Share

One Night Darker (Tagalog)
One Night Darker (Tagalog)
Author: Docky

Panimula

Panimula

Gray's Villa at Monte Carlos, 8 A.M.

If anyone objects to the marriage, speak now or forever hold your peace”, the priest said.

Malungkot ang mga mata ni Jackson habang nakatitig sa babaeng tinatangi niya. Tahimik siyang nananalangin na sana ay may tumutol sa kasal nina Jacob at Freya. Lumingon siya sa paligid. Lahat ay nakangiti at masaya maliban sa kaniya. Kinagat niya ang kaniyang labi at pagkatapos ay tumingala. Sa bawat palakpakan, sa bawat halakhak, sa bawat ngiti nila, tila may mga punyal na tumutusok sa kaniyang dibdib. Mahal na mahal niya ang babaeng nakasuot ng wedding gown subalit wala siyang pagpipilian kung hindi ang palayain ito.

"Tito Jackson, are you okay?" Yael asked.

"O-okay lang ako, Yael. Napuwing lang si tito kaya medyo nagtutubig ang mga mata ko," pagsisinungaling niya.

"Tito, may sasabihin po ako sa'yo pero secret lang po natin ah," nakangiting turan ni Yael.

"Sure. What's that?" Jackson bowed his head to listen to what his niece would say. His eyes widened when he heard the news. "Your mom's pregnant?"

Tumango si Yael habang abot-tainga ang ngiti.

Jackson plastered a fake smile. Ito na yata ang karma niya sa mga kawalang hiyaang ginawa niya noon. The love of his life is now marrying his half-brother and is now pregnant with their second child! Halos gumuho ang mundo niya!

“With the power invested in me by the State of Monte Carlos, I now pronounce you, husband and wife. Mr. Jacob Anderson, you may now kiss your bride," the priest announced.

Jacob leaned in and kissed Freya,softly like he’s never done it before. Everyone cheered for them except his older brother. Jackson's full attention rested on Freya.

"You deserve all the happiness in the world, darling," Jackson whispered.

Nilingon ni Jackson si Yael at hinalíkan ito sa noo. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Tinitigan niya ito nang direkta sa mga mata. "Magiging kuya ka na. Alagaan mo ang mommy at magiging kapatid mo ha. Isumbong mo sa akin kapag sinaktan o pina-iyak ng Daddy Jacob mo ang Mommy Freya mo o kahit ikaw. I'll come and save you. By the way, I want to thank you for giving me back my freedom and… I also want to apologize for everything. I'm sorry, Yael." Ginulo niya ang buhok ni Yael.

"Don't worry, Tito Jackson. Daddy will never hurt us. Mahal na mahal niya po kami ni mommy. Tungkol naman po sa pag-convinced ko kina mommy at daddy na huwag na pong ituloy ang kaso, wala po 'yon. Everybody deserves a second chance, tito but I hope that you have learned something from it," tugon ni Yael.

Ngumiti si Jackson nang mapait at pagkatapos ay niyakap niya si Yael. "Thank you ulit, Yael. Patawarin mo si tito." Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at nagpaalam na rito. "I'll get going."

Nakatingala si Yael kay Jackson. "Hindi po ba kayo makiki-party, tito?" tanong niya.

'Hindi ko kayang makisaya sa inyo, Yael. Kung alam mo lang kung gaano ko kamahal ang mommy mo at kung gaano kasakit para sa akin na hinding-hindi na magiging kami,' sigaw ng isip ni Jackson. Umiling siya at ngumiti. "May importante pang aasikasuhin si tito eh." May kinuha siya sa kaniyang upuan at ibinigay iyon kay Yael. "Pakibigay na lang ng regalo ko sa mommy at daddy mo."

In a snap, Jackson couldn't hear any sound except his crying heart. He quickly wiped his tears when he heard someone.

"Where are you going? Hindi ka ba pupunta sa reception?" Nakasandal si Jett Jamison sa may tabi ng gate habang naninigarilyo.

Tinapunan ni Jackson nang matatalim na titig si Jett. "Nang-aasar ka ba?"

Itinapon ni Jett ang upos ng sigarilyo. Mabilis siyang lumapit sa kapatid niya.

"Don't. You. Dare. Touch. Me." Tumaas ang kilay ni Jackson. Alam niyang aakbayan na naman siya ni Jett.

"Relax! I just want to comfort you, my dear brother!" Sinabayan ni Jett sa paglalakad patungo sa sasakyan ang kaniyang kapatid.

Pumasok na sa loob ng sasakyan si Jackson. Sasakay rin sana si Jett nang bigla niyang isinara ang kabilang pinto.

Sumilip si Jett sa bintana ng sasakyan ni Jackson. "I found her." Tumaas ang dalawang kilay ni Jett ng tatlong beses.

"Stop bothering me. Maki-party ka na lang sa kanila. What? What did you say?" natigilan si Jackson.

"I said, I found her at alam ko kung saan mo siya makikita. And fortunately, her long-time boyfriend is planning to leave her for wealth and fame," sambit ni Jett.

Mabilis na pumunta sa passenger's seat si Jackson at hinila ang necktie ni Jett.

"Sigurado ka bang siya 'yon?" tanong niya.

Tumango si Jett. "I guess, Jun already found her na rin. Mas nauna nga lang ako. You can confirm it later, pagdating ni Jun. Inform him na lang kung nasaan ka." Hinawakan niya ang kamay ni Jackson at inalis ang pagkakahawak nito sa necktie niya.

"Saan ko siya matatagpuan?" seryosong tanong ni Jackson.

~~~~~~

Escueza Luxury Hotel, Inc., Monte Vista, 8 P.M.

"Oo na! I DO! Magpapakasal na ako sa'yo!" Halos maluha si Mereya nang sinabi niya iyon. Pitong taon! Pitong taon silang magkasintahan ni Sevi at tanging silang dalawa lang ang nakakaalam noon. Pangarap niyang maging asawa ni Sevi at pangarap din niyang malaman ng lahat ang tungkol sa relasyon nila. Sawa na siya sa lowkey relationship. Sawa na siyang umiwas sa mga tao at magtago kapag magkasama silang dalawa.

"L-Love…" Sevi stuttered.

Agaw atensyon ang kasiyahang nararamdaman ni Mereya ngayon. Lahat ay nakatingin sa kaniya nang bigla siyang tumayo. Inilahad niya ang kaniyang kamay kay Sevi. Hinihintay niyang ilagay nito ang singsing sa kaniyang palasingsingan.

Lumingon si Sevi sa paligid. Napakamot siya sa kaniyang ulo. Hindi niya balak mag-propose kay Mereya. Ang totoo, balak na niyang makipaghiwalay rito.

"Eya, please sit down." Hinawakan ni Sevi ang kamay ni Mereya at dahan-dahang pinabalik sa pagkakaupo.

"What's wrong, Sevi? Didn't you buy that expensive ring for me? I know it's a surprise and I'm sorry if nalaman ko agad ang plano mo ahead of time." Pinahid ni Mereya ang luhang tuluyan nang pumatak sa mga pisngi niya. "Sorry kung naiiyak ako ngayon. Sa loob ng pitong taon, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi mo ako magawang ipakilala sa lahat bilang girlfriend mo, lalo na sa mga magulang mo. And yes, may malaking tampo ako sa'yo dahil doon pero nawala ang lahat ng duda, pangamba at takot ko nang makita kitang bumili ng singsing sa isang sikat na jewelry shop! You have no idea how you made me feel so happy and special tonight. I love you, Sevi! Handa na akong maging Mereya Wrights-De Guzman!"

Tumingala si Sevi bago bumuntong hininga. Bakas ang pagka-inis at pagkabalisa sa mukha niya.

Kumunot ang noo ni Mereya. "Sevi, love, may problema ba? Nawala mo ba ang singsing?"

"NO! JUST STOP TALKING!" Nagulat si Sevi sa pagsigaw niyang iyon. Pilit niyang pinakalma ang sarili.

Namilog ang mga mata ni Mereya. Iyon ang unang beses na sinigawan siya ng kaniyang nobyo. "May, may nagawa ba akong mali?"

Sevi heaved a deep sigh. "I'm sorry, Eya. That ring…"

"Hindi ba iyon para sa akin?" Nangangatal na ang mga kamay ni Mereya. Unti-unti na naman siyang binalot ng takot.

"Yes, it's not for you but don't get me wrong. I didn't buy it with my own money. Hindi ko pag-aari ang singsing na nakita mong binili ko." Mabilis na kumuha ng panyo si Sevi. Pinahid niya ang mga luha ng kaniyang nobya. "Don't cry, please. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."

"Pasensya ka na, love. Nag-assume kasi ako kaya masakit. Kasalanan ko rin naman. Don't worry, lilipas din 'to. Anyway, masaya pa rin ako na hindi pala sa'yo 'yon. Akala ko, may iba kang pagbibigyan eh," nakayukong sambit ni Mereya.

"I'm sorry, love. Hayaan mo, malapit na akong ma-promote sa trabaho ko. Makakaipon na ako para sa future natin." Isang kasinungalingan na naman ang sinabing iyon ni Sevi. Minahal niya naman si Mereya at mahal pa rin niya ito pero kailangan na niyang tapusin ang lahat ng namamagitan sa kanilang dalawa para sa pangarap niyang buhay. Hindi niya lang alam kung paano siya makikipaghiwalay rito.

"Okay lang, love. Let's eat. Lalamig ang pagkain." Kinuha ni Mereya ang kubyertos at nagsimula nang kumain. Hindi niya matingnan ng diretso si Sevi. Bukod sa nahihiya siya rito dahil sa ginawa niya kanina ay nasasaktan siya. Sanay na siyang sabihin na okay lang kahit ang totoo ay hindi naman siya okay.

"Eya, can we do it … tonight? Please," Sevi pleaded. Mas magiging maluwag sa loob niyang pakawalan si Mereya kapag nakuha na niya ang matagal na niyang nais dito.

Napatigil sa pagsúbo ng pakain si Mereya sa kaniyang narinig.

"It's been seven years since we started dating. Kahit halik, hindi mo man lang maibigay sa akin." Inobserbahan ni Sevi ang reaksyon ni Mereya. Pulang-pula ang mga pisngi nito. "Ang totoo, gusto ko munang magkaroon tayo ng anak bago tayo magpakasal," pagsisinungaling niya.

Binitiwan ni Mereya ang kubyertos na hawak niya. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa kaniyang hita at pagkatapos ay mahigpit niyang hinawakan ang dress na suot niya.

"Eya, please. Matagal na kitang nais makatabi sa kama. I think it's time para i-level up natin ang relasyong ito," pangungumbinsi ni Sevi.

'Level up? Ni hindi nga alam ng family natin na mayroon tayong relasyon! Maging sa mga kaibigan at katrabaho mo, hindi mo man lang ako maipakilalang girlfriend mo!' Tumayo si Mereya. She swallowed her own saliva before she grabbed the wine on the table. Nilaklak niya ang alak sa mismong bote nito!

Natulala si Sevi sa ginawang iyon ni Mereya.

"Mauna ka na sa hotel room natin. May bibilhin lang ako sa convenience store. Handa na akong ibigay ang sarili ko sa'yo," nakayukong turan ni Mereya.

Walang pagsidlan ang tuwa ni Sevi. Ngayong gabi ay maaangkin na rin niya sa wakas ang pagkababae ni Mereya! Pwede na niya itong iwan kinabukasan.

"Sige, love. Maghihintay ako." Tumayo si Sevi. Hinalíkan niya sa noo ang kaniyang nobya. "I can't wait to do it with you, love. Finally! Thank you for trusting me." Isang demonyong ngiti ang kumurba sa labi niya.

Pagkalabas ng hotel ni Mereya ay dali-daling naglakad si Sevi patungo sa pina-reserved niyang hotel room. Hindi rin biro ang nagastos niya ngayong gabi kaya susulitin niya ang bawat segundong kasama niya ang kaniyang nobya. Gagawin niyang pinakamasaya at pinakamasakit ang huling gabing pagsasamahan nila!

A man in his thirties suddenly laughed while tapping his right hand on the table. He's wearing a limited edition Díor long sleeve shirt and Gucci jeans. He smirked when he saw Sevi walking like an idíot. "Assh0le!" he whispered before he drank his whiskey.

"Sir Jackson, tumawag po sa akin si senior. Hinahanap niya po kayo sa party," ulat ni Jun, ang personal bodyguard ni Jackson.

"Just ignore him. Pinagbigyan ko na sila. Umattend na ako ng kasal nina Jacob at Freya kanina kahit labag sa loob ko. Dudurugin ba nila ako nang husto? Alam nilang mahal ko pa si Freya!" Muling uminom ng whiskey si Jackson.

'Paano ko ba sasabihin sa amo kong ito na attachment na lang ang nararamdaman niya para kay Ma'am Freya? May pinapahanap na nga siyang ibang babae eh. Halos patayin na niya ako dahil lang doon. Mabuti na lang at nahanap ko na!' Napatingin si Jun sa kaniyang cell phone nang mag-vibrate na naman iyon. Tumatawag na naman si Don Vandolf. Agad niyang itinago sa kaniyang likuran ang cell phone na hawak niya nang tingnan iyon nang masama ni Jackson.

"Sir Jackson, ito nga po pala ang profile ng babaeng pinapahanap niyo sa akin. Nahirapan po ako sa pinagawa niyo pero dahil magaling akong personal bodyguard at private investigator, natagpuan ko rin siya sa wakas." Jun handed a brown envelope to his boss.

"Anong magaling? Inabot nga ng buwan bago mo siya natagpuan." Mabilis na kinuha ni Jackson ang envelope.

Napakamot sa kaniyang ulo si Jun. "Kayo po kaya ang maghanap sa isang babae na ang tanging clue lang ay ang dating tirahan nito at ang pangalan ng tatay niya na sobrang common naman. Ni pangalan niya, hindi niyo po alam," bulong niya.

Tinapunan ni Jackson nang masamang tingin si Jun pero agad din siyang napangiti nang makita niya ang litrato at profile ng babaeng pinapahanap niya rito. Tama si Jett! Siya nga 'yon!

"I'm giving you one month off plus allowance and salary equivalent to it. Enjoy your vacation, Jun! Thank you for this!" Jackson walked away while singing some random songs. May binabalak na siya para makuha ang babaeng nasa litrato.

Napakamot sa kaniyang ulo si Jun. "Broken-hearted ba talaga si Sir Jackson? Mukhang hindi naman!" aniya bago tuluyang umalis ng Escueza.

Pasuray-suray na naglakad si Mereya patungo sa hotel room nila ni Sevi. Hindi niya namalayan na nalaglag na pala ang pills at condóm na binili niya. Pagbukas niya ng pinto, tumambad sa kaniya ang kadiliman. Napapikit siya nang maamoy niya ang isang kabigha-bighaning amoy. Tila lalo siyang nalasing at agad na nagtatakbo sa kama. Pumaibabaw siya sa lalaking naroroon.

"Let's make each other the happiest people tonight, love. Let me pleasure you. This is your reward for being patient for seven fúcking years! You deserve my best tonight. Return the favor after. Show me your wildest side later. I love you, love. Let's announce our real relationship tomorrow," Mereya said as she started kissíng the man.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status