Share

Kabanata 3

Kabanata 3

"Honey, bubuksan mo itong pinto o sisirain ko ito?" banta ni Jackson nang halos sampung minuto na si Mereya sa loob ng restroom. Pinagtitinginan na siya ng mga babaeng nandoon pero wala siyang pakialam.

"He's so hot! I can instantly leave my boyfriend for him!" sabi ni Jen, ang nag-iisang anak ng Mayor ng Monte Vista.

"You're not his type. I can bet twenty thousand pesos. Mas gusto niya ako kaysa sa'yo," pagmamayabang ni Merella sa kaibigan niya.

"Girl, ikakasal ka na! Stop flirting! Ipaubaya mo na siya sa akin." Mas lalong pinapula ni Jen ang kaniyang labi. "Perfect!" Nagulat siya nang makita niyang nasa tabi na ng lalaki si Merella.

"Men are not allowed here. This is a female restroom." Namewang si Merella habang malagkit na tinitingnan si Jackson.

"You can urinate safely here, miss. Hindi kita bobósohan. Every cubicle has its door and lock. It's not like, I will broke the door just to see your pu$sy." Pinasadahan ng tingin ni Jackson si Merella mula ulo hanggang paa. "I'm not interested in you, miss." Muling kinatok ni Jackson ang cubicle kung saan naroon si Mereya. "Honey, common! Let's go back to the party!"

Halos mapaihi si Jen sa pagpipigil ng tawa niya. Ngayon lang may isang lalaking nagpahiya sa isang Merella Jones! Napa-aray siya nang kuritin siya ni Merella sa tagiliran. "Hey! Why did you hurt me?" angal niya.

"Obviously, you're making fun of me," Merella whispered.

"I told you, girl. Ikalma mo 'yang kípay mo! May fiancé ka na! You should act like a grown up lady! Tapos na ang landi era mo." Inayos ni Jen ang mga makeup niya sa makeup bag niya at inaya nang lumabas ng restroom si Merella.

Bago tuluyang lumabas ng restroom ay muling sinulyapan ni Merella si Jackson. "Lalaki ka pa rin. Isang araw, bibigay ka rin sa akin," aniya bago tuluyang umalis.

Nakahinga nang maluwag si Jackson nang buksan ni Mereya ang cubicle. Agad niya itong niyakap nang mahigpit.

"Sobrang nag-aalala ako sa'yo at sa anak natin," ani Jackson habang nakapikit.

Gulat na gulat si Mereya. Nataranta siya nang biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "I'm fine. I just let out my emotions. I'm sorry kung natagalan ako sa loob. Mas okay nang ako na lang ang makakakita ng breakdown ko. Ayokong magmukhang mahina sa mga mata nila."

"Next time, you can cry on my shoulders. I won't say a word. No matter how busy I am, I can clear my schedule just to be with you." Hínalikan ni Jackson sa noo si Mereya.

'He's not playing. He is serious. Anong nagawa ko para mapa-ibig ang isang Jackson Gray?' Naglakad si Mereya patungo sa salamin. Kinuha niya ang kaniyang foundation, lipstick, eyeliner, blush on at perfume. Kahit wala siyang mga kolorete sa mukha, kumikinang pa rin ang ganda niya at sa oras na nag-ayos na siya, nagmumukha na siyang isang dyosa!

Natulala si Jackson sa kagandahan ni Mereya nang humarap na ito sa kaniya.

Itinapon ni Mereya sa basurahan ang kaniyang maskara. Kinuha niya rin ang maskarang hawak ni Jackson at itinapon din iyon. "We don't need that masks anymore. Let's face them. I will introduce you as my fiancé."

Titig na titig si Jackson kay Mereya hanggang sa hilahin siya nito palabas ng female restroom. Bawat babaeng madaanan niya ay kinikilig at tumitili! Iba pa rin talaga ang kaguwapuhan ng isang Jackson Gray!

Natigil sa paglalakad si Mereya nang mabangga niya ang kaibigan niyang si Yuna.

"E-Eya." Lumingon si Yuna sa paligid. "Paano ka nakapasok dito? Pinapasok ka ng security?" gulat na tanong niya.

Ngumiti si Mereya. "Bakit parang gulat na gulat kang makita ako sa mismong mansyon ko?"

Hindi naka-imik si Yuna.

"Mabuti ka pa, invited ka rito sa party samantalang ako, hindi. Bakit kaya? Ay oo nga pala, ano bang ganap ngayon? Bakit sobrang daming tao rito? Mga maimpluwensya at mayayamang tao pa ang mga bisita! Care to share…my BESTFRIEND?" Mereya plastered a fake smile.

Hinawakan ni Yuna ang kamay ni Mereya pero agad din itong bumitiw. "Don't get mad at me, Eya. I don't have any idea about this event. Ella and Tita Cindy sent me an invitation last night. There's no details in it. I got surprised nang makita kita dahil sabi sa akin ng kapatid mo, nagtanan ka raw kasama ang lalaki mo. Sabi pa niya, hindi ka invited dito dahil ginalit mo raw ang mama niyo. Is it true?"

Kabisado na ni Mereya ang kaibigan niyang si Yuna. Nagsasabi ito ng totoo base sa facial expression nito. "I'm sorry, Yuna. Akala ko kasi, pinagkaisahan niyo ako. Akala ko, kasabwat ka nila rito eh."

"Hindi ko magagawa sa'yo 'yon, Eya. You're my only friend since childhood! I tried to convince Tita Cindy to call you pero sabi niya, nagpalit ka na raw ng mobile number. Hindi rin naman kita makontak. Three weeks na kitang hindi nakikita. Sobrang nag-alala ako sa'yong babaita ka!" Niyakap ni Yuna si Mereya. "Ano bang nangyari? Bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam? May problema ka ba?" Hinawakan niya si Mereya sa balikat nito at tinitigan sa mga mata.

Hindi masagot ni Mereya ang tanong ng kaniyang kaibigan. Wala pa siya sa mood magkuwento kahit kanino tungkol sa katangahàn niya! "Saka na ako magku-kuwento sa'yo. Wala pa ako sa mood eh," aniya. "Oo nga pala, Yuna this is Jackson. Jackson, Yuna, my bestfriend since childhood."

"Nice to meet you, mister pogi!" Nakipag-kamay si Yuna kay Jackson. Palihim niyang hinampas si Mereya.

"Nice to meet you, Yuna. Don't betray my queen. If you do, I'm going after you for the rest of your life," seryosong banta ni Jackson.

Nilakihan ng mga mata ni Mereya si Jackson. Hinila naman siya ni Yuna palayo rito.

"Hoy, babaita! Kailan ka pa nagsimulang lumandí?" usisa ni Yuna.

Napakamot sa kaniyang ulo si Mereya. Walang ideya si Yuna tungkol sa relasyon niya kay Sevi kaya ang alam nito ay NBSB pa rin siya sa edad na bente siete.

"Last three weeks," nag-aalangang sagot ni Mereya.

"Omg! So tama ang chika sa akin ng kapatid mo! Iba ka, babaita! Iba kang mamili ng jowa! Pak na pak! Pakasalan mo na kaya? Baka mauntog pa eh!" biro ni Yuna.

"Gàgà! Ayoko pa ngang magpakasal eh!" Hindi pa masabi ni Mereya ang tungkol sa forced wedding nila ni Jackson. Tama, sapilitan dahil ang totoo, si Sevi pa rin ang itinitibok ng puso niya.

"Ikaw ang bahala. Kung ayaw mo kay Fafa Jackson, sa akin na lang siya. Bet na bet ko ang pormahan at awra niya. Nakakatakot pero malambing!" Sinulyapan ni Yuna si Jackson na ngayon ay masama na ang tingin sa kanilang mag-bff.

Hindi maipaliwanag ni Mereya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng inis sa bestfriend niya. Nagselos ba siya? Ayaw ba niyang mapunta si Jackson sa iba?

"Babaita, kilala mo si Sevi 'di ba? Nag-wo-work siya sa company namin, gaya mo." Kinagat ni Mereya ang kaniyang ibabang labi.

Tumango si Yuna. "Yes. I know him. What about him?"

"Is he dating someone from our company?" Mereya couldn't restrain herself from asking questions about Sevi's other woman.

"Yes, he's dating someone! I think naging sila three weeks ago lang. Bakit mo natanong? Teka, paano mo pala nakilala ang lalaking 'yon?" Nagdududa na si Yuna sa ikinikilos ng kaniyang kaibigan. Naka-banned si Mereya sa company dahil sa ginawa nito a couple of years ago. Bilang lang sa kamay ang nakakakilala rito bilang anak ng CEO at isa na siya roon.

Ikinubli ni Mereya ang kaniyang mga kamay sa likuran at saka niya mariing ikinuyom ang mga iyon. Dinedma niya ng tanong ni Yuna. "Kilala mo ba 'yong babae?" tanong niya.

Napakagat sa kaniyang labi si Yuna. "Hindi mo ba alam? He's dating your —--"

Isang malakas na musika ang dumagundong sa buong mansyon ng mga Wrights at Jones. Hindi na magkarinigan sina Yuna at Mereya dahil dito. Mabilis namang lumapit si Jackson kay Mereya para alalayan ito. Nagsisigawan at nag-iindakan na ang mga tao.

"Ladies and gentlemen, we are officially opening our party! You can now dance, drink, sing with our band here in front and mingle with our guests! Foods are also being served in the dining area. Five minutes from now, our lovely couple will read their dedication and sweet messages for each other! We can't wait to hear the official announcement of their wedding date, venue, theme, and all! For now, enjoy yourself! Enjoy the party! Woohoo!" Bumaba na ng stage ang hosts para kumain muna sa dining area.

'Makikilala ko na kung sino ang babae mo, Sevi. I'm more than ready to confront you. Sasabihin ko na sa lahat kung ano ang totoong namamagitan sa atin… kung kakayanin ko. Tingnan ko lang kung matuloy pa 'yang kasal mo.' Ngumiti si Mereya. Napahawak siya sa tiyan niya nang bigla itong tumunog.

"Yuna, kindly look after my queen. Ikukuha ko lang siya ng pagkain. Hindi siya pwedeng malipasan ng gutom." Nagtatakbo si Jackson patungo sa kinaroroonan ng mga pagkain. Hindi niya alam ang gustong kainin ni Mereya kaya tinawagan niya ang ilan sa mga tauhan niya para tulungan siyang kumuha ng bawat putahe sa mesa.

"Babaita, napakalambing naman ng boylet mo! Ang haba na talaga ng hair mo! Natatapakan ko na! Hay! Kailan kaya ako makakatagpo ng gan'yang klase ng lalaki. I'm so happy for you, babaita! Finally! Mawawasak na ang dapat mawasak!" sigaw ni Yuna.

Mabilis namang tinakpan ni Mereya ang bibig ng kaniyang kaibigan. 'Kung alam mo lang! Wala nang mawawasak dahil nawasak na!' sigaw ng isip niya.

Habang nagku-kuwentuhan sina Yuna at Mereya ay isang pamilyar na boses ang narinig ni Mereya buhat sa kaniyang likuran.

"What happened? Nasaan ka three weeks ago? Bakit hindi ka man lang nagparamdam?" ani ng lalaki.

Sa isang iglap, naging mahina si Mereya. Bumagsak nang sunod-sunod ang kaniyang mga luha.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Docky
thank you rin po, bawi po ako kapag magaling na po ako
goodnovel comment avatar
Gemma Estanislao
thank you miss Docky
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status