Share

Chapter 2

Penulis: PROSERFINA
last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-04 22:38:18

SAM

Halos ma-laglag ang aking panga nang tumingala ako sa Villegas Company. Sa itsura pa

lamang nito ay halata mo na kung gaano ito kalaki at kayaman. Nababalot ang

establishemento ng tinted na salamin lalo na sa bawat palapag nito. Tunay ngang kahanga-

hanga, hindi lang ang nagpapatakbo dito kundi pati na rin ang kanilang kompanya. Kung

papalarin akong makapasa sa interview ay hindi ko lamang siya makikita araw-araw.

Siguradong malaki din ang maitutulong ko sa aking pamilya.

Bigla akong kinabahan nang makapasok na ako sa loob. Bumungad sa akin ang malawak

na receiving area. Malamig din dito at kahit umaga ay nakabukas pa rin ang magagandang

chandelier. Parang hindi opisina ang lugar na ito. Para na rin siyang hotel. Nakakamangha

ang bawat sulok, sa lobby pa lang ‘to paano pa kapag sa loob na ng opisina?

Napansin ko ang mga empleyado na kasabay kong pumasok. Lahat sila ay may maayos na

suot. Plantsado ang mga damit nila at high heels pa ang kanilang sapatos. Bigla akong

nakaramdam ng panliliit. Kumpara sa suot ko na kulay putting panloob na galing pa sa ukay

ay medyo masikip pa kaya nagiingat din ako sa pagkilos. Mabuti na lang ay natatakpan ng

suot kong long sleeve na blazer.

“Good morning po, pinapunta po ako ni Mr. Villegas for the interview.”

Imporma ko sa receptionist, sabay silang napatingin sa akin at hinagod ako ng tingin kaya

naiilang na inayos ko ang buhok ko.

“Interview? Sigurado po kayong si Sir Villegas ang nagpa-punta sa inyo dito?” Nagtatakang

tanong niya sa akin.

“Ah, yes Ma’am! Siya po ang nagpa-punta sa akin dito.” Kinakabahan na sagot ko sa

kanya. Mukhang uuwi akong bigo ngayon dahil parang nagdududa siya sa sinabi ko.

“Okay, wait lang po tatawagan ko lang ang secretary niya.”

Napasinghap ako dahil sa kaba. Mali ata na diretso kaagad ako kay Sir Villegas. Hindi kasi

ako dumaan sa tamang proseso ng pag-aaply, kung hindi dahil kay Tiya, baka wala ako dito

ngayon.

Nag-aantay akong tawagin niya ako ulit, ngunit napagawi ang aking paningin sa kakapasok

lang na lalaking naka-three piece suit na may dala ring attaché case sa salamin na pintuan.

“Makita ko lang si Sir, buo na ang araw ko.” Napatingin ako sa receptionist na nag-salita.

Kapwa sila nakatingin sa lalaking nakasuot ng eye glass na humahakbang papalapit sa

amin.

“Hi, Sir! Good morning!” Bati nila sa kaniya. Literal na nalalaglag ang panty, este! Ang aking

panga nang tanggalin niya ang kanyang eye glasses.

“Good morning, ladies. Keep up the good work!” Sagot niya sa dalawa na halata namang

abot langit na ang ngiti dahil sa kilig. Dumaan siya sa harapan ko kaya nasamyo ko ang

mabango niyang pabango. Pero nanatili akong nakanganga dahil ang lalaking sa Billbord,

TV, at Internet sites ay ngayon nasa harapan ko na, at mas malakas pa ang naging dating

niya sa akin.

Nilagpasan niya ako ngunit tumigil siya, at muli akong binalikan. Natigil ang aking panaginip

dahil nasa harapan ko na siya at nakatingin sa akin.

“Sir, sabi niya po kayo daw nagpapunta sa kanya dito para sa interview.” Sabi ng

receptionist na nakausap ko na ikinalingon niya. Bumaling ulit ang tingin niya sa akin.

“Are you Samantha Briones?” Tanong niya na ikinatango ko. Hinagod niya ako ng tingin

kaya napalunok ako at nahihiyang yumuko. Pakiramdam ko lalong sumikip ang suot kong

blouse dahil hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya.

“G-Good morning, S-Sir.” Halos nautal na sambit ko sa kanya. Yumuko ako at naiinis sa

sarili. Hindi ko akalain na nakakawala pala siya sa sarili. Kaya pala maraming babae ang

nagkakandarapa sa kanya dahil sa itsura at amoy pa lamang niya ay mahuhulog ka na.

Pero hindi ito ang pinunta ko dito kundi trabaho!

Gumising ka Sam!

“Sumabay ka na sa akin, may one hour pa naman ako bago ang meeting.” Napa-angat ako

ng tingin pero tumalikod na siya. Tinungo niya ang elevator pero ayaw humakbang ng mga

paa ko. Inugat na ata ang paa ko dahil sa nararamdaman ko ngayon na kaba.

Bumukas ang elevator pero hindi parin siya pumasok. Napatingin siya sa gawi ko, kaya

nagulat ako.

“Miss Briones, ano pang ginagawa mo? Bilisan mo na.”

Parang robot akong humakbang papalapit sa kaniya. Kaagad na pumasok si Sir Bernard at

ako naman ay sa likuran niya.

Grabe! Nakatingala ako dahil sa sobrang tangkad niya sa personal. Bakit kasi hindi na lang

ako nagsuot ng sapatos na may mas mataas na takong? Nagmukha tuloy akong five flat sa

suot ko!

Napapikit ako at napakapit ng mahigpit sa hawakan na stainless. Unang beses kong

sumakay dito kaya naninibago ako. Napapikit ako dahil bigla akong nahilo sandali nang

umangat na ang elevator.

“Jusko!” Mahina kong d***g.

“Are you okay?”

Napamulat ako at nag-angat ng tingin. Gwapo at nakangiti niyang mukha ang bumungad sa

akin.

“A-ah, y-yes Sir! First time kasi kaya nakakabano, hihi.” Nakangiti ngunit nauutal na sambit

ko.

“Don’t worry sa una lang naman medyo nakakahilo, masasanay ka din.”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay umayos na ulit siya ng tayo. Inayos ko ang aking sarili

dahil pinag-papawisan na ako. Inilibot ko ang aking tingin. Maliwanag dito sa loob ng

elevator at kitang-kita din ang reflection namin sa dingding. Naalala kong takot nga pala ako

sa masikip na lugar na kagaya nito. Tiningnan ko kung anong floor kami aakyat. Nanlaki

ang mata ko nang makitang sa 25th floor pa titigil ang elevator! Nasa pang tatlo pa lamang

ang nakita kong numero sa itaas na may katabing kulay pula na arrow.

Napahawak ako sa aking kuwelyo. Pakiramdam ko ay kinakapusan ako ng hangin sa aking

dibdib. Hindi ako makahinga! Pilit kong kina-kalma ang aking sarili. Suminghap akong muli

pero gano’n pa rin.

“Miss? What happened? Are you, claustrophobic?” Nag-aalala niyang tanong. Dahan-

dahan akong tumango sa kaniya.

“I’m okay, Sir. Kaya ko pa naman.” Nakangiti ko sabi kahit na ang totoo ay gusto ng umikot

ng paningin ko.

“No, you’re not okay. Look at me Sam…” Napatingin ako sa mga mata niya. Nakasandal na

ako sa elevator at hawak ko pa rin ang kuwelyo ko.

“Inhale…” Suminghap siya at ginaya ko ang ginawa niya.

“Exhale…” Wika niya na sabay naming ginawa.

“Don’t panic and relax, just breathe. Okay, do it again. Just look at me and relax.”

Humugot ako ng malalim na paghinga, hindi niya inaalis ang kanyang paningin sa akin.

Nakahawak siya sa magkabila kong balikat. Hindi ko inaakala na magagawa kong makalma

ang sarili ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko rin nililipat ang aking paningin, dahil baka

manikip ulit ang aking dibdib. Iisipin ko na lamang na nasa malawak kaming kawalan at siya

ang kaharap ko ngayon. Hanggang sa namalayan ko na lamang ang pag-tigil ng elevator.

“Okay, let’s go.”

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas. Bumungad sa akin ang kulay puting

hallway. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang hila-hila niya ako papasok sa malaking

pintuan.

“Sit down here, first. I will get you water.” Inalalayan niya akong makaupo sa malaking sofa.

Nag-init ang aking pisngi nang maalala ang sitwasyon namin kanina. Nakakahiya at

naabala ko pa siya.

“Are you okay? Gusto mo magpa-tawag ako sa clinic? You look pale and sweating.”

Sinsero niyang alok. Napatingin ako sa dala niyang isang bote ng tubig at box ng tissue.

“Okay na po ako, Sir. Salamat po. At pasensiya na rin po kayo dahil naabala ko kayo.”

Kumuha ako ng tissue at ipinunas sa aking noo. Napaka-ganda ng kaniyang opisina. Siguro

‘yung nakita kong table sa labas ay para sa kanyang secretary.

“Naiintindihan kita, siguro naman lahat tayo ay may kinakatakutan sa buhay. Don’t worry

hindi ito makaka-apekto sa evaluation ko sa’yo. But if ever na pumasa ka sa qualifications,

how can you handle yourself? Hindi naman pwede na ang opisina ko ang mag-adjust

sa’yo.” Napaisip ako sa sinabi niya. Kung makaka-pasa ako dito, araw-araw ko ng gagawin

ang sumakay sa elevator na ‘yun kaya siguradong hindi din ito makakabuti.

Inabot niya ang dala kong folder at inisa-isa ang papel na naroon dala ko na kasi ang lahat

ng pwede nilang hingiin na requirements.

“Mataas ang credentials mo, Miss Briones. Pero hindi lang ito ang hinahanap ng kompanya

ko. Marami akong characteristic at qualifications pagdating sa magiging sekretarya ko.”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay hinagod niya ako ng tingin. Tumigil ang kaniyang mga

mata sa aking dibdib dahilan kaya napayuko din ako. Pero laking gulat ko nang makitang

kalas na pala ang isa kong butones sa itaas kaya medyo nakabuyang-yang na ang aking

may kalusogan na dibdib. Kaagad kong inayos ang aking butones at nahihiyang tumingin

muli sa kaniya na ngayon ay naka-sandal sa sofa habang nakatingin sa akin.

“If you want to work here bibigyan kita ng space sa rooftop. Doon kasi ako nakatira sa

ngayon at masyadong malaki ‘yun for me. Hagdan lang ang gagamitin mo pababa dito,

kaya no need to take elevator. Besides, alam kong malayo pa ang pinanggalingan mo kaya

malaking advantage sa’yo kung doon ka na titira. Don’t worry, hindi ako mangangaggat. I

will give you rules to follow. First, huwag kang magsusuot ng malaswang damit sa opisina

man o sa rooftop. Second, huwag kang papasok sa kwarto ko, and don’t touch my things.

Stay in your room, at share na lang tayo pagdating sa kitchen at leaving room dahil may

kanya-kanya naman tayong bathroom. Third, don’t stare at me and don’t seduce me.

Mabilis akong maakit sa babaeng nagpapakita ng motibo. Fourth, if ever na may mangyari

sa atin, hindi ko ‘yun papanagutan dahil hindi ‘yun mangyayari kung hindi ka nagpakita ng

motibo. Fifth, I want you to become hardworking for your job. Is that clear?” Mahabang

pagpaliwanag niya na ikinatigil ata ng pagproseso ng utak ko. Napalunok ako sa lahat ng

sinabi niya.

“Miss Briones? Are we clear?” Ulit niya. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya.

“Y-Yes, S-Sir.” Nauutal kong pag sang-ayon na ikinangiti niya.

“Good! You can start tomorrow, for now ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin sa

paglipat. Kompleto na ang gamit doon kaya huwag ka ng magdala ng marami. Pwede ka ng

umuwi.”

“Thank you very much, Sir.”

Nakangiting sabi ko sa kaniya. Nangangatog pa ang tuhod ko na tumayo pero pinilit kong

ikalma ang aking sarili.

“Kaya mo bang bumaba mag-isa?” Tanong niya na ikinatigil ko.

“Ah, kakayanin po.” Sambit ko. Pero ang totoo hindi ko alam maghahagdan na lang ako

total pababa naman yun.

“Sasamahan na lang kita.”

Abot hanggang tenga ang aking ngiti habang inaayos ko ang aking mga dadalhin sa

paglilipatan ko mamaya. Hindi na ako mag-iisip pa sa tutuluyan, at pati na rin sa

transportasyon, dahil doon na mismo ako sa penthouse ni Sir Bernard titira. Ngayon pa lang

unti-unting rumi-rehistro sa akin ang lahat. Kanina, habang sinasabi niya ‘yun sa’kin ay

nakatingin lang ako sa labi niya habang seryoso siyang nagsasalita. Mabuti na lang kahit

paano ay naintindihan ko ang mga sinabi niya. Malaki ang pasa-salamat ko kay Tiya Esme

dahil siya ang nag-rekomenda sa akin kay Sir Bernard.

Mukha naman siyang mabait, considering na siya mismo ang nag-sabi ng mga pwede at

hindi ko pwedeng gawin. Malaking advantages ito para sa akin. Dahil bukod sa makaka-

ipon ako ng malaki ay maibibili ko na ng bangka si Itay. Ga-galingan ko na lamang

pagdating sa trabaho para masuklian ko naman ang kabutihan ni Sir Bernard sa pag hire sa

akin.

Kinagabihan ay tumulak na agad ako pa Maynila. Ibinilin ko na lamang ang mga naiwan ko

pang gamit, kagaya ng manipis na kutson at maliit na electric fan dahil sabi ni Sir Bernard,

damit lang daw at importanteng gamit ang mga kailangan kong dalhin.

“Halos alas-nuebe na ng gabi nang makarating ako sa building ng Villegas Corporation.

Akala ko dati opisina lang ang meron dito. Dito rin pala si Sir Bernard nakatira.

Pagpasok ko sa mababasagin na pinto ay bumungad sa akin ang dalawang guard.

“Kanina pa po kayo hinihintay ni Mr. Villegas.” Nagtataka ko siyang tiningnan.

“Bakit daw po?” Tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa bumukas na elevator at bumungad

sa akin si Sir Bernard na naka-puting plain shirt at itim na pantalon.

“My Goodness, Sam. Ilang oras ba ang kailangan mo to pack your things? Bakit ang tagal

mo? Alam mo ba kung anong oras na?” Lintanya niya sa akin nang makalapit siya. Kaya

lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Hinintay niya ako? Pero bakit?

“Let’s go, I’m very busy.” Seryosong sabi niya sa akin at pumasok ulit sa elevator. Nakangiti

akong nag-paalam sa dalawang guwardiya habang bitbit ang dalawang mabigat na dala

kong gamit ay pumasok ako sa loob.

“Sorry, Sir. Traffic po kasi.” Dahilan ko sa kanya. Kahit seryoso at salubong ang mga kilay

niya, hindi pa rin nababawasan ang kanyang ka-gwapuhan pero kailangan kong gisingin

ang aking sarili! Trabaho ang ipinunta ko dito! Para kila Inay at Itay at para kay Calix, kaya

hindi dapat ako magkamali.

“Yan ang isa sa mga rason ko kaya kita pati-tirahin sa penthouse. Ayoko ng ganyang

dahilan lalo na sa pag-dating sa trabaho, Sam.” Nang pinindot niya ang letter ‘P’ button ay

naka-kapit na agad ako sa stainless na hawakan. Ayokong magpa-talo sa pagiging

claustrophobic ko dahil kailangan ko itong ma-overcome.

“Are you okay?” Narinig kong tanong niya, hindi ako dumilat at ni-relax lang ang aking sarili.

“Yes, Sir. Don’t mind me. Kaya ko po.” I practiced proper breathing para hindi ko maisip na

nasa masikip akong lugar. Maya-maya pa ay tumigil ang elevator kaya napadilat ako. Ang

bilis naman ng biyahe namin?

“We’re stuck.” Pagbigay alam niya sa’kin na mismo ko ring ikinagulat.

“Po?” Napatingin ako sa numero sa itaas at laking gulat ko dahil nasa pang-limang palapag

pa lamang kami! Nasapo ko ang aking bibig. Dinapuan kaagad ako ng nerbyus.

“Hey, calm down. Just relax gawin mo lang ‘yung ginawa mo kanina habang tumatawag pa

ako sa maintenance.” Wika niya habang nakatingin sa akin. Humarap ako sa dingding at

pumikit.

“Shit!”

Napamulat ako ng mata nang marinig ko siyang nag-mura. Gano’n na lamang ang lakas ng

kaba ko, dahil madilim na ang paligid at maliit na kulay pulang ilaw na lamang ang

nakasindi.

“Jusko po!”

Hawak niya ang phone niya at nag-uumpisa na rin akong mag-panic, habang nasa likuran

lang niya ako. Paano ako mare-relax kung nakakulong kami dito? At hindi makalabas sa

madilim at masikip na elevator? Kahit anong gawin kong pag-singhap ay kinakapos pa rin

ako ng hininga. Pakiramdam ko, mas sumisikip pa dito sa loob dahil wala na akong

makuhang hangin.

“Okay, but make it faster!” Malakas na ang boses niya habang hawak ang phone.

Napalingon siya sa akin na halos mapaupo na sa sahig habang nakakapit sa hawakan at

sapo ang dibdib.

“Hey, Miss Briones! I told you to come down and relax!” Untag niya sa akin at yumuko

upang mag-pantay kami.

“S-Sir… I’m so-sorry… Baka may iba pang ways… Baka hindi ako u-umabot…” Hinahapo

na sambit ko sa kanya.

“No, don’t die here for God’s sake! Ginagawa na nila ang lahat ng paraan. Just relax,

okay?” Dagdag pa niya. Pinilit kong maging kalmado pero hindi ko talaga kaya. Nauubusan

pa rin ako ng hangin sa dibdib.

“Damn it! Ms. Briones?!”

Umiikot na ang aking paningin, at hindi ko na rin siya halos maririnig. Bumalik sa’kin ang

ala-ala ng nakaraan, kung paano ko nakuha ang takot na ito simula no’ng bata pa ako kaya

lalong lumala ang nararamdaman ko ngayon.

“S-Sir! H-Hindi ko na po ka-.”

“Sam? Sam!” Naka-pikit na ako at nakabitaw mula sa pagkaka-hawak sa hawakan nang

may isang braso na humapit sa katawan ko at may humawak din sa aking pisngi.

“Sam?! Wake-up!” Naramdaman ko ang mainit na bagay na dumampi sa nakaawang kong

labi.

Lumalabo na din ang aking pang-dinig. “Sam! Breath!” Ang sunod kong naramdaman ay

ang mainit na hangin sa aking bibig. Bahagya akong napamulat at ang nakapikit na mata ni

Sir Bernard ang bumungad sa akin.

Anong ginagawa niya? Hina-halikan ba niya ako?

“Sam!” Tinapik-tapik niya ang pisngi ko ng paulit-ulit.

“Ano ba? Bilisan niyo!” Narinig ko ang pag hi-histerya niyang sigaw bago ako tuloyang

nilamon ng dilim.

Nang magmulat ako ay isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin. Malawak ito

at maayos. Minimal lang ang gamit sa loob, like maliit na table cabinet at maliit na sofa. May

kulay beige at malaking kurtina. Bukod doon ay malamig din dito sa loob may isang maliit

na pinto. Babangon na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa’kin ang

mukha ni Sir Bernard.

“Thank God, you’re awake! Kamusta na ang pakiramdam mo? Mabuti na lang at nakalabas

agad tayo nang mawalan ka ng malay. Sabi rin ng Doctor na tumingin sa’yo that you’re

okay. But, how are you feeling?” Tanong niya sa akin habang nakatayo siya sa tabi ko.

“Thank you, Sir. Okay na po ako.” Mahina kong usal habang maingat na bumangon.

“If you’re okay, sabayan mo na akong mag dinner. Nagpa-deliver ako ng pagkain. Almost

two hours ka na kasing tulog.” Wika pa niya bago siya tumalikod at lumabas ng pinto.

Napa-hawak ako sa aking dibdib. Nakita ko din ang oxygen sa tabi ko. Siguro ito ‘yung

ginamit nila kanina kaya okay na ang pakiramdam ko ngayon.

Inilibot ko ulit ang aking paningin at nakita ko ang mga gamit ko sa ibaba ng kama. Ito kaya

ang magiging kuwarto ko? Napaka-lambot ng kama at may aircon pa. Okay lang naman

sa’kin kahit electric fan at manipis na kutson pero ang bumungad sa’kin ay parang kwarto

sa mga mamahaling hotel!

Sinuot ko ang manipis na tsinelas sa baba lang ng kama at humakbang patungo sa pinto.

Pagka-bukas ko pa lamang ng pinto ay bumungad na sa akin ang magandang sala. Wala

itong TV, pero marami ang mga naka-display na libro. Malaki at mukhang malambot din ang

kulay puti na sofa. Pagtingin ko sa kaliwa ay nakita ko naman ang kusina.

Namalayan ko na lamang ang sarili ko na huma-hakbang patungo sa kusina, upang ikutin

ang aking paningin. May malaki ding ref na dalawa ang hawakan. Mga electrical na gamit

pang-luto. Napakalinis at organisado, ‘yung tipo na nakikita ko lamang sa magazine at

internet.

Bubuksan ko na sana ang ref, nang may marinig akong boses.

“Hey! Hindi diyan doon sa labas.” Nakayuko na sumunod ako sa kanya. Nakakahiya,

naabutan pa niya akong nagti-tingin sa kusina. Baka kung anong isipin niya sa’kin kaya

nagmadali akong sumunod sa kanya.

Paglabas ko ng pinto ay bumungad sa’kin ang magandang tanawin mula dito. Ang mga

makukulay na ilaw mula sa penthouse. Para silang mga kumikinang na bituin at pati na rin

ang matataas na building. Malamig din ang simoy ng hangin dito sa taas at inaalon pa ang

mahaba kong buhok. Pero mas umagaw sa atensyon ko si Sir Bernard, na ngayon ay

nakaupo na sa pang-apatan na mesa dito sa labas.

“Sit down.” Seryosong wika niya. Nahihiya pa akong sumunod dahil sa laki na ng naabala

ko sa kaniya.

“Kumain ka na at tulongan mo akong ubusin ‘to.” Napunta ang paningin ko sa mga pagkain

na nasa harapan ko. Fried chicken, nakabalot na sa tingin ko ay kanin may marble potato,

salad at may burger na kaunting tinapay dahil mas nag-umapaw ang palaman nito. May soft

drinks din sa can.

“Why? Hindi mo ba nagustohan?” Kunot-noo niyang tanong, nang literal na malaglag ang

panga ko. Amoy na amoy pa lang parang gusto ng tumulo ang laway ko sa gutom, dahil

hindi naman ako naka-kain kaninang tanghalian.

“Ah, kasi po ang dami nito. Tayo lang ba talagang dalawa ang kakain?” Nagtataka kong

tanong sa kanya.

“Hindi ko kasi alam ang gusto mo, kaya nag-order na ako ng marami.” Sagot niya habang

umiinom ng beer at may hawak pang fried chicken.

“Thank you po, Sir sa lahat. Kanina noong pumunta ako dito ang wish ko lang makapasa sa

interview, pero labis pa ang naging offer niyo sa akin. Pangako pagbubutihan ko pa sa

trabaho, Sir Bernard.” Nakayukong sambit ko sa kaniya. Napaka-bait nga niya kagaya ng

laging sinasabi ni Tiya Esme sa akin.

“Yan ang gusto kong sagot, be loyal to me and work harder. Kung hindi lang nag maternity

leave ang sekretarya ko ay hindi ako mangangailangan ng bago. Besides ni-rekomenda ka

ni Nanang Esme sa akin, kaya wag mong sirain ang tiwala ko.”

“Yes, Sir!” Bulalas ko sa kanya na ikinagulat niya napalakas na pala ang boses ko dahil sa

nararamdaman kong excitement.

“Ubusin mo na ‘yan. I have to go. May kailangan pa akong taposin.” Kaagad siyang tumayo

at tinalikuran ako, pero lumingon din muli. “By the way, mas okay sa akin ang suot mo

ngayon plain blouse at pants. Pag may dumalaw sa’kin dito ay hindi ka mapagkakamalan

na girlfriend ko.” Nagulat ako sa sinabi niya kaya nabuga ko ang iniinom kong soft drinks.

Nakangisi niya lang akong tinalikuran.

Ano daw? Girlfriend? Pinagmasdan ko ang aking damit, maluwag na blouse na kulay gray

at kulay asul na pantalon, sabay ngiwi. Sino namang matino ang iisipin na may relasyon

kami ni Sir Bernard? Kahit naman crush ko siya alam ko naman kung hanggang saan lang

ako, kaya hindi ko naman pinangarap na mas mataas pa doon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Zenaidadelrosario Delrosario
Jusko sam ag Arte mo.ung mga magulang mo at anak mo intndhin mo hndi ung nangagarap ka Ng gising.una pylang kainis Ng basahin .hirap Ng ipagpa2loy.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • One Last Mistake    Chapter 24

    SAMOne Month later…Tuloyan na ngang nakulong si Trixie dahil sa kasalanan na kanyang ginawa. Dahil na rin sa testimony namin nila Inay at Itay kaya mas lalo siyang nadiin sa piitan. Sinigurado ni Bernard na hindi na ito makakalabas pa upang manggulo. Naunawaan naman ito ng kanyang mga magulang. Kami naman ay lumipat na sa bahay nila dahil ‘yun ang hiling ng kaniyang Mommy at Daddy.Nang ipakilala kami ni Bernard ay noong una hindi pa sila makapaniwala. Pero nang ipakita niya ang DNA ni Calix ay tinanggap naman nila kami ng buong puso. Sabi ni Bernard, sabik daw ang mga ito sa apo kaya gano’n na lang kung e-spoil nila si Calix. Hinayaan ko na rin dahil anim na taon na hindi nakuha ni Calix ang pagmamahal sa kanya ni Bernard pati na rin ng kaniyang mga Lolo at Lola.Masaya ako dahil buo na kaming pamilya. Nakausap ko na rin si Troy at humingi na rin siya ng tawad sa akin. Alam kong mali ang nagawa niya sa akin, pero wala na rin naman akong magagawa. Tapos na at nangyari na ang mga nan

  • One Last Mistake    Chapter 23

    SAMAfter two hours ng pagkain namin ay mahimbing na ring natutulog si Calix. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nakaligtas kami sa bingit ng kam@t@yan. Hindi ko akalain na may tao na kayang gumawa ng masama para makuha lang ang isang bagay na hinahangad nila. Hindi ako makapaniwala na may babaeng kayang gawan ng masama ang kapwa nila babae para makuha ang gusto nila sa ganong paraan.Napakadami ng mga nangyari sa araw na ito. Sa isang araw ma re-realize mo na maiksi lang talaga ang buhay ng tao. Pwede kang mamatay kahit na anong oras. Hindi mo alam kung saan at kailan.Nakakatakot ang pinagdaanan namin sa kamay ni Trixie. Pakiramdam ko naiiwan pa rin ang kilabot sa katawan ko. Naalala ko pa din ang ginawa ng lalaking ‘yun kanina. Kapag pumipikit ako nakikita ko pa rin ang nakakatakot niyang mukha.Kung hindi sila dumating baka nagtagumpay na sila sa gusto nilang gawin. Nakita ko din sa mukha ni Bernard ang galit lalo na nang magmakaawa si Trixie sa kan

  • One Last Mistake    Chapter 22

    SAM“Please, huwag!” Impit na sig@w ko nang halikan niya ako sa le*eg. Nakahawak ang isa niyang kamay sa aking dibdib na wala ng takip dahil tinangal na rin niya ito. Para siyang asong ulol na sinisinghot ako at gustong lapain.“Hoy, Boss! Tirhan mo naman kami!” Sabay-sabay silang nagtawanan na lalong ikinalumo ko. Gustohin ko man na iwasan siya. Gustohin ko man makatakas. Alam kong wala pa rin akong laban sa kanya, lalo pa’t hawak ko pa rin ang tali ni Calix.“Mas maganda siguro kung pati ang p@nty mo tatanggalin ko na din di’ba?” Nakangisi niyang sabi. Hindi ko na alam kung paano ako magmamakaawa sa kanya dahil animo’y bingi pa rin ito sa lahat ng pagmamakaawa ko sa kaniya.“Huwag ka ng umiiyak. Mag-eenjoy ka rin naman at huwag kang mag-alala malay mo maawa kami sa’yo, imbis na p@tayin gagawin ka na lamang naming s*x sl@ve para naman may laruan kami.”“Hayu*p ka! P@t*yin mo na lamang kami. Bakit kailangan niyo pang gawin ‘to sa akin. Hindi ba kayo natatakot gumawa ng masama? Pati an

  • One Last Mistake    Chapter 21

    Third person’s POV“Tingnan mo nga naman, pagkatapos akong bulabugin ng hating gabi. Inubos pa ang mga bagong dating at mamahalin kong mga alak.” Bulong ni Xandro habang pinagmamasdan niya ang tulungis pa ring si Bernard.Dumating kasi ito kagabi at lasing na lasing. Akala niya ay galing ito sa underground black belting fight dahil sa namamaga ang ilong at putok pa ang nguso nito. Hindi pa nakuntento ay inubos pa nito ang mga stock niyang alak. Aalis na sana siya para iwanan sa sala ang kaniyang kaibigan nang makita niyang umiilaw ang phone nito sa ibabaw ng mesa. Kaya walang pagdadalawang isip na sinagot niya ang tawag mula sa unknown number.“Hello?”“B-boss! Ni-lusob kami! A-ako na lang ang na-tira. May tama ang Itay ni Ma’am at dinala nila si Ma’am Samantha pati ang anak niyo!” Tila nahihirapang sabi nito sa kabilang linya.“What?!” Bulalas ni Xandro na napamulat ng mata ni Bernard.“Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo.” Reklamo nito sa kanya. Tinadyakan niya ito sa binti. Kaya napan

  • One Last Mistake    Chapter 20

    SAMPabalik na kami sa isla. Magaling na rin si Calix. Nag-usap muna kami ni Bernard na hahanap ng magandang tiempo para sabihin kila Inay at Itay ang totoo. Galit ang naramdaman nila kay Troy noon at sabi niya pa sa akin ni Itay baka mahabol niya lang daw ito ng itak kapag nakita niya si Troy. Alam kong galit parin sila dito.Mabuti na lamang at nakumbinsi ko si Bernard na ako na ang magsasabi sa kanila. Sa halos dalawang araw namin na pananatili sa hospital naging malapit ang mag-ama. Wala pa ding idea si Calix na Ama niya si Bernard. Gusto ko kasi kapag sinabi ko na kina Itay at Inay saka ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi man niya maintindihan mukhang madali na yun dahil ngayon palang kitang-kita ko na ang pagiging malapit nilang dalawa.“Tito Bernard, sasakay ba ulit tayo ng helicopter?” Tanong ni Calix sa kanya. Hawak na niya ito sa kamay.“Yes, young man. Why? Natatakot ka din ba sa helicopter?” Nakangiting tanong ni Bernard sa kanya.“Hindi po, brave ako like Mama.” Masaya

  • One Last Mistake    Chapter 19

    SAMKakakita pa lamang nila kay Bernard ay magaan na agad ang loob nila dito. Palibhasa kasi magaling talagang magbait-baitan ang lalaking ‘yun. Kaya ayun nagawa pang maglaga ni Inay ng kamote para daw may pang-meryenda ang mga nagbilad ng isda.Si Itay naman ay nagdurog ng tablea at nagpakulo ng mainit na tubig para may mainom sila mamaya. Pwede namang tubig na lang, bakit kailangan pa ng panulak na tsokolate? Isa pa mayaman naman ang lalaking ‘yun kaya paniguradong kayang-kaya niyang bumili ng makakain nila.“Anak! Ibigay mo na itong isang bandehadong kamote. Isusunod ko na lamang ang inumin. Kasya na kaya ito sa kanila? Sa bilang ko ay bente uno sila lahat kasama ang gwapong binata.” Tawag ni Inay sa akin. Kasalukuyan kasi akong nagtitiklop ng damit. Nasa tabi ko lamang si Calix at naglalaro ng robot na pasalubong ko sa kanya.Hindi na lamang ako umimik at sinunod na lamang siya dahil pagod na rin ang utak kong mag-isip kung paano ko siya palalayasin dito sa isla.Paglabas ko haban

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status