Share

Kabanata 116

Author: Docky
last update publish date: 2026-04-10 20:45:27

Pagkababa ni Yvee ng taxi ay napatingala siya sa malaking salamin ng boutique. Mula sa labas pa lang ay halatang mamahalin na ang tindahan. Malinis ang salamin, maliwanag ang ilaw sa loob, at maayos na naka-display ang mga alahas sa loob ng mga glass case.

Saglit na nag-atubili si Yvee. Hindi siya materialistic na tao, hindi siya tulad ni Ereena na sanay sa luho. Lumaki siyang masinop at hindi mahilig sa mamahaling bagay. Pero ngayong araw ay nais niyang bumili, nais niyang magmukhang desente s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 118

    Akmang sasagot si Yvee sa susunod na sasabihin ni Ereena nang biglang tumunog ang cellphone niya.Sandaling naputol ang tensyon sa pagitan ng magkapatid. Napatingin si Yvee sa screen ng phone at bahagyang natigilan siya nang makita ang pangalan sa caller ID.Gideon.Hindi iyon nakaligtas sa mata ni Ereena. Bahagyang naningkit ang mga mata niya habang sinusundan ang galaw ni Yvee. ‘Why is he calling her? Talaga bang sigurado na si Mr. Revamonte sa babaeng ‘to? Wala ba siyang taste?’Samantala si Yvee naman ay hindi na nagsalita pa. Inangat niya ang cellphpone at sinagot ang tawag. “Hello?”Sa kabilang linya ay agad na narinig ni Yvee ang pamilyar na boses ni Gideon. “Yvee.”Bahagyang gumaan ang mukha ni Yvee. “Gideon? May nangyari ba? Bakit ka napatawag?”May bahagyang ingay sa background, parang tunog ng aircon at mga apparatus. Pagkatapos ay nagsalita muli si Gideon. “I called because I want to share news with you,” saglit siyang natahimik. “Nanlaki ang mga mata ni Yvee. “Ano iyon

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 117

    Bahagyang naningkit ang mga mata ni Ereena. “Don’t be ridiculous.” Lumapit siya nang kaunti kay Yvee. “Hindi dahil bankrupt ang kumpanya namin ay wala na akong pera,” matigas niyang sabi. Tumikhim siya bago muling nagsalita. “At isa pa—” Tumaas ang baba niya habang nakatingin siya kay Yvee. “Ako ang magiging heiress ng pamilya namin.” Sandali siyang huminto bago may idinagdag— “Hindi ikaw.”Bahagyang natahimik si Yvee pero sa halip na masaktan siya ay bahagya lang siyang ngumiti. Parang may naalala siyang nakakatawa. Bahagya ulit siyang ngumisi. Hindi iyong ngising galit o mapanlait. Parang napatawa lang siya sa sinabi ni Ereena.Lalong kumunot ang noo ni Ereena. “Anong nakakatawa?” matigas niyang tanong.Dahan-dahang ibinalik ni Yvee ang tingin niya sa necklace na hawak ng sales lady. Kumikislap ang maliit na diamond pendant sa ilalim ng ilaw. “Wala naman,” sagot niya nang kalmado. “Napansin ko lang… parang lagi kang galit kapag nakikita mo ako.”“Because you deserve it,” mabilis na

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 116

    Pagkababa ni Yvee ng taxi ay napatingala siya sa malaking salamin ng boutique. Mula sa labas pa lang ay halatang mamahalin na ang tindahan. Malinis ang salamin, maliwanag ang ilaw sa loob, at maayos na naka-display ang mga alahas sa loob ng mga glass case.Saglit na nag-atubili si Yvee. Hindi siya materialistic na tao, hindi siya tulad ni Ereena na sanay sa luho. Lumaki siyang masinop at hindi mahilig sa mamahaling bagay. Pero ngayong araw ay nais niyang bumili, nais niyang magmukhang desente sa gaganaping ball. Hindi naman siya sanay sa mga ganitong lugar. Pero naalala niya ang invitation ni Gideon.Annual ball. Siguradong maraming mayayamang tao ang naroon. Hindi naman kailangang magpasikat ni Yvee… pero ayaw rin niyang mapahiya.Huminga si Yvee nang malalim bago tlsiya tuluyang pumasok sa boutique. Agad siyang sinalubong ng malamig na hangin mula sa aircon at ng isang sales lady na nakaayos ang buhok at maayos ang ngiti.“Good afternoon po, ma’am. May maitutulong po ba ako sa inyo?

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 115

    Napalingon si Yvee sa pinto nang makarinig siya ng katok. Kakagaling lang niya sa kusina matapos ipaghain ng meryenda si Atlas na ngayon ay abala sa pagguhit sa maliit na mesa sa loob. “Sino po ‘yan?” tanong niya habang papalapit sa pinto.“Delivery po, Ma’am.”Bahagyang kumunot ang noo ni Yvee. Wala naman siyang inorder. Hindi rin niya inutusan si Rechelle? Kaya sino ang nagpadeliver no’n?“Atlas, anak. May pinadeliver ka ba?” Tumunghay si Atlas. “Po? Wala po, mommy.” Muling bumalik ang tingin ni Yvee sa pinto. Dahan-dahan niyang pinihit ang sedura at binuksan ang pinto. Pagbukas niya ay bumungad sa kaniya ang pamilyar na mukha ng driver ni Gideon. Nakatayo ito nang tuwid sa labas habang may hawak na isang kahon at isang bouquet ng bulaklak.“Ma’am Yvee,” magalang na bati ng driver ni Gideon.“Ah… kayo pala,” sagot ni Yvee, halatang nagulat. “May kailangan po ba kayo?”Iniabot ng driver ang hawak niyang mga bagay. “Pinapadala po ito ni Sir Gideon para sa inyo.”Napakurap si Yvee.

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 114

    Noong unang beses na nakita ni Atticus ang mga suit ni Atlas ay nais niyang magkaroon dij ng ganoon. Gusto niyang magkapareho sila ng susuotin ng kakambal niya at ng daddy nila, kaya nang tumanggi ang mga ito ay napakasakit para sa mumunti niyang puso. Pero ngayon… Nasa kamay na niya ang isa. “Magugustuhan niya po ito,” mahina niyang sabi.Napatingin si Gideon sa kaniyang anak na si Atticus. “Sigurado ka?”Hindi agad sumagot si Atticus. Hawak pa rin niya ang maliit na suit habang nakatayo siya sa gitna ng sala. Pakiramdam niya ay parang may mainit na gumugulong sa loob ng dibdib niya.‘Magiging magkapatid kayo.’ Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ng ama niyang si Gideon. ‘Ibig sabihin… kung pakakasalan ni daddy si mommy… magiging pamilya na kami? Magiging buo na ang pamilya naming apat?’ Napatingin siya sa kaniyang ama. Ang mga mata niya ay bahagyang kumikislap sa tuwa na hindi niya kayang itago.“Then we will have matching stuffs?” tanong ni Atticus, halos hindi mai

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 113

    Pagpasok nila sa loob ng mansyon, agad napansin ni Gideon ang pamilyar na lalaking nakaupo sa sala, si Drew—ang pinsan niya. May nakapatong na malaking kahon sa mesa sa harap nito.Nagkatinginan sina Drew at Gideon.Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Gideon habang nakatitig siya kay Drew. Samantalang si Drew naman ay agad na tumayo, parang bigla itong naalimpungatan mula sa pag-upo.“Ah—” mabilis na sabi ni Drew habang inaabot niya ang kahon kay Gideon. “Kadarating ko lang, kuya.” Binuhat niya ang kahon at itinapat dito. “Galing ito sa tailor. Nakuha ko na ang suit na ipinagawa mo ulit.”Napatingin si Gideon sa kahon bago niya iyon tinanggap. “Ang bilis naman.”“Pinamadali ko na,” sagot ni Drew. “Para siguradong aabot.”Tahimik na nakikinig si Atticus habang nakatayo siya sa gilid. Hawak pa rin niya ang strap ng maliit niyang bag. Pero nang marinig niya ang salitang suit, bahagyang nalukot ang mukha niya. Parang may kung anong bumalik na alaala sa kaniya–’yong araw na nagtanong siya kun

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 74

    Makulay at maingay ang loob ng mall. Sa arcade area, nagliliwanag ang mga game machines at sunod-sunod ang tunog ng mga coins at electronic music. Masayang naglalakad sina Yvee at Atlas sa pagitan ng mga makina. Napagpasyahan ni Yvee na ipasyal ang anak niya. Sa mga nakalipas na araw ay bumabawi

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 7

    Prenteng nakaupo sa sofa sina Gideon at ang doktor. Nag-uusap sila ng seryoso. “Sa mga ganitong kaso,” paliwanag ng doktor. “May mga batang mas mabilis ang progress kapag ang nag-aalaga o nagtuturo sa kanila ay biologically related. Halimbawa, birthmother nila. Emotional connection lang ‘yon pero

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 6

    Pagharap ni Yvee sa pinto, wala siyang nadatnan — sarado na ito, tahimik, at tila walang kahit sinong dumaan doon. Napasinghap siya nang bahagya, saka muling tumingin kay Atticus. “See?” mahinahong sabi ni Yvee, pilit na ngumingiti. “Baka gutom ka lang, anak. Kapag gutom tayo, kung anu-ano ang na

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • One Hot Night to Forever   Kabanata 8

    Nasa sulok sina Gideon at Drew. Napansin nila ang kakaibang ikinikilos ni Atlas kanina pero nanatili silang nakaupo sa sofa. Tahimik nilang pinagmamasdan ang unit at ang hallway kung saan lumabas si Atlas. “Sir,” bulong ni Drew, halatang nag-aalala. “Kailangan natin siyang pigilan. Hindi natin al

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status