Tahimik ang paligid habang magkasalo sa almusal sina Claudette at Killian. Bukod sa kaluskos ng kubyertos sa plato at mahihinang lagaslas ng hangin mula sa bukas na bintana, wala nang ibang ingay sa pagitan nilang dalawa. Pareho silang may iniisip—si Claudette, kung paanong natutunang tanggapin muli ang presensiya ng lalaking minsang sumira sa puso niya; si Killian naman, kung paano muling bubuuin ang tiwala ng babaeng mahal niya.Sa isang iglap, napako ang tingin ni Killian sa kaliwang kamay ni Claudette.Wala na roon ang singsing.Ang engagement ring na buong pagmamahal niyang isinukbit sa daliri ng dalaga noong araw na sinagot siya nito. Hindi niya alam kung kailan iyon nawala o kailan tinanggal ni Claudette. Pero ngayon, parang umalingawngaw sa tainga niya ang isang matalim na katotohanan—nasaktan niya nang labis si Claudette.Tumingin siya sa mukha ng dalaga. Nakayuko ito habang kinakain ang huling piraso ng itlog. Walang bahid ng galit sa ekspresyon nito, pero walang ni katiting
Unti-unting humina ang buhos ng ulan. Ang malalakas na patak kanina’y naging banayad na lang na ambon sa bubong ng lumang waiting shed. Sa loob, nakahilig si Claudette sa balikat ni Killian, mahimbing na natutulog habang mahigpit na yakap ang sarili upang labanan ang lamig.Tahimik lang si Killian. Hindi siya gumagalaw, ni hindi umiimik. Para bang sa bawat segundo ng katahimikan, mas lalo niyang napagtatantong mahal na mahal na niya ang babaeng ito—ang babaeng minsan niyang ginamit, pero ngayon ay handa niyang ipaglaban, protektahan, at mahalin habambuhay.Dahan-dahang ibinaba ni Killian ang tingin sa natutulog na mukha ni Claudette. Basa pa rin ng ulan ang ilang hibla ng buhok nito na kumakapit sa pisngi. Inabot niya ang kanyang panyo at maingat na pinunasan ang mga iyon, takot na takot na magising ito. Para siyang batang nanginginig habang hinahaplos ang pisngi ni Claudette gamit ang likod ng daliri."God, you're beautiful," bulong niya, halos hindi marinig kahit ng sarili niya.Bah
Hinila ni Killian si Claudette pabalik sa mesa matapos ang biruan nila sa shooting area. Habang inaayos nito ang maliit at mas magaan na baril sa kaniyang kamay, tahimik lang si Claudette.“Okay,” ani Killian, tinapik ang balikat niya. “Ito ‘yung basic handgun. Light lang, hindi masyadong malakas ang recoil. Perfect sa beginner tulad mo.”Kinuha ni Claudette ang baril, pero halatang alanganin ang hawak. Medyo nakakunot ang noo niya, parang hindi alam kung saan dapat nakaposisyon ang daliri.“Hindi ganiyan,” tawa ni Killian, lumapit sa likuran niya. “Sige, ako na.”Lumapit siya, sapat lang ang distansya para maramdaman ni Claudette ang init ng katawan nito sa likod niya. Hinawakan ni Killian ang kamay niya.“Dito dapat naka-anchor ang grip,” bulong ni Killian, pinapadulas ang palad niya sa ibabaw ng kamay ni Claudette. “Solid, pero hindi sobrang higpit.”Dumapo ang isa pa nitong kamay sa baywang ni Claudette, marahang ginigiya ang posisyon niya.“Relax ka lang,” dagdag niya, ang labi h
Katatapos lang ni Claudette maligo. Basa pa ang buhok niya at may suot na simpleng loose shirt at pajama. Habang pinupunasan niya ang buhok gamit ang tuwalya, narinig niya ang sunod-sunod na pagtawag mula sa labas ng silid.“Mommy Clau!”“Mommy Clau! Where are you?”“Mommy Claaaaau!”Napapikit siya sa inis. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang mariing kinagat ang ibabang labi. Pigil na pigil ang sarili na ‘wag mapikon—pero halata sa mga mata niya na tila ilang ulit nang ginawa ito ni Killian.“Isa pa, Killian, isusumpa kita,” bulong niya sa sarili, sabay marahas na hagod ng tuwalya sa buhok.Lumakad siya papunta sa pinto, hawak pa ang tuwalya sa balikat, handang pagalitan ang makulit na binata.Ngunit pagbukas ng pinto, agad siyang napahinto.Nakatayo si Killian sa tapat ng pintuan—ngiting-ngiti, may hawak na bouquet ng pulang rosas sa isang kamay at box ng pizza sa kabila.“Surprise!” masiglang bati ni Killian. “Sorry kung nabulabog ka, pero I figured… if you’
Ang liwanag ng araw ay dahan-dahang sumilip sa manipis na kurtina ng silid. Banayad ang hangin mula sa bukas na bintana, may dalang malamig na simoy na amoy dagat at damuhan. Sa gitna ng katahimikan ng umaga, unti-unting iminulat ni Claudette ang mga mata..Nakatagilid pa rin siya, at ang una niyang naramdaman ay ang bigat ng isang braso sa baywang niya.Napakurap siya, saglit na nalito, ngunit agad din siyang natauhan nang maalala ang nangyari kagabi. Ang mahigpit na yakap at ang hindi niya maintindihang desisyon na… lumapit. Sumiksik. At matulog sa piling ng lalaking ilang araw lang ang nakalilipas ay sinumpa niyang hindi na muli niyang pagbubuksan ng puso.Maingat niyang inalis ang braso ni Killian. Dahan-dahan, para hindi ito magising. Ayaw niyang harapin muna ang sarili—ang katotohanang piniling muli ng katawan at damdamin niya ang lalaking ilang ulit na niyang itinulak palayo.Pagkatayo niya, napalingon siya sa natutulog pa ring si Killian.Nakahilata ito sa kama, malalim ang tu
Ilang oras ang lumipas. Madilim na. Tahimik ang buong paligid.Pumasok na si Killian sa loob ng silid. Hawak niya ang tuwalya at isang bag ng gamit. Napatigil siya sa pintuan, lalo na nang makita si Claudette na nakaupo sa gilid ng kama, nakatingin sa sahig.“Okay lang ba 'to?” tanong ni Killian, dahan-dahang humakbang papasok. “Pwede akong sa sahig. May kumot naman ako—”“Just… take the other side,” malamig na sagot ni Claudette, hindi tumitingin.Hindi umimik si Killian. Tahimik siyang lumapit at inilagay ang bag sa sahig. Maingat siyang umupo sa kabilang dulo ng kama, ilang dangkal lang ang layo mula kay Claudette. Ramdam nila pareho ang katahimikan. Nag-ayos ng unan si Claudette. Tapos ay humiga siya nang patalikod kay Killian. “Lights off mo na lang ‘pag tapos ka na,” mahina niyang sabi.Hindi agad gumalaw si Killian. Pinagmasdan niya ang silhouette ng babaeng mahal niya—ang babaeng minsang sinaktan niya sa paraang hindi matutumbasan ng kahit ilang sorry. Pero sa kabila ng lahat