MULA sa ginagawa sa computer ay nag-angat ng mukha si Zariyah nang sa sulok ng mga mata’y makita ang pagdating ni Mr. Laxamana, her boss. Dumagundong sa kaba ang puso niya nang makita ang nakasimangot nitong mukha kaya awtomatikong napaayos siya ng upo.
“Good morning, Mr. Laxamana,” kinakabahan niyang bati rito. She was wondering if she did any mistakes at ganun na lang kalalim ang pagkakunot ng noo nito. She groaned inwardly. Isang katakot-takot na sermon ba ang makukuha niya mula rito?
“Do I have an important appointment this morning, Zariyah?” tanong nito nang mapatapat sa mesa niya.
Napatayo siya at hinugot ang memo pad mula sa ilalim ng crystal paperweight. Sandali siyang natigilan nang makita ang pagdating ng anak nitong si Grey. Sa pagkakataon na yun ay nakahinga na siya ng maluwag dahil alam na niya ang rason kung bakit umaga pa lang ay tila hindi na maipinta ang mukha ni Mr. Laxamana. And it wasn’t because of her but his son.
“Ngayon umaga ay wala,” aniya at naikalma na ang sarili. “But you have a two o’clock meeting with Mr. Santos sa Locavore.”
Bahagya niyang sinulyapan si Grey at isang matamis naman na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Hindi niya ginantihan ang ngiti nito at sa halip ay ibinalik ang tingin sa ama nito.
“I could use a cup of coffee, Zariyah,” ani Mr. Laxamana at nagtuloy-tuloy papasok sa loob ng office nito. Grey followed him inside.
Pagkasara ng pinto ng office nito at nahilot kaagad ni Zariyah ang sentido niya. Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng ma-hire siyang sekretarya at aaminin niya na there’s still immense pressure in her part. Pinag-iigihan niyang mabuti ang trabaho niya as she didn’t want to lose this job. Bukod sa magandang benefits ay mataas rin ang sahod niya. Malaking tulong na rin sa para sa hospital bills at gamot ng kanyang ama.
Dinampot niya ang tasa at nagsalin ng kape mula sa coffee maker. Matapang, kaunting creamer at asukal. Kabisado na niya ang timpla na gusto ni Mr. Laxamana.
Ilang sandali ay pabalik na siya sa loob ng office nito dala ang tasa ng kape. Saktong pagkapasok niya sa loob ay dumagundong ang boses ni Mr. Laxamana. Sa gulat ay muntikan pang mabitawan ni Zariyah ang hawak na tasa.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na magtino ka na! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandyan ako para linisin ang kalat mo.”
‘Must be about a woman,’ sa isip-isip niya.
Ipinatong niya sa mesa ang kape nito at tahimik na tinungo ang pinto pero bago tuluyan makalabas ay sinulyapan niya muna si Grey. Napakunot ang noo niya nang makitang parang wala lang rito na nagagalit ang ama.
Sinubukan niyang ibalik ang atensyon sa ginagawa niya kanina but she kept getting distracted with his boss’ voice. Sarado man ang pinto ng opisina nito but it was not entirely soundproof.
May ilang sandali rin siyang nakasandal sa kinauupuan niya at nakikinig sa boses ng boss niya. Hindi na bago sa kanya ang scenario na yun. Grey Laxamana—the eldest son of Mr. Laxamana and also the heir of the company. He had quite a reputation of being a playboy. Halos hindi na nga niya mabilang ang mga babaeng nagdaan dito.
Napaayos siya bigla ng pagkakaupo nang marinig niya ang pagbukas ng pinto at kaagad ibinalik ang tingin sa computer niya.
“Such diligence, Ms. Castañeda,” it was Grey.
Zariyah glanced up and met his gaze. Ngingiti-ngiti ito sa kanya na akala mo ay hindi nakatanggap ng mahabang sermon mula sa ama. She almost rolled her eyes at his apparent flirting. Maski rin siya ay mukhang hindi papalagpasin nito.
She was about to response pero saktong biglang lumabas si Mr. Laxamana ng office. He stared at them with a frown.
“Not my secretary, Grey,” he warned.
Grey shrugged his shoulders. Ang ngiti sa labi nito ay hindi pa rin nawawala. Mas tumalim ang tingin ni Mr. Laxamana sa anak nito.
“Fine,” Grey said. Itinaas nito ang dalawang kamay na tila ba sumusuko. “It’s not like I’m doing anything bad to her,” dugtong nito saka tumalikod at tuluyang umalis.
“Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Zariyah. Maski ako ay hindi na alam kung anong gagawin sa lalaking yun. Kung hindi ko lang talaga anak yun ay baka matagal ko ng ipinatapon sa dagat yun.”
She gave a little chuckle. “No worries, Sir,” she replied. Sa loob-loob ay nagpapasalamat siya na sa wakas ay kalmado na rin ito.
“WILL you be sleeping here again?”
Sandaling napahinto si Zariyah sa pag-aayos ng gamit at nilingon ang ama. Kasalukuyang naka-admit ngayon ang ama niya dahil inatake na naman ito sa puso. She nodded and returned back to what she was doing earlier.
"Hindi ba’t maliit ang couch na yan para sa’yo, anak? Baka mahirapan ka sa pagtulog.”
Napabuga siya ng hangin at inilapag ang dalang malaking bag sa gilid ng couch. “Si tatay talaga, oh. Ilang araw na akong dito natutulog, ngayon pa kayo nag-alala. And besides, mas komportable akong matulog dito kaysa sa bahay.”
Kahit anong lawak at lambot ng kama sa bahay nila ay mas pipiliin pa rin niya dito. Mas panatag ang loob niya na malapit siya sa ama at mas mababantayan pa niya ito.
“Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na kung oras ko na ay oras ko na talaga.”
Inis niyang tiningnan ang ama. Hindi niya gusto sa tuwinang sinasabi nito iyon sa kanya. Pakiramdam niya ay tila ba wala na itong pakialam sa kung ano man ang mangyayari sa kanya sa oras na iwan siya nito.
“And how many times have I already told you not to say that,” she said annoyingly.
“At ilang beses ko rin bang sasabihin sa’yo na mag-asawa ka na para bago naman ako mawala ay makita ko ang magiging mga apo ko.”
Hindi niya pinansin ang sinabi ng ama. Sa halip ay kinuha niya ang remote at binuksan ang tv. Wala sa sarili na pinaglipat-lipat niya ang istasyon at napahinto lang ng mapatapat sa isang news channel. Nakagat niya ang labi nang makita ang pamilyar na mukha sa tv screen.
“Kinumpirma ng aktres at model na si Lexie na engaged na ito sa longtime boyfriend nitong si Kylian Fontanilla…”
Zariyah felt as if the air in her lungs was sucked out. She struggled to breathe. She felt a thousand knives stabbing her heart. She was in pain pero wala ni isang luha ang pumatak sa mga mata niya.
“Siya pa rin ba ang dahilan, anak?”
Hindi siya sumagot. Bumaba ang tingin niya sa suot na bracelet. It was actually a bracelet she made twenty years ago. Hindi lang iisa ang ginawa niya kung hindi dalawa. She gave the other one to Kylian though she doubted that he still have it. Marahil ay naitapon na nito ang bracelet.
She couldn’t understand why even after all those years ay hindi pa rin niya ito magawang makalimutan. She thought that as time passes by, her feelings for him would eventually disappear. Pero mukhang kabaligtaran pa yata ang nangyari. She kept falling for him deeper and deeper. But Kylian didn’t even know her existence. At yun ang mas masakit para sa kanya.
“Twenty years and it’s still him. Bilib rin talaga ako sa’yo, anak.”
She heaved a deep sigh, “But what can I do?” mahina niyang tanong. Inilipat na lang niya sa ibang istasyon ang tv, trying to look for something entertaining to watch.
“Then… do you want to see him again?”
A LIGHT knock on the door made Kylian stop from reading for a moment. Napakunot-noo siya nang si Dylan ang pumasok sa loob ng office. “What’s up?” Kylian shook his head in dismay. “You sure have a lot of freedom,” he commented. Dylan plopped down on the sofa. A frown quickly wipe away his smile. “Bakit naman ganyan ang mukha mo? Parang hindi mo yata ako gustong makita.” Muli niyang ibinalik ang atensyon sa binabasa na article sa laptop. “What brings you here?” tanong niya na hindi man lang ito tinitingnan. “Wanna chill out?” “Maybe next time.” Napabuga ito ng hangin. “Come on, Kylian. I think you need to relax for a bit especially with what’s going on right now. Nabasa mo na ba ang ilang mga komento ng mga tao sa’yo?” He rubbed his face with a heavy sigh and leaned back in the swivel chair. “I know,” he muttered. In fact, iyon nga ang kasalukuyang binabasa niya ngayon sa laptop niya. Sa kanilang tatlo, siya
“I SAW that from the news last night. I was actually shocked. Akala ko namamalikmata lang ako. I even had to search for it on the internet.” Zariyah gazed up at her wide-eyed. She was too shocked to speak. She rarely watched the news kaya wala siyang ideya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganun na lang ang tingin ng mga katrabaho niya sa kanya kanina. “Is it true? Are you really married to Kylian Fontanilla?” Hindi siya sumagot. Rather, she didn’t know what response she’d give. Pero hindi ba’t ito naman ang gusto niya? Ang malaman ng lahat ang tungkol sa kanila ni Kylian.
GREY’S gaze fell sternly on Zariyah’s face. “Is there something you’re hiding?” Her lip began to tremble. Napalunok siya. “No. I’m not hiding anything,” she answered. Hopefully her voice sounded more composed than she felt. Grey studied her face with mocking eyes, and his mouth twisted into a humorless smile. “Nothing, huh?” he mumbled. Ibinalik ulit nito ang tingin sa tv. Hindi na ang asawa niya at si Lexie ang nasa tv screen. Tapos ng ibalita ang tungkol sa dalawa. “I thought
ZARIYAH bit her lower lip. Matiim ang tingin sa kanya ni Grey. She looked away, feeling uncomfortable under his steady gaze. “Ano na naman bang kalokohan ang pinagsasabi mo? Is this another trick again?” Grey leaned toward her and asked, “What tricks?” He pondered for a few moments then laughed softly. “I’m not playing any tricks on you. I am… intrigued by the sadness within your eyes. Could it be because of that man?” “Whether it is because of that man or not, it has nothing to do with you,” she answered icily. Tinalikuran niya ito at muling naglakad. She took a deep breath. Her chest
SANDALING napahinto mula sa pagtitipa si Zariyah at napasandal sa kinauupuan. She checked the time on her computer. It’s already lunch time. Marahas siyang napabuga ng hangin at bumalik muli sa ginagawa. She wanted to finish the meeting minutes first before grabbing her lunch. “Hey! Hindi ka pa kakain?” Mula sa ginagawa sa computer ay nag-angat ng mukha si Zariyah. It was Nadia. Nakaangat ang kilay nito na nakatingin sa kanya. Bahagya siyang natawa. “Mauna ka na. Tapusin ko lang ito.” “Seryoso ka ba, Zariyah? Nakikita mo ba ang oras? It’s already our break. Tama na yan pagiging workaholic mo at kum
INALOG-ALOG ng batang si Kylian ang balikat ng batang babae na nakasandal sa kanya. Namamasa pa ang gilid ng mga mata nito. “A-andyan na ba si tatay? Makakauwi na ba tayo?” Kylian opened his mouth to say something pero naudlot iyon ng biglang nabalot ang buong warehouse ng mga hiyawan ng mga lalaking dumukot sa kanila. The little girl beside her trembled in fear. Napalingon siya sa direksyon ng mga ito na abala sa pag-iinom at paglalaro ng cards. “Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makita si tatay,” naluluha nitong sabi. And once again, sinubukan niya ulit makawala mula sa pagkakatali nila but failed. “Set us free!” hiyaw niya sa mga lalaki. Pero tila ba bingi ang mga ito at dinedma lang ang pagsisigaw niya. He closed his eyes. Gusto na niyang makauwi. Nasaan na ba kaya ang daddy niya? Hinahanap na ba siya nito ngayon? O baka naman ay mas abala pa rin ito sa trabaho nito? Iminulat niya ang mga mata at ang scenario sa paligid niya ay nagbago. There was c