Good evening po. Stay tuned for more updates. Huwag kalimutan mag-iwan ng comments at i-rate ang book. Gem votes na lang din po. 💎✨
Pababa na ako ng elevator nang maramdaman ko ang biglaang paghatak sa buhok ko mula sa likod.“Ano ba—aray!” sigaw ko habang pinilit kong kumawala.Paglingon ko, halos masabunutan ko rin sa gulat at galit nang makitang si Claudine ang may hawak ng buhok ko, galit na galit ang mga mata niya—pulang-pula, nanginginig sa poot.“You bitch!” sigaw niya. “You’re trying to steal him from me, aren't you?! After all these years, hindi ka pa rin marunong makuntento!”“Claudine, let go of me!” sigaw ko pabalik, tinulak ko siya palayo pero mas lalo pa niya akong sinunggaban.“Akala mo ba hindi ko alam na pinupuntahan mo siya? That you’re trying to crawl back into his life like the snake that you are?”I snapped. “Snake? You have the audacity to call me that? You were the one who stole him from me in the first place! Ako ang asawa—ikaw ang kabit!”Nabitawan niya ang buhok ko, pero ang mukha niya ay parang sasabog na sa galit. Naglalagablab ang mga mata niya habang nilalapitan ako, waring lalapain a
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig lang sa kawalan, tahimik na hinahaplos ang buhok ni Calliope habang mahimbing siyang natutulog sa dibdib ko. Wala pa ring tigil ang kabog ng puso ko simula nang marinig ko ang balita mula sa korte: nawala ang lahat ng ebidensya namin. Parang sinakal ako ng biglaang takot, ng kawalan. Pero hindi ako puwedeng tumigil. Hindi ako puwedeng matalo—hindi pwede kung buhay ng mga anak ko ang nakataya.Habang mahigpit kong yakap ang anak ko, nag-vibrate ang cellphone ko sa tabi. Tinignan ko ang screen—isang tawag mula sa ospital. Saglit akong nagdalawang-isip bago sagutin. Malamig ang boses ng kabilang linya, pormal at diretso sa punto."Miss Devika, this is HR from Saint Agatha Medical Center. We regret to inform you that due to the sensitive legal issue you're currently facing, the hospital has decided to temporarily suspend your duties."Napapitlag ako. "W-What? You're suspending me? I haven’t even been convicted of anything!""We understand
Sandali akong huminto sa harap ng hagdang-bato ng korte. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng hangin o sa kaba sa dibdib ko, pero nanginginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang dami ng reporters na nakapalibot.“Are you ready?” tanong ni Drugo mula sa kanan ko. Suot niya ang itim na blazer, at kahit siya mismo ay halatang tensyonado, pinilit niyang ngumiti para sa akin.Tumango lang ako. “Wala nang atrasan, Drugo. I’m doing this for my children.”Kasunod namin si Mommy Celeste, nakasuot ng kulay ivory na power suit. Matikas ang tindig, seryoso ang mukha—ang imahe ng isang abogado na hindi kailanman nagpapatalo.“Follow my lead,” sabi niya habang pumasok kami sa harapan ng mga kamera.“Ms. Caleigh! Did Claudine Morris really fake your children’s deaths?”“Is this case a personal vendetta or are you really after justice?”“Atty. Celeste! Do you think this will ruin the Morris legacy?”Sunod-sunod ang tanong. Flash ng camera. Ingay ng microphones. Hawak ni Drugo ang braso ko, mahi
Nakaupo si Mommy Celeste sa likod ng mahabang mahogany desk, suot ang kanyang signature white suit, at nakatitig sa akin habang binabalangkas ang mga dokumentong hawak niya."I already reviewed the documents, Caleigh. The falsified death certificates, the medical records, the illegal adoption papers. May laban tayo." Malamig ngunit mariin ang tono ni Mommy Celeste.Hindi ko na napigilan ang pagbuntong-hininga. “Mom, I need them to pay. Hindi lang para sa akin, kundi para sa mga anak ko. I won’t let them live a lie any longer.”Tumango siya. “And they won’t. Claudine illegally declared your children dead, manipulated hospital records, and took custody without your consent. She committed identity fraud, falsification of public documents, child endangerment, and abduction. Hindi niya malalagpasan ‘to.”Napalunok ako. I could feel the fire burning in my chest. Hindi na ito tungkol sa galit ko—ito’y tungkol sa pagbangon ko bilang ina.“I want to file full custody. And I want Claudine and D
Kinabukasan, nagising ako sa sunod-sunod na katok at malalakas na sigaw mula sa labas ng bahay. Napabalikwas ako ng bangon, agad na sinilip ang mga bata—nasa kama pa rin silang lahat, mahimbing na natutulog.Pero ang sigaw na iyon…“Caleigh! Buksan mo ‘to! Alam kong nariyan sila!”Si Claudine.Mabilis akong bumaba mula sa kwarto at sa pagbaba ko sa hagdan ay agad kong naaninag mula sa bintana ang tensyong namumuo sa harapan ng bahay. Si Liliane, nakatayo sa tapat ng pinto, habang pilit na itinutulak paalis ang babaeng ilang ulit nang sinaktan ang pagkatao ko.“Claudine, umalis ka na! Wala kang karapatang manggulo rito!” mariing sabi ni Liliane, mahigpit ang pagkakatayo sa pintuan.“Wala akong karapatang? Seriously? I'm the legal wife of Drako Valderama!” pasigaw na sagot ni Claudine habang pasimpleng tinutulak ang balikat ni Liliane. “And who the hell do you think you are? His servant? His sidekick? O baka naman ikaw ang kalaguyo ni Caleigh?!”Bago pa makasagot si Liliane, isang malak
Itinulak ko si Drako at mabilis na tumalikod sa kaniya, pilit pinipigilan ang pag-ikot ng damdamin sa loob ko. Naririnig ko pa ang mahihinang tawa ng mga anak namin, tila tuwang-tuwa sa ginawa ng ama nila. Ako naman, halos hindi makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Napahawak ako sa dibdib ko. Damn it. Tinatraydor ako ng puso ko.Galit ako kay Drako. Matinding galit na pinanday ng pitong taon ng pagkakahiwalay. Pero sa isang halik lang, sa isang pagdampi ng labi niya sa akin, parang nawala lahat ng sama ng loob. Parang bumalik sa akin ang dalagang sobrang tanga sa lalaking ito.Ayokong maramdaman ito, pero andito ako ngayon, gising na gising sa gitna ng madaling araw, hindi dahil sa ingay—kundi dahil katabi ko siya. Ang lalaking nagwasak sa mundo ko noon.Tahimik akong bumangon. Dahan-dahan ang bawat hakbang palabas ng kwarto para hindi magising ang mga bata. Naglakad ako patungo sa banyo at agad naghilamos. Umaasang kaya nitong papawiin ang init na nararamdaman ko sa dibdib
"Drako!" sigaw ni Claudine, sabay hakbang papasok sa kwarto na tila ba pagmamay-ari niya ang espasyo.Napatingin ako sa kaniya. Nakasuot siya ng designer coat, may kasamang mamahaling bag na kitang-kitang isinadyang ipang-display. Ngunit hindi iyon ang umagaw ng pansin ko kung 'di ang gulat na ekspresyon sa mukha niya nang mapansin ang apat na batang nakatayo malapit kay Drako.Biglang kumunot ang noo niya. Para bang may gusto siyang itanong, pero hindi niya alam kung paano. Napatingin siya kay Calliope, pagkatapos ay kay Camila. Muli siyang tumingin kina Daemon at Dax. May alinlangang ngiti ang gumuhit sa labi niya.“Calliope, sweetheart,” sabay kindat niya sa isa sa kambal—na halatang hindi niya makilala kung sino. “Daemon, are you okay?”Nagkatinginan ang mga bata. Si Calliope ang unang lumingon sa akin na tila nagtatanong kung sino ba ang tinutukoy. Si Dax naman ay bahagyang napailing at marahang tinapik si Daemon sa balikat. “Wrong guess,” pabulong niyang sabi.Hindi ko napigilan
Nagpumilit si Drako na samahan ako sa paghahanap kina Camila at Dax. Hindi na ako tumutol, lalo na't may dala siyang sasakyan. Kailangan kong bilisan ang kilos ko. Every second counts."I’ll drive," aniya habang binubuksan ang passenger door para sa akin. "You just tell me where to go."Hindi ko alam kung bakit parang hindi ko kayang tanggihan ang tawag ng boses niya ngayon. Maybe it’s the urgency. Maybe it's the way he looked at me earlier—full of confusion and desperate hope.Agad kong tinawagan si Lianne. "Sabi niya, someone saw the twins sa may Centennial Park. They were playing near the carousel."Drako nodded. "Then that’s where we’ll go."Tahimik kaming bumiyahe. Ang mga kamay ko ay pinipigil ang panginginig habang hawak ang cellphone, baka biglang may tumawag ulit. Nakatitig lang si Drako sa kalsada, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Nang makarating kami sa park, hindi ko na napigilan ang sarili kong bumaba agad ng kotse. Tumakbo ako, hawak-hawak ang pangala
“BP is dropping!” sigaw ng nurse.“Charge! 200 joules—clear!”Napatakip ako sa bibig ko, pilit pinipigilan ang sigaw ng aking puso. Ang buong paligid ay gumuguho sa harap ng mga mata ko habang pinanonood kong sinusubukang ibalik ng mga doktor ang tibok ng puso ng ama ko.“Caleigh,” bulong ni Mommy Celeste habang hawak-hawak ang aking braso. “Let them work. Anak, we have to hope.”Pero paano ako aasa kung bawat segundo ay parang nananakaw sa amin?Napaluhod ako sa malamig na sahig ng ospital, nagmamakaawa sa kahit sinong pwedeng makarinig sa akin sa langit.“Please, God... not yet. Don’t take him away. Please…”Maya-maya, narinig ko ang tunog na matagal ko nang hinihintay—beep. “Pulse is back!” sigaw ng isa.Tumayo ako bigla, mabilis na lumapit sa kama niya. Pinayagan akong pumasok ng doktor, at nang makalapit ako sa kama, nakita kong bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri.“Daddy!” halos mapasigaw ako. “Daddy, please… please don’t leave me!”Binuka niya ang kanyang mga mata. Maiksi