One Night, Forever Mine
Si Luna Reyes ay isang simpleng babae na handa nang magpakasal—hanggang sa mahuli niyang may ibang babae ang fiancé niya sa mismong kama nila. Wasak, sugatan, at pagod na sa pagiging “tama,” napadpad siya sa isang bar para takasan ang sakit kahit isang gabi lang.
Doon niya nakilala si Adrian Vale—isang makapangyarihang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto niya.
Isang gabi. Walang pangalan. Walang bukas.
Ngunit ang gabing iyon ang magbubuklod sa kanila sa paraang hindi nila inaasahan.
Sa muling pagtatagpo nila, hindi na maiiwasan ang tensyon, pagnanasa, at emosyon na pilit nilang tinatakasan. Pero sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at kontrol—hanggang saan kayang ipaglaban ni Luna ang sarili niya?
At handa ba siyang mahalin ang lalaking maaaring sumira… o bumuo muli sa kanya?
Read
Chapter: Chapter 52Hindi na ganoon ka-normal ang mga sumunod na araw. Hindi man halata, pero pareho pa rin silang pumapasok, nagtatrabaho, nakikipag-usap ng maayos. Ngunit hindi nila maikaila na mas nadagdagan lamang ang mga haka-haka patungkol sa kanila.Mas maraming tingin na tumatagal ng kaunti, mas maraming usapan na biglang napuputol kapag dumadaan siya sa hallway. Minsan, may naririnig siyang mahihinang bulong na hindi niya na kailangang intindihin para malaman kung tungkol saan. Isang beses, habang dumadaan siya sa hallway, may dalawang empleyado na biglang tumahimik. “Sila na ba talaga?” mahinang bulong ng isa, sapat lang para marinig niya. Hindi siya lumingon. Dumiretso lang siya, parang wala siyang narinig. Mas madali kung ganun. Bandang hapon, nasa pantry siya kasama si Jenna, hawak ang kape, pilit sinasabay ang sarili sa normal na usapan. “—tapos sabi niya hindi raw niya nakita yung e-mail,” kwento ni Jenna, mas mababa ang boses kaysa dati. “As in, hindi raw talaga.” Napatawa si Luna n
Last Updated: 2026-05-03
Chapter: Chapter 51Maagang nagising si Luna kahit kulang sa tulog. Ilang segundo siyang nakahiga, nakatingin sa kisame, tapos napapikit ulit na parang umaasang makakatulog pa siya—pero wala rin. Bumabalik lang sa kanya ang nangyari kagabi. The way Adrian held her... it was really something. Hindi naman malabong mangyari iyon. Lalo na’t sa iisang bahay sila nakatira. Pero ramdam niyang walang anumang nararamdaman para sa kanya si Adrian. It was all purely business for him. Given how strategic he is, Luna doubted that. Napabuntong-hininga siya, saka napilitang bumangon at umupo. May pasok pa siya sa araw na iyon. Paglabas niya ng kwarto, may naamoy agad siya—pritong itlog at tinapay. Napahinto siya sandali bago sumilip sa kusina, at doon niya naabutan si Adrian sa harap ng stove, naka-roll up ang mga manggas nito habang hawak ang spatula. Napalingon ito nang maramdaman siya. “Gising ka na.” Tumango si Luna. “Yeah. N-Nagluluto ka?” “Once in a while,” kaswal na sagot nito. Napangiti si Luna. “Hindi
Last Updated: 2026-05-02
Chapter: Chapter 50Luna took a deep breath as she do the dishes at the sink. Pilit man niyang pinakakalma ang sarili ay hindi niya magawa. At paano siya kakalma? Kung nasa likuran lamang niya si Adrian? Para itong nanunuod ng palabas sa T.V. kung makatitig sa kanya. Hindi pa rin ito umaalis sa kinauupuan nito. Paminsan-minsan ay magse-cellphone ito. At mas mahaba pa ang panahon nitong panuorin siyang maghugas ng pinggan. “Hindi ka pa matutulog?” tanong ni Luna ng hindi lumilingon. Kailangan may mapag-usapan man lang sila! Kahit malakas ang lagaslas ng tubig mula sa gripo ay parang mababaliw naman siya sa sobrang tahimik. Mukhang hindi talaga siya masasanay sa tahimik na mundo ni Adrian.“Mamaya na,” kaswal na sagot nito saka muling nagpipindot sa cellphone. Hindi na malaman ni Luna kung pang-ilang buntong-hininga na niya iyon. Konti lang ang hugasan niya, pero pakiwari niya ay sobrang tagal na niya sa harap ng lababo. “Pwede naman bukas mo na lang ‘yan gawin.” Umiling si Luna habang panay ang ku
Last Updated: 2026-04-28
Chapter: Chapter 49Tahimik lang ang kusina pagkatapos nilang kumain. Naiwan pa sa mesa yung ilang pinagkainan nila, pero wala namang nagmamadaling magligpit. Si Luna, nakasandal sa upuan, hinihimas ang leeg niya na parang pagod pa rin mula sa trabaho, habang si Adrian naman ay nakatingin lang sa mesa, paikot-ikot ang daliri sa baso nito. “Ang tahimik,” pasaring ni Luna. Napatingin sa kanya si Adrian. “Ikaw nga ang tahimik.” She arched her brow. “Ha? Ako pa ang tahimik?” Bahagyang napangiti si Adrian. “Usually mas maingay ka.” “Depende,” sagot niya. “Kung may kausap.” “Wala ka bang kausap ngayon?” “Meron naman, ah.” Hindi agad sumagot si Adrian. “Busy ka lang siguro,” dagdag ni Luna, sabay iwas ng tingin. “Hindi...”Napatingin ulit si Luna sa lalaki. At pinagsisihan niya iyon dahil titig na titig ito sa kanya.Biglang bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib. “Hindi ako busy,” dagdag ni Adrian na mas nililinaw ang ibig nitong sabihin. Napabuntong-hininga si Luna at tumayo. Kaysa naman manatili
Last Updated: 2026-04-26
Chapter: Chapter 48Gabi na ng makauwi si Luna. Pagpasok pa lang niya ng bahay ay sinalubong siya ng katahimikan agad—walang TV, walang music, tipong naririnig pa niya ang sarili niyang mga yabag. Inilapag niya ang kanyang handabag sa single couch at hinubad ang sapatos. She felt more relaxed by letting her feet touching the carpeted floor. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig. Pagbukas niya ng ref, saka niya napansin na may ilaw sa dining area. Hindi niya iyon napansin kanina. Nandoon si Adrian, nakasandal sa upuan habang may hawak na baso ng malamig na tubig, nakataas ang manggas ng polo nito at medyo gusot na, parang kakauwi lang din. “Akala ko tulog ka na,” sabi ni Luna habang umiinom ng tubig. Napatingin si Adrian sa kanya. “Kadarating ko lang.” “Ah,” sagot niya at marahang tumango. “Same.” Isinara niya ang ref at lumapit sa dining table. Tumayo lang siya roon—nakahawak lang sa sandalan ng upuan, parang nag-iisip kung aakyat na ba siya o hindi. “Kumain ka na?” tanong niya. Umiling s
Last Updated: 2026-04-25
Chapter: Chapter 47Hindi agad nakapag-focus si Luna sa trabaho. Nakabukas ang laptop niya, may email na napapangalahati pa lang niyang nabasa, pero ilang minuto na siyang nakatitig lang sa screen. May nag-uusap sa likod niya, may tumatawa sa kabilang desk, may sunod-sunod na tunog ng mga keyboard—isang normal na ingay ng umaga, pero parang hindi siya makasabay. Napabuga siya ng hangin at hinilot sandali ang sentido niya bago muling tumingin sa screen. “Luna.” Napalingon siya. Nakatayo si Jenna sa gilid ng desk niya, may hawak na naman itong kape. “Kanina ka pa diyan,” sabi nito. “Okay ka lang?” “Hmm? Oo,” sagot niya, saka bahagyang ngumiti. “Nag-iisip lang.” “Work?” tanong ni Jenna. Saglit siyang tumingin sa screen. “Oo… ganun na nga...” Tumingin si Jenna sa glass office ni Adrian, saka bumalik sa kanya. “Sure?” Napailing si Luna. “Ano ba, Jenna?” Napangiti si Jenna. “Sige na nga,” sabi nito bago tuluyang bumalik sa desk nito.Ilang minuto pa ang lumipas bago tumayo si Luna. Kinuha niya yung
Last Updated: 2026-04-24

The CEO’s Paid Lover
Althea Virelle Montemayor—a billionaire CEO known for her cold elegance and ruthless decisions. She built her empire with her own hands, kaya wala siyang kinatatakutan… except one thing:
Her own loneliness.
After divorcing her cheating husband na si Darius Kade Villanueva, akala niya tapos na ang lahat. But Darius refuses to let her go. Kahit may kabit siya, he keeps coming back—possessive, obsessive, as if si Althea pa rin ang pag-aari niya.
Pagod na sa katahimikan ng penthouse at sa sarili niyang tinatagong pangangailangan, Althea makes a decision she never imagined she would—
She pays a man.
Enters Caelum Riven Arce, a college student na tahimik, matalino, at halatang may tinatagong lalim. Desperado siya sa pera, kaya tinanggap niya ang alok ni Althea: a no-strings-attached arrangement.
No feelings. No attachments. Just needs.
Pero habang tumatagal, nagiging komplikado ang lahat.
Because Caelum isn’t just a student.
Siya pala ang nawawalang apo ni Valerian Arceo—ang pinakamalaking business rival ni Althea.
At nang lumabas ang katotohanan…
Love becomes a battlefield.
Between power and desire.
Between revenge and forgiveness.
Between a woman who owns everything—and a man who was destined to take it all away.
Read
Chapter: Chapter 10Hindi agad nawala sa isip ni Caelum iyong lalaking nagpunta sa café. Kahit tapos na ang shift niya at naglilinis na lang siya ng counter, bumabalik pa rin sa kanya ang kakaibang pakikipag,-usap nito. “Hoy! Out ka na!” sabi ng katrabaho niyang sumisilip sa orasan. Napatingin si Caelum at napangiti ng bahagya. “Ah—oo nga.” “Pahinga ka na. Mukha kang lutang.” “Ganun ba halata?” biro niya. Ngunit hindi niya maikaila na totoo ang sinabi nito. Pakiwari niya ay buong araw siyang wala sa sarili niya.“Medyo. Ingat ka pauwi.” “Ikaw din.” Nagpalit siya ng damit at lumabas ng café, mas tahimik na ang paligid pero hindi rin siya mapakali. Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na nag-ooverthink lang siya, pero hindi rin siya lubos na naniniwala.Pagdating niya sa bahay, nadatnan niya ang tita niya sa kusina habang nagsusulat sa maliit nitong notebook. “Nandiyan ka na pala,” sambit nito na saglit lamang siyang tiningnan. “Opo,” sagot niya habang hinuhubad ang sapatos. “Kakau
Last Updated: 2026-05-01
Chapter: Chapter 9Hindi agad naka-adjust si Caelum paglabas niya ng building. Huminto siya sandali sa gilid ng kalsada saka inayos ang strap ng bag niya at naglakad papunta sa sakayan. May dumaan na jeep na punuan kaya pinabayaan niya muna, hanggang sa may sumunod at doon na siya sumakay. “Bayad po,” sabi niya saka inabot ang barya. “Isa?” tanong ng driver. “Opo.” Tahimik siya buong biyahe. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya yung umaga—yung kape, yung simpleng usapan, at yung “We agreed.” Napabuga siya ng hangin at bahagyang napailing. ‘Tama na ‘yon.’Pagdating niya sa café ay agad siyang dumiretso siya sa loob. “Late ka ng konti,” bati ng manager. “Sorry po, traffic,” sagot niya habang papunta sa locker. “Ikaw muna sa orders, sabay-sabay na naman,” dagdag nito. “Opo.” Isinuot niya ang apron at pumwesto sa counter. May karamihan ang customer para sa araw na iyon. Ayos na rin, aniya sa isipan. Baka dito ay saglit niyang makalimutan ang isang gabing nangyari sa kaniya. Sa kanila...“Uy,
Last Updated: 2026-05-01
Chapter: Chapter 8Caelum woke up with a heavy feeling. Hindi agad siya bumangon, bagkus mas lalo lamang niyang binalot ang sarili ng malambot na comforter. Nakatitig lamang siya sa kisame habang dahan-dahang bumabalik sa kanya ang pakiramdam ng nangyari sa kanila ni Althea—yung init ng katawan nito na hindi pa tuluyang nawawala sa balat niya, yung pagod na hindi lang galing sa katawan, kundi sa desisyong ginawa niya.Huminga siya ng malalim. At doon nagsimulang pumasok ang mga alaala. Ang pagitan nila ni Althea na unti-unting nawala. Ang pakiramdam na hindi siya pinilit—pero hindi rin siya umatras. Kung paano siya hinayaan nito na sumabay at magdesisyon sa sarili niyang bilis.Mariin siyang napapikit. Hindi siya nagmadali. Iyon ang malinaw.At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas mabigat sa dibdib niya ang lahat. Wala siyang masisisi.Wala siyang pwedeng sabihing hindi niya ginusto ang lahat.Bahagya siyang gumalaw sa kama, saka napahinto. May bakas pa ng init sa mga kumot. May amoy pa ang naiwan
Last Updated: 2026-05-01
Chapter: Chapter 7Caelum stopped kissing her. Agad siyang umalis sa ibabaw nito at walang pasubaling binuhat niya si Althea. Nangunyapit ang babae sa kang leeg.“Saan ang kwarto mo?” paos niyang bulong habang inaayos niya ang pagbuhat. “Just go straight.”Sinunod niya ang sinabi nito. Habang naglalakad papunta sa kwarto nito ay hindi niya maiwasang magbaba ng tingin para makita ang mukha nito. Althea is just staring at him. Muntikan pa siyang matapilok. “Are you afraid?” tanong bigla nito. Inipon ni Caelum ang natitirang hangin sa paligid niya saka huminga ng malalim. Ngayon pa ba siya matatakot? Kung kailan nasimulan na niya?“Hindi ako takot.”Pagkarating sa tapat ng kwarto ay sinipa niya lang ang pinto. Hindi naka-lock kaya agad silang nakapasok.Agad na nahagip ng mga mata niya ang malaki nitong kama na pulos pula ang kulay. Kahit ang motif ng kwarto ay pula din. Mula sa dingding, sa carpet, at maging sa mga kurtina. Mas lalong nagliyab ang nasa loob ni Caelum. Pagkarating sa kama ay maingat n
Last Updated: 2026-04-26
Chapter: Chapter 6Tahimik si Caelum sa buong biyahe. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na nagiging pahaba habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang mas mabilis—yung takbo ng kotse o yung tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa bilis ng tibok niyon.Ramdam niya ang presensya ni Althea sa tabi niya kahit hindi siya tumitingin. Nakatutok ang paningin nito sa daan habang nagmamaneho. Masyadong malapit. Masyadong tahimik.‘Ganito ba talaga ‘to?’Hindi siya sanay sa ganitong klase ng katahimikan—yung may kasamang tensyon na parang may hinihintay na pumutok.Huminto ang pulang sasakyan nito sa tapat ng malaking pent house. Hindi pa sila nakakalabas ng sasakyan ay halos malulua si Caelum. Sa T.V. lang niya nakikita ang ganitong klase ng mga lugar. Pagpasok nila sa pent house, mas lalo siyang natahimik. Malinis ang buong paligid, na kahit sa sahig siya matulog ay ayos lang. Halos lumubog ang suot nyang sapatos sa malambot na ca
Last Updated: 2026-04-25
Chapter: Chapter 5Hindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.“Caelum, orders!”Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo.“Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray.“Yeah,” sagot niya agad, pero hindi n
Last Updated: 2026-04-15