Home / Romance / One Hot Night With A Billioinaire / Chapter 8 : A Place Beside Him

Share

Chapter 8 : A Place Beside Him

Author: BelleNocturne
last update publish date: 2026-09-18 11:22:12

Mahigit alas-diyes na ng gabi nang bumukas ang pinto ng pribadong conference room sa Imperial Residence.

Sunod-sunod na pumasok ang tatlong lalaking naka-itim na suit. Halatang nagmamadali ang mga ito. Bitbit nila ang makakapal na folder at tablet na may kung anu-anong financial reports.

Nakatayo si Gregory sa dulo ng mesa habang tahimik na binabasa ang mga dokumentong iniabot sa kanya.

Sa kabilang banda naman, nanatiling nakaupo si Athena. Tahimik lang niya ng pinagmamasdan ang boss niya. Ngay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Hot Night With A Billioinaire   Chapter 11 : A Shadow Behind Us

    Halos hindi na naalis sa isip ni Athena ang lalaking nakita niyang ilang beses nang sumusulpot sa paligid ng Imperial Holdings.Hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito.Sa tuwing susubukan niyang lapitan, parang kusang nawawala ang lalaki. Isang segundo lang siyang mawawala sa paningin niya, paglingon niya ulit, wala na.Noong una, inisip niyang baka napapagod lang siya.Pero habang lumilipas ang mga araw, mas lumalakas ang kutob niyang hindi iyon aksidente.May nagmamasid.At ang mas nakakatakot, pakiramdam niya, hindi siya nito pinapanood para kilalanin.Parang pinag-aaralan siya.Huminga siya nang malalim habang pababa ang elevator papuntang lobby. Hawak niya ang tablet na ipinapadala ni Greg sa legal department. Simpleng trabaho lang iyon. Five minutes lang ang kailangan. Pero kahit simpleng lakad, hindi mawala ang pakiramdam niyang may matang nakasunod sa bawat kilos niya.Pagbukas ng elevator, sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa lobby. Abala ang mga empleyado. Ma

  • One Hot Night With A Billioinaire   Chapter 10 : The Eyes Watching Us

    "The most dangerous warnings are the ones no one else can see."***** Tahimik ang buong opisina matapos sabihin ni Athena ang napansin niya. Hindi na iyon mukhang biro. Hindi na rin iyon simpleng kutob.Nakatayo si Gregory sa harap ng malaking bintana ng opisina. Nakatalikod siya habang magaan na umiikot sa daliri niya ang fountain pen. Kapag ganoon siya katahimik, alam ng lahat sa kumpanya na may malalim siyang iniisip. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. "Athena." mahinang tawag nito Napalingon agad ang dalaga. "May ipapagawa po ba kayo?" Hindi agad sumagot si Greg. Lumingon muna siya at sinalubong ang mga mata nito. "Mula ngayon, hindi ka na magko-commute." Napakurap si Athena "H-Ha bakit naman po?" Bahagyang napakunot ang noo niya bago siya napailing. "Hindi po puwede, Sir. Sayang naman po ang gasolina n'yo. Isang jeep lang naman ang sinasakyan ko." "That wasn't a suggestion." Kalmado ang boses ni Greg, pero ramdam ang bigat ng bawat salita."That was a deci

  • One Hot Night With A Billioinaire   Capter 9 : The Woman Beside The CEO

    Hindi mapakali si Athena kinabukasan.Paulit-ulit niyang binabasa ang invitation na ibinigay ni Greg kagabi.IMPERIAL CHARITY GALAOfficial Companion of Gregory ImperialNapabuntong-hininga siya. "Companion agad? Hindi ba puwedeng 'plus one' na lang?" bulong niya habang naglalagay ng palaman sa tinapay.Mula sa kabilang mesa, napataas ng kilay si Malaya habang umiinom ng kape. "May kinakausap ka na naman.""Wala.""Meron.""Wala nga.""Bes..." Tumayo si Malaya at sumilip sa hawak niyang invitation. "Ano 'yan?"Mabilis iyong itinago ni Athena sa ilalim ng notebook. "Office invitation.""Office?" Nagduda ang tingin ni Malaya. "Bakit parang nangingiti ka habang tinatago?""Hindi ako nakangiti." sumimangot siya kunwari."Eh 'yang pisngi mo? Hanggang tenga na."Napahawak si Athena sa mukha "Mainit lang.""Aircon tayo, bes."Napatawa na lang siya. Hindi na talaga niya kayang magsinungaling kay Malaya.Pero hindi rin niya puwedeng sabihin ang totoo.Paano niya ipapaliwanag na ang CEO nila mi

  • One Hot Night With A Billioinaire   Chapter 8 : A Place Beside Him

    Mahigit alas-diyes na ng gabi nang bumukas ang pinto ng pribadong conference room sa Imperial Residence.Sunod-sunod na pumasok ang tatlong lalaking naka-itim na suit. Halatang nagmamadali ang mga ito. Bitbit nila ang makakapal na folder at tablet na may kung anu-anong financial reports.Nakatayo si Gregory sa dulo ng mesa habang tahimik na binabasa ang mga dokumentong iniabot sa kanya.Sa kabilang banda naman, nanatiling nakaupo si Athena. Tahimik lang niya ng pinagmamasdan ang boss niya. Ngayon lang niya ito nakitang ganito kaseryoso.Wala ang pilyong ngiti.Wala ang pang-aasar.CEO Gregory Imperial ang nasa harapan niya ngayon."Sir Greg," tawag ng isa sa mga executive habang inaayos ang salamin nito. "Nag-back out po ang Harrington Group sa joint venture."Hindi agad nagsalita si Greg. Tinapos muna niyang basahin ang report bago niya marahang isinara ang folder "Reason?""They received another offer.""From whom?"Nagkatinginan ang tatlong executive. Walang gustong sumagot.Unti-u

  • One Hot Night With A Billioinaire   Chapter 7 : The Imperial Dinner

    Pagbukas ng pinto ng pribadong dining hall ng Imperial Residence, halos sabay-sabay na napalingon ang lahat ng naroon.Napahinto si Athena sa mismong entradaz hindi dahil gusto niyang umatras.Pero ahil ngayon lang siya nakapasok sa lugar na mas mukhang ballroom kaysa dining room.Mahabang mesa na yari sa narra. Crystal chandelier na kumikislap sa kisame.Mga lalaking naka-custom suit at mga babaeng elegante ang kasuotan.Sa pinakadulo ng mesa, marahang tumayo ang isang matandang lalaki na nakabarong. Kahit may hawak itong tungkod, hindi maitatangging matikas pa rin ang tindig nito.Ngumiti ito nang makita si Athena."Sa wakas," ani Gustavo Imperial habang inilapag ang hawak na wine glass. "Ito na ba ang babaeng tatlong araw hinanap ng apo ko?"Parang biglang natuyo ang lalamunan ni Athena.Unti-unti siyang napalingon kay Greg na tahimik lang sa tabi niya."Sir" mahina niyang bulong habang pilit na nakangumingiti. "Akala ko board dinner lang ito."Bahagyang ngumiti si Greg. "Board di

  • One Hot Night With A Billioinaire   Chapter 6 : The Black Dress

    Hindi naging maayos ang tulog ni Athena.Paulit-ulit niyang tinitigan ang mamahaling black dress na nakasabit sa likod ng pinto. Katabi nito ang maliit na velvet box na may kwintas na may letrang G.Tatlong beses na niyang binalak ibalik ang mga iyon.Tatlong beses din niyang naalala ang mukha ni Gregory Imperial."I know where you live now daw. Ay, Diyos ko..." napaupo siya sa banig at hinilot ang sentido. "CEO ba 'yon o NBI?"Mula sa itaas ng double deck, sumilip si Malaya na bagong gising."Bes,Kanina ka pa kausap nang kausap mag-isa."tanong nito na pupungas pungas pa."Hindi ah." tanggi niya"Narinig kita. Sabi mo, 'CEO ba 'yon o NBI?'" tumayo ito sa harap niya at nakapameywang.Napapikit si Athena. "Nananaginip lang ako.""Bakit may designer paper bag diyan?"Mabilis niyang tinabunan ng kumot ang kahon."Wala!""Luh! Wala raw! Eh may ribbon pa!""Ano ka ba, Malaya! Regalo lang ng... kumpanya.""Kumpanya? Aba! First week mo pa lang, may Christmas package na?" hindi naniniwalang us

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status