Mag-log inSa halip na pindutin ni Yvee ang answer button ay mariin niyang pinikit ang kaniyang mga mata at saka pinindot ang power. Tumigil ang pag-ring at namatay ang screen.Bandang alas otso ng umaga, ibang-iba na ang hitsura ni Yvee. Maayos na ang kaniyang buhok, nakaayos ang kaniyang damit—simple ngunit elegante. Hindi man malinaw ang lahat sa kaniya, may isang bagay siyang sigurado. Kailangan niyang makita ang mga anak niya. Ngayon na alam na ng lahat ang katauhan ng mga anak niya. Hindi na niya kailangan pang itago ang pagmamahal niya sa mga ito lalo na kay Atlas.Habang bumabyahe ang sasakyan papunta sa main mansion ng pamilya Revamonte, tahimik lamang na nakatingin sa labas ng bintana si Yvee. Dumaraan ang mga tanawin ngunit hindi niya halos napapansin. Ang nasa isip niya—ang kambal. Pagdating sa malaking gate ng mansyon, agad itong bumukas na parang inaasahan ang kaniyang pagdating.“Good morning, ma’am,” bati ng guwardiya, bahagyang yumuko.Tumango si Yvee bilang tugon. Hindi nagtaga
Nagising si Yvee sa sunod-sunod na ingay—ang matinis na alarma ng kaniyang cellphone na tila ba may sariling buhay, at ang sabay na pagkalembang ng doorbell ng kaniyang hotel room. Napangiwi siya habang pilit na inabot ang cellphone sa bedside table, halos mahulog pa ito sa sahig sa pagmamadali niyang patahimikin ang alarm.“Okay na, okay na…” bulong ni Yvee sa sarili, paos pa ang boses at mabigat ang talukap ng kaniyang mga mata.Napuyat si Yvee kakaisip sa mga nangyari kagabi. Kaya inabot siya nang madaling araw bago nakatulog. Hindi mawala-wala sa kaniyang isipan na alam na pala ni Gideon ang buong katotohanan at pinagmukha siya nitong tanga. Ngunit hindi pa roon natatapos ang istorbo. Muling tumunog ang doorbell. Napabuntong-hininga si Yvee. “Sino ba ‘yan nang ganito kaaga…” reklamo niya habang pilit na bumabangon mula sa kama. Ramdam pa ni Yvee ang lamig ng aircon na kumapit sa kaniyang balat kaya dali-dali niyang kinuha ang roba na nakasabit sa upuan at isinuot iyon. Itinali n
Nakatayo si Gideon sa may pader, bahagyang nakasandal ang balikat sa pintura, mga kamay nakabaon sa bulsa ng pantalon. Sa ekspresyon ng mukha niya—parang matagal nang naghihintay. Parang ilang oras na siyang nakatirik doon, binibilang ang bawat segundong lumilipas habang nasa loob si Yvee.Pagkakita ni Gideon sa kaniya ay agad na umayos si Yvee. Iniabante niya ang kaniyang isang paa. Bumalik siya sa orihinal na tindig.“Yvee,” tawag ni Gideon.Dalawang hakbang lang ang pagitan nila. Pero hindi agad lumapit si Yvee. Nanatili siyang nakatindig sa kinatatayuan, ang strap ng bag na nakasabit sa balikat ay mas hinigpitan pa ng kaniyang mga daliri.Sa makitid na pasilyo ng hotel, narinig ni Yvee ang mahinang ugong ng elevator sa dulo. At ang sarili niyang paghinga—mas mabilis kaysa gusto niya. Ramdam agad ang awkwardness na pagitan nila.“Uuwi na ako,” maikling pakli ni Yvee. Hindi niya kayang kausapin sa ngayon si Gideon. Lahat ng takot na nararamdaman niya ay bumabalik-balik sa isipan ni
“Can the kids stay here tonight, hija?” tanong ng matriyarka kay Yvee. Napalunok si Yvee, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot. Nais din naman niyang makasama ang mga anak niya ngayong gabi lalong lalo na at alam na ng lahat ang buong katotohanan. Gusto niyang masolo ang dalawang bata pero mukhang malabong mangyari iyon. Sumulyap si Yvee sa dalawang bata na nakahiga ngayon sa kama habang naglalaro ng ipad nila, na parang walang gulong nangyari kanina. Napangiti na lang si Yvee, sana tulad ng mga anak niya ay wala rin siyang masyadong iisipin. Pero wala, eh—nakakatanda siya. Marami siyang responsibilidad. Pero masaya siyang makitang malaya na ang dalawang naglalaro at hindi na kailangan mag-ingat pa para hindi mabuko ang sikreto nila. Biglang gumalaw ang matriyarka. “Yvee,” mahina pero malinaw ang tawag niya.“Ahh!” Napakurap si Yvee. “O-Opo, Ahma. They can stay with you for tonight.” Inabot ng matriyarka ang kamay ni Yvee at marahang pinisil iyon. “Thank you for sayi
Tumango si Yvee. “Nagkamali ako ng room na pinasok ko noon. At ang napasok ko ay ang kuwarto ni Gideon. And the rest is history. And after a fews weeks nalaman kong buntis ako. At dahil nga nalaman kong nagkamali ako ng room na pinasukan at hindi ko kilala si Gideon ay ibinaon ko na sa limot ang lahat. The wedding got cancelled since Mr. Ong wanted a virgin bride.” “What?” sabat ulit ni Gideon. “Gideon, ‘wag ka ngang sabat nang sabat.” saway ni Mrs. Revamonte. Napanguso na lang si Gideon at napatitig muli kay Yvee. “At dahil hindi ko po kilala si Gideon at lalong lalo na hindi ko alam ang pangalan niya ay hindi ko na hinanap pa ang ama ng pinagbubuntis ko noon. Hanggang sa nanganak ako, at nang araw rin na nanganak ako ay nadukot po si Atlas. Halos ikabaliw ko ang pangyayaring iyon, pero kailangan kong magpakatatag dahil may isa pa akong anak. I had to pull all my sh*ts together. Sinubukan kong hanapin ang anak ko kung saan-saan. I hired every private investigators, dahil walang u
Parang sinaksak ang puso ni Ereena sa kaniyang narinig. “No! Mahal mo ako, ‘di ba? Kaya gusto mo akong makausap dati?” Tila ba wala na siya sa kaniyang sarili. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya. “ Kaya bakit hindi ako ang papakasalan mo ngayon? At bakit siya?” bulong niya habang nakatitig siya kay Yvee. “Ano bang mayro’n siya na wala ako? Sabihin mo!” sigaw niya, tuluyan nang nawala sa sarili.Hindi na nakapigil ang matriyarka. “Enough!” malakas niyang sigaw.Napalingon ang lahat. “Tumigil ka na, Miss Alejado,” mariing utos ni Ahma. “Hindi ito ang oras para sa ganitong eskandalo.”“Eskandalo?” ulit ni Ereena, napatawa siyang muli. “This whole thing is a scandal!” Tinuro niya ang kambal. “Bigla na lang may lilitaw na isa pang bata at sasabihing sila ay kambal? Gano'n na lang?!”“You’re crazy!” mariing wika ni Gideon. “Kaladkarin niyo nga palabas ang babaeng ‘yan!” sigaw niya. “Security!” Agad na kumilos ang dalawang guwardiya. Walang pag-aalinlangan, lumapit sila kay Er
“Atticus, anak!” Halos pumutok ang dibdib ni Yvee sa kaba habang naglalakad sa makapal na usok. Namumula na ang mga mata niya sa hapdi, pero hindi siya tumigil sa paghakbang. “Mommy!” sagot na sigaw mula sa ‘di kalayuan. Parang binuhusan si Yvee ng lakas nang marinig niya ang sigaw na iyon. Mabil
Agad nilang tiningnan ang bata, si Atlas, matapos noon ay lumingon si Drew sa gawi nina Edwin. “Mr. Alejado, what is the meaning of this?! Ang kapal ng mukha niyong pagbantaan ang tagapagmana ng Revamonte Group!” galit na sigaw niya. Hindi niya akalaing tatraydurin sila ng pamilyang Alejado. Ngumi
Mabilis na tumakbo si Yvee sa hallway ng hotel. Hawak-hawak pa rin niya ang mga paper bags na may lamang mga pagkain. Halos hindi na siya makahinga ng maayos ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo ang mga paa niya.‘Dapat ay maging maayos ang lahat… Kailangan kong makita si Atticus. Hindi ko kakayan
Ngumiti nang malapad si Edwin na para bang nagmamalaki pa siya sa ibinalita niya. “Yes. And finally, matapos ang ilang taon, handa na siyang ituloy ang naudlot niyong kasal. Kaya maghanda ka na, Yvee. This time—” Tumigil siya saglit at tinaasan ng kilay ang kaniyang anak. “Matutuloy na ang kasal ni







