Home / Romance / One Last Chance / Chapter 02: It's Been A While

Share

Chapter 02: It's Been A While

Author: Neazaleia
last update Last Updated: 2022-01-03 16:50:57

“Kylian… natatakot ako,” nanginginig ang boses na sabi ng batang babae sa kanya. “Uwi na tayo. Ayoko na dito,” patuloy nito at tuluyan ng naiyak.

Napalunok siya habang pinagmamasdan ang mga nagbabantay sa kanila. He was scared too. Gusto niyang pumalahaw ng iyak but if he did, baka mas lalong panghinaan ng loob ang kaibigan niya.

With his trembling hand, he took the girl’s hand and held it tightly. “Wag ka mag-alala, ililigtas din tayo nila daddy at mommy.”

Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan at pilit na pinatahan. Pagkaraan din ng ilang sandali ay natahimik na ito. So silent that he couldn’t even hear her breathing. He called out her name but he didn’t get any response. And the next thing he knew, he saw blood in his hands. At ang batang babae na kanina yakap-yakap niya lang ay nakadapa na sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.

Umalingawngaw ang tunog ng baril sa buong paligid. He kept on calling the girl’s name but someone took him at pilit na inilalayo siya sa lugar na yun. He knew he was screaming pero walang lumalabas na boses mula sa kanya.

Pabalikwas na napabangon si Kylian. Bukas ang aircon sa loob ng kwarto niya pero halos maligo siya sa pawis niya na akala mo ay kagagaling niya lang sa marathon. He raked his fingers through his hair as he tried to catch his breath. Pagkaraan ay bumaba siya sa kusina nila para uminom ng tubig.

Napasandal siya sa kitchen island at pilit na inalala ang panaginip niya. Ilang buwan na rin ang nakakalipas since he started having those dreams. At sa tuwing nagigising siya ay ang bigat ng pakiramdam niya. In his dream, he was calling someone’s name pero nakakalimutan na niya ang pangalan na yun paggising niya. At sa tuwing pilit naman niyang inaalala ang pangalan nito ay nauuwi lang yun sa pagsakit ng ulo niya. Maski ang mukha ng batang babae ay malabo.

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya. Why was he getting even worked up? It was just a dream anyway. He heaved a deep sighed at umakyat na lang pabalik ng kwarto niya. It was already past three in the morning when he checked the time. Nahiga siya at pilit na bumalik ulit sa pagtulog. Hoping this time he’d have a decent dream.

“THANK you,” nakangiting sabi ni Kylian sa katulong pagkatapos nitong punuin ng tubig ang baso niya.

Kasalukuyan siyang nag-aalmusal kasama ang kanyang ama. It was like their daily morning routine—ang sabay mag-almusal. They would usually talk while they ate but mostly just about business or work. But this time, his dad was silent. A small frown creased his forehead. Kahit hindi ito magsalita ay may ideya na siya kung ano ang nasa isip nito.

“Kylian.”

Napaangat ang tingin niya nang marinig ang boses ng ama. “Yes, dad?” kalmado niyang tanong. He had already expected the next thing he would hear from him. His engagement with Lexie.

“Kung hindi ko pa siguro napanood sa balita ay baka hindi ko pa malalaman ang tungkol sa engagement mo sa babaeng yun.”

Napakunot-noo siya sa sinabi ng ama. “Lexie is her name, dad. Don’t just simply call her as ‘that woman’,” inis niyang sabi sa ama.

“Well, I don’t care kung ano man pangalan ng kasintahan mong yan! How long have the two of you been engaged?”

He groaned inwardly. When he proposed to Lexie, inaasahan na rin niya ang ganitong reaksyon mula sa ama. His old man didn’t like Lexie. Halos lantaran nitong ipakita ang pagkadisgusto nito sa kasintahan niya, to which he didn’t understand why.

“Kylian, how long?!”

Napasandal siya sa silya at napabuga ng hangin. “I proposed to her last week,” wala sa loob na sagot niya.

“Break off your engagement.”

“What?” Napatayo bigla siya sa kinauupuan. “No fucking way! Walang dahilan para i-break ko ang engagement namin ni Lexie.”

“You need a reason? Well then, I can give you one,” his dad replied mockingly, and then added, his eyes narrowing with anger: “It’s because I don’t like that woman. Hindi ako makakapayag na siya ang makakatuluyan mo. So break that engagement off!”

Mahina siyang napamura. Hindi niya gusto na sirang-sira na agad ang umaga niya. “Hindi kita maintindihan, dad. Bakit ganun na lang ang pagkaayaw mo kay Lexie? She had done nothing wrong with you. Kung tutuusin ay ginawa na nga niya ang lahat para lang magustuhan mo.”

Sandaling natahimik ang ama na tila ba nag-iisip ng isasagot. Pagkaraan ay bumuntong-hininga ito ng malalim. “Dahil hindi siya ang babaeng nararapat para sa’yo,” kalmado nitong sagot.

“Bullshit!” He ran his fingers through his hair and sighed out of frustration. “At sino naman ang babaeng nararapat para sa akin? Please, dad. Malaki na ako. Stop controlling my life!”

“Hindi ko kinokontrol ang buhay mo, Kylian Fontanilla!”

“Then what do you call this?!” he asked, his voice raising an octave. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkapagod. He felt as if all of his energy was sucked out of his body. And to think that it was just morning. Ngayon pa lang ay iniisip na niya kung paano siya makakapag-trabaho ng maayos mamaya.

“She’s just not the right one for you, son.”

He shook his head in disbelief. “Let’s… let’s just talk about this next time,” ang sabi na lang niya at tumalikod na. Palabas na siya ng dining room ng marinig ulit niyang magsalita ang ama.

“You’ll soon meet her.”

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito pero hindi na siya nag-abala pang lingunin ulit ang ama. He already had enough of this conversation.

NAKAGAT ni Zariyah ang labi habang tinitingnan ang orasan. It was already two in the afternoon at kanina pa niya inaabangan ang pagdating ni Mr. Laxamana dahil may kailangan itong pirmahan na payroll check para maihabol agad sa bangko.

“Zariyah, wala pa ba si Mr. Laxamana?”

Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Nadia, ang accountant nila and also her friend. Nakasilip ito mula sa pintuan. She gestured for her to come inside. Pagkapasok ay naupo ito sa silyang nasa harap ng mesa niya.

“Wala pa nga eh. Baka siguro na-traffic,” sagot niya.

Nadia shook her head. She frowned, at tila ba nag-iisip ng iba pang solusyon sa problema. “Baka kung anong oras na makarating si Sir. Lagpas alas dos na rin. Duda akong maihahabol pa sa bangko ang payroll check. Paniguradong hindi magugustuhan ng mga tao sa site kapag na-delay ang sahod nila.”

Hindi siya kumibo at tiningnan ulit ang orasan. Wala sanang problema kung hindi biyernes ngayon. Bukas ay sabado kaya naman sarado ang bangko.

“Baka naman—” Napahinto siya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Laxamana. She finally let out a sigh of relief.

“Heavy traffic,” anito na tila ba nabasa ang laman ng isip nila.

Tumayo siya at sumunod dito dala-dala ang mga tseke na dapat nitong pirmahan. Pagkatapos mapirmahan lahat ay inabot nito ang mga tseke sa kanya. Palabas na sana siya ng silid nang bigla siyang tawagin nito.

“Yes, Mr. Laxamana?” she asked politely.

Napasandal ito sa swivel chair at matiim na tiningnan siya. He was silent for a moment. Ang akala niya ay seryosong bagay ang sasabihin nito, not until she heard his question.

“What do you think about my son?”

Her jaw almost dropped because of the sudden question. Hindi niya alam kung paano sasagutin ito at kung bakit bigla na lang naisingit nito si Grey. May ginawa na naman ba kayang kalokohan ang anak nito?

“I… I think he’s good,” ang tanging nasabi na lang niya.

Natatawa na napailing na lang si Mr. Laxamana. “Nevermind. Ibigay mo na yang tseke at ng maihabol ng dala sa bangko.”

Confused, she still did what he told. Agad na lumabas at inabot ang payroll check na kanina pa inaantay ni Nadia. She spent the rest of her day thinking of the reason why Mr. Laxamana asked her that question.

“SO where should we eat out?” Nadia asked her. “Nag-aaya pala ang iba na kumain sa labas. You should come.”

Nagkibit-balikat siya. “Maybe next time, Nad,” sagot niya sabay punch out. Dadaan pa siya ng ospital para ayusin ang ilang gamit niya dahil ang sabi ng doktor ay pwede ng ma-discharge ang kanyang ama.

“And why not? Wag mong sasabihin na wala kang pera gayun payday natin ngayon.”

Nginitian niya ito. “No, not that. May kailangan lang akong gawin. Bawi na lang ako sa susunod,” aniya.

Nadia pouted her lips pero wala din itong nagawa. “Fine, sa susunod ay kailangan mo ng sumama.”

She just nodded and bid her goodbye. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng company building nila pero napahinto rin bigla ng may humarang sa daan niya. Napasinghap siya ng malakas nang makilala ang lalaking nasa harapan niya.

“It’s been a while, Zariyah. How have you been?”

It was Mr. Fontanilla.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Last Chance   Chapter 28: Recollection

    A LIGHT knock on the door made Kylian stop from reading for a moment. Napakunot-noo siya nang si Dylan ang pumasok sa loob ng office. “What’s up?” Kylian shook his head in dismay. “You sure have a lot of freedom,” he commented. Dylan plopped down on the sofa. A frown quickly wipe away his smile. “Bakit naman ganyan ang mukha mo? Parang hindi mo yata ako gustong makita.” Muli niyang ibinalik ang atensyon sa binabasa na article sa laptop. “What brings you here?” tanong niya na hindi man lang ito tinitingnan. “Wanna chill out?” “Maybe next time.” Napabuga ito ng hangin. “Come on, Kylian. I think you need to relax for a bit especially with what’s going on right now. Nabasa mo na ba ang ilang mga komento ng mga tao sa’yo?” He rubbed his face with a heavy sigh and leaned back in the swivel chair. “I know,” he muttered. In fact, iyon nga ang kasalukuyang binabasa niya ngayon sa laptop niya. Sa kanilang tatlo, siya

  • One Last Chance    Chapter 27: Looks Familiar

    “I SAW that from the news last night. I was actually shocked. Akala ko namamalikmata lang ako. I even had to search for it on the internet.” Zariyah gazed up at her wide-eyed. She was too shocked to speak. She rarely watched the news kaya wala siyang ideya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganun na lang ang tingin ng mga katrabaho niya sa kanya kanina. “Is it true? Are you really married to Kylian Fontanilla?” Hindi siya sumagot. Rather, she didn’t know what response she’d give. Pero hindi ba’t ito naman ang gusto niya? Ang malaman ng lahat ang tungkol sa kanila ni Kylian.

  • One Last Chance   Chapter 26: Cat Out of the Bag

    GREY’S gaze fell sternly on Zariyah’s face. “Is there something you’re hiding?” Her lip began to tremble. Napalunok siya. “No. I’m not hiding anything,” she answered. Hopefully her voice sounded more composed than she felt. Grey studied her face with mocking eyes, and his mouth twisted into a humorless smile. “Nothing, huh?” he mumbled. Ibinalik ulit nito ang tingin sa tv. Hindi na ang asawa niya at si Lexie ang nasa tv screen. Tapos ng ibalita ang tungkol sa dalawa. “I thought

  • One Last Chance   Chapter 25: Intuition

    ZARIYAH bit her lower lip. Matiim ang tingin sa kanya ni Grey. She looked away, feeling uncomfortable under his steady gaze. “Ano na naman bang kalokohan ang pinagsasabi mo? Is this another trick again?” Grey leaned toward her and asked, “What tricks?” He pondered for a few moments then laughed softly. “I’m not playing any tricks on you. I am… intrigued by the sadness within your eyes. Could it be because of that man?” “Whether it is because of that man or not, it has nothing to do with you,” she answered icily. Tinalikuran niya ito at muling naglakad. She took a deep breath. Her chest

  • One Last Chance   Chapter 24: Sadness Behind Her Eyes

    SANDALING napahinto mula sa pagtitipa si Zariyah at napasandal sa kinauupuan. She checked the time on her computer. It’s already lunch time. Marahas siyang napabuga ng hangin at bumalik muli sa ginagawa. She wanted to finish the meeting minutes first before grabbing her lunch. “Hey! Hindi ka pa kakain?” Mula sa ginagawa sa computer ay nag-angat ng mukha si Zariyah. It was Nadia. Nakaangat ang kilay nito na nakatingin sa kanya. Bahagya siyang natawa. “Mauna ka na. Tapusin ko lang ito.” “Seryoso ka ba, Zariyah? Nakikita mo ba ang oras? It’s already our break. Tama na yan pagiging workaholic mo at kum

  • One Last Chance   Chapter 23: He Doesn’t Need to Know

    INALOG-ALOG ng batang si Kylian ang balikat ng batang babae na nakasandal sa kanya. Namamasa pa ang gilid ng mga mata nito. “A-andyan na ba si tatay? Makakauwi na ba tayo?” Kylian opened his mouth to say something pero naudlot iyon ng biglang nabalot ang buong warehouse ng mga hiyawan ng mga lalaking dumukot sa kanila. The little girl beside her trembled in fear. Napalingon siya sa direksyon ng mga ito na abala sa pag-iinom at paglalaro ng cards. “Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makita si tatay,” naluluha nitong sabi. And once again, sinubukan niya ulit makawala mula sa pagkakatali nila but failed. “Set us free!” hiyaw niya sa mga lalaki. Pero tila ba bingi ang mga ito at dinedma lang ang pagsisigaw niya. He closed his eyes. Gusto na niyang makauwi. Nasaan na ba kaya ang daddy niya? Hinahanap na ba siya nito ngayon? O baka naman ay mas abala pa rin ito sa trabaho nito? Iminulat niya ang mga mata at ang scenario sa paligid niya ay nagbago. There was c

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status