LOGINNAPAHAWAK ako sa aking ulo nang magising ako dahil pakiramdam ko ay para bang may bumabaon dito sa labis na sakit. Halos tuyo din ang lalamunan ko sa kasalukuyan. Napahilamos ako sa aking mukha. Bakit ba sumasakit ng ganito ang ulo ko? Akmang babangon na sana ako nang itaas ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan nang bigla na lang akong may mapagtanto.
Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata. Wala akong saplot kahit na isa! Nakita ko ang mga damit ko na nakakalat sa sahig. Ngayon ko lang din napansin na nasa hindi ako pamilyar na silid. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo pa nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagmamadaling bumaba bago inisa-isang pulutin ang mga damit ko at magbihis. Wala na akong sinayang na oras at nang matapos ay dahan-dahang naglakad palabas ng silid sa takot na baka marinig ng kung sino man ang nasa loob ng banyo ang aking mga yapak.
Hindi ako lumingon sa aking likod hanggang sa tuluyan akong makalabas. Napagtanto ko na nasa isa akong suite. Sa itsura pa lang ay sigurado siyang napakayaman ng taong iyon. Mabilis akong pumasok sa elevator. Kahit na nasa loob na ako nito ay hindi pa rin mawala ang malakas na kabog ng dibdib ko idagdag pa ang kirot na nagmumula sa pagitan ng aking mga hita.
Ano bang nangyari kagabi? Bigla kong hinilot ang aking ulo. Ang tanging naaalala ko lang ay ang pumunta ako sa bahay ni Philip ngunit nahuli ko itong may katalik na iba. Nagpunta ako sa bar at naglasing pagkatapos… pagkatapos… napapikit ako ng mariin. Isang tagpo ang biglang dumaan sa isip ko. “Hindi pa tayo tapos…”
Napatakip akong bigla sa aking mukha. Nakakahiya! Nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin sa akin ng lalaking iyon? Ano na lang? Pero malamang, sa yaman nito paniguradong wala naman itong magiging pakialam sa akin at makakalimutan din naman niya ako kaagad. Magiging isang one night stand lang ang namagitan sa aming dalawa.
Napabuntong hininga na lang ako ng biglang bumukas ang elevator at may pumasok na isang babae. Nakatingin ito sa akin at ang mga mata nito ay may gustong sabihin kaya bigla na lang akong napatingin sa aking repleksyon sa loob ng elevator at doon ko napagtanto kung bakit. Puno lang naman pala ng kiss mark ang aking leeg at gulo-gulo pa ang buhok ko!
Gusto ko na lang lamunin ng lupa bigla sa labis na kahihiyan. Bakit ba kasi hindi ko muna inayos ang sarili ko bago ako nagtatakbo palabas? Pero kung hindi ko naman iyon gagawin, ano na lang ang sasabihin sa akin ng lalaking nasa banyo kapag naabutan niya ako doon? Baka mas lalo lang akong mamatay sa kahihiyan.
Sinubukan kong ayusin ang damit ko at inilugay ko rin ang buhok ko at sinuklay ito gamit ang aking mga kamay para matakpan naman kahit papano ang mga marka kagabi.
~~~~~
Mariin akong napapikit habang panay ang pagtulo ng malamig na tubig mula sa aking ulo. Ang mga kamay ko ay nanatiling nakadikit sa pader ng banyo. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang imahe ng babaeng iyon habang umiiyak, nagmamakaawa sa akin na magdahan-dahan ako. Ang sagot ng katawan nito sa aking mga haplos, ang mga da*ng at ung*l nitong parang sirang plaka na pauulit-ulit kong naririnig sa aking ulo.
Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, tanging ito lang ang babaeng nakakuha ng atensyon ko. Ni wala pa akong ideya kung sino siya at kung bakit bigla na lang niyang akong nilapitan. Hindi ko pa rin inaalis na baka inutusan na naman ito ng mga taong may galit sa akin. Pa-iimbestigahan ko siya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nanatili sa banyo dahil pinahupa ko muna ang init na nararamdaman ko bago tuluyang lumabas. Nagsuot lang ako ng puting roba at ang isang tuwalya ay ipinampunas ko sa aking tumutulong buhok. Paglabas ko, kaagad kong tiningnan ang kama ngunit wala na ang babaeng nakahiga doon na iniwan ko kanina bago ang maligo.
Ang tanging naiwan na lang ay ang pulang marka na nasa bedsheet. Kaagad na nagtagis ang aking bagang at ang aking mga mata ay biglang naging malamig. Hindi ko alam ngunit bigla na lang akong nakaramdam ng matinding pagkadismaya nang makita kong wala na ito. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya at higit sa lahat ay hindi siya gumamit ng proteksyon kagabi! Paano na lang kung ilang taon ang lumipas ay lumitaw itong muli sa harapan ko dala ang isang bata at sabihin na ako ang ama ng batang iyon? Hindi iyon pwedeng mangyari lalo na at napakarami ko pang plano.
Napahilot na lang ako sa aking sentido at kinuha ang cellphone ko. Kahit na wala akong kaalam alam sa impormasyon ng babaeng iyon, malaking tulong pa rin na kinuhanan ko siya kanina ng larawan habang natutulog bago ako pumasok sa banyo, in case lang at mabuti na lang at ginawa ko iyon.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto. “Pasok.” walang emosyon na sabi ko at ibinagsak ang aking sarili sa sofa.
Pumasok si Kian, ang aking assistant. Hindi ko lang siya basta assistant dahil siya rin ang acting CEO ng aking kumpanya. Ni isa sa aking mga empleyado ay walang nakakaalam kung sino ang tunay na CEO dahil iyon talaga ang plano ko. Tanging ito lang ang nakakaalam at ilang bodyguards ko.
“May problema ba?” kaagad kong tanong sa kaniya.
“Well sir, may magaganap na meeting mamaya at ang kumpanya ng kapatid ninyo ay gustong makipag sosyo sa kumpanya para sa isang itatayong mall sa may plaza.” pagbabalita niya sa akin.
Agad na tumaas ang sulok ng labi ko nang marinig ko ang sinabi ni Kian. Sila? May balak na makipag sosyo sa kumpanya ko? Ah oo nga pala, wala nga palang nakakalaam na sa likod ng napaka-successful na mga hotel at mall sa halos buong bansa ay pagmamay-ari ko. Wala nga palang nakakaalam. Isa pa, wala talaga akong balak ipaalam sa kanila dahil ano namang makukuha ko kapag sinabi ko? Magiging mataas na ba ang tingin nila sa akin kapag nangyari iyon?
Tsk.
Kinuha ko ang cellphone ko at pagkatapos ay ibinigay kay Kian. kaagad naman niyang inabot ito. “Gusto kong hanapin mo ang babaeng yan at imbestigahan. Alamin mo ang lahat ng tungkol sa kaniya.”
Napapikit ako at napansandal sa sofa. Sumasakit ang ulo at higit pa doon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang babaeng iyon.
HINDI naman umimik si Kian at kinuha lang ang kopya ng larawan. Wala naman siyang karapatan na magtanong sa kanyang boss at pagkatapos lang nun ay nagpaalam na siya rito.
…
LUSTFUL NIGHTS WITH MY SECRETARYANGELO ANGELLINI STORYAng sekretarya niya sa loob ng dalawang taon ay biglang nagpasa ng resignation letter isang hapon.“I have been your secretary for two years now, can you do me a favor as a parting gift?” tanong nito sa kaniya.Napakunot ang noo niya. “What is it?” curious na tanong niya rito.“Sleep with me just tonight.” matapang na sagot nito na ikinagulat niya.Sa ilang taong lumipas, akala niya ay hindi na magagamot pa ang sugatang puso niya— not until her secretary made a deal with him.Ang isang gabi na usapan nila ay hindi natupad dahil siya mismo ang nag-propose ng kasunduan dito. “I’ll sleep with you without counting.” deklara niya na ikinagulat nito.Relasyong secretary at boss kapag may nakakakita pero kapag walang matang nakatingin ay bed partners sila. Saan hahantong ang relasyon nila? Pagsasawa o realisasyon na hindi na lang pala dahil sa tawag ng laman ang nararamdaman nila?
NAPAKALAKAS ng tibok ng puso ko habang nakatayo sa harap ng nakasarang pinto. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na itong bumukas. Tumingala ko, sa dulo ng nakalatag na red carpet ay nakatayo ang taong pinakamamahal ko.Nagsimulang tumugtog ang isang musika tanda na magsisimula na akong maglakad papasok sa loob ng simbahan. Nang mga oras na iyon ay hindi ko na napigilan pa ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko.Pinangarap kong ikasal sa taong mahal ko, natupad iyon pero may isang hindi natupad sa espesyal na araw ito, iyon ay ang ilakad ako ni Daddy sa altar. Hindi ko namalayan na nangingilid na pala ang aking luha. Ito ang pinaka-masayang araw ng buhay ko pero hindi ko akalain na kasabay nito ay makakaramdam ako ng lungkot.Ang mga tao na nasa loob para saksihan ang pag-iisang dibdib namin ni Eros ay nakatingin sa akin na punong-puno ng admirasyon at paghanga. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong tumigil sa harap ni Eros na noong mga oras na iyon ay namumula na ang mga mata habang nak
“I’m so sorry…” puno ng pagsisising sabi niya. Nang marinig ko ang kanyang tinig ay mas lumalo lang ang pagragasa ng aking emosyon. Sobra. Napakagat-labi ako. I missed him so much, kahit na ilang araw pa lang kaming hindi nagkita.His voice, his touch, everything about him. Pero ano itong ginagawa niya sa akin? It’s like a punishment.Handa na akong umalis, handa na akong lumayo ng walang pag-aalinlangan, na hindi na iniisip pang lumingon pero bakit? Bakit niya ginagawa sa akin ito?“I… I didn’t mean to hurt you. Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko inaasahan na mangyayari at makakabuo tayo.”“Please, would you give me another chance Mikaela?” tanong niya sa akin at sa pagkakataong iyon ay biglang may sumabog sa itaas ng kalangitan, it was a firework.Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, hindi ko ito lubos na inaasahan. Kasunod ng fireworks ay ang paglitaw ng tila mga drone sa kalangitan at halos mahilam ang aking mga mata nang mabasa ko ang nakasul
“Pwede bang sumama ka muna sa akin?” tanong sa akin ni Angelo. Nasa bahay na naman siya. Ngayong gabi na ang flight ko patungo sa California. Doon ko napili munang manatili, doon ko planong magsimula ulit.“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya. “Ilang oras na lang ay flight ko na.” sabi ko sa kaniya kung saan ay sumulyap pa ako sa aking kamay dahil naroon ang aking relo.Bahagya naman siyang ngumiti sa akin. “Just want to be with you before you go…” sabi niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. There was something in his eyes, pain is it?Pero dahil hindi naman ako ganun kagaling para magbasa ng emosyon ng mga tao ay hindi ko alam kung ano ito. Hindi ko alam kung ano ang emosyong nakapaloob sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Ilang sandali akong natahimik. Iniisip kung sasama ba ako sa kaniya o hindi, tinatantiya ko kasi ang oras ng flight ko dahil baka mahuli ako. Pero sa huli ay wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang. Matagal-tagal din kaming hindi magki
ISANG malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi pagkauwi ko ng bahay. Kagigising ko pa lang ay tinawagan na ako ng aking ina at bukod pa doon ay napakarami na nilang missed call bago ko pa ito masagot dahil tulog na tulog ako at ngayon ay ito nga ang eksena pagdating ko. Nasa pinto pa lang ako ay agad na niya akong sinalubong.Ang kanyang mga mata ay namumula dahil sa pag-iyak at sa galit. “Hindi kita pinalaki para maging ganito Eros! Paano mo naatim na saktan ang dalawang babaeng nagmamahal sayo?” napapahikbing tanong niya sa akin.Bigla akong napayuko. Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan sa kanyang mga mata dahil alam kong punong-puno iyon ng pagkadismaya. “Eros, why?” halos napapaos ng tanong niya sa akin.Wala akong alam na isagot. Napakuyom lang ako ng aking mga kamay. “Why?!” muli nyang tanong sa akin at sa pagkakataong ito ay pauulit-ulit na niyang pinagsusuntok ako sa aking dibdib. Hindi ko iyon ininda.Ilang sandali pa ay hinawakan na siya ni Daddy at inilayo sa aki
BUMAGSAK ang mga balikat ni Angelo sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na iyon ang magiging sagot sa kaniya ni Mikaela pero anong magagawa niya? Alam niya sa sarili niya na hindi kayang madiktahan ang puso kahit na ano pa ang gawin niya kaya sa huli ay tumango siya.“I’m sorry…” paghingi niya ng paumanhin.“You don’t have to be sorry, Angelo. Wala kang kasalanan.” sabi naman nito kaagad sa kaniya.Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Bumalik siya sa kanyang kinauupuan. “Anong plano mo ngayon?” tanong niya rito. Kahit na tinanggihan siya nito ay gusto niya pa ring alamin kung ano ang magiging plano nito. Gusto niya pa ring masiguro na magiging maayos ito.Bumuntong hininga muna ito at pagkatapos ay sumagot. “Plano kong pumunta sa ibang bansa para doon na muna tumira.” sagot nito sa kaniya na ikinatango-tango niya lang naman.“Mukhang buo na talaga ang loob mo.” sabi niyang muli.Ngumiti naman ito ng malungkot at pagkatapos ay nagkibit balikat. “Wala akong







