Share

Chapter 52

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-03-13 14:18:35
Celeste's POV

Muntik nang mahulog ang baso sa kamay ko nang marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto.

Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Si Ninong Chester naman ay lumabas sandali para asikasuhin ang ilang bagay sa ospital.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, dama ang kaba sa dibdib. Pagbukas ko, halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat.

“Mama? Papa?”

Nakatayo sa harapan ko ang mga magulang ko—si Mama Calista at Papa Carlos. Parehong nakataas ang kilay at may halong pagtataka ang mga tingin sa akin.

“Anak, anong ginagawa mo rito?” tanong agad ni Mama. “At bakit ang lalaki ng damit mo?”

Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng dugo sa katawan.

Hindi ko inaasahang darating sila. At higit sa lahat, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ako narito!

Mabilis akong nag-isip ng palusot. “Ah… e, kasi—uhm—nagpunta ako rito para makiusap kay Ninong Chester tungkol sa—sa kaso ko!”

Napatingin si Papa sa loob ng penthouse ni Ninong Chester. “Bakit hindi mo kami
Deigratiamimi

Good afternoon 🌞

| 14
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 283

    Tahimik ang paligid. Wala ni isang kaluskos kundi ang mahihinang halakhak ng mga bata at ang banayad na tunog ng cartoons mula sa iPad. Nasa sala kami nina Mama, Claudette, Larkin, at ng mga bata—lahat waring saglit na nakalilimot sa mundo sa labas ng bahay. Si Drako, nasa tabi ko. Tahimik lang, pero hindi mapakali. Ang mga mata niya, para bang laging may binabantayan. Or maybe… someone he’s expecting.Katatapos lang ng hapunan. Ang kambal—sina Calliope at Camila—masaya sa pagbuo ng Lego sa carpet. Sa kabilang gilid naman, sina Dax at Damon ay nakahiga sa fluffy na throw pillows, abala sa panonood ng Paw Patrol. For a brief moment, everything looked perfect. Parang isang painting ng ideal family. Peaceful.Pero sa likod ng katahimikan, may gumagapang na kaba sa dibdib ko. Something felt... off. Hindi ko maipaliwanag, pero parang may multong paparating.“Turn on the TV, love,” mahinahong utos ni Claudette kay Larkin habang inaayos ang mga pinagkainan. May bahid ng pagod ang boses niya,

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 282

    Pagkarating namin sa ospital matapos ang pagbisita sa puntod ni Daddy, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib. Para akong may dalang ulap ng alaala—mabigat, malungkot, pero may konting liwanag. Wala mang luhang tumulo, parang kanina pa ako umiiyak sa loob.Pagbukas ng elevator sa floor kung saan naka-confine ang mama ko, agad kong naramdaman ang kakaibang presensya. Mula pa sa hallway, kita ko na ang mga siluetang nakatayo sa tapat ng private room ni Mommy. Isang pamilyar na katawan ang una kong napansin—ang matangkad na lalaki na nakasuot ng beige suit, neat ang ayos ng buhok, at may hawak na bouquet ng white roses.Napakagat ako sa labi.Si Larkin.At ang babaeng nakatayo sa tabi niya, naka dusty rose na dress at may natural na classy aura sa bawat galaw—walang iba kundi ang kapatid kong si Claudette.“Claudette…” mahina kong bulong sa sarili ko, bago tuluyang bumilis ang hakbang ko.Nakita ko rin si Drako—nakatalikod siya habang nakikipag-usap kay Mommy. Nakataas ang isang kilay ko.

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 281

    Tumitibok ang ulo ko habang pababa ako ng sasakyan. Parang may sariling buhay ang galit ko—humahampas sa dibdib, umaalab sa ugat, nilalamon ang katinuan ko.Hindi ko alam kung anong eksaktong nararamdaman ko. Galit? Poot? Paghihiganti?Lahat. Lahat ‘yon, sabay-sabay.Matagal ko nang hinintay ‘to. Ilang gabi na akong hindi nakatulog sa kakaisip kung paano ko siya haharapin. Paano ko siya sisigawan. Paano ko siya papatayin sa tingin pa lang.And now, finally, here he is.Nakasuot pa rin ng puting long sleeves, pero gusgusin na. Ang dating kinagigiliwang mukha ni Anthony Salvador—na minsang pinagkatiwalaan ng buong ospital—ngayon ay mukhang basurang nilumot ng kasinungalingan.Pinanood ko siyang hawak ng dalawang operatiba habang nakaupo sa interrogation room ng isang abandonadong safehouse—isa sa mga sikreto ni Leo na ginamit naming pansamantalang kulungan habang iniiwas sa media ang isyu.“Bring me in,” utos ko sa agent sa tabi ko. Mabilis siyang tumango at binuksan ang pinto.Pagkapas

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 280

    Nagmamadali akong tumakbo papuntang Room 306 ng ospital habang ramdam ko pa rin ang malamig na pawis sa aking likod. Bawat hakbang ay parang tinutusok ng kutsilyo ang dibdib ko—matalim, masakit, at walang pasabi.Pagbukas ng pinto, bumungad agad sa akin ang amoy ng antiseptic, ang puting ilaw na tila masyadong maliwanag para sa gano’ng klaseng sitwasyon, at ang katahimikang nakakabingi.Nakita ko si Drako.Nakasuot ng puting hospital gown, may benda sa noo, at mga tubo sa ilong niya habang mahina ang tunog ng monitor sa tabi niya.Parang hindi ko siya makilala.Parang hindi siya ‘yung lalaking yakap ko araw-araw—‘yung humihilik pa habang nakayakap sa 'kin sa kama.Lumapit ako nang dahan-dahan. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.“Drako...” mahina kong tawag habang nilalapit ang sarili ko sa kama niya. “Baby... I’m here.”Umupo ako sa gilid ng kama at marahang hinawakan ang kamay niyang malamig pa kaysa dati.“Come on... you promised me.” Napahikbi ako habang patuloy kon

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 279

    Nakaharap ako sa salamin ng kwarto habang hawak-hawak ang cellphone ko—walang tumatawag, walang update. Ilang minuto, ilang segundo, parang buong araw na ang lumilipas habang wala pa ring balita mula kay Drako.Ang mga kamay ko, nanginginig. Buong katawan ko, malamig. Ang puso ko, tila nilulukot sa kaba.Nasaan na siya?Buhay pa ba si Mommy?Napaupo ako sa gilid ng kama, yakap ang sarili kong katawan, pilit na pinipigilang umiyak. Pero hindi ko na kaya."God, please..." bulong ko, halos wala nang boses. "Not again. Please don't take her away from me."Tulad ng dati, walang sagot ang katahimikan.Nasa isang safehouse daw si Drako kasama ang mga tao niya. Na-trace nila ang van na ginamit sa pagdukot. Armed men. Multiple targets. Ang sabi ni Leo, high risk ang operation.Wala si Drako sa tabi ko.Nasa panganib siya. Dahil sa ‘kin. Dahil sa Mommy ko.I couldn't breathe.Tumayo ako, naglakad paikot sa kwarto, walang direksyon. Napatigil ako sa harap ng balcony at marahas na binuksan ang sl

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 278

    Kinabukasan. Mainit pa rin ang pakiramdam ng katawan ko, hindi lang dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa sheer curtain ng kwarto namin, kundi dahil sa braso ni Drako na mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Ang hininga niya, malalim, mainit, dumadampi sa batok ko—mahimbing pa ang tulog niya, tahimik, tila ba wala nang ibang problema sa mundo. Napangiti ako habang nakahiga lang doon, ninanamnam ang sandaling ito na parang isang panaginip. Gamit ang hintuturo ko, iguhit ko ang pamilyar na peklat sa balikat niya. Isa ‘yong paalala ng mga sugat ng nakaraan—mga lihim na ginawang armas, sakit na naging lakas. Pero ngayon, ang mga sugat na ‘yon ay hindi na lang alaala ng madilim na kahapon… kundi ebidensya ng paninindigan niya—na kahit basag siya, pinili pa rin niya akong mahalin. Nagulat ako nang biglang kumilos ang katawan niya. Lumapat lalo ang braso niya sa katawan ko, saka siya huminga nang malalim. “Ang tahimik mo naman diyan,” bulong niya, paos ang boses, halatang bagong gi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status