MasukSa gitna ng sala, lumakad si Drew na parang siya ang may hawak ng sitwasyon. Huminto siya, saka pumalakpak nang mahina, sapat lang para makuha ang atensyon ng lahat.“Okay. Let’s start,” anunsyo ni Drew.Parang may kung anong kumirot sa tiyan ni Yvee. Ganito ba talaga ang mangyayari? Wala man lang tanong kung okay lang sa kaniya o hindi? Lumapit ang isa sa mga babae—ang mukhang pinaka-head sa kanila—hawak ang measuring tape. Maayos ang postura nito, sanay na sanay sa ganitong trabaho.“Good morning po,” magalang na bati ng babae.Bahagyang napangiti si Yvee, kahit medyo alangan pa rin ang pakiramdam niya. “Good morning.”“P’wede po ba kayong tumayo rito?” mahinahong tanong ng babae sabay turo sa gitna ng sala.Napatingin si Yvee sa tinuturo ng babae saka sa paligid—kay Drew na nakatingin lang, kay Rechelle na halatang curious, at sa dalawang kasama ng mananahi na nakaabang na rin. Wala na siyang lusot. “Sige…” mahina niyang sagot, saka dahan-dahang lumakad papunta sa gitna.Pagkaharap
Maagang nagising si Yvee at nag-order agad siya ng agahan nilang mag-ina, pati na rin si Rechelle. Maaga niya itong pinapunta sa hotel para magtanong-tanong ng mga update sa negosyo niya. Sa maliit na dining table sa sala, magkatapat na nakaupo sina Yvee, Rechelle, at Atlas. May nakahain na simpleng almusal—tinapay, itlog, bacon, at mainit na kape para sa kanilang matatanda at gatas naman kay Atlas. Tahimik na kumakain si Atlas habang nakatutok sa plato niya. Si Rechelle naman ay paminsan-minsang sumusulyap sa bata habang umiinom ng kape. “Atlas, ubusin mo ‘yan ha,” sabi ni Yvee habang hinihiwa niya ang tinapay.“Opo, mommy,” sagot ng bata.Bumaling si Yvee kay Rechelle. “Kumusta naman ang mga pinapagawa ko sa iyo, Rechelle?”“Ayos na po, ma’am. Wala na po kayong dapat ipag-alala. Iyong titulo ng binili niyong lupain ay nailipat na rin po sa pangalan niyo. At kung patungkol naman sa—” “Sandali,” natatawang pigil ni Yvee. Namilog ang mata ni Rechelle. “Po?” “Hinay-hinay lang, Rec
“Hello?” Sa kabilang linya ay narinig agad ni Yvee ang boses ni Gideon. “Did you arrive already?”“Hmm,” sagot ni Yvee. “Mga thirty minutes ago.”“Good.” Saglit na natahimik si Gideon bago nagsalita ulit. “Why didn’t you text me?”Napataas ang kilay ni Yvee. “Required ba?”“Of course.”Napangiti si Yvee. “Bakit?”“Because I told you to.”“Ahh… boss ka ba?” pabirong wika ni Yvee.“Not totally a boss,” sagot ni Gideon. “I’m your fiancé, Miss Yvangeline.”Napailing si Yvee. “Ang kulit mo.”Natahimik sandali sa kabilang linya. Pagkatapos ay nagsalita ulit si Gideon. “What are you doing now?”“Nakaupo ako ngayon. I'm currently indulging myself with me time bago ka tumawag.”“So naistorbo ba kita?”Yvee chuckled. “Hmm… paano kung sabihin kong oo?”May kakaibang lambing sa boses ni Gideon. “Well, I am sorry pero hindi ako nakatiis at tumawag ako sa iyo. I was worried I didn’t receive any message from you.”Bahagyang uminit ang pisngi ni Yvee pero hindi niya iyon pinahalata. “Baka nakakali
Pagdating ng taxi sa harap ng hotel ni Yvee, agad siyang bumaba at nagbayad. Iilang ilaw na lang ang bukas sa lobby at halos wala nang taong dumadaan.Pagkapasok ni Yvee sa unit, agad niyang hinubad ang kaniyang sapatos at inilapag ang kaniyang bag sa mesa. Tahimik ang sala pero maya-maya ay may narinig siyang boses mula sa loob.“Atticus!”Napalingon si Yvee sa direksyon ng kuwarto. Lumapit siya at bahagyang itinulak ang pinto. Nakita niya si Atlas na nakaupo sa kama, hawak nito ang iPad. Sa screen ay makikita ang mukha ni Atticus.Napangiti si Yvee. “Ah, anong pinag-uusapan niyong dalawa at naririnig ko mula sa labas ang boses niyo? ” tanong niya habang lumalapit.“Mommy!” masayang sabi ni Atlas.Napatingin si Atticus mula sa screen. “Hi, mommy.”Lumapit si Yvee at umupo sa gilid ng kama, saka niya hinaplos ang buhok ni Atlas. “Kumusta kayo?” tanong niya.“Okay lang po ako. Nagbasa at nag play po kami ni Ate Rechelle, at ngayon kausap ko po ang kakambal ko,” sagot ni Atlas.Tumingin
Lumipas ang ilang minuto habang nagkukuwentuhan si Yvee at ang matriarka. Kung anu-ano ang pinag-usapan nilang dalawa at madalas ay patungkol kay Atlas ang napag-uusapan nila. Paminsan-minsan ay napapahinto si Yvee kapag napapansin niyang napapagod ang matanda. Kahit pilit itong ngumiti, halata sa mga mata nito ang pagod.Nasa gilid lang si Gideon habang tahimik na nakamasid sa kaniyang lola at fiancee. Masayang-masaya siyang makita na ang dalawang babaeng mahal niya ay nagkakasundo. Lalo pa’t matagal nang nais ng lola niya na maikasal siya at bigyan ng isang buong pamilya si Atlas.Maya-maya ay may kumatok sa pinto.“Come in,” mahinang sabi ni Gideon. Pumasok ang isang lalaking nakaputing coat. Matangkad ito, maayos ang tindig, at mukhang nasa early thirties. May suot itong salamin at may hawak na tablet habang naglalakad papasok sa silid.“Good evening, Madam Revamonte,” bati ng lalaki.“Ah, Marcus,” sabi ng matriarka. Tila kilala ang doktor.Napalingon si Yvee sa bagong dating, pag
“Kung ikakasal man kayo ng apo kong si Gideon… handa ka bang tanggapin ang bata nang taos-puso?” usisa ng matanda.Napakurap si Yvee, pero hindi siya nagdalawang-isip. “I love Atlas, Mrs. Revamonte—”“Call me, grandma,” agap agad ng matanda, may bahagyang diin sa boses. “Ikaw ay magiging Mrs. Revamonte na. Mas nararapat sa’yo ang titulong iyan. Mas komportable ako kapag tatawagin mo akong grandma.”Napakagat si Yvee sa labi, saka marahang tumango. “O-opo… grandma. G-Gaya nga po ng sabi ko… mahal ko po si Atlas na parang anak ko. He is a wonderful kid. Kaya sigurado po akong kahit sino ay mamahalin siya.”Habang sinasabi ni Yvee iyon, hindi niya maiwasang maalala ang maliit na mukha ni Atlas—ang ngiti nito, ang paraan kung paano siya yakapin ng anak niya at ang paraan ng pagtawag nito sa kaniya sa tuwing kailangan nilang linlangin si Gideon. Hindi niya napigilan ang bahagyang pagngiti.Mas lalong lumambot ang ekspresyon ng matanda. “Yeah… Atlas is a wonderful kid,” pagsang-ayon niya,
Makulay at maingay ang loob ng mall. Sa arcade area, nagliliwanag ang mga game machines at sunod-sunod ang tunog ng mga coins at electronic music. Masayang naglalakad sina Yvee at Atlas sa pagitan ng mga makina. Napagpasyahan ni Yvee na ipasyal ang anak niya. Sa mga nakalipas na araw ay bumabawi
Napatingin sina Yvee at Gideon sa itinuturo ng bata.“Sige na po, daddy?” malambing na tanong muli ni Atticus sa kaniyang ama.Bumuntong hininga si Gideon. “Why would you want that?”Ngumuso si Atticus. “I want to remember this dady, daddy. This is my first o-outing with a friend!”Itinuro ni Attic
Akmang lalapit na ang dalawang babae nang biglang sunggaban ni Atticus ang mga nasa mesa. Isa-isang lumipad ang mga libro, papel, at kung anumang mahawakan niya.Nagkagulo ang loob ng suite.Nang maubos na ang maiibato ni Atticus ay tumakbo siya palayo. Paikot-ikot sila sa bawat sulok ng kwarto, bu
Nang makarating si Yvee sa suite nila ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa salas at hinihintay siya. Mabils siyang humakbang at niyakap ang anak niya. “Atticus!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yvee. Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap sa anak niya at sinuri ang







