Share

Chapter 3

SAM

Bigla akong napadilat nang may marinig akong ingay sa labas. Parang nahulog na takip o

kaldero siguro? Kahit pupungas-pungas pa ako ay bumangon ako agad upang lumabas ng

aking kwarto. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa kusina. Nagulat na lang ako nang

makita ko ang pagtayo ni Sir Bernard. May hawak siyang takip na babasagin. Siguro ‘yun

ang narinig kong nalaglag kanina. Pero napa-gawi ang aking mata sa makasalanan niyang

abs na natatakpan ng kulay itim niyang apron. Hot chef!

“I’m sorry nagising ba kita?” Itinikom ko ang aking bibig sabay kamot sa sariling ulo at

tumalikod sa kaniya.

“Opo, Sir. Akala ko kasi pusa ‘yung kumalampag.” Sagot ko sa kanya habang hindi pa rin

siya nililingon. Jusko! Parang ‘yung nakikita ko na lamang ang gusto kong gawing almusal!

Kinaltukan ko ang aking sarili. Kaka-sabi lang sa’kin ni Sir kahapon na hindi ako pwedeng

ma in love sa kaniya, tapos heto ako ngayon nangangarap samantalang kagigising ko pa

lang!

“Cat? Walang pusa dito, allergic ako sa mga ma-balahibong hayop. Kaya hindi ako nag-

aalalaga ng pet.” Wika niya. Hindi ko alam kung babalik pa ako sa kuwarto ko. Ano naman

kaya ang ginagawa niya sa kusina? Nagugutom ba siya?

Napatingin ako sa wall clock, sa may bandang itaas ng dingding sa sala.

“Hala! Late na ako!” Bulalas ko. Patakbo akong pumasok sa kuwarto dahil mag a-alas syete

na ng umaga. Hindi ko na nga nalingon si Sir Bernard at kaagad na rin akong pumasok sa

banyo upang maligo. Napuyat kasi ako kagabi, dahil naglaba pa ako ng mga damit ko sa

banyo. Ayoko namang disturbuhin siya, at makigamit ng washing machine niyang halatang

pang-tao lamang. Kaya nag tiyaga akong magkusot sa lababo. Hindi ko napaghandaan na

kailangan ko nga pala ng maraming pamalit pang opisina, kaya kung ano ang suot ko

kahapon ‘yun pa din naman ang susuotin ko ngayon. Okay lang naman siguro ‘yun, ang

mahalaga nilalabhan. Parang yung napasok ka lang sa school pare-pareho ang damit, ang

mahalaga hindi amoy anghi. Hindi naman siguro mapapansin ni Sir ang suot ko dahil isa

lamang akong sekretarya?

Pagpasok ko sa banyo ay namamangha pa rin ako dahil mas malaki pa ata ito kaysa sa

apartment ko. Napakalinis din at kompleto sa kagamitan. Shampoo, sabon at body

essentials. Bakit kaya dalawa ang kwarto dito sa penthouse ni Sir Bernard? Hindi kaya

umuuwi din dito ang pamilya niya?

Itinuloy ko ang mabilis kong pagligo at naghilod na rin ako ng katawan. Mabango ang mga

gamit sa banyo at may pambabae din na mga bago pa. Inisip ko tuloy na baka si Sir

Bernard ang nag-lagay ng mga ito dito. Ibinalot ko ng puting tuwalya ang aking katawan pati

na rin ang aking buhok. Mabuti na lamang at dinala ko ang luma kong plantsa dahil nagusot

ang damit ko dahil na rin sa pagpiga ko kagabi para lang matuyo tiyaka sinabit ko pa sa

tapat ng aircon kaya ayun kaunting pasada lang ng plantsa ay pwede na ulit suotin.

Kasalukoyan akong nagbi-bihis ng pantalon nang biglang may kumatok sa pinto na

ikinagulat ko kaya na out of balance ako at natumba.

“Ms. Briones, hindi ka ba ka-kain ng almusal?” Narinig kong tanong niya mula sa labas.

Nakangiwi akong tumayo.

Ano daw? Inaalok niya ako ng almusal? Bakit? Ibabawas niya kaya ito sa sweldo ko?

Nagbaon pa naman ako ng mga bisquit habang hindi ko pa alam kung paano yung budget

ko sa pagkain.

Inayos ko ulit ang pantalon ko at sumilip ako sa pinto.

“Ano po ‘yun, Sir?” Tanong ko sa kaniya dahil baka nagka-mali lang ako ng dinig.

“I said, kumain ka muna ng breakfast. Take your time dahil marami ka pang oras.” Wika

niya sabay talikod sa akin.

Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin habang nakasilip pa rin sa pintuan. Libre na nga

ang pag-tira ko, pati pagkain libre pa rin? Hulog ka talaga ng langit, Sir! Namalayan ko na

lamang na nakangiti na pala ako. Paano ba naman hindi ako mapapa-ngiti kung may boss

akong yummy na. Este! Gwapo na, napaka-bait pa.

Nabura ang ngiti ko sa labi nang lumingon siya ulit sa akin.

Huli!

Mabilis kong sinara ang pinto at pigil hiningang sumandal sa likuran ng pinto.

Yan! Titig pa more Sam!

Napabuntong hininga ako na kumuha ng suklay, hindi ko muna isinuot ang blazer ko, nang

lumabas akong muli sa kuwarto. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kitchen dahil

nando’n daw ‘yung breakfast. Pero pag-dating ko sa mesa ay napaka-raming pagkain ang

bumungad sa’kin!

Halos masuka na nga ako kagabi at ma-impatcho dahil pinilit kong ubusin ‘yung pagkain

kagabi, tapos ngayon ito na naman? Baka lalo ng sumikip ‘tong damit ko at baka tumaba

ako kapag palagi na lamang niya akong papa-kainin ng ganito kadami! Gusto kong maiyak

sa aking naisip.

May itlog na napaka-ganda ang pagkakaluto, perpekto. Bilog na bilog pa ang dilaw nitong

egg yolk. May kasama ring bacon, sausage at wheat bread tapos may kasama din na

Nutella. May fried rice pa with matching kape!

Kasalukoyan akong nagsa-sandok ng pangalawang fried rice, nang lumabas si Sir Bernard.

“Ubusin mo ulit ‘yan.” Habilin niya sa akin.

“Ah, Sir! Ang dami po kasi nito kasama na ba ang lunch nito para isang kainan na lang?”

Nahihiya kong tanong sa kaniya na ikinangiti niya.

“Hindi naman, kaya lang huwag ka sanang magagalit. Para kasing kulang ka sa laman kaya

kailangan mo rin kumain ng tama, dahil baka hindi mo kayanin ang trabaho. Ayoko naman

magka-sakit ang mga empleyado ko.”

Parang gusto ‘kong maiyak sa sinabi niya. Ngayon lang kami nagkakilala tapos empleyado

niya lang ako, pero concern siya sa health ko. Naalala ko pa kapag hindi na kinakaya ng

katawan ko ang pagod sa pagbubuhat at pagtitinda ng tilapya, kahit may sakit ako kuma-

kayod pa rin ako at pinipilit na bumangon dahil sayang ang isang araw na kita ko kung wala

akong gagawin. Para lang may maipadala kila Inay sa probinsya. Pero never akong nag-

sabi sa kanila dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Kaya kong tiisin ang lahat para sa

kanila. Dahil gusto kong suklian ang pagiging mabuti nilang magulang sa’kin at sa pag-

aalaga nila kay Calix na walang hinihinging kapalit.

Pinigilan ko ang pagba-badyang pagtulo ng aking luha. Kaya inabala ko na lamang ang

sarili sa pagkain dahil sayang ang biyaya kung hindi ko ito mauubos.

Napansin kong lumapit siya sa kitchen at nagpunta sa ref. Binuksan niya ito pero

nagpatuloy lang ako sa maganang pagkain.

“Oh! By the way, Ms. Briones. ‘Yan ang suot mo kahapon, di’ba?” Tanong niya na nagpa-

angat ng tingin ko. Samuol pa ang bibig ko ng pagkain kaya uminom muna ako ng tubig

bago siya sinagot.

“Y-Yes, Sir. Pero don’t worry po nilabhan ko naman po ito kagabi kaya malinis po ito at

hindi mabaho.”

“So, you mean wala ka ng ibang casual attire na masu-suot mo sa pag-pasok?” Tanong

niya habang binubuksan ang bottled water na kinuha niya. Naka-white long sleeve na polo

siya at nakatupi ang mangas nito sa siko bukas din ang isang butones sa itaas. Maayos din

ang pagkakasuklay ng kaniyang buhok. Napaka-linis niyang tingnan at wala man lang

akong makitang kapintasan.

“Wala po, Sir. Saka na po ako bibili kapag may budget na.” Nahihiya kong sagot.

Tumango siya sa’kin at tumalikod na rin pa-balik sa kanyang kwarto.

Pagkatapos kong pumirma ng kontrata na ipinadala sa akin ng HR ay umpisa na kaagad ng

aking trabaho. Tinutulongan ako ni Ms. Diane sa mga maari kong gawin dito sa opisina.

Lalo na sa pag-aasikaso ng mga kailangan ni Sir Bernard. Kabilang dito ang mga meetings,

mga pi-pirmahan na papeles at mga schedules niya for the whole day. Pina-alalahanan din

ako ni Ms. Diane na dapat daw advance ng one week ang schedule ni Sir Bernard dahil

paminsan-minsan ay nagbabago daw ito ng schedule, depende sa gusto ni Sir Bernard.

Sinabihan din niya ako na maging attentive sa lahat ng gagawin ni Sir, dahil may pagka-

ulyanin daw ito. Hindi ko alam kung biro ba ‘yun dahil nakangiti niyang sinasabi yun sa akin.

Puro ‘Yes, Ma’am.’ lang ang sagot ko sa kanya. Sa una siguro mahirap, pero kapag gamay

ko na ang ginagawa ni Sir ay madali na sa’kin gumawa ng trabaho, lahat naman ng bagay

mahirap sa umpisa kapag naka-sanayan ko na ay mas madali na saka ayoko namang ma-

disappoint si Sir Bernard, dahil siya mismo ang nag-pasok sa’kin sa kompaniya tapos

secretary pa niya ako. Kaya pagbubutihan ko talaga sa abot ng aking makakaya.

“Ms. Briones, paki-tawagan ang marketing team. Tapos ko na pirmahan ang mga papers.

Saka kunin mo ‘yung menu dito at tawagan mo rin ang restaurant for my lunch. Umorder ka

na din ng para sa’yo.” Utos ni Sir mula sa intercom na naka-connect sa aking table. Pinindot

ko ang green button upang sagotin siya.

Agad kong hinanap ang numbers ng marketing department at tinawagan sila. Sila na rin

ang kumuha ng papers dahil hindi naman ako pina-pababa ni Sir sa elevator. Nakakahiya

man dahil kailangan mag-adjust ni Sir, pero si-sikapin ko na maka-kaya kong sumakay ulit

ng elevator nang hindi natatakot at ina-atake ng phobia ko.

After kong ibaba ang telepono ay kumatok naman ako sa pintuan ni Sir Bernard para kunin

ang menu na sinasabi niya.

“Come in.” Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok, sinara ko din agad pagka-

pasok ko. Baka kasi maka-abala ako sa ginagawa niya.

“Kukunin ko na po ‘yung papeles na pinirmahan niyo, saka po yung menu.” Tumango siya

sa’kin at inabot ang mga binanggit ko mula sa ibabaw ng table niya. Kinuha ko naman ito at

nagpaalam din agad na la-labas na.

“Mabuti naman sinagot mo ang tawag ko Binibini? Pupunta ako sa inyo diyan mamaya.”

Malambing na sabi niya, habang hawak ang kaniyang cellphone at naka-tapat sa kaniyang

tenga. Narinig ko pa ang hagikhik niya bago ako humakbang pa-labas ng office niya.

Binibini daw? Girlfriend niya kaya ‘yun? Mahaba ang nguso na bumalik ako sa table ko.

Umupo ako at tiningnan ang maliit na papel sa ibabaw ng menu.

Tempura, sashimi, salad and Japanese cheesecake? Wow! Mukhang masasarap ang mga

‘yun ah! Gano’n na lang din kaya ang orderin ko? Binuklat ko ang menu at nalaglag ang

panga ko nang makita ko ang mga presyo.

Kaya pala mukhang masarap dahil bongga din ang mga presyo no’n. Ano kayang

pampalasa ang inilalagay nila at gano’n ka-mahal ang servings nila? Pang-isang buwan ko

na ‘yung kita sa pagti-tinda ng isda eh! Kinakabahan na pinindot ko ang intercom.

“Ah, Sir. Wala po bang canteen dito? Kasi di po ako sanay kumain ng mga ganitong

pagkain eh.” Pagda-dahilan ko pero ang totoo hindi kaya ng budget ko dahil dalawang libo

na lamang ang natira sa pera ko. Ipinadala ko kasi kay Inay kahapon yung puhunan ‘kong

tatlong libo sa pambili sana ng tilapya.

“It’s okay, Ms. Briones. Um-order ka ng gusto mo, ako na ang magba-bayad.” Narinig kong

sagot niya sa’kin.

“Pero, Sir?” nag-aalinlangan pa ako nang sinabi niyang um-order ako.

“Wait lang, Binibini.” Dinig ko pa siyang nagpa-paalam sa kausap.

“I’m busy, okay? Huwag ka ng makulit.” Dagdag pa niya bago ako pinatayan ng linya mula

sa intercom. I sigh. Namo-roblema ako kung ano ang ka-kainin ko, nakaka-hiya na kay Sir

Bernard kung palagi na lamang siyang ga-gastos para sa akin.

Kasalukoyan akong namimili ng menu nang makarinig ako ng yabag ng sapatos. Nang

mag-angat ako ng tingin ay mukha ng maganda at sexy na babae ang bumungad sa’kin.

Nakasuot ito ng kulay itim na damit which is hapit na hapit sa kaniyang katawan. Medyo

labas din ang pinagpala nitong dibdib at may hawak na maliit na purse.

“Excuse me? Nasa loob ba si Mr. Villegas?” Maarte na tanong niya sa’kin, habang hina-

hawi ang kaniyang kulay blonde at kulot na buhok papunta sa likuran ng kaniyang kanang

tenga na may diamond na hikaw.

“Wait? Bago ka lang ba dito? Kasi ngayon lang kita nakita.” Tanong niya ulit sa’kin. Sobrang

pula pa ng kaniyang lipstick, kaya kitang-kita ang maputi at pantay niyang ngipin kapag

nagsa-salita. Mala-lantik ang kaniyang pilik mata. Amoy ma-mahalin din ang kaniyang

pabango. Para siyang artista na a-attend sa grand ball or oscar awards sa kaniyang pamu-

mustura.

“Yes, Ma’am. Bago lang po ako dito at nasa loob po si Sir tatawagin ko na lang po, ano

pong pangalan niyo?” Magalang na tanong ko sa kaniya.

“I’m Trixie. By the way huwag mo na siyang tawagan. I’m his girlfriend. I planned to surprise

him. Dahil ka-karating ko lang galing New York.” Pigil niya sa’kin, nang pipindutin ko na

sana ang intercom. Girlfriend din siya ni Sir Bernard? Wow! Totoo pala talaga ang tsismis.

Akmang magsa-salita pa sana ako, nang tinalikuran na niya ako at nag-tungo sa pinto ni Sir

Bernard at kaagad na kumatok kaya hindi ko na siya napigilan.

“Hi! Honey, surprised!” Narinig kong sabi niya nang ma-buksan niya ang pinto at kaagad na

pumasok sa loob. Napa-upo akong muli sa upoan. Siguro naman hindi magagalit si Sir dahil

pinapasok ko siya, kahit hindi niya alam?

Grabe, sa unang araw dalawang babae agad ang nalaman kong girlfriend niya. Ilan pa kaya

ang makikilala ko ngayong araw? Hindi na rin ako magta-taka bukod sa mabait si Sir

Bernard ay guwapo at mayaman din ito. Kaya lang, sana naman hindi niya pinagsa-sabay

ang mga syota niya kasi masakit ‘yun sa part ng iba.

Wait? Bakit ba ako naapektuhan?

Kinaltukan ko ang sarili at muling bumalik sa aking ginagawa. Nag-order na lamang ako ng

rice at chicken teriyaki tiyaka bottled water pagkatapos ay tumawag na rin ako sa

restaurant.

Dumating na din ang tinawagan ko para kunin ang mga papeles. Habang nagti-tipa ng mga

schedule ni Sir ay wala sa sarili akong napapa-sulyap ako sa pinto. Ano na kaya ang

ginagawa nila doon? Hindi naman siguro sila gumagawa ng milagro, di’ba? Kagaya ng mga

nakikita at nababasa ko sa mga pocketbooks at napapanuod ko sa mga pelikula.

Bigla akong kinilabutan nang may marinig akong ungol. Nagpalinga-linga ako sa paligid

dahil baka may multo akong makita. Bukod kasi sa office ni Sir, ay wala ng ibang nandito

kundi ang meeting room.

Huwag naman sana akong multohin dito! Takot pa naman talaga ako sa multo! Nagulat ako

ng husto at kamuntikan ng malaglag sa aking kina-uupoan nang lumakas pa ang ungol na

narinig ko.

“Ah! Faster babe!” Napatayo ako at napa-angat ng tingin sa pinto dahil sa sunod kong

narinig. Hindi na ‘yun ungol ng multo, kundi ungol na ng nasa-sarapang babae!

Jusmeyo! Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi sabay takip ng aking mag-kabilang

tenga.

Sir naman, hindi man lang umakyat sa penthouse at doon mag jack en’ poy. Like, dito

talaga?

Parang imbis na sila ang mahiya ako na tuloy ang nahihiya. Paano na lamang kung may

duma—

“Oh! I’m Cumming babe!” Diniinan ko pa ang pagkaka-takip ng aking tenga dahil sa naririnig

ko pa din ang sigaw ng babae sa loob ng office ni Sir Bernard. Maya-maya pa ay tinanggal

ko na din dahil tumahimik na ulit.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nanlulu-paypay na sumandal sa sandalan ng aking

upuan.

Kaya mo ‘yan, Sam! Dapat masanay ka na simula ngayon. Kailangan kong bumili ng

headset para sa susunod wala na akong marinig kapag may gagawin si Sir na kalokohan

sa kanyang opisina. Ako na lamang ang mag a-adjust, mahirap na! Pero na-offend ako sa

nangyari. Syempre matagal ko na siyang crush, tapos ganito pala ang ginagawa niya sa

tunay na buhay.

Bumalik ako sa aking trabaho at wala pa rin akong utos na nata-tanggap mula sa kaniya.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang food delivery namin.

Pinindot ko ang intercom para ipaalam ‘yun kay Sir.

“Okay, ipasok mo na dito.” Wika niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Para kasing hindi

ako handa na pumasok sa loob matapos ng narinig ko kanina.

“Y-Yes, Sir.” Mahinang sagot ko bago ko patayin ang intercom. Kinuha ko ang pagkain niya

at kumatok na sa pinto bago pumasok.

“Ito na po— ‘yung food.”

Halos hindi ko na maituloy ‘yung sa-sabihin ko nang makita kong siya pa mismo ang nag-

zipper ng damit ni Ma’am Trixie sa likuran nito habang nakaupo sa kanyang lamesa at

kitang-kita ko din ang mga kiss mark sa leeg at ang namumula niyang labi!

“Ilagay mo na lang diyan sa maliit na table at mag lunch ka na rin.” Wika pa niya sa akin.

Kaagad naman akong sumunod at ipinatong ang dala ko sa maliit na table na pina-

gigitnaan ng malambot na sofa. Tiyaka mabilis na tinungo ang pinto. Saka pa lamang ako

nakahinga ng maluwag nang makalabas na ako. Tulala akong pumunta sa upuan ko.

Kalma lang, Sam… Kumalma ka… Boss mo ‘yan.

Ngayong unti-unti ko na siyang naki-kilala. Unti-unti na rin sigurong mawa-wala ang

nararamdaman kong paghanga sa kanya. Sana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status