Nag mumuni-muni si Trisha sa buhanginan, tamang nag aagaw kasi ang dilim at liwanag. Na mimiss niya na si Luke. Pero wala siyang magagawa kasi marami daw kailangang gawin sa opisina lalo na at matagal din siyang hindi pumasok at nauunawaan niya naman ito. Pero may ganda ding naidulot ang pag kakalayo nila dahil lalo niyang naramdaman na mahal na mahal niya na si Luke. Muli niyang binalikan ang mga unang araw nang pag kikita nila. Napaka cold nito at tila ba galit sa mundo at hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay mamahalin siya nito. Talagang mahiwaga ang pag-ibig dahil hindi mo alam na sa hindi inaasahang tao ka pala matututong mag mahal. Katulad nila ni Luke. Nag kakilala sa maling pag kakataon pero kahit ganoon ay nagkaroon pa rin ng puwang ang pag ibig sa kanilang mga puso para sa isa't isa."Hey! Mukhang malalim ang iniisip natin diyan ha!" panggugulat ni Tristan na bigla na lamang sumulpot sa tabi ni Trisha."Ano ka ba Tristan? Para kang kabute na bigla na lamang sumusulpot
Matapos lumangoy ni Trisha ay bumalik na siya sa bahay. Pinakiramdaman niya ang mga tao sa bahay kung mayroong makakahalata na kauuwi niya pa lamang mula kagabi. Ngunit sa kabutihang palad ay parang wala naman nakapansin sa kaniya na wala siya sa buong mag damag. Kaya tumuloy na siya sa kaniyang kuwarto upang mag banlaw. Pipihitin na sana ni Trisha ang doorknob ng may mag salita sa kaniyang likuran."Ma'am! Nag swimming ho pala kayo! Ang aga n'yo naman pong bumangon?" tanong ng katiwala nila na nasa likuran niya na pala.Nakadama ng kaunting kaba si Trisha sa mga tanong nito ngunit kinalma niya ang kaniyang sarili dahil mahirap na baka mahalata pa siya na may itinatago siya."Ah! O-oo, oo tama! Medyo hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi eh! Kaya iba ang pakiramdam ko sa katawan kaya bumangon ako ng maaga. Medyo madilim pa nga ng lumabas ako kasi hindi na ako makatulog kaya naisipan ko na lang na lumangoy para medyo bumuti ang pakiramdam ko!" palusot naman ni Trisha na dinadasal
Minadali ni Luke ang kaniyang trabaho sa opisina dahil masyado na siyang nag aalala kay Trisha.Hindi rin kasi siya makapag focus sa trabaho dahil sa kaiisip sa kaniyang nobya. Kaya napag pasiyahan niyang dalhin na lamang ang ibang papeles sa resort sa Siargao at doon niya na lamang tatapusin ang mga ito."Hey! Luke! Where are you going? Bakit parang paalis ka yata? Kadarating ko lang aalis ka kaagad!" malanding saad ni Patricia na tila ba nakalimutan na kaagad ang nangyari sa pagitan nila ni Luke kahit ilang araw pa lamang ang nakakalipas.Biglang namang tumiim ang bagang ni Luke kay Patricia dahil sa galit. Alam niya kasi na may ginawa si Patricia kaya ganoon si Trisha ng makausap niya. Hinawakan niya ito sa mag kabilang balikat at hinarap sa kaniya."Anong ginawa mo kay Trisha ha?" galit na galit ma saad ni Luke."Hey! Wait! What are you talking about? Wala akong ginagawa kay Trisha? At paano ko magagawa iyon eh nasa Siargao siya at andito ako sa Manila? Come on Luke! You're crazy!"
Makalipas ang ilang araw ay nag simula nang asikasuhin nina Luke at Trisha ang kanilang kasal. Nag hanap na din sila ng wedding organizer na siyang mag aasikaso ng lahat."Luke, bukas ay naka schedule tayo para sa pag sukat ng ating isusuot sa kasal ayon dito sa plan ng organizer natin," ani Trisha habang binabasa ang plano ng kasal."Ok! Anong oras ba?" sagot naman ni Luke."9 am! Tamang-tama Luke, simba muna tayo saka tayo tumuloy doon sa boutique," ani Trisha."Pwede din. Ok na ba sa'yo ang plano nila? Beach wedding!" tanong ni Luke."Oo naman! Ang ganda nga eh!" masayang sagot ni Trisha."Well, for me approved na sa akin lahat ng plano, we can start the preparation next week," ani Luke."Approve din sa akin. Perfect nga ang plano nila eh. Excited na ako masyado Luke!" nakangiting ani Trisha."Ok! Ako din I'm so excited!" saad naman ni Luke."Ahm... Luke, pwede ko bang papuntahin dito si nanay?" tanong ni Trisha."Why?" tanong naman ni Luke."Na mimiss ko na kasi siya eh! Saka mala
Maagang gumising sina Luke at Trisha para pumunta sa mag tatahi ng kanilang mga damit pang kasal. Hindi basta-basta ang mag tatahi ng kanilang damit dahil ito ay ang nag tatahi sa mga damit ng mga sikat na artista dito sa Pilipinas. Isa rin ito sa nag tahi sa isa sa mga kandidata na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe."Marami kaming mga bagong designs na sigurado akong babagay sa iyo Miss Trisha! At napaka swerte mo dahil ikaw ang unang makakapag suot ng design na iyon!" excited na saad ng bakla na may ari ng boutique na iyon. Sikat ang boutique na iyon dahil sa mga unique na design ng mga gowns kaya naman dinadayo ito ng mga sikat na artista."Wow! Ang ganda nito Luke!" excited na saad ni Trisha ng makita ang isang wedding gown."Napakaganda nga niyan Trisha! I'm sure na mag mumukha ka diyang diyosa sa ganda!" natutuwa namang ani Luke.Mukha kasing pang fairy ang design ng gownat sigurado si Luke na bagay na bagay nga iyon kay Trisha."Exactly Luke! Mag mumukha siyang isang engk
Mabilis na nakarating sina Luke at Trisha sa bahay ng kaniyang ina na si aleng Fiona."Nay!" sigaw ni Trisha pag bungad pa lamang nila ng pinto ng bahay nito."Oh! Anak! Napasugod kayo?" nakangiti ngunit nag tatakang saad ni aleng Fiona. Saka ito yumakap at humalik sa anak."Miss na miss ko na po kasi kayo 'nay!" ani Trisha."Miss na rin kita anak!" sagot naman ng kaniyang ina."Mano po!" saad naman ni Luke saka nag mano kay aleng Fiona."Kaawaan ka ng Diyos iho! Upo na muna kayo at sakto nakapag luto na si Alma ng tangahalian. Alma, mag hain ka na nga dito ng pag kain at nang makasabay na natin itong mga anak ko!" utos naman ni aleng Fiona kay Alma."Sige Fiona, mag hahain na ako!" sagot baman nito."Inay, kaya kami pumunta dito dahil gusto sana kitang isama muna sa Siargao," malambing na saad ni Trisha."Bakit mo naman ako isasama doon anak? Paano na ang negosyo ko dito?" reklamo naman nito."Ehhh.. inay bahala na po muna si ate Alma diyan! Ipagkatiwala mo muna. Hanggang sa kasal la
Nang makaalis ang nanay ni Luke ay tila nakahinga si Trisha ng maluwag kasabay ng kaniyang pag iyak. Kahit anong pigil niya ay tumulo pa rin ang kaniyang mga luha. Tila ba nag uunahan ito sa pag patak mula sa kaniyang mga mata. Kahit nag usap na sila ni Luke ay nasaktan pa rin siya sa mga sinabi ng ina nito. Napakasakit marinig na sabihan kang social climber. Tingin niya tuloy sa sarili niya para na lamang siyang kuto sa liit ng pag tingin sa kaniya ng ina ni Luke."Babe, it's ok! Darating din ang araw na matatanggap ka rin ng mommy! Galit lamang iyon sa ngayon dahil hindi pa siya nalilinawan sa lahat!" ani Luke na ramdam ang sakit ng nadarama ni Trisha. Hindi niya naman ito masisisi dahil talaga namang masakit ang mga sinabi ng kaniyang ina kay Trisha "Luke, sorry ha! Hindi ko na napigilan! Nasaktan lang kasi ako sa mga sinabi ng mommy mo eh! Pero promise, kaya ko 'to. Iiiyak ko lamang ito para kahit papaano ay medyo mabawasan naman ang sakit!" saad ni Trisha habang tumutulo ang mg
Bumalik si Luke sa Siargao kasama ang kaniyang ina. Nakangiti si Luke papasok sa bahay at hinanap agad si Trisha sa kuwarto, ngunit naikot niya na yata ang buing bahay ay hindi niya natagpuan si Trisha magulang ang nanay nito. "Manang, nasaan po si Trisha?" tanong ni Luke nang hindi niya makita si Trisha sa buong bahay.. Nakadama siya ng kaba nang hindi niya ito makita "Nasa may dagat iho, kasama ng kaniyang nanay, mag papahangin lamang daw sila.Tila nakahinga naman ng maluwag si Luke nang malaman niya na nasa pampang lamang pala si Trisha at si aleng Fiona. Nag mamadali niya itong pinuntahan dahil excited na siya na ibalita dito na wala na silang problema sa kaniyang mga magulang."Trisha! Babe!" tawag niya dito ng matanaw niya ito na nakaupo sa buhangin habang nag uusap ang mag ina.Nagulat naman si Trisha sa tawag ni Luke. Hindi niya pa kasi inaasahan na makakabalik ito ng ganoon ka aga."Luke!" masayang sagot nito saka nag madaling tumayo at tumakbo palapit kay Luke. Nang makal