“Ano!? Sabi na sayo eh! Hindi talaga maaasahan yang ex mo. Huwag kang umalis diyan sa apartment mo okay? Papunta na ako.” Tarantang wika ni Diana nang tawagan ko ito at ekwento sa kanya ang naabutan ko sa condo ni Red. She’s my bestfriend kaya halos kwento ng talambuhay ko ay alam niya.
Matamlay kong ibinaba ang aparatu ko saka ini-off ito dahil iniiwasan kong tumawag si Red kung sakali. Ni hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi. Basta ang alam ko lang, lasing sa luha at pait ang mga mata ko habang nakadapa sa kama ngayon. Paulit-ulit kong iniisip ang eksenang naabutan ko, ang katawan ni Red na nakapatong sa ibang babae habang kapwa sila umuungol sa sarap.
Bwisit! Is it my fault? Kasalanan ko ba kung nagpapakamanang ako? Kasalanan ko ba kung mahalaga sa akin ang puri ko na siyang tangi ko nalang na ipagmamalaki ngayon?
“Wala kang kasalanan Iya! Sadyang manyakis lang ang Red na yon! Manyaaaakisss!” Sigaw ko saka tulala akong napatitig sa kisame ng kwarto ko habang walang humpay sa pag agos ang mga luha sa aking mga mata. Maging sa pagkain ay wala rin akong gana dahilan para mas lalo ko pang maramdamam ang katamlayan.
Kaya nang dumating si Diana ay puro sermon ang inabot ko.
“Una pa lang, binalaan na kita na mukhang hindi na talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking yon! Sadyang nagpapakabulag ka lang sa pagmamahal. Teh, sa ganda mong yan? Hindi niya deserve iyakan. Aba! Ang dami mo ng pinagdaanan sa buhay, tapos sa isang lalaki magpapakalugmok ka? Bumangon ka na diyan at kumain! Jusko! Hindi yon kawalan!”
Litanya nitong tinalo pa ang isang magulang kaya napilitan akong bumangon saka sumubo sa dala niyang pagkain dahil siguradong hindi ito titigil sa pagtatalak.
“Gusto mo bang resbakan natin? Naku! Matagal ng hindi nakakasapak itong kamao ko.” Anito pa kaya hindi ko mapigilang matawa ng bahagya dahil ang tapang talaga nito at ang lakas ng loob kahit pa maliit lang itong babae.
“Kumalma ka na okay? There’s no need. Karma na ang bahala sa kanya. Tsaka salamat sa pagpunta mo rito.” Emosyonal na turan ko kaya napaupo ito sa tabi ko saka ako niyakap.
“Alam mo namang nandito lang ako palagi para sayo. Anong balak mo ngayon?”
Napahinga ako ng malalim. Ilang beses ko rin itong pinag isipan kanina.
“Magle-leave na muna ako sa trabaho. Gusto kong magbakasyon, magpalamig muna ng ulo, mag unwind. Gusto kong makahinga muna sa lahat.” Wika ko na mabilis nitong ikinasang ayon.
“Aba! Agree ako diyan. Dapat noon mo pa yan ginawa noong nagkaproblema ka sa daddy mo–”
“Diana…” Putol ko sa sasabihin pa nito dahil isa ang bagay na iyon na nagpapahirap sa kalooban ko.
“Sorry beshy. Sige na kumain ka na. Pakabusog ka.” Anito na nakapeace sign pa kaya akmang susubo na sana ako nang bigla kaming makarinig ng sunod sunod na doorbell kaya bahagya akong napatigil.
“May inaasahan ka bang bisita ngayon?” Ani Diana pero mabilis akong umiling.
“Aba kung ganun ay parang nahuhulaan ko na kung sino yang tukmol na yan!” Bulalas nito saka maangas na tinungo ang pintuan kaya mabilis din akong napatayo at sumunod sa kanya.
At hindi nga nagkakamali ng hinala si Diana dahil matapos nitong buksan ang pintuan ay bumungad ang mukha ni Red, nakatayo ito sa labas ng gate.
At dahil ramdam kong susugurin ito ni Diana ay mabilis kong hinawakan ang braso ng kaibigan ko.
“Besh, ako na. Bawal mag eskandalo, nakakahiya sa mga kapitbahay.” Mahinahong turan ko.
“Sigurado ka?” Paniniguro pa niya na marahan kong ikinatango. “Basta tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng resbak.” Turan ni Diana kaya hinayaan na muna ako nitong humakbang papalapit sa gate kung nasaan si Red.
Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga para palakasin ang loob ko na harapin ang manlolokong lalaki.
Inhale…
Exhale…
Paulit ulit ko itong ginawa hanggang sa natagpuan ko ang sariling nasa harapan na nito.
“Iya…”
Usal ng lalaki sa kalmadong boses. Nagwawala man ang kalooban ko ay pinilit kong maging mahinahon saka ako humalukipkip sa harapan nito.
“What do you want?” Malamig ang boses na tanong ko para iparamdam sa kanya na wala na siyang babalikan pa.
“Nandito ako para ibalik ang mga gamit na binigay mo.” Walang paligoy ligoy na sagot nito kaya bumaba ang mga mata ko sa malaking box na nasa tabi nito.
Napaigting ang panga ko. “Iniinsulto mo ba ako?”
“Hindi. Sayang naman kasi kung itatapon ko lang, hindi ko naman ginagamit. And I know, gumastos ka for all of these so ngayong hiwalay na tayo, I am willingly returning it.” Salaysay pa niya na para wala man lang pagsisisi kaya mas lalong nagwala ang kalooban ko sa gigil.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga dahil kung ipapakita kong apektado ako ay siguradong magmumukha lang akong talunan.
“Fine! Diana…” Tawag ko sa kaibigan ko na mabilis namang rumesponde.
“Yes beshy? Babasagin na ba natin ang feeling gwapong mukha?” Bulong nito nang makalapit kaya pagak akong napangisi.
“Kumuha ka ng posporo at gas. May susunugin lang ako!” Turan ko sa matapang na boses kaya kita ko ang pamimilog ng mga mata ni Red.
“Wha— what? Anong gagawin mo Iya? Are you crazy? That’s why, you can’t blame me na maghanap ng iba dahil bukod sa Manang ka na nga ay baliw ka pa—”
“Diana bilis!!” Sigaw ko kay Diana kaya mas lalong bumakas ang kaba sa mukha ni Red.
“Are you afraid cheater? Excuse me, hindi ko dudungisan ang kamay ko sa isang manlolokong kagaya mo! Just leave or talagang tototohanin ko yang iniisip mo na susunugin kita ng buhay!” Mahinahon ngunit sobrang diing sambit ko kaya napailing na lamang itong umatras.
At nang maiabot ni Diana ang gas at posporo ay ibinuhos ko ito kaagad sa box at walang pagdadalawang isip na sinindihan.
Kita ko ang paglunok ng mariin ng lalaki habang nakasandal ito sa kotse niya.
“Hindi na ako tumatanggap ng basura sa pamamahay ko! Ngayon ko lang narealize na ang preskong kagaya ko ay hindi nararapat ss bulok na kagaya mo!” Matapang na usal ko saka itinaas ang isang kamay at mabilisang tumalikod.
Rinig ko nalang ang palakpak ni Diana sa aking likuran.
“Grabe! Ang galing nga naman talaga ng beshy ko! Kita mo ang putla sa mukha ng gago mong ex? Parang nakaligo ng sukang maasim eh! Ahahahaha” Diana screamed kaya napangiti ako na may kasamang pait at sakit.
I want to promise myself na magiging huli na ito. Quota na ako sa sakit na naranasan ko sa mga taong minahal at pinahalagahan ko. Sa ngayon, sarili ko naman ang uunahin ko.
********
Kinabukasan, paggising ko ay nagsend kaagad ako ng resignation letter sa email ng HR namin.
Oo, ang dapat sana’y leave ay naging immediate resignation dahil ayaw ko ng magkaroon pa ng kung anumang koneksyon sa mga taong may kaugnayan kay Red. Tito ni Red ang may ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko kaya whether I like it or not ay paniguradong magtatagpo lang ang landas namin ng manlolokong yon.
“Iya you’re one of our excellent and hardworking employee, are you sure about this?” Ramdam ko ang panghihinayang sa boses ni Ms. Cathy, ang HR namin. Ilang minuto lang kasi pagkasent ko ng email ay tumawag kaagad ito sa numero ko.
“Pasensiya na po ma’am dahil sobrang biglaan po ng desisyon ko but I am one hundred sure about this.” Mahinahong sagot ko at hindi na nagbigay pa ng mahabang detalye.
Mabuti nalang at nangako ito na aasikasuhin ang papel ko para makatanggap pa rin ako ng separation pay. Kahit biglaan ay deserve ko naman daw dahil sa pagiging tapat at masipag na empleyado ko sa loob ng mahigit dalawang taon.
Hindi na rin nagtagal ang usapan namin ni Ms. Cathy. Sunod kong tinawagan si Diana para ipaalam sa kanya na ngayon na ang alis ko patungo sa island resort na binook ko kagabi.
“Hindi ka ba talaga sasama?” Muling tanong ko sa kaibigan.
“Naku besh, alam mo namang sobrang busy ko dahil sunod sunod ang bookings ko this month. Tsaka hindi ba at mas maigi na rin iyong mapag isa ka para mas may peace of mind ka. You know me, madaldal ako at makulit kaya di ka rin makakapagfocus. Basta balitaan mo ako palagi sa happenings doon ha? Mag iingat ka! Love you!”
Mahabang palatak nito kaya nakangiting ibinaba ko ang aparatu matapos namin mag usap. Isa kasing event coordinator ang kapatid ni Diana habang siya ay make up artist. Kaya kung may bookings ang kapatid niya for weddings and birthdays ay automatic na siya ang make up artist.
At matapos kong ma-impake ang ilang damit at gamit na dadalhin ko ay kinuha ko ang natitira kong ipon. Dahil sarili ko lang naman ang sinusuportahan ko ay sapat na sapat na ito. Kasyang kasya pa hanggang makapag apply ulit ako ng panibagong trabaho.
Isang island resort sa La Union na nakita ko online ang binook ko. Sabi naman kasi sa reviews ay tahimik, malinis at perpekto ang resort para sa mga gustong magpahinga. At gustong gusto ko rin ang ambiance at view ng lugar base sa mga pictures na inupload online.
At habang nasa bus ay nakatingin lang ako sa bintana. Kita ko ang unti-unting paglaho ng mga gusali at paglitaw ng mga bundok at dagat. Sa bawat kilometro, pakiramdam ko ay unti-unti ring bumibigat ang mga mata ko sa luha, pero sa kaibuturan ay may bahagyang ginhawa.
Sa dami ng mga nangyaring pinagdaanan ko sa pamilya ko at sa panloloko sa akin ng lalaking minahal ko, I know I deserve this vacation. It’s time to pamper myself.