. Parang naghihintayan kung sino ang unang magsasalita. “Drako,” binasag ko ang katahimikan. “Can you… give me a minute?” Tila nagulat siya. “I’ll stay. What if you collapse again? I want to make sure you’re okay.” Napa
Pagdilat pa lang ng mga mata ko ay agad na sumalubong sa akin ang malambot na liwanag ng araw na sumisilip sa mga mamahaling kurtina. Ngunit hindi iyon ang agad na pumukaw sa atensyon ko. Sa gilid ng kama, isang eleganteng gown ang maingat na nakalatag. Kulay champagne ito, na may mabining detalye ng mga burdang ginto sa laylayan, at tila sumisigaw ng isang gabing puno ng karangyaan. Isang uri ng damit na hindi mo basta-basta isusuot… lalo na kung wala ka naman sa isang engkantadong kwento. Napakunot ang noo ko. Bago pa man ako tuluyang makabangon, bumukas ang pinto. Maingat na pumasok si Drako, bitbit ang isang tray ng almusal—may gatas, prutas, at mainit na croissant. Isang simpleng tanawin na para bang kinuha mula sa pelikula. “Good morning,” aniya habang inilalapag ang tray sa bedside table. “Did you sleep well?” Napatingin ako sa kanya, pinagmasdan ang itsura niya—simpleng long sleeves at pajama pants. “Yeah, I guess,” maikli kong sagot. Ngumiti siya at naupo sa gilid ng k
Luminga ako sa paligid, halos hindi makagalaw sa kaba. Malapit ko nang maabot ang pintuan ng silid nang biglang may tumayong anino sa harapan ko. “Where are you going?” malamig na tanong ng lalaking kamukha ni Drako. Napaatras ako, halos madulas sa kinatatayuan ko. Ang mga mata niya ay naniningkit—hindi galit, kundi... uhaw. Uhaw sa isang bagay na hindi ko kayang pangalanan. “Get out of my way,” mariin kong sabi, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong tinig. Ngunit hindi siya tumabi. Sa halip, lumapit pa siya at bigla na lamang isinandal ang kanyang palad sa gilid ng mukha ko, hinaplos ang pisngi ko na parang may karapatan siya. At bago ko pa man namalayan, idinikit niya ang labi niya sa labi ko. Pumikit ako at agad kong inipon ang lahat ng lakas na mayroon ako. Sa isang iglap, ibinaon ko ang tuhod ko sa maselang bahagi ng katawan niya. "Agh!" napaatras siya habang napangiwi sa sakit. “You sick bastard!” sigaw ko habang mabilis na binuksan ang pintuan at tumakbo palabas ng si
Pagkapasok ko pa lang ng condo ay mabilis akong bumagsak sa sofa, hawak-hawak ang dibdib kong naninikip sa dami ng emosyon. Galit, hiya, takot, pagod. Lahat iyon sabay-sabay kong nilunok kanina sa harap ni Drako. At kahit na wala akong balak umiyak, hindi ko napigilang mapapikit at hayaang dumaloy ang luha sa gilid ng aking mga mata. Napansin ko ang biglang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng hoodie. Unknown number. Napakunot ang noo ko habang tinatanggap ang tawag. “Hello?” “Is this Mrs. Caleigh Valderama?” tanong ng boses sa kabilang linya—isang lalaking tila kabado at nagmamadali. “Yes, who’s this?” “This is from Saint Dominic Medical Center. There’s been an accident. The car registered under Mr. Drako Valderama... he’s been rushed here.” Parang huminto ang mundo ko. Luminaw bigla ang lahat ng ingay sa paligid—na para bang tinanggalan ng kulay ang paligid ko at pinuno ng isang nakakabinging katahimikan. “What... what do you mean accident?” namamaos kong tanong. Tumayo
Hirap na hirap akong huminga sa pagitan ng mga salitang paulit-ulit na bumabangga sa isip ko. Missing person. Ten million reward. Asawa ni Drako Valderama. Ako ang hinahanap ng buong bansa dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Dahil lang sa pagmamahal na hindi ko na kayang suklian. Dalawang araw na akong nakakulong sa loob ng condo. Hindi ako makatulog, hindi ako makakain nang maayos, at kahit ang ilaw mula sa bintana ay para bang naninindak. Para bang kahit anong oras ay may susulpot na lang para dalhin ako pabalik sa mundo niya kay Drako. Napabuntong-hininga ako habang yakap-yakap ang sarili. Tinangka kong tumawag muli kay Drugo, pero gaya ng dati—walang sagot. Maging ang mga mensahe ko ay seen lang. Hindi siya dumadalaw, hindi nagpaparamdam. Ilang araw na rin mula nang huli kaming nagkita. Hindi ko alam kung galit ba siya o may pinagdaraanan lang. Kumakalam na ang tiyan ko. Naghihimutok sa gutom. Wala na ring pagkain sa condo. Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong lumabas.
Pagkauwi ni Drugo, agad ko siyang sinalubong sa may pintuan. Kita sa mukha niya ang pagod, pero hindi pa man siya nakakahinga nang maayos ay agad ko na siyang hinila papasok ng sala. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko ng matino at makatotohanang desisyon para sa sarili ko—at para sa batang dinadala ko. "Can we talk?" tanong ko agad habang isinasara ang pinto. Napatingin siya sa akin at bahagyang tumango. "Of course. Did something happen?" Umupo ako sa sofa at pinilit ang sariling hindi magdalawang-isip. Nahihiya akong sabihin ang nasa loob ko, pero ayoko na ring patagalin. Wala akong ibang mapagsandalan ngayon kundi siya. "Drugo... I was thinking... baka p'wede akong magtrabaho na muna. Kahit anong trabaho na p'wede mong i-recommend sa company n’yo. Hindi ko na rin kasi alam kung hanggang kailan ako p’wedeng makisama rito. Nahihiya na ako sa 'yo." Sandaling natahimik si Drugo. Tinitigan niya ako na para bang sinusuri kung totoo bang ako ang nagsalita. Hanggang sa bigla siy