Accueil / Romance / One Night, Forever Mine / Chapter 4 : The Boss

Partager

Chapter 4 : The Boss

Auteur: BelleNocturne
last update Date de publication: 2026-09-15 09:28:35

ATHENA'S POV :

Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa 32nd floor na ako ng Imperial Holdings.

First day.

Huminga ako nang malalim bago ko inayos ang ID na kabibigay lang ng HR kanina. Nanginginig pa ang kamay ko habang binabasa yung nakasulat.

*ATHENA SEBASTIAN - Executive Secretary*

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas kakabahan. Hindi dahil first day ko.

Kundi dahil ang boss ko, ang lalaking naka-one-night stand ko nung nagpanggap akong Irish sa bar.

Pagbaba ng elevator, ibang mundo na agad. Malamig. Mabango. Makintab lahat. Sa reception pa lang, amoy mamahaling kape na. May dalawang sofa na pang-magazine, pantry sa dulo, at yung p***o ng opisina ni Gregory Imperial na kahit nakasara, parang may sariling presensya.

Nilapag ko yung bag ko sa table ko sa labas ng opisina niya. Kakalatag ko pa lang ng gamit, bumukas yung p***o.

Lumabas si Greg.

Charcoal gray suit. Walang kurbata. Nakataas ang manggas hanggang siko, kita yung ugat sa braso. Basang-basa pa yung buhok na parang kalalabas lang ng shower. Mukha na naman siyang cover ng Forbes.

Huminto siya sa harap ng table ko.

"You're early."

Tumayo agad ako na parang napaso.

"First day po kasi, Sir. Ayoko ma-late."

Tumango lang siya. Isang beses. Tipid.

"Good."

Napansin niya yung paper cup na hawak ko.

"Coffee?"

"Opo. Para po sa inyo."

"Kanino galing yung timpla?"

"Sa akin po."

"How did you know what I drink?"

Napatigil ako.

"A-ah... Hula lang po."

Umangat yung isang kilay niya. Yung tingin na yun, parang nanghuhuli.

"Hula?"

"Opo. Naalala ko po kasi... nung isang gabi... black, no sugar. Sabi niyo ayaw niyo ng matamis pagod kayo."

Napatigil siya. Tinitigan niya ako. Malalim. Matagal.

Kinuha niya yung cup sa kamay ko. Hindi nag-iingat na magdikit yung daliri namin.

Ininom niya.

Isang lagok. Tapos isa pa.

"Perfect."

Isang salita lang pero parang binuhusan ako ng mainit na tubig sa dibdib.

"Thank you, Sir."

Hindi pa rin siya umaalis. Nakatayo pa rin siya sa harap ko, hawak yung kape, nakatingin sa mukha ko na parang may hinahanap.

"Anong iniisip mo?" tanong niya.

"Wala po."

"Liar."

"Po?"

"Hindi ka marunong magsinungaling, Athena. Lahat nababasa sa mukha mo."

"Hindi po ako nagsisinungaling."

"Iniisip mo kung naalala ko pa yung gabing yun. Kung naalala ko pa yung Irish accent mo."

Namula ako hanggang leeg.

"Sir naman... first day ko pa lang, inaasar niyo na agad ako."

"Bawal ba?"

"Boss ko po kayo."

"Exactly. Kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko."

Napanganga ako.

"Joke lang," sabi niya pero yung mata niya, hindi nagjo-joke. "Masanay ka na. Araw-araw kitang aasarin."

Pumasok na siya sa opisina niya. Naiwan akong pulang-pula at pinagpapawisan kahit aircon.

Bandang alas-nuwebe, dun na nagsimula yung totoong giyera.

Sunod-sunod ang meeting ni Greg. Tatlong tawag sa Singapore. Isang Zoom sa legal team. May biglang pinapirma na sampung contracts.

Ako lahat ang gumagawa.

Ako ang taga-ayos ng schedule. Ako ang sumasagot sa tawag na lahat galit o nagmamadali. Ako ang nagpi-print, nagpa-photocopy, nagche-check ng calendar na parang puzzle.

Hindi siya maingay na boss. Hindi siya sumisigaw. Pero isang tingin lang niya pag may mali sa report ko, alam ko na agad na kailangan kong ulitin lahat. Mataas ang standard niya. Sobrang taas.

Pero hindi siya yung boss na manliliit ng tao. Pag tama ang gawa mo, sasabihin niya.

Bandang alas-diyes, lumabas siya ulit. Wala na yung kape sa kamay niya.

"Hindi ka pa nagbe-break?"

"Later na lang po, Sir. Tapos ko lang po itong email blast."

"Kumain ka."

"Okay lang po ako."

"That's not a request, Athena. That's an order. Kain."

"Yes, Sir."

Pag talikod niya, may narinig akong boses sa gilid.

"Miss Athena..."

Si Manang sa reception.

"Bakit po?"

"Congratulations."

"Bakit po?"

"Ikaw lang yata yung unang secretary ni Sir Gregory na inutusan kumain."

"Kasi?"

"Lahat ng secretary niya dati, takot lumapit sa kanya. Ikaw, pinipilit ka pa niyang kumain. Iba ka."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas kakabahan dun.

Tanghali. Sa pantry ako kumain mag-isa. Tipid. Baon lang.

Biglang bumukas yung p***o, pasok si Malaya, hingal na hingal.

"Bes! Kumusta first day ng best friend kong sekretarya ng bilyonaryo?!"

"Bes, hinaan mo boses mo! Nandito tayo sa 32nd floor!"

"Ano naman? Totoo naman ah! Gwapo pa rin ba? Amoy pa rin ba mamahaling pabango?"

"Malaya!"

Hindi pa ako tapos mag-panic, may boses na sumabat mula sa likod namin.

"Hindi ko kailangan hinaan niyo boses niyo. Dinig ko na."

Sabay kaming napalingon.

Nakasandal si Greg sa hamba ng pantry. Nasa bulsa yung dalawang kamay. Diretso ang tingin sa amin. Walang emosyon.

Patay.

"S-Sir..." Tayo agad ako.

Tumingin siya kay Malaya, tapos sa akin.

"Five minutes. Pagkatapos nun, balik ka na sa trabaho."

"Opo, Sir! Sorry po, Sir!" sabi ni Malaya na biglang naging matino.

Pagkaalis ni Greg, napahawak si Malaya sa dibdib.

"Bes... Diyos ko... boss mo ba yun o leading man ng N*****x?"

"Baliw ka talaga!"

"Bes, seryoso. Yung tingin niya sayo kanina... iba. Hindi boss lang. Parang... may pagka-angkin."

"Manahimik ka nga!"

Alas-tres ng hapon. Natapos ko lahat ng pinagawa niya. Ni hindi ako nagkamali sa isa.

Kumatok ako sa opisina niya.

"Come in."

Nilapag ko yung brown folder sa mesa niya. Puno ng reports.

Tah... hindi. Walang kibo niyang binasa lahat. Isa-isa. Pahina-pahina. Hindi ako makahinga habang pinapanood siya. Nakakunot yung noo niya. Hawak niya yung mamahaling ballpen pero hindi siya nagsusulat.

Ilang minuto. Parang isang oras.

Isinara niya yung folder.

Tumingin siya sa akin.

"You exceeded my expectations."

Parang may lobo na pumutok sa dibdib ko.

"Thank you, Sir."

"No. Thank yourself. You're smarter than your résumé, Athena. Much smarter."

Hindi ko napigilang mapangiti. Yung ngiting hindi ko napigilan kahit pilitin ko.

Sa tagal ng panahon... matapos mamatay si Mama... matapos akong itakwil ng pamilya ko... ngayon lang may taong nagsabi na mas magaling pa ako sa papel na pinasa ko.

Paglabas ko ng opisina niya, parang lumulutang ako.

Hindi ko alam, naiwan siyang nakatingin sa p***o kung saan ako lumabas.

Mag-isa siya sa loob ng opisina niya. Walang tao.

Dun lang siya ngumiti.

Mahina. Halos hindi mo makikita kung hindi mo titigan. Pero ngiti yun.

At dun niya inamin sa sarili niya.

Mukhang tama nga ang desisyon niyang kunin si Athena bilang secretary.

Hindi lang dahil siya si Irish...

Kundi dahil unti-unti na siyang nagiging paborito niyang kasama sa opisina.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • One Night, Forever Mine   Chapter 46 : Stay Tonight

    ATHENA'S POV :Naglakad kami pabalik ni Gregory mula sa hardin papunta sa sala. Paminsan-minsan lang kaming nagkakatinginan pero pareho kaming nakangiti. Hindi na awkward ang katahimikan at hindi na rin katulad noong una kaming nagkakilala.Pagpasok namin sa sala, nadatnan naming nagtatawanan sina Lolo Gustavo, Lola Elena, Alex, Malaya at Rafael."Heto na yung dalawa!" malakas na sabi ni Lolo Gustavo. "Akala ko nag-elope na kayong dalawa.""Lolo naman, naglakad lang po kami sa garden," napailing si Gregory."Naglakad lang po kami at nagpahangin lang," nahihiya kong paliwanag."E di mas delikado yung naglakad kayo sa garden nang gabi," sagot ni Lolo Gustavo."Lolo!" sabay naming sabi ni Gregory at natawa ang lahat.Tumayo si Malaya at lumapit agad sa akin."Hoy, buhay ka pa ba diyan?" tanong ni Malaya at tinusok ang braso ko."Grabe ka naman magsalita," sagot ko at natawa ako."Akala ko iniwan ka na ng pamilya niya para ampunin ka na dito," dagdag ni Malaya.Napatawa ako. "Feeling ko n

  • One Night, Forever Mine   Chapter 40 : I Think I'm Falling In-love

    GREGORY'S POV :Buong executive floor ngayong umaga at nasa harap ko ang laptop na bukas ang financial report para sa board meeting, pero limang minuto na akong nasa parehong pahina at hindi umuusad ang binabasa ko. Hindi dahil mahirap ang numbers kundi dahil may ibang laman ang isip ko na hindi ko maalis-alis.May kumatok sa pinto at pumasok si Alex na may dalang folder at tablet."Boss, nandito na yung final schedule mo for this week," sabi ni Alex at inilapag niya ang folder sa mesa ko. "Inilipat ko na rin yung meeting with Singapore investors sa Thursday para hindi ka ma-pressure."Tumango ako at kinuha ko ang tablet para tignan ang schedule."Good, mas maganda na sa Thursday na lang yun," sagot ko at sinara ko ang report.May isa pa siyang gustong sabihin at kita ko sa mukha niya na nag-aalangan siya."Ano pa yung gusto mong sabihin, Alex, sabihin mo na," tanong ko at sumandal ako sa upuan.Ngumisi si Alex at umupo siya sa tapat ng mesa ko na parang may binabalak na pang-aasar."

  • One Night, Forever Mine   Chapter 35 : Don't Tell Grandpa

    ATHENA'S POV : Ding.Bumukas yung elevator sa executive floor at sabay-sabay silang lumingon."Good morning, Miss Athena!"Tumango ako at mahinhing ngumiti, naglakad diretso sa mesa ko, rining ang tunog ng takong kung tumatama sa sahig. Pero ramdam ko, nakatingin lahat sila sa akin.Yung dalawa sa pantry, biglang tumigil sa pagbulong nung dumaan ako tapos kunwaring nagkakape. Yung isa, nginitian ako ng sobrang tamis na parang may ibig sabihin. Yung isa naman, nung nahuli kong nakatingin sa akin, biglang yuko sa laptop.Hindi pa tapos. Yung tsismis sa charity gala, buhay pa rin. Umupo ako at binuksan ko agad laptop ko para lang may gawin.Tapos may kamay na dumakma sa balikat ko galing sa likod."Good morning sa pinakamaganda kong pinsan!" bungad ng pinsan ko"Ay put— Malaya!Aatakihin ako sa puso sayo!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Lakas ng kabog, para akong tumakbo ng ilang kilometro.Si Malaya, nakangisi lang, Umupo sa gilid ng mesa ko na parang kanya. "Ganyan talag

  • One Night, Forever Mine   Chapter 35 : Don't Tell Grandpa

    ATHENA'S POV : Ding.Bumukas yung elevator sa executive floor at sabay-sabay silang lumingon."Good morning, Miss Athena!"Tumango ako at mahinhing ngumiti, naglakad diretso sa mesa ko, rining ang tunog ng takong kung tumatama sa sahig. Pero ramdam ko, nakatingin lahat sila sa akin.Yung dalawa sa pantry, biglang tumigil sa pagbulong nung dumaan ako tapos kunwaring nagkakape. Yung isa, nginitian ako ng sobrang tamis na parang may ibig sabihin. Yung isa naman, nung nahuli kong nakatingin sa akin, biglang yuko sa laptop.Hindi pa tapos. Yung tsismis sa charity gala, buhay pa rin. Umupo ako at binuksan ko agad laptop ko para lang may gawin.Tapos may kamay na dumakma sa balikat ko galing sa likod."Good morning sa pinakamaganda kong pinsan!" bungad ng pinsan ko"Ay put— Malaya!Aatakihin ako sa puso sayo!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Lakas ng kabog, para akong tumakbo ng ilang kilometro.Si Malaya, nakangisi lang, Umupo sa gilid ng mesa ko na parang kanya. "Ganyan talag

  • One Night, Forever Mine   Chapter 32 : Secret Date (SPG)

    ATHENA'S POV :Alas singko pa lang ng hapon nang mag-vibrate ang cellphone ko habang nag-aayos ako ng gamit sa table.Greg: Don't make plans tonight.Napangiti ako habang nakatitig sa maikling mensahe. Wala man lang please at wala ring paliwanag. Talagang utos na naman ang dating.Napailing ako bago nag-type ng reply.Me: Bakit mo naman ako binibigyan ng utos bigla?Ilang segundo lang ay nag-reply agad siya.Greg: Because I'm taking you somewhere tonight.Napailing na naman ako at napakagat sa labi.Me: Napaka-assuming mo naman, Mr. Imperial.Greg: Hindi assumption yan, sigurado akong sasama ka sa akin.Mayabang talaga pero tama naman siya."Ngumingiti ka na naman diyan mag-isa," singit ni Malaya na biglang sumulpot sa tabi ko.Pareho kaming nag-aayos ng gamit sa condo pagkatapos ng trabaho. Nakahiga siya sa sofa habang kumakain ng potato chips at nakatutok ang electric fan sa mukha niya."Hindi ako ngumingiti," tanggi ko at itinago ang cellphone sa bag."Binigyan mo pa ako ng hindi a

  • One Night, Forever Mine   Chapter 20 : Her Place

    "Sometimes, the biggest threat isn't the enemy who hates you... it's the person who believes you already belong to them" ****** *ATHENA'S POV* Pagpasok pa lang namin ni Greg sa Grand Imperial Ballroom, halos lahat ng mata nakatutok na agad sa amin. May mga executives na agad lumapit para bumati kay Greg pagkalagpas namin sa entrance. "Good evening, Mr. Imperial." "Congratulations sa bagong expansion ng Imperial sa Cebu." "Nice seeing you again, Greg." Isa-isa silang kinamayan ni Greg habang ako naman tahimik lang na nakatayo sa tabi niya at nakahawak pa rin sa braso niya. Paminsan-minsan ipinapakilala niya ako sa mga lumalapit. "This is Athena, my executive secretary," sabi niya. Ngumingiti lang ako at magalang na bumabati sa kanila. "Good evening po, nice to meet you." Mabuti na lang at unti-unti nang nawawala kaba ko dahil hindi naman sila masungit. "Athena," tawag ni Greg na mahina habang naglalakad kami papunta sa table namin. Napalingon ako sa kanya. "Yes, Sir?" "R

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status