"Nay?" tawag ni Trisha sa kaniyang nanay nang mabuksan ang pinto ng kanialng bahay. Hindi naman ito nakalock kaya nabuksan niya at saka tuloy-tuloy siyang pumasok. Nagtaka siya kung bakit wala ang nanay niya gayong nakabukas naman ang pinto, kaya tumuloy na siya sa silid nito dahil baka sakaling andoon lamang ang kaniyang nanay."Nay!" tawag niya ulit at saka niya kinatok ang pinto. Kaagad naman itong bumukas at bumungad ang kaniyang nanay na hilam sa luha ang mga mata."Anak, mabuti nakauwi ka na alalang-alala ako sa iyo alam mo ba yun?" anito habang umiiyak."Ok ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?" sunod-sunod na tanong nito dahil sa sobrang pag aalala sa kaniya."Nay, ok na ok lang po ako at wala hong nangyaring masama sa akin! Huwag ka na pong umiyak," saad ni Patricia saka niya niyakap ang ina. Awang-awa siya dito dahil halatang hindi ito nakatulog mag damag dahil sa pag aalala sa kaniya.Nakita naman ni Luke kung paano mag alalakay Trisha ang ina nito. Ngayon siya naniniwala
"Anak, sabihin man na masamang ina ako pero wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao dahil pumapayag na ako sa alok ni Luke kung iyon ay sa ikabubuti mo anak," naiiyak na saad ni aleng Fiona."Inay, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Sa isang iglap ay nabago ang buhay nating dalawa. Hindi ko kayang malayo sa iyo inay pero kung para naman sa ikagaganda ng buhay mo ay kakayanin ko ang lahat inay, " umiiyak nang saad ni Trisha."Aleng Fiona este pwede ko na rin ba kayong tawaging inay?" nahihiyang tanong ni Luke. "Aba oo naman anak," masayang sagot naman ni Aleng Fiona. "Inay ang pera na ito ay huwag mong isipin na bayad ko sa anak mo. Isipin mo na tulong ko po ito para sa iyo para makapag bagong buhay ka na po at para makaalis ka na sa club na pinag tatrabahuhan mo." Iniabot ni Luke kay Aleng Fiona ang attache case na may laman na ten million pesos. "Inay, sasamahan kita para idiposit sa bangko ang pera dahil mahirap na kung dito lamang iyan sa bahay baka malaman pa n
Makalipas ang isang linggo ay panatag na ang loob ni Trisha dahil maayos na ang buhay mg nanay niya. Sumama na siya kay Luke sa bahay nito kagaya ng napag-usapan."Welcome to our palace my Princess!" bungad ni Luke kay Trisha pag kapasok na pag kapasok nila ng pinto.Namangha naman si Trisha dahil hindi niya inaasahan na pinag handaan pala ni Luke ang pag dating niya. May pa tarpaulin pa ito na may nakasulat na welcome to our palace na kagaya ng sinabi sa kaniya ni Luke at binigyan pa siya ng bouquet nito. Feeling niya tuloy isa siyang tunay na prinsesa na sinalubong ng kaniyang prinsipe.Sa sobrang tuwa ni Trisha ay niyakap niya ng mahigpit si Luke."Salamat Luke! Hindi ko naman deserve to eh. Hindi naman ako special na tao para pag handaan mo ng ganito," naluluhang ani Trisha."Special ka para sa akin Trisha. Kaya deserve mo ito. Halika na sa kusina dahil nag pahanda ako ng masarap na pagkain, alam kong nagugutom ka na," aya ni Luke kay Trisha.Nagulat si Trisha sa dami ng pagkain na
Nagising si Luke isang umaga pero hindi niya makita si Trisha. Bigla siyang nakadama ng pangamba dahil baka iniwan na siya ng dalaga.Kaya naman hinanap niya ito sa lahat ng sulok ng bahay ngunit hindi niya pa rin ito makita. Napagod siya sa kahahanap at hinihingal na din siya dahil umakyat pa siya sa second floor ngunit hindi niya naman natagpuan doon ang dalaga kaya nag pasya na muna siyang pumunta sa garden para makalanghap ng sariwang hangin. Umupo siya sa swing na nasa gitna ng garden at nag swing ng marahan ng makaramdam siya na may tumilamsik na tubig sa likuran niya. Kaya tumayo siya para tingnan kung ano ang nasa likod ng mataas na halaman."Ay palaka ka!" sigaw ng gulat na gulat na si Trisha ng biglang hawiin ni Luke ang makapal na dahon ng halaman.Nagulat din si Luke ng sumigaw si Trisha at nabitawan niya ang sangang hawak niya kaya pumalo ito sa mukha niya "Ay! Aray!" sigaw ni Luke ng tamaan ng sanga."Ano ba kasing ginagawa mo dito Luke. Bakit bigla-bigla ka na lamang d
Maagang gumising si Luke para pumasok sa opisina. Medyo napapabayaan niya na kasi ang kumpanya. Nagulat siya pag labas niya ng kusina dahil si Trisha ang inabutan niyang nagluluto ng almusal "Hey! Good morning babe! Bakit ikaw ang nag luluto nasaan si.......""Luke huwag ka nang maghanap dahil ako nag nag insist na magluto ngayon kasi gusto ko na mula ngayon ako ang mag aasikaso sa iyo sa tuwing papasok ka sa trabaho, ok? Kaya umupo ka na diyan dahil ipaghahain na kita," ani Trisha at saka tumalikod para ihain ang kaniyang niluto.Nag luto kang naman siya ng bacon, hotdog, itlog at gumawa din siya ng mainit na tsokolate. Naghanda rin siya ng tinapay dahil hindi siya kumakain ng kanin sa umaga. "Wow! Sabayan na kitang kumain para ganahan ka," nakangiting saad ni Trisha matapos maghain."Sarap talaga kapag may nag aasikaso. Pakasal na tayo babe!" nakangiting ani Luke."Ano ka ba Luke, pinag luto lang kita gusto mo na ako agad pakasalan? tumatawang saad naman ni Trisha saka kumagat ng
Pag pasok pa lamang ni Luke ng building ng kanilang kumpanya ay lahat ng makasalubong niya ay nag vovow sa kaniya bilang pag galang sa CEO ng kumpanya. Siya lang naman ang nag mamay-ari ng isa sa pinakasikat na pabango sa buong mundo, ang SO SWEET PERFUME. Isa ito sa pinaka mabangong cologne na pinag aagawan ng mga kababaehan lalo na dahil ang model nito ay ang pinaka sikat na artista na si Kathryn Bernardo."Good morning boss!" bati ng lahat ng mga empleyado ng kumpanya kay Luke. Lahat ay iginagalang at kinatatakutan ang binata dahil napaka istrikto nito pag dating sa trabaho.Dire-diretso siya sa kaniyang opisina dahil alam niyang marami siyang dapat gawin at pirmahan ngayon."Oh! Sa wakas pumasok ka rin Luke!" malanding bungad ni Patricia pagkapasok na pagkapasok ni Luke ng opisina."What do you want? Do you like coffee darling?" malanding tanong ni Patricia nang hindi siya pansinin ni Luke sabay angkla nito sa bisig ng binata na akala mo ay ahas na pumulupot sa makisig na braso n
"Oh Luke, bakit andito ka agad? Akala ko ba hapon mo pa ako susunduin?" nagtatakang tanong ni Trisha ng dumating si Luke saktong kumakain sila ng tangahalian."Nainis kasi ako kay Patricia eh. Bukas na lang ulit ako papasok. Sinira niya ang araw ko!" sagot naman ni Luke na halata pa rin ang pagkainis. "Bakit? Anong ginawa ni Patricia?" nag alala namang tanong ni Trisha "Wala, wag mo na lang isipin iyon!" sagot naman ni Luke. Ayaw niya nang sabihin pa kay Trisha dahil ayaw niya nang mag alala pa ito."Luke, saluhan mo na kami dito. Kumain ka na," aya naman ni aleng Fiona.Lumapit naman si Luke at naupo na upang saluhan ang mag ina sa pagkain."Kuha lang ako ng pinggan Luke," ani Trisha."Ok!" ani Luke.Ni relax ni Luke ang sarili upang hindi na mag isip pa si Trisha ng kung anu-ano kapag nahalata nito na nag alala siya. Hindi niya din kasi maiwasan na hindi mag isip dahil kilala niya si Patricia. Spoiled bratt na nakukuha ang lahat ano man ang magustuhan. Kaya nga ito nakapagtrabaho
"Mag bakasyon kaya tayo Trisha, sa Siargao?" biglang sabi ni Luke isang gabi habang nanonood sila ng tv pagkatapos kumain."Ha? Bakit bigla-bigla ka naman ata nakaisip mag bakasyon?" nagtatakang tanong ni Trisha."This past few days kasi masyadong stressful sa opisina eh. Parang gusto kong mag pahinga muna atleast one month," seryosong saad ni Luke "Ikaw, kung iyon ba ang makakapag paalis ng stress mo eh," pag sang-ayon naman ni Trisha."Salamat babe! Be ready! Aalis tayo bukas," excited na ani Luke."Bakit naman sa Siargao mo napili?" tanong naman ni Trisha."Maganda kasi mag surfing doon eh," ani Luke."Talaga? Hindi naman ako marunong mag surfing eh. Papanoorin na lang kita," nakangiting sagot naman ni Trisha."Tuturuan kita wag kang mag alala," sagot naman ni Luke."Naku! Huwag na lang! Ni hindi nga ako marunong lumangoy eh mag surf pa kaya?" natatawa namang sagot ni Trisha."Talaga ba? Hindi ka marunong lumangoy?" natatawang di makapaniwalang saad ni Luke."Paano naman ako matut