LOGIN“You’re free to go now, I won’t bother you again.’’Ang malamig na boses niya ang paulit-ulit na ume-echo sa aking pandinig habang naglalakad ako papalabas ng magarbo niyang bahay.Lakad sabay hinto. Ni hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nakatayo sa harap ng pinto bago tuluyang gumalaw ang mga paa ko. I don’t know why I’m feeling this way pero para bang may pumipigil sa akin na lumabas. Na baka bawiin niya ang mga sinabi niya. Na baka sa sandaling ito ay bawiin niya ang kalayaan ko at itanong ulit ang tanong na pilit kong iniiwasan.Pero walang boses na humabol. Walang yabag ng paa. Walang nagpumilit.Shit! What’s fucking wrong with me? Ako itong nagsinungaling dahil ayaw ko na ng gulo pero ako din itong umaasa na hahabulin niya?I gulped hard saka ko marahang hinaplos ang umbok ng aking sinapupunan.“I know it’s you baby. Ikaw ang dahilan kung bakit ko ito nararamdaman. Ramdam mo rin ba ang presensiya ng ama mo anak? Do you want us to stay with him? Gusto mo bang kilalanin
I was too stunned to answer him. Ni hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kanya. At masasabi ko na ibang iba ang awra niya ngayon kumpara noong nakilala ko siya sa resort. Matigas ang panga niya at seryoso ang mga mata habang nakatitig sa akin na para bang mariin akong pinag- aaralan. Para siyang boss sa sarili niyang emperyo na hinding hindi mo pwedeng suwayin. But above everything, hindi ko pa rin maidedeny sa sarili ko kung gaano siya kagwapo na wala kang anumang mapipintas sa kagwapuhan at kakisigang taglay niya. Bahagya nitong nilingon ang mga security niya sabay tango ng marahan na parang isang senyas. At wala pang isang segundo ay sabay sabay ang mga ito na lumabas ng kwarto kaya naiwanan na lamang kaming dalawa. At ang eksenang ito ay mas lalo lang nagpadagdag sa pagwawala ng dibdib ko at nagpatuliro sa buong sistema ko. Ilang minuto pang namayani ang katahimikan dahil hindi ko pa rin magawang ibuka ang bibig ko. Hanggang sa siya na rin ang kusang bumasag sa k
Nagising ako sa isang malambot at malaking kutson na para bang lumulubog ang likod ko sa pagkakahiga. Mabigat ang talukap ng mga mata ko pero pinilit ko pa rin itong iminulat. At nang maimulat ko ng ito ay halos mapaso ako sa liwanag na sumalubong mula sa isang malaking bintana. The room isn’t familiar! Na— nasaan ako!? My eyes widened. Saka pa lamang unti unting nagsink-in sa utak ko ang huling nangyari at kung paano ako napadpad dito. Oh my goodness! Natutop ko ang bibig ko saka ako dahan dahang nagpalinga linga sa bawat sulok. Napakalaki ng kwartong ito at mabango ang paligid. Amoy mamahaling kandila na parang pinaghalo ang sandalwood at vanilla. At nang tumingala ako ay saka ko lang napansin ang sobrang taas na kisame, ang mamahaling chandelier, at ang pagkalaki-laking couch. This isn’t an ordinary room. Dahil kahit laki ako sa karangyaan ay ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking kwarto kaya natitiyak kong hindi basta ordinaryong tao ang nagpadukot sa akin. Kung
“Ms. Villa Madrid, hindi pa talaga namin nirerekomenda na lumabas ka ngayon,” Mahinahong wika ng doktor habang inaayos nito ang chart ko. “You need rest. Your body is still recovering from stress exhaustion. Kung pwede sana at least another one or two days pa especially that you’re pregnant.”Napapikit ako. Inasahan ko na ang litanyang ito ng doktor pero kailangan ko pa ring lumabas dahil flight ko na bukas. Kapag hindi ako umalis, siguradong mahihirapan na akong makapagbook ulit ng ticket dahil wala na akong sapat na pera para doon. At kung gising at nakakapagsalita lang sana si papa ngayon, alam kong iyon ang nais niya.“Doc, I understand.” Sagot ko sa kalmado ding tono. “Pero may flight po ako bukas ng umaga. Hindi ko na po iyon puwedeng i-cancel.” Paliwanag ko pero ang tipo ng tingin nito ay halatang hindi sang- ayon.“Just to make it clear for you, hindi biro ang stress exhaustion Ms Villa Madrid. Your blood pressure dropped dangerously low. Your body is telling you something.” M
Parang biglang nagslow- mo ang pangyayari.“Call an ambulance!” Naghi- hysterical na sigaw ko, nanginginig ang boses. “Papa, please!”Hawak ko siya sa dibdib, nanginginig pa ang mga kamay ko habang pinipilit ko siyang gisingin. “Papa, please look at me… I’m sorry… I’m so sorry…” Humagulhol na ako. Hindi ko na malaman ang gagawin. Ngunit mas namutawi ang pag-aalala ko kay papa keysa sa kahihiyang ginawa ni Kelsey.At sa gitna ng kaguluhan at sa pagitan ng mga sigaw at ilaw ng kamera, bigla ko na lamang naramdaman ang pagkahilo. Bumigat ang ulo ko kasabay ng pag ikot ng aking paningin. At ang huling naalala ko ay ang mukha ni Kelsey, nakangisi… isang ngisi ng tagumpay para ipamukha at ipangalandakan ang kanyang pagkapanalo. ********Nang magmulat ako ng mga mata ay ramdam ko kaagad ang bigat ng aking mga talukap ganoon din ng aking pakiramdam.At ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame at ang amoy disinfectant kaya agad ko ring napagtanto na nasa isang ospital ako.Ang katawa
“Tonight, we’re not just celebrating a union, we are witnessing the merging of two powerful families. Let us all welcome, Ms. Kelsey Emanuela Villa Madrid and Mr. Travis Escaño!”Nagpalakpakan ang lahat matapos ang anunsyong ito ng host. Nakakabinging palakpakan at ang mga mata ko ay nakatutok sa dalawang tao sa entablado.Ewan ko ba pero parang may kahawig ang Travis Escano na ito. Hindi man literal na magkamukha pero parang may naaalala ako sa galaw at tindig niya. Napailing na lamang ako at hindi na nag-isip pa ng kung anu-ano.Nagsalita na rin si Kelsey pero hindi na ako nakinig. Tila ba parang gusto ko ng matapos ito agad at nang makauwi na ako. Sunod namang nagsalita ang lalaki at dito na ako muling napatingin sa kanila.“I can say that I’m the luckiest man on earth dahil napakaganda ng fiance ko. Well mannered and kind hearted–” Puri nito kay Kelsey kaya hindi ko na pinakinggan pa ang sunod na mga sinabi nito. Nairolyo ko nalang ang mga mata ko, parang gusto kong masuka sa papu







