Mag-log inHindi pa gano’n kaingay ang office pero unti-unti na ring napupuno. May nag-o-open ng laptop, may kumukuha ng kape, may nag-uusap tungkol sa deliverables. Isang normal na umaga para sa tulad niyang alipin ng salapi. Pag-upo pa lang ni Luna, binuksan na niya agad ang laptop at nag-scroll sa emails. May ilang beses siyang napapatingin sa glass office sa dulo—kay Adrian—pero mabilis din niyang binabawi ang tingin.“Ang aga mo.”Napalingon siya. Nandoon si Jenna, may hawak na tasa ng kape habang nakasandal sa gilid ng desk niya.“Hmm,” sagot ni Luna. “Ikaw rin, ah.”Umupo si Jenna sa bakanteng upuan at pinagmasdan siya sandali. “Parang kulang ka sa tulog.”Napangiti si Luna ng konti. “Hindi naman. Okay lang.”“Sure?” tanong ni Jenna, may halong biro.“Mm,” sagot niya, sabay tingin ulit sa screen. “Busy lang.”Hindi na siya pinilit ni Jenna. Uminom lang ito ng kape, tapos parang may naalala. “By the way, may naghahanap sa’yo kanina.”Saglit na napahinto si Luna sa pag-scroll. “Sino?”Hin
Tahimik lang si Luna habang inuubos yung kape niya. Medyo dumadami na rin ang mga tao sa café—may pumapasok, may nagmamadali, may tumatawag ng order sa counter.She sighed. Hindi niya maiwasang mapayuko sa tuwing may dadaan na pamilyar na mga mukha sa gawi nila. She can’t contain those judgemental looks. Pinaglaruan niya yung straw ng cup niya kahit wala ng laman iyon, paikot-ikot lang.“Okay ka lang?”Nag-angat siya ng tingin. Nasa tapat niya si Adrian habang hawak ang kape nito. Nakatingin lamang ito sa kanya ng diretso. “Hmm? Oo,” sagot niya agad, saka bahagyang ngumiti. “Bakit?”Uminom si Adrian bago sumagot. “Tahimik ka.”Napatingin si Luna sa cup niya, saka bahagyang napailing. “Inaantok lang siguro,” halos pabulong niyang sambit. Tumango lamang si Adrian at hindi na nagtanong ulit. Muli na naman silang natahimik. At hindi napigilan ni Luna ang magnakaw ng tingin sa kaharap. This guy, ever since that bar incident, he really changed. Mas naging malamig ito kumpara noon. And
Tahimik ang naging biyahe nila papunta sa office. Nasa passenger seat si Luna, hawak ang bag niya sa kandungan habang nakatingin sa labas. Dumadaan ang mga jeep, may mga taong nagmamadali. Isang normal na umaga—pero hindi niya maiwasang mailang na magkasama silang umalis ni Adrian kanina. “Hindi ka ba kumakain sa bahay?” tanong niya para lang may mapag-usapan. Saglit na sumulyap si Adrian bago ibinalik ang tingin sa daan. “Minsan. Madalas sa office na.”She just nodded. “Ah… kaya pala parang wala kang stock.”“Meron.”Napalingon siya. “Apples lang.”Saglit na natigilan si Adrian. Kapagdaka’y sinagot siya. “May tinapay rin.”Natawa si Luna ng mahina. “Grabe, complete meal na pala ‘yon.”Muling tumahimik ang paligid. ‘Di nagtagal ay narinig niya ang mahinang paghinga ni Adrian, parang nagpipigil ng pagtawa.“Ang arte mo.”Napatingin siya rito. “Excuse me?”“Choosy,” dagdag nito, diretso pa rin ang tingin sa daan.Napangiti si Luna ng konti. “Ikaw nga ‘tong hindi kumakain.”“Busy.” He
Nagising si Luna na mabigat ang pakiramdam ng katawan. Magdamag siyang mulat, ni hindi nakatulog ng maayos. Ilang segundo siyang nakahiga lang, nakatitig sa kisame, hindi gumagalaw. Tahimik. Sobrang tahimik. Ibang klase ng katahimikan—yung hindi niya nakasanayan, yung parang may kulang. Wala yung ingay ng kapitbahay, wala yung mahinang ugong ng electric fan. Parang masyadong malinis ang paligid.Dahan-dahan siyang napapikit ulit, saka napabuntong-hininga.Right.Napamulat siya at dahan-dahang umupo sa kama, hinawi ang buhok niya sa mukha habang tinitingnan ang paligid. Malinis pa rin. Maayos. Parang hindi pa rin kanya kahit natulog na siya doon. May kung anong kurot sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag—hindi naman pagsisisi, pero hindi rin iyon maalwan sa kanyang dibdib.“Ang bilis,” bulong niya sa sarili.Parang kagabi lang nasa apartment pa siya.Ngayon—nandito na siya.Tumayo siya at dumiretso sa banyo, medyo mabagal ang galaw. Hindi siya nagmamadali. Sa totoo lang, parang ay
Pagpasok nila sa loob ay agad binuksan ni Adrian ang mga ilaw. Napansin agad ni Luna kung gaano kaayos ang lahat. Mula sa pagkaka-arrange ng sala set, hanggang sa mini chandelier na nasa gitna ng kisame. Walang kalat, walang ingay, malayo sa iniwan niyang mundo. “Ang tahimik,” sabi niya habang inililibot ang tingin sa buong paligid. Katulad lang din ito ng opisina ni Adrian. Minimalist. “Masasanay ka rin,” sagot ni Adrian. “Nasaan yung kwarto ko?” tanong niya. “Second door on the left,” sagot nito. “Okay.” Kinuha niya ang maleta at naglakad papunta sa hallway, pero napahinto siya at nilingon ang lalaki. “Ikaw?” “Last room.” Tumango siya. She heaved a sigh. Ang hirap naman kausap no’n, aniya sa isipan. Isang tanong, isang sagot.Pagpasok niya sa kwarto, huminto siya. Mas malaki iyon kaysa sa inaasahan niya. Malinis, maayos, pero parang hindi pa ginagamit. Itinabi niya sa sulok ang maleta at umupo sa kama. “Okay,” bulong niya, animo’y handa na sa kung anuman ang pwedeng man
Halos hindi pa tapos mag-impake si Luna nang makarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Napahinto siya, hawak pa yung isang nakatiklop na blouse, at napatingin sa orasan. Alam na niya kung sino ang kumakatok—wala namang ibang pupunta sa kanya ng ganitong oras. Saglit siyang napabuntong-hininga bago lumapit sa pinto at binuksan iyon. Nandoon si Adrian, nakatayo sa labas. Simple lang ang suot nitong board shorts at isang blue polo shirt, literal na nakapambahay lang. “Ready?” diretsong tanong nito. Napakurap si Luna. “Wow. Hello din,” sagot niya, bahagyang napangiti kahit may konting pagod sa mukha niya. “Maaga ka.” “I said we’re doing it today,” sagot ni Adrian. Napailing siya. “Oo na. Sandali lang,” sabi niya, sabay bukas ng mas malaki ng pinto. “Hindi pa ako tapos.” Hindi na sumagot si Adrian. Pumasok lang ito sa loob, saka saglit na tumingin sa paligid. Hindi kalakihan ang apartment niya—halos isang tingin mo lang, kita mo na lahat. May konting kalat sa mesa, may n
Unti-unti nang numinipis ang crowd sa ballroom—may mga waiter na tahimik nang nagliligpit ng baso sa gilid, may ilang guests na nakatayo pa rin sa maliliit na grupo, mababa ang boses habang nagpapatuloy ang usapan. Mas humina na ang music, halos background na lang.Nakatayo si Luna malapit sa isang
Hindi agad nakabalik si Luna sa desk niya pagkatapos ng usapan nila ni Adrian.Paglabas niya ng opisina nito, diretso siyang naglakad papuntang pantry, hindi na tumitingin kung may makakasalubong. Pagpasok niya, saka lang siya huminto. Tahimik doon—walang tao, maliban sa mahina at paulit-ulit na tu
Pumasok si Luna sa loob, at kasunod niya si Adrian. Ipinosisyon nito ang kamay sa kanyang baywang para alalayan siya. That move made her shiver. Iba ang epekto ng pagkakadaiti ng kamay nito sa kanyang katawan. She roam her gaze. Everyone is looking. Part of her was partially disappointed. ‘Only
Bandang tanghali, tinawag si Luna ng HR at inabutan ng makapal na envelope. “Paki-deliver na lang ito sa executive conference room,” sabi ng HR staff. “Legal team meeting ‘yan—urgent.” Napakunot ang noo ni Luna. “Legal team?” “Oo,” sagot nito habang abala sa files. “May negotiation today. Si Att







