로그인Habang papaakyat sina Gideon at Yvee sa second floor ay hawak-hawak ni Gideon ang kamay ni Yvee. Inaalalayan niya ito sa bawat hakbang nila. Hanggang sa makarating sila sa second floor. Sumalubong sa kanila ang may kadilimang hallway ng inn. Medyo may kalumaan na rin ang kulay ng pintura sa pader, ang ilaw rin ay halos wala ng liwanag. Nakarating sina Gideon at Yvee sa tapat ng room 18. Kinuha ni Gideon ang susi ng kuwarto at sinubukang buksan ang pinto. Habang nakahawak si Yvee sa kaniya—tila wala pa rin sa sarili. Pagbukas pa lang ng pinto ay inalalayan muli ni Gideon si Yvee. Hilong-hilo pa rin si Yvee, kaya kapit na kapit siya kay Gideon. Umiikot ang buong mundo niya at pakiramdam niya ay isang maling hakbang niya lang ay gugulong na siya sa sahig. “Kaya mo pa?” tanong ni Gideon nang mapansin niyang pumipikit-pikit pa si Yvee. Sabay na napahinto sina Yvee at Gideon nang makapasok sila sa loob. Para bang parehong nagpoproseso sa utak nila ang nakita nila. Ang inaasahan nila
Parehong napalingon sina Gideon at Yvee nang marinig nila ang boses na iyon. Isang lalaking nakasuot ng kaswal na damit at shades ang nasa likuran nila. Mukha itong turista dahil mestizo ang balat nito. “Long time no see,” sabi ng lalaki sabay abot ng kamay niya. “Kumusta, Peter?” bati pabalik ni Gideon. Nagkamayan silang dalawa. “I am doing fine. Busy sa trabaho at anak ko—” Natigilan si Gideon nang mapansin niyang nakatingin si Peter kay Yvee. Tumikhim si Peter. “Sino itong magandang dilag sa tabi mo? Is this your wife?” Unti-unting lumiwanag ang ekspresyon ni Gideon at hinila papalapit si Yvee sa kaniya. “Well… this is my girlfriend—my soon-to-be-wife—” “Gideon!” saway ni Yvee nang marinig niya iyon at bumulong. “Ano ka ba? Nakakahiya, kahapon lang tayo naging mag-on.” Natawa si Gideon. “Do’n din naman ‘yon papunta, ‘di ba?” “P-Pero nakakahiya!” giit ni Yvee. Tumikhim si Peter. “What a lovely couple. Care to catch up with me, Gideon? Mukhang marami-rami tayon
Bandang tanghali nang magising sina Yvee at Gideon dahil sa mainit na ang sikat ng araw. Nagpasya muna silang maglakad-lakad sa dalampasigan. Ninanamnam nila ang sariwang hangin at magandang tanawin. Minsan ay nagkakasabay ang mga hakbang nila. Minsan naman ay nagkakasalubong ang kanilang mga kamay hanggang sa kusa na lang hinawakan ni Gideon ang kamay ni Yvee. Hindi na siya nagpaalam. Hindi na rin siya nagtanong. Napatingin si Yvee sa kamay niyang hawak na ngayon ni Gideon. Kinakabahan siya pero hindi niya magawang hilahin ang kamay niya papalayo. “Grabe ka talaga,” sabi niya, pilit na kalmado. “Hindi ka ba marunong magtanong muna o magpaalam man lang?”Bahagyang ngumiti si Gideon. Hindi siya tumitingin kay Yvee. “Kung magtatanong pa ako ay baka umatras ka pa. Isa pa, I am your boyfriend now. Holding your hand is one of my rights as your boyfriend.”Ngumiwi si Yvee. “P’wede ka namang magtanong muna. Masyado ka lang asyumero.”“Realistic,” sagot ni Gideon.Napailing si Yvee pero hin
FlashbackIsang tahimik na umaga. Nakaupo sa wheelchair ang ina ni Yvee. Ang kaniyang anak naman ay nakaupo sa kaniyang paanan. Nasa tabing-dagat sila. Hinihintay nila ang pagsikat ng araw. Mahina niyang hinahaplos ang mahabang buhok ng kaniyanh anak habang nakatingin sila sa sumisikat na araw. “Yvee…” mahinang tawag niya.Agad na lumingon si Yvee sa kaniyang ina. “Mommy” sagot niya. Pinipigilan niyang pumatak ang kaniyang luha.Ngumiti ang ina ni Yvee. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod at panghihina pero kahit gano’n ay malambing siyang nakatingin sa kaniyang anak. “Ang ganda ng umaga, ’no?” aniya.Tumango si Yvee kahit hindi niya kayang magpakatotoo sa sandaling iyon. Dahil alam niyang unti-unti na siyang mawawalan. Natatakot siyang kumurap dahil baka sa isang iglap ay maglaho ito sa harapan niya. Dahan-dahang hinawakan ng ina niya ang kamay niya. Mahina ang kapit nito ngunit ramdam niya ang init ng palad nito.“Anak,” sabi ng ina ni Yvee, halos pabulong. “Marami ka pang pagdadaana
Bumalik si Gideon sa kasalukuyan, ngunit nanatili ang bigat sa mga mata niya. “Doon ko siya nakita,” mahina niyang sabi. “Nakasilong lang siya sa isang maliit na basket sa gitna ng ulan. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung ano ang gagawin ko. Kung kukunin ko ba siya o hindi. Pero palakas nang palakas ang iyak niya. Kaya kinuha ko siya—” Saglit na natigilan si Gideon. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing maaalala ang tagpong iyon. “Napakaliit niya. Mas malaki pa yata ang bote ng alak kaysa sa kaniya pero napakalakas ng iyak niya noong gabing iyon. Sinugod namin siya sa hospital at sabi ng doctor ay kung hindi agad namin siya nadala noong gabing iyon ay baka wala na siya ngayon.”Napatingin si Yvee kay Gideon, parang naninikip ang dibdib niya habang iniisip na muntik nang mawala ang anak niya. Paano kung hindi dumating si Gideon noong gabing ‘yon? Sana ay habang-buhay lang siyang maghahanap sa anak niya?“Kinailangang manatili si Atlas sa NICU ng isang buwan. At habang naroon siya ay nag
Nakaupo pareho sina Yvee at Gideon sa kanilang camping chairs. Bahagya silang nakaharap sa dagat habang tuluyan nang nagdilim ang kalangitan. Ilang bituin na rin ang nagsimulang sumilip at ang hangin ay mas lumamig na. May hawak silang tig-isang baso ng wine. Tahimik silang umiinom. Paminsan-minsan ay nagtatama ang mga daliri nila sa pagitan ng upuan…hanggang sa muling nagdikit ang kamay nila.Parehong napahinto sina Yvee at Gideon at sabay silang napatingin sa isa’t isa. Agad na tumikhim si Yvee at bahagyang umiwas ng tingin. “May gusto akong itanong sa’yo,” sabi niya, pilit na pinapakalma ang sarili.“Go ahead… Yvee.”Napahinto si Yvee. Dahan-dahan siyang napalingon kay Gideon. Hindi dahil sa sinabi nito kung hindi dahil sa paraan ng pagkakasabi nito. Ang pangalan niya… sa bibig ni Gideon ay masyadong malambing ang pagkakabigkas nito. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya at bago pa siya makabawi ay marahan na nitong hinawakan ang kamay niya. Mainit ang palad nito. Dahan-dahan
Agad nilang tiningnan ang bata, si Atlas, matapos noon ay lumingon si Drew sa gawi nina Edwin. “Mr. Alejado, what is the meaning of this?! Ang kapal ng mukha niyong pagbantaan ang tagapagmana ng Revamonte Group!” galit na sigaw niya. Hindi niya akalaing tatraydurin sila ng pamilyang Alejado. Ngumi
Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b
“Atticus, anak!” Halos pumutok ang dibdib ni Yvee sa kaba habang naglalakad sa makapal na usok. Namumula na ang mga mata niya sa hapdi, pero hindi siya tumigil sa paghakbang. “Mommy!” sagot na sigaw mula sa ‘di kalayuan. Parang binuhusan si Yvee ng lakas nang marinig niya ang sigaw na iyon. Mabil
Naiwan si Drew sa sulok. Nanonood siya habang umiipon ang katahimikan sa pamilya Alejado. Kinuskos niya ang kaniyang batok at saka niya napagpasiyahang lumapit. Kahit pa nahihiya ay kailangan niyang sundin ang utos ng pinsan niya. “Mr. and Mrs. Alejado,” bati niya, dahan-dahan.Lumingon si Edwin. “







