MasukHindi na ganoon ka-normal ang mga sumunod na araw. Hindi man halata, pero pareho pa rin silang pumapasok, nagtatrabaho, nakikipag-usap ng maayos. Ngunit hindi nila maikaila na mas nadagdagan lamang ang mga haka-haka patungkol sa kanila.Mas maraming tingin na tumatagal ng kaunti, mas maraming usapan na biglang napuputol kapag dumadaan siya sa hallway. Minsan, may naririnig siyang mahihinang bulong na hindi niya na kailangang intindihin para malaman kung tungkol saan. Isang beses, habang dumadaan siya sa hallway, may dalawang empleyado na biglang tumahimik. “Sila na ba talaga?” mahinang bulong ng isa, sapat lang para marinig niya. Hindi siya lumingon. Dumiretso lang siya, parang wala siyang narinig. Mas madali kung ganun. Bandang hapon, nasa pantry siya kasama si Jenna, hawak ang kape, pilit sinasabay ang sarili sa normal na usapan. “—tapos sabi niya hindi raw niya nakita yung e-mail,” kwento ni Jenna, mas mababa ang boses kaysa dati. “As in, hindi raw talaga.” Napatawa si Luna n
Maagang nagising si Luna kahit kulang sa tulog. Ilang segundo siyang nakahiga, nakatingin sa kisame, tapos napapikit ulit na parang umaasang makakatulog pa siya—pero wala rin. Bumabalik lang sa kanya ang nangyari kagabi. The way Adrian held her... it was really something. Hindi naman malabong mangyari iyon. Lalo na’t sa iisang bahay sila nakatira. Pero ramdam niyang walang anumang nararamdaman para sa kanya si Adrian. It was all purely business for him. Given how strategic he is, Luna doubted that. Napabuntong-hininga siya, saka napilitang bumangon at umupo. May pasok pa siya sa araw na iyon. Paglabas niya ng kwarto, may naamoy agad siya—pritong itlog at tinapay. Napahinto siya sandali bago sumilip sa kusina, at doon niya naabutan si Adrian sa harap ng stove, naka-roll up ang mga manggas nito habang hawak ang spatula. Napalingon ito nang maramdaman siya. “Gising ka na.” Tumango si Luna. “Yeah. N-Nagluluto ka?” “Once in a while,” kaswal na sagot nito. Napangiti si Luna. “Hindi
Luna took a deep breath as she do the dishes at the sink. Pilit man niyang pinakakalma ang sarili ay hindi niya magawa. At paano siya kakalma? Kung nasa likuran lamang niya si Adrian? Para itong nanunuod ng palabas sa T.V. kung makatitig sa kanya. Hindi pa rin ito umaalis sa kinauupuan nito. Paminsan-minsan ay magse-cellphone ito. At mas mahaba pa ang panahon nitong panuorin siyang maghugas ng pinggan. “Hindi ka pa matutulog?” tanong ni Luna ng hindi lumilingon. Kailangan may mapag-usapan man lang sila! Kahit malakas ang lagaslas ng tubig mula sa gripo ay parang mababaliw naman siya sa sobrang tahimik. Mukhang hindi talaga siya masasanay sa tahimik na mundo ni Adrian.“Mamaya na,” kaswal na sagot nito saka muling nagpipindot sa cellphone. Hindi na malaman ni Luna kung pang-ilang buntong-hininga na niya iyon. Konti lang ang hugasan niya, pero pakiwari niya ay sobrang tagal na niya sa harap ng lababo. “Pwede naman bukas mo na lang ‘yan gawin.” Umiling si Luna habang panay ang ku
Tahimik lang ang kusina pagkatapos nilang kumain. Naiwan pa sa mesa yung ilang pinagkainan nila, pero wala namang nagmamadaling magligpit. Si Luna, nakasandal sa upuan, hinihimas ang leeg niya na parang pagod pa rin mula sa trabaho, habang si Adrian naman ay nakatingin lang sa mesa, paikot-ikot ang daliri sa baso nito. “Ang tahimik,” pasaring ni Luna. Napatingin sa kanya si Adrian. “Ikaw nga ang tahimik.” She arched her brow. “Ha? Ako pa ang tahimik?” Bahagyang napangiti si Adrian. “Usually mas maingay ka.” “Depende,” sagot niya. “Kung may kausap.” “Wala ka bang kausap ngayon?” “Meron naman, ah.” Hindi agad sumagot si Adrian. “Busy ka lang siguro,” dagdag ni Luna, sabay iwas ng tingin. “Hindi...”Napatingin ulit si Luna sa lalaki. At pinagsisihan niya iyon dahil titig na titig ito sa kanya.Biglang bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib. “Hindi ako busy,” dagdag ni Adrian na mas nililinaw ang ibig nitong sabihin. Napabuntong-hininga si Luna at tumayo. Kaysa naman manatili
Gabi na ng makauwi si Luna. Pagpasok pa lang niya ng bahay ay sinalubong siya ng katahimikan agad—walang TV, walang music, tipong naririnig pa niya ang sarili niyang mga yabag. Inilapag niya ang kanyang handabag sa single couch at hinubad ang sapatos. She felt more relaxed by letting her feet touching the carpeted floor. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig. Pagbukas niya ng ref, saka niya napansin na may ilaw sa dining area. Hindi niya iyon napansin kanina. Nandoon si Adrian, nakasandal sa upuan habang may hawak na baso ng malamig na tubig, nakataas ang manggas ng polo nito at medyo gusot na, parang kakauwi lang din. “Akala ko tulog ka na,” sabi ni Luna habang umiinom ng tubig. Napatingin si Adrian sa kanya. “Kadarating ko lang.” “Ah,” sagot niya at marahang tumango. “Same.” Isinara niya ang ref at lumapit sa dining table. Tumayo lang siya roon—nakahawak lang sa sandalan ng upuan, parang nag-iisip kung aakyat na ba siya o hindi. “Kumain ka na?” tanong niya. Umiling s
Hindi agad nakapag-focus si Luna sa trabaho. Nakabukas ang laptop niya, may email na napapangalahati pa lang niyang nabasa, pero ilang minuto na siyang nakatitig lang sa screen. May nag-uusap sa likod niya, may tumatawa sa kabilang desk, may sunod-sunod na tunog ng mga keyboard—isang normal na ingay ng umaga, pero parang hindi siya makasabay. Napabuga siya ng hangin at hinilot sandali ang sentido niya bago muling tumingin sa screen. “Luna.” Napalingon siya. Nakatayo si Jenna sa gilid ng desk niya, may hawak na naman itong kape. “Kanina ka pa diyan,” sabi nito. “Okay ka lang?” “Hmm? Oo,” sagot niya, saka bahagyang ngumiti. “Nag-iisip lang.” “Work?” tanong ni Jenna. Saglit siyang tumingin sa screen. “Oo… ganun na nga...” Tumingin si Jenna sa glass office ni Adrian, saka bumalik sa kanya. “Sure?” Napailing si Luna. “Ano ba, Jenna?” Napangiti si Jenna. “Sige na nga,” sabi nito bago tuluyang bumalik sa desk nito.Ilang minuto pa ang lumipas bago tumayo si Luna. Kinuha niya yung







