LOGINParehong napalingon sina Gideon at Yvee nang marinig nila ang boses na iyon. Isang lalaking nakasuot ng kaswal na damit at shades ang nasa likuran nila. Mukha itong turista dahil mestizo ang balat nito. “Long time no see,” sabi ng lalaki sabay abot ng kamay niya. “Kumusta, Peter?” bati pabalik ni Gideon. Nagkamayan silang dalawa. “I am doing fine. Busy sa trabaho at anak ko—” Natigilan si Gideon nang mapansin niyang nakatingin si Peter kay Yvee. Tumikhim si Peter. “Sino itong magandang dilag sa tabi mo? Is this your wife?” Unti-unting lumiwanag ang ekspresyon ni Gideon at hinila papalapit si Yvee sa kaniya. “Well… this is my girlfriend—my soon-to-be-wife—” “Gideon!” saway ni Yvee nang marinig niya iyon at bumulong. “Ano ka ba? Nakakahiya, kahapon lang tayo naging mag-on.” Natawa si Gideon. “Do’n din naman ‘yon papunta, ‘di ba?” “P-Pero nakakahiya!” giit ni Yvee. Tumikhim si Peter. “What a lovely couple. Care to catch up with me, Gideon? Mukhang marami-rami tayon
Bandang tanghali nang magising sina Yvee at Gideon dahil sa mainit na ang sikat ng araw. Nagpasya muna silang maglakad-lakad sa dalampasigan. Ninanamnam nila ang sariwang hangin at magandang tanawin. Minsan ay nagkakasabay ang mga hakbang nila. Minsan naman ay nagkakasalubong ang kanilang mga kamay hanggang sa kusa na lang hinawakan ni Gideon ang kamay ni Yvee. Hindi na siya nagpaalam. Hindi na rin siya nagtanong. Napatingin si Yvee sa kamay niyang hawak na ngayon ni Gideon. Kinakabahan siya pero hindi niya magawang hilahin ang kamay niya papalayo. “Grabe ka talaga,” sabi niya, pilit na kalmado. “Hindi ka ba marunong magtanong muna o magpaalam man lang?”Bahagyang ngumiti si Gideon. Hindi siya tumitingin kay Yvee. “Kung magtatanong pa ako ay baka umatras ka pa. Isa pa, I am your boyfriend now. Holding your hand is one of my rights as your boyfriend.”Ngumiwi si Yvee. “P’wede ka namang magtanong muna. Masyado ka lang asyumero.”“Realistic,” sagot ni Gideon.Napailing si Yvee pero hin
FlashbackIsang tahimik na umaga. Nakaupo sa wheelchair ang ina ni Yvee. Ang kaniyang anak naman ay nakaupo sa kaniyang paanan. Nasa tabing-dagat sila. Hinihintay nila ang pagsikat ng araw. Mahina niyang hinahaplos ang mahabang buhok ng kaniyanh anak habang nakatingin sila sa sumisikat na araw. “Yvee…” mahinang tawag niya.Agad na lumingon si Yvee sa kaniyang ina. “Mommy” sagot niya. Pinipigilan niyang pumatak ang kaniyang luha.Ngumiti ang ina ni Yvee. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod at panghihina pero kahit gano’n ay malambing siyang nakatingin sa kaniyang anak. “Ang ganda ng umaga, ’no?” aniya.Tumango si Yvee kahit hindi niya kayang magpakatotoo sa sandaling iyon. Dahil alam niyang unti-unti na siyang mawawalan. Natatakot siyang kumurap dahil baka sa isang iglap ay maglaho ito sa harapan niya. Dahan-dahang hinawakan ng ina niya ang kamay niya. Mahina ang kapit nito ngunit ramdam niya ang init ng palad nito.“Anak,” sabi ng ina ni Yvee, halos pabulong. “Marami ka pang pagdadaana
Bumalik si Gideon sa kasalukuyan, ngunit nanatili ang bigat sa mga mata niya. “Doon ko siya nakita,” mahina niyang sabi. “Nakasilong lang siya sa isang maliit na basket sa gitna ng ulan. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung ano ang gagawin ko. Kung kukunin ko ba siya o hindi. Pero palakas nang palakas ang iyak niya. Kaya kinuha ko siya—” Saglit na natigilan si Gideon. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing maaalala ang tagpong iyon. “Napakaliit niya. Mas malaki pa yata ang bote ng alak kaysa sa kaniya pero napakalakas ng iyak niya noong gabing iyon. Sinugod namin siya sa hospital at sabi ng doctor ay kung hindi agad namin siya nadala noong gabing iyon ay baka wala na siya ngayon.”Napatingin si Yvee kay Gideon, parang naninikip ang dibdib niya habang iniisip na muntik nang mawala ang anak niya. Paano kung hindi dumating si Gideon noong gabing ‘yon? Sana ay habang-buhay lang siyang maghahanap sa anak niya?“Kinailangang manatili si Atlas sa NICU ng isang buwan. At habang naroon siya ay nag
Nakaupo pareho sina Yvee at Gideon sa kanilang camping chairs. Bahagya silang nakaharap sa dagat habang tuluyan nang nagdilim ang kalangitan. Ilang bituin na rin ang nagsimulang sumilip at ang hangin ay mas lumamig na. May hawak silang tig-isang baso ng wine. Tahimik silang umiinom. Paminsan-minsan ay nagtatama ang mga daliri nila sa pagitan ng upuan…hanggang sa muling nagdikit ang kamay nila.Parehong napahinto sina Yvee at Gideon at sabay silang napatingin sa isa’t isa. Agad na tumikhim si Yvee at bahagyang umiwas ng tingin. “May gusto akong itanong sa’yo,” sabi niya, pilit na pinapakalma ang sarili.“Go ahead… Yvee.”Napahinto si Yvee. Dahan-dahan siyang napalingon kay Gideon. Hindi dahil sa sinabi nito kung hindi dahil sa paraan ng pagkakasabi nito. Ang pangalan niya… sa bibig ni Gideon ay masyadong malambing ang pagkakabigkas nito. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya at bago pa siya makabawi ay marahan na nitong hinawakan ang kamay niya. Mainit ang palad nito. Dahan-dahan
“Kung ayaw mong manligaw, eh ‘di sige, girlfriend na kita mula ngayon,” ulit ni Gideon, parang normal lang.Tuluyan nang nataranta si Yvee. “Sandali lang, Gideon—”“I am now your boyfriend, Yvee. If you want, i-aannounce ko sa annual ball na ikaw ang girlfriend ko…” dagdag pa ni Gideon na parang wala lang iyon sa kaniya.Mas lalong nataranta si Yvee. “Ha?! Ano’ng ibig mong sabihin?! Anong girlfriend?”“Simple lang,” sagot ni Gideon. “Simula ngayon ay officially dating na tayo.”Parang may sumabog sa utak ni Yvee. “Ano?! Hindi! Hindi p'wede ’yan!” Tumayo pa siya, halatang naguguluhan. Ngunit nanatiling kalmado si Gideon habang nakatingala sa kaniya. “Bakit?” tanong ni Gideon.“Dahil…dahil—” naputol si Yvee. Hindi niya alam ang sasabihin niya. “Dahil ano?” tanong ni Gideon, mas tumalim ang boses. “Wala ka talagang gusto sa akin?”Napahinto si Yvee.“Pero bakit mabait ka sa anak ko?” dagdag ni Gideon. Isang hakbang ang inilapit niya. “May iba ka pa bang motibo?”Nanlaki ang mga mata ni
Bumukas ang pinto at agad napalingon si Gideon sa direksyon noon. Pumasok si Drew na seryoso ang mukha at may mabigat na aura.“Kuya,” mahinang tawag ni Drew. Tinanguan siya ni Gideon at minuwestrahang maupo muna. Mabilis siyang lumapit at naupo sa silyang kaharap niya. Bumuntong-hininga muna siya
Nakatayo si Gideon sa harapan ng suite ni Yvee. Palakad-lakad pa siya. Hindi niya alam kung kakatok na ba siya o magrereply muna siya sa text o tatawagan niya ang numero nito. Natauhan na lang kasi siya nang nasa mismong tapat na siya ng pinto ng suite nito.Napahilamos sa mukha si Gideon. “Bakit b
Pagbalik ni Yvee sa suite, sinalubong siya ng katahimikan. Mahina ang ilaw sa gilid ng kama.Nakatagilid si Atlas at mahimbing ang tulog. Yakap niya ang maliit na unan. Kita sa mukha niya ang matinding pagod.Napangiti si Yvee, ngunit may halong lungkot. ‘Hayaan mo anak, mabubuo rin tayong tatlo ng
Sa suite ni Yvangeline… Sumulyap si Atlas sa banyo. Napangiti siya nang makita niyang nakasara pa rin ang pinto. Rinig na rinig niya ang lagaslas ng tubig mula roon. Mabilis siyang tumayo sa kama niya at nagtungo kung saan nakalagay ang cellphone ng nanay niya. Tinap ni Atlas ang screen ng phone







