INICIAR SESIÓNNakatingin lamang ako sa malaking box na may lamang halayang ube. Kararating ko lang halos dito sa opisina at ngayon iniisip ko kung paano ko iyon maibebenta ayon sa gusto niya."Ugh!" tutop ang nuo ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga iyon. Kaya bago pa man mapako sa kakaisip ay tinawag ko na ang sekretarya ko."May kailangan po kayo, vice Chairman?""Gusto mo ba ng halayang ube?" tanong ko agad dito na ikinagulat sa naging tanong ko."Hu.” tila nagulat sa naging tanong ko na parang nag-iisip pa ng tamang isasagot sa tanong ko na nakatitig talaga sa akin na hindi makapaniwala sa naging tanong ko dito. “Oo naman vice-chairman. Iyan ang madalas naming meryenda ng mga kasama ko lalo na po kung iyong niluluto ni Miss Emely. Yung pinsan ni Manager Bejarin.""Ohh, Okay. Then take that box, ipamigay mo sa mga kasama mo.""Hu." muli na naman itong nagtaka.Hindi naman sa madamot ako nun dahil hindi naman ako basta- basta nanglelebre kung walang magandang nagawa sa mga trabaho n
Kumatok ako pero wala akong sagot na narinig mula sa kanya."It's me, Ely."Paulit ulit akong kumatok hanggang sa maringgan ko ang mahina niyang tinig mula sa loob sa sinabing bukas naman ang pinto."Nahihilo ako." narinig kong sabi niya ng makalapit ako."Masama ba ang pakiramdam mo? Bukod sa nahihilo? may iba ka pa bang nararamdaman?" may pag aalalang tanong ko dito. Umalalay pa ako sa pagupo niya.Pag iling ang naging tugon niya bago nadako ang tingin kay Wilma na nakasunod lamang sa akin."Dala iyan ng pagdadalangtao niya, sir. Kaya siya nahihilo." si Wilma na naging tugon ng pag aalala ko sa kanya."Sige. Sabi sa akin ni Wilma na gusto mo ng ube sa likod bahay." Tanong ko sa kanya ng madako ang isip ko kung bakit ako umuwi ng wala sa oras.Mabilis ang naging pagtugon niya na bahagyang lumiwanag ang mukha pagkarinig ng ubeng nabanggit."And you want me to dig it up for you." muli siyang tumango bilang sagot.Nakangiti na may ningning sa kislap ng mga mata."Okay then. Tumayo ka na
Napatitig ako sa kamay niyang inalok sa akin. Hindi ko man gustong tanggapin iyon dahil kaya ko namang tumayo ng mag-isa ay parang may isip ang kamay ko at kusong umangat para tanggapin ang kamay nitong nakalahad sa akin."Magdala ka ng panghukay, Wilma." utos nito kay Ate Wilma ng makalabas kami ng silid ko.Deretso kami sa likod bahay kung saan ko nakita ang malaking nitong ugat na pwedeng lutuin. Gusto kong lutuin iyon at ibenta. Pero malabo ng mangyari ang iniisip ko. Kung sa pagluluto siguro ay pwede pa pero kung ibebenta.. Hindi ako papayagan ni sir Drake na gawin iyon dahil nga sa kontrata namin."Heto ba?" tanong ni sir Drake sabay turo ng umusling malaking ugat ng ube.Tumango ako bilang sagot. Totoong na excite ako kaya nakangiti akong tumugon dito."Sige, wait lang at huhukayin ko iyan para sayo." sabi nito.Kinuha na kay ate Wilma ang may kalakihang itak na panghukay.Hindi na ako umimik. Pinanuod ko lang siya sa paghuhukay na halatang nahirapan. Higit sa lahat ay nakasuot
Tahimik akong lumabas ng silid ko makalipas ang dalawang oras. Iniwasan ko si Mr. Parker dahil narin sa paninita nito sa pagkain ko sana ng sampalok kanina. Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot dahil hindi napagbigyan ang gusto ko.Hindi ko man sigurado ang dahilan ko ay talagang hindi ko nagustuhan iyon. Basta may kung anong nagtulak sa akin na magback out na lang kanina na hindi ko dapat ginawa.Pero may bahagi din ng utak ko na nag aalala na baka kung ano na lang ang sabihin nito na baka ginagamit kong dahilan ang pagbubuntis ko kaya pwede ko ng gawin ang gusto ko. Wala naman akong balak na ganun. Wala akong balak suwayin ang mga gusto ni Mr. Parker para sa kontrata namin. Hindi ako gagawa ng ikakalabag ng nakalagda doon.Iyon nga lang.. Pakiramdam ko ay mahihirapan ako sa pagbubuntis ko. Tulad na lang kanina. Hindi ako umaarte lang dahil totoong hindi ko nagustuhan ang amoy ng niluto nito para sa akin. Nahiya nga ako kanina dahil para ko na ring binastos ang niluto nito pero pasala
Chapter 25 is a bit of a mess dahil sa iba kong kwento sana ang chapter. Pakihintay na lang na ma-change ang pagkaka-edit ko sa susunod na chapter.Well. hello ka readers.Kumusta na pala kayo. Maagang natapos ang kuwento ni Eros at Charlotte, pero sana ay subaybayan niyo pa rin ang kuwentong sumunod sa kanila kahit na hindi na related sa kanila ang kuwentong ito.Hope to see your comments, likes, and everything that shows you continue to support and follow my stories.Again, thank you.
Umiling siya pagkatapos at tutop ang bibig. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang dumuwal kahit na gusto sigurong tumayo at pumunta ng banyo."Hey! Are you okay?" agad kong ibinalik ang kawali sa kalan at saka ko siya dinaluhan."S-sorry?" hinging paumanhin niya matapos niyang kumuha ng tissue at pinunasan mismo ang laway na idinuwal niya sa lamesa. "H-hindi ko sinasadya." patuloy sa paghingi niya ng paumanhin na may namumuo ng luha sa mga mata.Ilang sandali pa ay tinakpan na naman niya ang bibig saka tumayo na sa kinauupuan. Hindi na nagsalita at diretso na mismo sa lababo mismo dito sa kusina.Sumunod ako sa kanya. Naglagay ako ng tubig sa baso saka ko ibinigay sa kanya na agad naman niyang tinanggap iyon."Isa na siguro iyan sa morning sickness na mararamdaman mo dahil sa buntis ka. Kaya natural lamang iyan. Hindi mo lang siguro nagustuhan ang amoy ng niluto ko. Magluluto na lang ako ng iba." sagot ko sa paghiningi niya ng tawad para hindi nito isiping mali ang ginawa niya sa harap
Aliah was staggering in her feet and didn't know where it would take her.Inimbitahan si Aliah ng kanyang matalik na kaibigan sa pagdiriwang nito ng kaarawan ngunit napasobra siya ng inum hanggang sa umiikot na ang mundo niya sa dami ng nainum. Wala pa sana siyang balak umalis doon ngunit hindi nag
“Vladimir! Ano ang ginagawa mo?” muli ay tanong ng bagong dating.Lumapit ito sa kanila.“Vladimir, bata ka oo. Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na suriin ang mga pasyente ko habang wala ako?” galit na tanong ng doktora sa lalaki, kaya mas lalong nalito si Aliah.Hanggang sa balingan na siya
Lumabas si Vladimir, natural na napatitig siya sa maamo at inosesnteng mukha ng babaeng kaharap niya ngayon.“It’s her!” sa loob loob ni Vladimir.Nagsalubong ang mga mata nila.Napansin niyang hindi makatingin sa kanya ang babae.“Anong maipaglilingkod ko sayo?” seryosong tanong ni Vladimir dito n
Mahimbing na nakatulog si Vladimir.Matagal na siyang hindi nakaranas ng ganitong komportableng tulog.Marahil ay dahil sa nangyari kagabi, dahil sa babaeng kayakap niya ng magdamag. Naging komportable ang pakiramdam niya sa balingkinitan at malambot na katawan ng babae. Idagdag pa ang natural na b







