HINDI ko alam kung paano ako nakaalis sa harap ng bahay ni Philip, kung paano ako nakapara ng taxi para magpahatid sa isang bar. Sobrang sakit ng pakiramdam ko. Wala lang ba sa kaniya yung tatlong taon na pinagsamahan naming dalawa?
Dinampot ko ang baso at tuloy-tuloy na ininom ang laman nito. Sa sobrang sama ng loob ko, kahit na hindi ako umiinom ay nagawa kong nagpakalasing. Ang walang hiyang iyon! Makikita niya! Mabuti na lang at hindi ko pa naibigay ang sarili ko sa kaniya. Naive pala ah?
Kahit na hilong-hilo na ako ay nagawa ko pa ring lumabas ng bar at pasuray suray na naglakad. Wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang mahiga na lang dahil sumasakit na ang ulo niya. Bakit ba kasi ako uminom? Deserve ba ng lalaking iyon na maging ganito ako?
“Walang kwenta… manloloko!” inis kong usal habang naglalakad. Halos umikot na ang paligid ko.
Uminom ako para makalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko. Akala ko pa naman ay pang forever na pero hindi pala. Sa dami ng babaeng pwedeng maloko sa mundo bakit napabilang pa ako? Napakamalas ko naman yata?
Kahit na gaano ko pa siya kamahal, hinding-hindi ko na siya babalikan pa. Kung nagawa na niya ng minsan, sigurado ako na kayang-kaya niya lang ulitin iyon uli.
Napahawak ako sa aking ulo, sobrang sakit na talaga ng ulo ko at hindi ko na kaya pa kaya basta ko na lang ibinagsak ang sarili ko. Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko. Mahal niya naman ako diba? O peke lang ang pagmamahal na ipinakita niya sa akin?
Nagulat na lang ako nang may isang malalim na tinig ang nagmula sa harap ko. “Baka naman pwedeng umalis ka sa harap ng kotse ko Miss?”
Nang tumingala ako ay blurred ang mukha ng lalaking nakatayo sa harap ko. Ngunit base sa hubog ng katawan niya ay mukhang matikas siya. Isang nakakatawang bagay ang biglang pumasok sa isip ko at ibinuka ang bibig. “Pwede mo bang isama ako sa bahay mo?” tanong ko rito. Wala na akong pakialam pa kung sino siyang lalaki basta ang alam ko lang ay nasaktan ng sobra ang pride at ego ko kaya gaganti ako kay Philip. Anong akala niya? Hindi ko kayang gawin ang mga bagay na yun? Malas niya lang at hindi ako pumayag na ibigay iyon sa kaniya.
“What?” gulat na tanong ng lalaki sa harap ko.
Napangiti ako, sino nga ba namang matinong utak na babae ang magsasabi ng ganung klaseng bagay? Marahil ay iniisip nito na nababaliw na ako pero wala siyang pakialam lalo pa at buo na ang isip ko. Patutunayan niya kay Philip na hindi ako mangmang katulad ng iniisip nito.
Lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa rin nagsasalita ang lalaki na nasa harap ko kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan. Hindi naman siguro ako nya tatanggihan dahil kung looks lang ang pag-uusapan ay may ibubuga rin naman ako kahit papano diba?
Tumayo ako at walang sabi-sabi na ikinawit ang dalawa kong kamay sa leeg nito at hinalikan ko siya. Sa tatlong taong magkarelasyon nila ni Philip ay naturuan na niya akong humalik kaya masasabi ko sa sarili ko na expert na ako. Kaagad kong ibinuka ang bibig ko at inilabas ang dila ko pagkatapos ay ipinasok ito sa bibig nito.
~~~~
NANIGAS ako sa aking kinatatayuan at hindi ako makagalaw. Akala ko ay nagbibiro lang ang babaeng lasing na nasa harap kanina ng kotse ko pero bigla na lang niya akong hinalikan at hindi lang basta halik kundi isang torrid kiss!
Bahagyang napatiim bagang ako. Sa dami ng babaeng dumaang babae sa buhay ko ay alam ko ng kumilatis kung ano ang pakay nila sa akin. Kaya lang naman sila lumalapit ay dahil sa iisang rason, pera. Alam kong iyon lang ang dahilan ng mga babae kaya lapit ng lapit sa kaniya.
Hindi ko sinagot ang panunukso ng dila niya sa bibig ko at tinitigan lang ang kanyang mukha. Sa malamlam na ilaw na galing sa isang poste ay tinitigan niya ang namumula nitong mukha, ang mga mata nitong may bahid pa ng luha sa dulo na halatang galing lang sa pag-iyak.
Hanggang sa nalasahan ko na ang lasa ng alak sa laway nito na may halong pagka-minty flavor. Ayaw ko sanang mag-react, kaya lang ay nauna nang nag-react ang aking alaga. Shit! Mura ko na lang sa loob-loob ko. Hindi ako basta-basta tinitigasan sa kung sinong babae lang pero siya, habang tinitingnan niya ito ay unti-unting nabubuhay ang init sa aking katawan.
Nitong mga nakaraang buwan ay hindi ko naharap na makipaglandian o ni makipag-fling man lang dahil sa dami kong inaasikaso. Marahil ito ang rason kaya ganito ang epekto ng halik ng hindi ko pa kilalang babae sa akin. Napakainit. Hindi na ako nagdalawang isip pa at binuhat ito papasok sa kotse ko.
“Hindi pa tayo tapos…” mahinang usal nito nang iupo niya ito sa may tabi ng driver seat na ikinangiti ko na lang at pagkatapos ay hinaplos ko ang pisngi niya.
“Hindi pa talaga. Hintayin mo, mamaya. Humanda ka sa akin.” sabi ko rito at umikot na rin para sumakay na ng sasakyan.
…
PAGOD na pagod ang pakiramdam ko nang matapos akong i-briefing ni sir Kian. akala ko ay napakadali lang ng trabaho ng isang sekretarya ngunit hindi ko akalain na mahirap din pala. Ako pala ang lahat ng kailangang mag-ayos ng schedule niya sa lahat ng araw, sa mga travels niya, sa mga tawag, sa mga meetings at mga kailangan niya na mga reports. Dapat ay alam ko ang lahat ng nangyayari sa buong kumpanya kung dahil para kapag nagtanong siya sa akin ay masasagot ko ang mga ito kaagad.Iniisip ko pa lang ang mga trabaho ko ay sumasakit na ang ulo ko. Paano ko ba napasok ito?Halos alas sais na ng gabi ng matapos ako. May mga files pa kasing itinurn over sa akin si Sir Kian para alam ko raw kung saan ko hahanapin ang mga iyon kaya inayos ko pa sinort out dahil medyo magulo ito. Nakiusap ako sa kaniya na kung pwede ay dito na lang ako sa department namin mag-stay kaya lang ay hindi daw doon ang opisina ng sekretarya sa halip ay may sarili akong mesa sa labas mismo ng opisina ng boss niya. H
ILANG sandali kong tinitigan ang aking cellphone nang tumunog ito. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay bigla na lang tumaas ang sulok ng labi ko. Hindi niya ako tinatawagan ng direkta noon pero ngayon ay tumatawag siya at alam niya na kung ano ang rason kaagad.Marahil ay umabot na sa kaniya ang balita na lumabas na sa lungga ang may ari ng DTA company. Napakabilis talaga ang pagkalat ng balita. Wala sana akong balak na sagutin ito ngunit gusto kong marinig kung ang sasabihin niya kaya sinagot ko na ito kaagad.“So, ikaw pala ang CEO ng DTA company huh?” puno ng panunuya niyang tanong sa akin.Ngumiti na lang ako at sumandal sa aking kinauupuan. Bakit parang sa tono ng boses niya ay iritado siya at hindi siya masaya? Dahil ba halos malapit ko ng mapantayan ang kumpanya niya?“Anong gusto mong isagot ko sa tanong mo?” walang emosyon kong tanong dito.Kahit na magkapatid kami sa ama ay wala kaming nararamdaman na affection sa isat-isa. Isa pa, alam kong labis ang pagkamuhing narar
THIRD PERSON P.O.VNANG makita ni Kian na lumabas na si Miss Cortez ay pumasok na rin siya sa loob ng opisina ng kanyang boss. Hindi siya umalis sa tabi ng pinto. Ang naging usapan ng mga ito sa loob ay hindi niya narinig dahil nakasara ng mabuti ang pinto ngunit may ideya na siya kung ano iyon.Nang lumabas si Miss COrtez mula sa loob ay hindi maipinta ang mukha nito kaya alam niya at sigurado siyang sinabi na ni sir Dalton rito ang tungkol sa pag-assign nito bilang personal niyag sekretarya.Sa totoo lang ay hindi niya alam kung anong rason nito. Ni hindi niya magawang magtanong dahil mukhang personal ang dahilan nito at higit sa lahat ay wala siya sa lugar. Wala siyang karapatan dahil isa lang siyang empleyado nito.Pagdating nga nito galing sa Rome ay ang tungkol na kaagad kay Miss COrtez ang tinanong nito sa kaniya na noong bago pa sana ito umalis niya sasabihin ang tungkol dito kaya lang ay parang hindi ito interesadong marinig ang tungkol dito. Ngunit pagdating nito ay para ban
DAHIL sa sobrang takot ko kagabi at sa labis na pag-iyak ay tanghali na akong nagising. Ni halos ayaw ko pa nga sanang bumangon sa totoo lang dahil anong oras na kagabi nang makatulog ako, o mas tamang sabihin na halos prang nakaidlip lang ako.Para akong zombie na bumangon, mabagal at halos walang kagana-gana at tamad na tamad na bumaba sa aking kama. Ngunit sa halip na pupunta na sana ako sa banyo upang maligo na ay ilang sandali muna akong napatulala.Ang aking mga mata ay halos ayaw pa sanang dumilat ngunit bigla ko na lang naisip na lunes nga pala ngayon. Malamang na nakatambak na naman ang mga naiwan kong trabaho. Inabot ko ang aking cellphone na nasa tabi ng aking kama upang tingnan ang oras ngunit nang makita ko kung anong oras na ay halos pumanaw ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil tanghali na!Pabagsak kong binitawan ang aking cellphone at ibinaba ito sa kama bago tuluyang nagtatakbo patungo sa banyo. Shit! Shit! Tanghali na! Lunes na lunes na naman ay male-late na naman
Magaan ang loob kong naglalakad pauwi na kaya lang ay bigla na lang akong napatigil nang makita ko si Philip na nakasandal sa kotse niya. Mukhang hinihintay niya ako sa labas ng aking apartment. Napahigpit na lang ang hawak ko sa aking bag. Bakit ba hindi na lang niya ako tigilan? Ako nga ay nagmomove on na e. Bakit siya ay hindi niya magawa?Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa akin. Sa sumunod na sandali ay nasa harapan ko na siya. Nang tamaan ng malamlam na ilaw ang mukha nito na galing sa poste ay agad kong napansin ang namumula nitong mukha. At nang magsalita siya ay mas lalo kong nakumpirma ang aking hinala. “Saan ka galing huh?” napatakip ako sa aking bibig dahil sa amoy ng alak.Hindi naman siya lasing, medyo nakainom lang sa tingin ko. Agad ko siyang nilampasan. Wala akong balak na kausapin siya. Ni hindi ko nga siya sinagot e kaya lang ay mabilis niyang hinawakan ang aking braso kaya napatigil ako sa paglalakad. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit hindi ko ito ma
“Freya!” sigaw ni Astrid habang kumakaway sa akin, nasa kabilang kalsada ito. Nginitian ko naman siya kaagad at kinawayan din pabalik.Ilang sandali pa ay dali-dali na siyang tumawid papunta sa akin. Kaagad niya akong niyakap, mahigpit na para bang napakatagal nilang hindi nagkita. Mas lalo lang lumawak ang aking pagkakangiti ng wala sa oras. Mabuti na lang talaga at naging kaibigan ko pa siya.“Hindi na ako makahinga Astrid.” natatawa kong reklamo sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.“Ay sorry, sorry.” paghingi naman niya kaagad ng paumanhin. “Namiss lang kasi kita.” sabi niya pa. “Kamusta ang naging bakasyon mo? Okay ba? Naging masaya ka naman ba?” sunod sunod na tanong niya sa akin na ikinailing ko na lang. Paano ko ba sasagutin ang mga tanong niya? Syempre ay wala naman akong balak na sabihin o ni ikwento man lang sa kanila ang mga nangyari sa ibang bansa. Natatakot ako, natatakot na baka husgahan nila ako.“Okay naman syempre, masaya.” alanganin akong ngumiti sa kaniya. Sana l