LOGINGRAY SERIES 2 (Jackson Gray's Story) Mereya was unable to face her long-term partner after a one-night mistake. She slept with a stranger whom she thought was her boyfriend, and it happened to be Jackson Gray, the town's hottest bachelor! Worse, she became pregnant as a result of one dark night! The next morning, she was kidnapped by the father of her child. Things heat up when Jackson asks for her hand in exchange of the truth—the truth about her father's death, the truth about her boyfriend's fiancee, and the truth about her real identity! "Marry me, and I will free you from all the lies and pain; be my queen, and let us destroy them together," Jackson murmured solemnly as he caressed Mereya's body. They thought everything's fine until nights became darker. Mapaninindigan ba nila ang pagmamahalang nabuo dahil sa mga pagkakamali o maghihiwalay sila ng landas na parang hindi sila nagkakilala kailanman? -------- GRAY SERIES 1 ONE NIGHT LOVE (TAGALOG) BOOK 1, 2 and 3 - COMPLETED GRAY SERIES 2 ONE NIGHT DARKER (TAGALOG) - COMPLETED GRAY SERIES 3 LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN - COMPLETED GRAY SERIES 4 LOVE GAME WITH MY EXECUTIVE ASSISTANT COMPLETED GRAY SERIES 5 AFTER DIVORCED: LOST IN LUST AND LOVE - ON GOING GRAY SERIES 6 QUEEN OF JACK: SEDUCING MY ENEMY'S FIANCÉ - ON GOING
View MoreKabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling
Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum
Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon
Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti
Kabanata 49.3“Papa, buhay si Noemi! I just saw her earlier. Kinuha niya sina Cindy at Merella!”“Nadia, calm down.” Uminom ng whiskey si Don Desmundo.“How can I calm down, papa? Kawawala lang ni mama. Paano kung. Paano kung balikan ka ni Miss N? Paano kung patayin ka niya? Hindi ko kakayanin, papa!”
Kabanata 48.3“Namumuro na talaga sa akin ang Mereyang ‘yan!” “Gigil na gigil ka na naman. Sinabi ko naman sa'yo, huwag ka na munang pumunta sa Escueza. Tigas ng ulo mo eh.” Nagbibilang ng pera si Cindy habang nakangiti.“Ano? Hahayaan ko na lang na tuluyang ahasin ni Eya si Jackson? Hindi p'wede! Sa
Kabanata 6"Papa! What brought you here? Did you miss me that much?" bungad na bati ni Jackson habang pumapasok sa kaniyang opisina."Bakit naman kita mamimiss? Tahimik ang buhay ko kapag nasa malayo ka," pabiro ngunit makatotohanang sambit ni Don Vandolf. Inalalayan siyang tumayo ni Set buhat sa ka
Kabanata 5"Shít!" Habang unti-unting bumabalik ang malay ni Jackson ay naramdaman niya ang pumipintig niyang ulo. Nataranta siya nang makita niyang wala si Mereya sa tabi niya. Hindi siya pwedeng magkamali, magkasama sila kagabi. Uminom sila ng alak habang kinukuwento ng bawat isa ang tungkol sa b












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore