Share

Kabanata 9

Kabanata 9

"I'm sorry, Yuna. Kasalanan ko kung bakit ka tinanggal ni mama sa trabaho," nakayukong sabi ni Mereya habang umiiyak.

"Ano ka ba naman! Wala kang kasalanan 'no." Hinagod ni Yuna ang likod ni Mereya. Umiiyak din siya. Nasa labas sila ng kaniyang dating apartment. Pinalayas na siya ng landlady nang malaman nitong nasibak siya sa trabaho.

"Saan ka na titira, Yuna?" Hinaplos ni Mereya ang kaniyang tiyan. Pinilit niyang tumahan para sa kaniyang baby.

"Uuwi muna siguro ako sa lola ko. Mamamahinga muna ako ng isang taon bago ulit ako bumalik dito sa Monte Vista." Kumuha ng isang maliit na bato si Yuna at itinapon iyon sa daan. "Ikaw? Anong balak mo?"

"Ayoko nang bumalik sa bahay. Sigurado akong stress lang ang aabutin ko ro'n araw-araw lalo na at malapit nang ikasal si Mama Cindy kay Sevi." Pinaglaruan ni Mereya ang laylayan ng kaniyang damit.

Hinawakan ni Yuna ang mga kamay ni Mereya. "Gusto mo bang sumama sa akin?"

"Gusto ko sana kaso baka malasin ka na naman dahil sa akin eh." B
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status