Share

Mission #5

"Jaxson, my friend! Long time no see!" nakangising bungad sa akin ni Ezra pagkapasok ko sa High Five Bar na kanyang pagmamay-ari.

Agarang lumapit naman ako sa kanya at nakipag-bro-fist. "Nasaan ang iba?” takang tanong ko naman habang inililibot ang tingin sa loob ng bar niya, " Himala yata ni anino nila ay wala rito. "

Napailing ng kanyang ulo si Ezra bago bagot na napasandal sa isang upuan. "Tch! Ayun nagkanya kanya na sila ng love life. Nainggit yata ang mga mokong kay Mael dahil may Cathy na at may triplets pa, " asar na komento ni Ezra, "Ang hina tuloy ng kita ng bar ko dahil wala ang mga mayayaman kong suki. Sila pa naman ang humahatak ng mga chicks dito. "

Napahalakhak na lang ako dahil sa concern na iyon ni Ezra tungkol sa kanyang negosyo. Kaya mapang-asar na inakbayan ko na lang siya at parang bata na inalo mula sa tantrums.

"Hayaan mo na. Makakain ka naman sa kasal nila kapag nagkataon," pagpapalubag ko na lang ng loob niya, "Ayaw mo nun... Mabubusog tayo. "

Napasimangot na lang ulit si Ezra. "Hmmph! Kung makasalita ka ay parang hindi ka rin nababaliw sa isang babae. Teka... Wala pa rin bang balita doon sa babaeng hinahanap mo?"

Natigilan ako sa pag-ungkat niyang iyon saka malungkot na napailing ng ulo. Dahil doon ay napalumbaba si Ezra at mariin na tinitigan ako.

"Hmm... Hindi ka pa rin ba susuko? Limang taon mo na rin hinahanap ang babaeng iyon, di ba? Bakit hindi ka gumaya sa iba nating kaibigan na nakahanap ng mga katapat, " tanong niya

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Siguro ay hindi pa lang talaga napapanahon," komento ko na lang.

"Pero malay mo bigla mo rin makatagpo ang babaeng iyon sooner or later, " komento na lang ni Ezra

"Sana nga..." umaasang bulong ko na lang.

Panandalian na natahimik kaming dalawa ni Ezra. Tanging ingay sa loob ng bar niya ang umalingawngaw sa lumipas na ilang minuto.

Hanggang sa magulat ako ng ihampas ni Ezra ang kamay sa ibabaw ng lamesita. Mabuti na lang ay hindi nabasag iyon sa lakas ng kanyang paghampas.

"Teka Jax... May gagawin ka ba this week?" pagbabago na lang ni Ezra ng aming usapan at tila nagsusumamo ang mga mata niya sa sandali na ito.

Base sa itsura ni Ezra ay may balak ito na hindi nakakabuti sa kanya. Sa tagal nilang magkakaibigan ay si Ezra ang siyang laging habulin ng mga insidente.

Napaisip ako at agarang nag-isip ng idadahilan sa kanya. Hanggang sa maalala ko na may misyon ako sa bahay ni Mael.

"Hmmm... Hindi ako pwede... May trabaho ako," sagot ko na lang at agarang umiwas ng tingin

Naramdaman ko ang paghila ni Ezra sa aking balikat para iharap ako sa kanya. "As if maniniwala ako! Limang taon ka na kaya ampon ng bar ko kaya sure ako na wala kang trabaho," hindi naniniwalang sambit ni Ezra, "Promise, wala akong gagawin na kalokohan. Samahan mo lang ako next week."

Sinamaan ko siya ng tingin at pilit na inaalis ang kanya niya sa akin. "Fuck! Bitawan mo ko! Baka kung ano ang isipin ng mga tao!”

"Jax, hahalikan kita sige ka!” pananakot pa ni Ezra

Nandidiring itinulak ko naman palayo ang mukha ni Ezra mula sa akin. " Gawin mo! Kung ayaw mong makita ang bangkay mo sa ilog bukas na bukas! " ganti ko naman.

Natigilan kaming dalawa nang may tumawa sa aming likuran. Doon ay nakita namin ang iba naming mga kaibigan.

"Damn! Nawala lang kami ng ilang araw ay may romansa na namagitan sa inyong dalawa!" atig pa ni Ronan sa amin.

Dahil doon ay diring diri na naglayo kaming dalawa sa isa't isa ni Ezra. Lumapit naman ang mga kaibigan namin at umupo sa kani-kanilang upuan.

"Oh! Anong meron at bigla niyo naisipan na magpunta rito? " may tampong tanong ni Ezra sa aming mga kaibigan.

Hindi naman sumagot ang mga mokong at sa halip ay mga tumungga ng mga alak.

"Woah, woah, woah, " awat ni Ezra sa kanila, "Mga basted kayo? "

Sabay sabay na sinamaan nila ng tingin si Ezra na siyang ikinatawa namin ng malakas. Hindi ko akalain na darating ang araw na makikita ko ang mga babaero kong mga kaibigan sa ganitong anyo.

"Fuck you!" singhal pa nila.

"Mukhang kinakarma kayo sa dami ng babaeng pinaiyak niyo noon," komento pa ni Ezra.

"Ezra, kung may kakarmahin man dito ay unang una ka... Ikaw ang may pinakamaraming pinaiyak na babae," sambit ni Declan.

"Guilty," agarang pag-amin naman ni Ezra, "Pero nagpunta kayo rito para lunurin ang sarili niyo sa alak? Gusto niyo ba tumawag ako ng mga chicks? Siguradong miss na kayo ng mga iyon. "

"Ulol ka talaga!" singhal muli nilang lahat kay Ezra.

"Concern lang naman ako," pagtanggol ni Ezra sa kanyang sarili.

Napailing na lang ako ng ulo dahil sa tinatakbo ng aming usapan.

"Pero seryoso ba yung narinig ko kanina? " pag-alala ni Ronan, "Babalik ka na sa trabaho mo, Jax? "

Doon ay nalipat ang mga tingin nilang lahat sa aking direksyon. "Parang ganoon na nga... "

Tinitigan nila ako para alamin kung nagsasabi ako ng totoo. "May himala! Hindi ito gawa gawa lang! " biglang pagsigaw ni Travis.

"Tss... Hindi naman ibig sabihin na nito ay babalik na ako. Nagkataon lang na si Mael ang may request kaya tinanggap ko," pagpapaliwanag ko.

"Mael?" takang ulit ni Ezra.

"Tingin ko ay may ideya na ako," sabi naman ni Declan, "Minsan na rin siya lumapit sa akin."

"Humingi rin ng tulong sa akin si Mael," dagdag pa ni Ronan.

Hindi na nakakapagtaka iyon dahil isang kilalang abogado si Declan habang isang hinahangaang pulis naman si Ronan.

"Anong meron?" hindi naman makasunod na tanong ng iba naming kaibigan.

"Alam niyo naman ang ugali ni Mael kaya sa kanya niyo na lang alamin," sambit ni Declan.

Napasimangot sila sa suggestion na iyon kilalang kilala nila ang ugali ni Mael. Hindi siya ang tipo na nalalapit sa isang tao na walang malalim na dahilan. O kaya sa hindi siya makikinabang. Kaya kung wala silang alam ay ibig sabihin nito na wala sila maitutulong sa sitwasyon na meron ngayon si Mael.

"Urghhh! Huwag na lang," pagsuko ni Ezra, "Baka pumuti lang ang buhok ko kapag si Mael ang kakausapin ko."

"Hahaha tama," pagsang-ayon naman ni Travis, "Bakit hindi si Cathy ang kausapin natin para itanong?"

"Gusto mong mamatay?" tanong ni Declan kay Travis, "Alam mo na bantay sarado niya ang asawa at mga anak niya."

Kinilabutan silang lahat na isipin ang posibleng gawin ni Mael kapag kinausap nila si Cathy na walang paalam.

"Oo nga 'no," natatakot na sambit ni Travis, "Okay na pala ako na walang alam."

"Pero nakita niyo na ba ang nakuhang nanny nina Mael para sa triplets," biglang pag-alala ni Ezra.

Napatango sila ng ulo habang napakunot naman ako ng noo. "May nanny ang mga triplets ngayon?" tanong ko sa kanila

"Ay wala ka nga pala noon," pag-alala pa ni Ezra, "Oo, kumuha na sila ng nanny dahil hindi na kaya ni Cathy na alagaan ang mga triplets."

Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla ako nakaramdam ng kakaibang kaba.

Hindi kaya...

Hindi kaya...

May kinalaman ang nanny na iyon sa natatanggap na death threat ng pamilya ng Mael. Mukhang kailangan ko na simulan ang misyon ko bago pa may mangyari sa pamilya ni Mael.

Doon ay nilagok ang bote ng alak sa harapan ko bago tumayo sa aking kinauupuan.

"Oh aalis ka na?” gulat nilang tanong

" Oo. Kailangan ko pumunta ngayon kina Mael."

Kumaway naman sila sa akin bilang pagpapaalam. "Goodluck Jax!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status