เข้าสู่ระบบ“Mommy!” masiglang singit ni Atlas habang halos tumalon pa sa sobrang excited. “P’wede po ba kaming magsuot ng tuxedo?”“Ako rin po!” mabilis na dagdag ni Atticus. “Tapos may cape po ako!”Napatawa si Gideon at napakunot-noo. “Bakit may cape?”“Para cool!” sagot ni Atticus na kumikislap ang mga mata sa tuwa, parang siguradong sigurado siya sa ideya niya.Umiling si Drew habang natatawa. “Hindi kasal ’yan. Superhero movie ’yan. Bawal ’yan doon.”“Ako po ang magiging ring bearer!” taas-kamay na sabi ni Atticus na parang nanalo na agad siya sa usapan.“Hala, gusto ko rin po!” reklamo agad ni Atlas habang nakasimangot sa kaniyang kapatid.“Eh ‘di dalawa kayo,” mabilis na sagot ni Yvee bago pa tuluyang mauwi sa away.Agad nag-high five ang kambal. “Yes!”“Daddy!” tawag ulit ni Atlas, halos hindi siya mapakali sa kakaisip. “P’wede po bang maraming cake?”“P’wede,” natatawang sagot ni Gideon.“At ice cream po?”“P’wede rin.”Saglit na nag-isip si Atlas bago muling magsalita. “At robot?”Tulu
Maagang-maaga pa lang ay maingay na agad sa salas ng beach house. Nasa malaking sofa si Ahma habang may hawak na tasa ng tsaa. Nakatayo naman malapit sa kaniya ang dalawa niyang nurse na parehong nakangiti habang pinapanood ang nangyayari sa paligid.Sa kabilang sofa naman ay magkatabing nakaupo sina Gideon at Yvee o mas tamang sabihing halos magkadikit na silang dalawa. Hindi na tinantanan ng tukso ng lahat si Yvee tungkol sa engagement ring niya. Kung dati ay inis na inis siya sa tuwing iniisip ng iba na may gusto siya kay Gideon Revamonte, ngayon ay hindi na niya maitatangging higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman niya sa lalaki. Mahal na niya ito at ipinagkakatiwala na niya ang puso niya rito.“Mommy, patingin po ulit!” excited na sigaw ni Atticus habang halos sumampa na sa kandungan ni Yvee.“Ako rin po, mommy! Patingin po!” sabay singit ni Atlas.Natatawang inilapit ni Yvee ang kamay niya sa kambal. Agad namang namilog ang mga mata ng dalawa.“Wow…”“Ang kintab!” manghang sab
Mabilis na natakpan ni Yvee ang bibig niya nang makita niyang may maliit na kahong inilabas si Gideon mula sa bulsa nito. “Wait— wait— teka lang—”Natawa nang mahina si Gideon habang nakatingala siya kay Yvee. Halatang kinakabahan din siya kahit pilit kalmado. “Unexpected?” tanong niya.“Oo naman!” halos pabulong na tugon ni Yvee. “Bakit ka luluhod bigla?!”“Because I want to ask you something important.”Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ni Yvee.Binuksan ni Gideon ang maliit na kahon. At agad kumislap ang singsing sa ilalim ng ilaw.Napasinghap si Yvee habang tuluyan nang pumatak ang luha niya.“Yvee,” mahinang tawag ni Gideon. “Hindi ko man masabing palagi nang maayos… pero ikaw ’yong pinakamagandang nangyari sa buhay ko.”Tahimik lang na umiiyak si Yvee habang nakatitig siya kay Gideon.“You became my home. You became the direction I never thought I needed. Ikaw at ang mga bata. Iniisip ko na baka tumanggi ka at isiping masyadong mabilis ang lahat. Noong unang beses akong na
Tumikhim si Gideon bago dahan-dahang inilahad ang kamay niya sa harapan ni Yvee.Bahagyang kumunot ang noo ni Yvee habang napapatingin sa kamay ni Gideon. “Huh?” litong tanong niya habang nakaupo pa rin.Hindi agad sumagot si Gideon, sa halip ay tumayo siya mula sa upuan niya. Mabagal siyang humakbang palapit kay Yvee hanggang sa tuluyan siyang matigilan sa mismong harapan nito.Mas lalo tuloy kinabahan si Yvee.“Yvee,” mahina ngunit seryosong tawag ni Gideon.“Hmm?” sagot ni Yvee habang nakatingala kay Gideon. “Bakit ganiyan ka makatingin?”Ngumiti lang si Gideon. Muli niyang iniabot ang kamay niya kay Yvee. “Can I have this dance?”Napakurap si Yvee. “Ha?”Bahagyang natawa si Gideon. “Ang sabi ko… maaari ba kitang yayaing sumayaw?”“Ano bang mayro'n sa iyo ngayong gabi?” natatawang tanong ni Yvee pero halatang naiilang. “Dinner, flowers, tapos ngayon… sayaw naman?”“Bawal ba?”“H-Hindi naman sa bawal…” Napakagat labi si Yvee at nag-iwas siya sandali ng tingin kay Gideon. “Nakakap
Sa sala ng beach house, nakaupo si Yvee sa may mahabang rattan sofa malapit sa malalaking bintanang salamin. Bahagyang sumasayaw ang manipis na puting kurtina dulot ng hanging nagmumula sa dagat. Nakapatong sa kaniyang kandungan ang makapal na librong kanina pa niya binabasa ngunit tila wala namang anumang pumapasok sa kaniyang isipan.Marahang itinaas ni Yvee ang tasa ng tsaa at sumimsim. Siya lang ang nasa salas ngayon, si Drew, Gideon, at ang mga bata ay nagkaroon ng “boys outing”. At ang matriyarka naman at ang mga nurse nito ay nagpapahinga sa silid. Kaya inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa.Naglipat si Yvee ng pahina ngunit hindi niya namalayang ilang minuto na pala siyang nakatitig lamang sa iisang talata. Masyadong siyang masaya—at natatakot siya na baka maglaho na lang bigla ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon.Malaks na bumukas ang pinto.Blag!“Ate!”Napapitlag si Yvee at mabilis na napalingon kung saan nagmumula ang boses na iyon. Humahangos si Drew sa bung
“Mommy! Ang linaw!” sigaw ni Atticus.“Kita ko ’yong ilalim!” dagdag ni Atlas habang excited na itinuturo ang mga maliliit na isdang dumaraan.Hinawi ni Yvee ang buhok na nililipad ng hangin habang pinagmamasdan ang dalawa niyang anak. Malamig ang simoy ng dagat at sa unang pagkakataon, matapos ang mahabang panahon, pakiramdam niya ay wala muna siyang kailangang isipin. Napakunot ang noo niya nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Sa gilid ng paningin niya, nakita niya si Gideon. Hindi sa dagat nakatuon ang tingin nito kung hindi, sa kaniya.“Anong iniisip mo?” tanong ni Yvee nang hindi niya direktang nililingon si Gideon.Bahagyang ngumiti si Gideon bago tumingin saglit sa kambal. “Kayo…ang pamilya natin.”Napalingon si Yvee kay Gideon. “What?”“Kayo.”Saglit na natahimik si Yvee. Hindi niya alam kung paano siya sasagot sa sinabi ni Gideon. Maingat siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin. Ilang minuto pa ang lumipas bago dahan-dahang huminto ang bangka sa gilid ng isang mali
Pagkasara ng pinto ng presidential suite ay lumingon si Drew sa kaliwa niya. Dapat ay nandoon pa si Atlas– nakatayo habang naghihintay sa tatay nito pero wala na ang bata. Kumino ang noo niya. “Atlas? Hey, kid? Where are you?” Walang batang lumapit kahit nakailang tawag na si Drew sa pangalan ni A
Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b
Prenteng nakaupo sa sofa sina Gideon at ang doktor. Nag-uusap sila ng seryoso. “Sa mga ganitong kaso,” paliwanag ng doktor. “May mga batang mas mabilis ang progress kapag ang nag-aalaga o nagtuturo sa kanila ay biologically related. Halimbawa, birthmother nila. Emotional connection lang ‘yon pero
Pagharap ni Yvee sa pinto, wala siyang nadatnan — sarado na ito, tahimik, at tila walang kahit sinong dumaan doon. Napasinghap siya nang bahagya, saka muling tumingin kay Atticus. “See?” mahinahong sabi ni Yvee, pilit na ngumingiti. “Baka gutom ka lang, anak. Kapag gutom tayo, kung anu-ano ang na







