Share

Mission #7

Namayani ang mahabang katahimikan sa buong paligid. Patagong tinignan ko pa ang babysitter sa isang sulok na hindi maipinta ang mukha sa mga oras na ito. Marahil hindi niya inaasahan na maiiwan ako rito kasama siya.

"Hey."

Kitang kita ko kung paano pa ito napapitlag mula sa kinatatayuan niya at takot na takot na hinarap ang tingin ko.

"B-Bakit po, s-sir...?” nanginginig pa niyang tanong

"Do you know me?" walang pag-aalinlangan kong tanong sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya bigla na lang namutla ang kulay ng kanyang mukha. Doon pa lang ay masasabi ko na kilala niya talaga ako.

"S-Sir, m-mga kilalang tao kayo sa m-media... " pagpapalusot niya pa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "You know what I mean... Yung kilala mo ba ako ng personal?”

Mabilis na iniling niya ang ulo niya para pilit itanggi ang hinala ko na iyon. " S-Sir, n-ngayon ko lang po kayo nakaharap ng personal... S-Saka tignan niyo po ang itsura ko para magawa ko makalapit sa inyo... "

Mabagal na tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Aaminin ko na ang itsura niya at ibang iba sa mga babaeng lumalapit sa akin. Ngunit kahit alam ko ang bagay na iyon ay hindi pa rin mawala ang suspetya ko sa kanyang pagkatao.

"Are you sure?" paninigurado ko at naghalukipkip pa ng braso.

Mabilis na itinango naman ulit ng babae ang kanyang ulo. Dahil sa wala itong balak na umamin ay hahayaan ko na lang muna. Ako na lang siguro ang mismong tutuklas kung anuman ang nililihim niya. Baka makatulong din ito sa lihim na mission ko rito.

"Hmmm... if you say so..." kunwari na pagsuko ko na lang.

Nahalata ko naman na bahagya na napabuga ng hininga ang babae. Mariing tinitigan ko naman siya na akala mo isang specimen na kailangan ko obserbahan.

"Your name is Leah, right?" tanong ko na lang ulit.

"Y-Yes S-Sir... Azaleah Isabedra po ang full name ko pero Leah na lang po ang itawag niyo sa akin," sambit niya.

Itinango ko ang aking ulo at pilit na tinandaan ang kanyang pangalan. Magagamit ko kasi ito para maimbestigahan siya at malaman ang totoong pakay niya sa pamilya ni Mael.

"Bakit naisipan mo mag-apply kay Mael? May experience ka na ba sa pag-aalaga ng bata?" muling pagtatanong ko sa kanya.

Muling napagitla ito at napaiwas ng tingin sa aking gawi. "A-Ang totoo po kasi niyan... Nangangailangan ako ng pera para sa pagpapagamot ng aking mga anak... " malungkot na pagpapaalam niya, "Nagkataon naman po na naghahanap sina Sir Ismael at Ma'am Cathy ng babysitter sa mga anak nila. At tamang tama po na medyo malaki po ang kikitain ko rito. Magiging sapat po sa mga gamot ng aking anak. "

Napakunot ako ng noo at muling tinignan ang kabuuan ng babae. Hindi ko kasi akalain na may anak na ito. At kataka taka na may pumatol sa kanya kahit ganito ang kanyang ayos at pananamit.

"May anak ka na pala... " hindi ko makapaniwalang sambit.

Napangiwi naman ito. "Opo Sir... K-Kambal po ang anak ko... "

"Really? Ilang taon na sila?" tanong ko na punung puno ng kuryosidad.

"A-Apat na t-taon po," kinakabahan na sagot pa niya.

Sa hindi malaman na dahilan ay malakas na kumabog ang puso. Yung pakiramdam na may gusto akong gawin pero hindi ko naman alam kung ano.

"I-I see... " sambit ko at napalunok na akala mo may nakabara sa aking lalamunan.

Muling namayani ang mahabang katahimikan sa aming pagitan. Gayun pa man ay malaki ang kuryosidad ko sa mga anak ni Leah.

"May picture ka ba ng mga anak mo?" tanong ko sa kanya.

Namutla na naman siya na akala mo nahuli sa isang malaking kasalanan. Doon ay muling lumaki ang suspetya ko sa kanya.

Hindi kaya sinabi niya lang may anak siya para makapag-apply na babaysitter nina Mael? At gawa gawang kwento lamang niya na nasa ospital ito para makuha ang simpatya ng mag-asawa.

"Wala?"

Nanginig ang mga kamay niya pero agad niya rin itinago sa likod. "S-Sorry Sir... N-Naiwanan ko po ang phone ko sa bahay... Sa susunod ko na lang po ipapakita sa inyo... "

Mariin na tinitigan ko siya. Sa boses niya ay alam ko na nagsisinungaling siya ngayon. Marahil ay tama nga ang hinala ko na isang palabas lamang na may anak siya. Lalo pa na tila wala namang hangal na papatol sa kanya.

Ngunit sa tingin ko ay hindi ito ang panahon para hulihin siya sa pag-sisinungaling niya. Marahil ay sasakyan ko muna siya at maghahanap ng mga ebidensiya laban sa kanya.

"Fine, sa susunod na lang, " nakangising sambit ko, "Since lagi naman din tayo magkikita mula ngayon.

" H-Ho...?” nagtatakang sambit niya, "Ano pong ibig niyong sabihin?”

"Well..." mabagal kong sambit, "Dito muna ako titira mula ngayon. "

"W-What?!” medyo napalakas niyang sambitsambit, " D-Dito po kayo titira?"

Matamis na nginitian ko naman siya. " Nice meeting you, Leah," sambit ko saka inilahad ang isang kamay.

Napalunok naman ang babae at tinitigan ng ilang segundo ang kamay ko. Sa huli ay napilitan siya na tanggapin ang kamay ko. Ngunit nang magdampi ang kamay niya sa aking palad ay may kung anong kuryente na gumapang sa aking buong katawan. Kunot noong napatingin tuloy ako sa mukha ng babae na agad naman niya iniyuko.

***

"Guh!” masayang hiyaw ni Zarrari habang inaangat sa ere ang mga kamay at tila nagpapabuhat kay Leah.

Agad naman binuhat niya ito habang titig na titig si Zachary sa kanila at tila gusto rin magpabuhat. Dahil doon ay lumapit ako kay Zachary at agad siyang binuhat mula sa crib.

"Gah!” seryosong bulalas naman ni Zachary na akala mo nagpapasalamat.

Tuwang tuwa na kinurot ko naman ang pisngi nito. " Mukhang nagmana ka ng kasupladuhan sa ama mo," sambit ko, "Please lang huwag... Kundi maraming babae na naman ang iiyak."

Nalilitong tinitigan naman ako ni Zachary na tila hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko. Nginitian ko na lang siya bago hinarap si Leah na hindi magkandaugaga sa kakulitan ni Zarrari.

"Gusto mo ba na ako na ang magbuhat kay Zarrari?” prisinta ko sa kanya.

Natigilan naman si Leah at napaisip. " Hindi na po sir.... kaya ko naman po... "

Hindi ako nagpumilit pero gayun pa man ay nilapitan ko sila. Nang makita naman ni Zarrari ang kapatid niya na buhat ko at ikinumpas niya ang mga kamay niya sa direksyon ko.

"Ano Zarrari?” pagtawag ko sa kanya, " Magpapabuhat ka rin sa akin?”

"Gyah!" masayang bulalas naman ni Zarrari.

Doon ay ibinuka ko ang isa ko pang braso para kuhanin si Zarrari kay Leah. Ngunit sa pagyuko ko ay naamoy ko ang pabango ni Leah. Napakunot ako ng noo dahil pamilyar na pamilyar sa akin ito. Dahil doon ay lalong lumalaki ang suspetya ko sa pagkatao niya.

"Sir?” pagtawag sa akin ni Leah para mapalingon ako sa kanya

Ngunit pareho kami natigilan dahil masyadong malapit ang aming mga mukha at muntikan na maglapat ang labi naming dalawa. Sa panic ni Leah ay dali dali napaurong siya ng ilang hakbang palayo sa akin. Sa nagkalat na laruan ng mga bata sa sahig ay naapakan ito ni Leah at nawalan siya ng balanse.

Bago pa matumba si Leah habang buhat pa nito si Zarrari ay maagap ko na iniyakap sa bewang niya ang kamay ko. Katulad kanina ay may kung ano na boltahe na gumapang sa buong katawan ko nang mahawakan ko siya. Ngunit sa hindi malaman na dahilan ay nabuhay ang ilang taon na natutulog sa aking ibaba. Tila naramdaman naman ni Leah ito at agarang nanlaki ang mga mata niya habang dahan dahan na tinitignan kung ano ang tumutusok sa may tagiliran niya.

"Waaah! B-Bastos!” malakas niyang hiyaw at tila diring diri na humiwalay sa akin.

Nginisian ko naman siya. "Sorry about that. I'm just a man with physical needs."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status