FAZER LOGINAgad niyang naitulak ang lalaki ngunit hindi niya kayang pantayan ang lakas nito sa pagpigil sa kanya na kumawala mula rito.
“Xander! Let go of Margarette at once!” pasigaw na sita ni Miguel sa kaibigan nito, bumabahid pa rin sa boses nito ang pagiging authoritative.
Napigil ng dalaga ang paghinga sa tinuran ng kanyang Boss. Ramdam niya ang galit sa boses nito. Nang lumuwag ang pagkakahawak ng preskong lalaki sa kanya, agad siyang kumawala rito saka tinalikuran, at naging mabilis ang kanyang hakbang papunta sa conference room.
Nahagip pa ng kanyang pandinig ang malakas na pagtawa ng preskong lalaki, bago tuluyang nakapasok ng conference room.
Malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan matapos mainom ang isang basong tubig. Napahawak siya sa sariling dibdib. Daig niya pa ang nakipag-paligsahan sa isang athletic sports habang sila ay nagme-meeting.
Hindi niya alam kung bakit hinayaan ng kanyang Boss, na mag-sit in sa kanilang meeting ang presko nitong kaibigan. Sa mahigit dalawang oras nilang discussion ay sa kanya lang ito nakatingin. Pakiramdam niya maging ang cells ng kanyang katawan ay nakikita na nito sa paraan ng pagkakatitig nito.
Ipinagpasalamat na lamang niya, nagawa niyang itawid ng maayos ang kanyang presentation kanina. Hindi tuloy siya nagkaroon ng pagkakataon na mapagpantasyahan ang gwapo niyang Boss.
“Did I already hack your system, Baby?” nang-aakit na boses mula sa kanyang likuran.
Agad siyang napapihit paharap rito at nagsalubong ang kanyang mga kilay nang magtama ang kanilang mga mata. Nakasandal patagilid ang katawan nito sa panel ng pantry door ng 10th floor habang nakakibit-balikat, at pilyo ang mga ngiti sa labi.
Hindi na nito suot ang leather jacket, kaya lumantad sa kanyang paningin ang makinis nitong mga braso, na lalong pinatingkad sa light blue polo shirt nitong suot. Mariin siyang napatitig sa malaking cross sign na tattoo sa mamasel nitong right bicep.
Naipilig niya ang kanyang ulo sa disappointed sa nakita. Isa sa ayaw niya talaga sa isang lalaki ay may tattoo. Ewan niya, pero talagang big turn-off sa kanya iyon. Marahil malaki din ang naging impluwensya ng kanyang ina at mga kamag-anak noong kabataan niya.
Madalas kasi na krimen sa probinsya nila noon ay kidnapping at rape. Ang tumatak sa isip nilang magkakapatid ay ang habilin nga ng kanilang mga magulang at kamag-anak, na hindi basta-basta makikipag-usap sa mga lalaking may tattoo. Madalas sa nababalitaan noon na mga suspek ng kidnapping at rape ay may mga drawing sa katawan.
“I guess you need plenty of water, Sir. Malaki ang naitutulong ng tubig para makadaloy ng maayos ang dugo sa utak natin,” wala sa isip na naisatinig niya.
Hindi niya na talaga kayang pigilan pa ang inis na nararamdaman sa preskong lalaki na kaharap. Later niya na iisipin kung ano man ang posible na maging consequence sa pagtataray niya rito.
Napayuko ito habang humahagikhik. Kung pagmamasdan lamang niya ito sa ganitong anyo, iisipin mo talagang matino itong kausap.
Iniwas niya na ang kanyang tingin sa lalaki, at marahang tinungo ang lababo para hugasan ang basong nagamit. Marami pa siyang pending na trabaho para aksayahin lang sa walang kwentang lalaki.
“My brain's blood flow hasn't been disturbed before I laid my eyes on you, Baby,” he retorted in a sexy voice.
Natigil si Magz sa pagsasabon ng baso. Hindi niya inaasahan na makakaya nitong tapatan ang panunudyo niya rito. Narinig niya ang bawat yapak nito. Lihim siyang humugot ng malalim na paghinga para maihanda ang sarili sa kung anumang posibleng mangyayari sa pagitan nila ng preskong lalaki.
“I feel like my thoughts are straying into nowhere. You’ve already occupied my mind, Marga,” he said softly.
Marahang inilapag ni Magz ang hawak na baso saka binanlawan ang mga kamay, at taas-noo itong hinarap. Agad siyang napaatras ng isang hakbang dahil hindi niya inaasahan na sobrang lapit na nito sa kanya.
“How can I help you, Sir? So, you won't bug me anymore?” she asked forthrightly.
Lalo naging pilyo ang mga ngiti nito sa labi at tila nanunukso ang mga mata, habang ipinagpatuloy pa rin nito ang paghakbang palapit sa kanya. Kaya napapaatras din ang dalaga, para magkaroon sila ng kahit kunting distansya nito.
Ngunit napalunok siya ng sunod-sunod nang marinig niya ang pagtunog ng cabinet na nabangga niya. She was being sandwiched between the kitchen cabinet, and with this man. Gayunpaman, hindi ipinahalata ng dalaga sa lalaki ang pagkabahala niya sa pagkakalapit nilang dalawa.
“My questions are still unanswered, Baby,” He said softly and seductively.
Napakurap ng ilang beses ang dalaga sa narinig, at pinatrabaho ng mabilis ang kanyang isip. Humalukipkip siya nang maalala ang tinutukoy nito.
Lumunok muna siya ng mariin, saka pinasingkit ang mga mata. “For your first question, yes, I’m still single. But, I will never be yours, Sir,” kaswal niyang sagot.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang mga braso nang humari sa paligid ang malakas nitong tawa. Malakas ang kutob niya na may naiisip na kapilyuhan ang lalaking kaharap. Sa attitude na ipinakita nito sa kanya mula kanina, sigurado siya na hindi ito basta-basta na lamang tumigil hangga’t hindi nito nakukuha ang gusto.
Confident naman siya na hindi ulit magku-krus ang landas nila. This week, Davao ang schedule niya, pero next week babyahe siya patungong region IX, at mamalagi roon for one month. At sigurado siya na pinagtri-tripan lang siya nito ngayon.
Ang bilyonaryong katulad ng lalaking ito ay kailanman hindi papatol sa katulad niya na trabahante lamang ng kaibigan nito. At sa pagkakaalala niya sa narinig mula kay Ellen ay ikakasal na ito.
“Why, Marga? Why won't you be mine?” he asked teasingly.
Napalunok ang dalaga, nang ibaba nito ang mukha, at inilapit sa kanya upang magpantay ang kanilang mga mata.
“Do you think it's too early to tell me that, Baby?” he smirked and winked at her teasingly.
Pinili ni Marga na hindi muna umimik, hinayaan niya muna ito sa gusto pa nitong sabihin, habang tinatapatan ang nanunukso nitong mga tingin.
“Is it because you like Miguel more than me?” he asked with a serious tone.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig mula rito.
Nakilala agad ni Marga ang lalaking tinutukoy ni Michael. Si Jay. Hindi na bago sa kanya ang presensya nito—alam niyang bahagi pa rin iyon ng tahimik na pagprotekta sa kanya. Ngunit ang lalaking kasama nito… iyon ang hindi niya kilala. Sa pagkakaalam niya, iisa lang ang bodyguard na kinuha ni Zhavie para sa kanya. “Kilala mo pala ang isang ’to?” hindi maitago ni Michael ang pagkabigla, kasunod ang isang malalim na buntong-hininga na tila ba may tinik na biglang nabunot sa dibdib nito. Tumango si Marga, sinabayan ng isang tipid at pilit na ngiti. “So, tell me, Magz,” marahang sabi ni Michael, pero seryoso ang mga mata. “I’m not judging you, okay? I just want to understand what’s really going on between you and Boss’ best friend.” Nagsalubong ang kilay ni Marga. Muli niyang tiningnan si Michael—ngayon ay masinsin, mas maingat—bago niya ikinibit ang mga balikat at marahang iniikot ang swivel chair na inuupuan. “Ano ba’ng narinig mo na tsismis?” tanong niya, walang emosyon sa
“Princess?” malambing nitong tawag. Kahit naka-off ang camera, ramdam niya ang bigat ng titig nito—kitang-kita sa screen kung paano naglalaro sa mukha nito ang samu’t saring emosyon. Pangungulila. Pagsisisi. Pag-aalinlangan. At isang damdaming matagal nang pilit itinatago. Agad niyang pinindot ang mute button at hinayaang manatiling patay ang camera. Ayaw niyang marinig nito ang pigil niyang hikbi. Ayaw rin niyang makita ang anyo niyang nanginginig. Kailangan muna niyang makasigurado. Kailangan niyang patunayan sa sarili na ang lalaking kaharap niya sa screen ay ang Kuya Francis na iniwan siya sampung taon na ang nakalipas… at ang unang lalaking minahal niya. Sa kabilang linya, malinaw ang paglunok nito. Kita niya ang pag-angat-baba ng Adams apple nito habang mariing nakatitig sa camera, para bang sinusubukan nitong abutin siya kahit sa pamamagitan lang ng screen. May bahid ng paghihirap ang gwapo nitong mukha—tila nahahati sa pagitan ng gusto nitong sabihin at ng takot na baka
“I’m not interested in whatever story you’re trying to sell, Ms. Pebbles,” Marga said evenly, her voice calm but firm. “Pinuntahan mo ba kami rito dahil hinahanap na kami ni Boss?” The question sounded innocent—but there was a deliberate edge beneath it. A subtle poke. A test. She wanted to see how far Pebbles would go… and how much control she herself could keep without crossing the line. Pebbles’ brows snapped together. Her eyes narrowed, sharp and calculating, lips pressing into a thin line before curling upward again. Anger flashed across her beautiful face—raw, unmasked. She lifted her chin and slowly looked Marga up and down, head to toe, like she was assessing something beneath her. “Miguel would never allow me to do work for him, bitch,” Pebbles shot back, her voice dripping with confidence and sarcasm. She took a step closer, invading Marga’s space just enough to assert dominance. “Careful with your expectations,” she continued mockingly. “You might hurt yourself.” Her
“Tell me, Miguel, is she the reason why we had to travel here the moment the sun rose?” Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Marga ang mga salitang iyon ni Pebbles—matatalim, puno ng galit—kahit ilang minuto na ang lumipas mula nang iwan niya ang dalawa sa loob ng opisina. Galit na galit si Pebbles. Matindi ang selos na ipinakita nito. At alam ni Marga na kabisado ni Miguel ang ugali ng girlfriend nito. Kaya hindi na siya nagtaka nang, sa kabila ng tensyon, nanatiling kalmado ang boses ni Miguel nang humarap ito sa kanya. “Marga,” mahinahon ngunit may bigat ang pagkakasabi nito ng pangalan niya, “can you step out for a moment? I need to talk to her… alone.” Hindi na siya tumutol. Hindi na rin siya nagtanong. Tahimik siyang tumango, kinuha ang phone sa mesa, at walang lingon-likod na lumabas ng opisina—bitbit ang isang pakiramdam na hindi niya maipangalan. Pagkasara ng pinto sa likod niya, saka lang niya naramdaman ang bigat sa dibdib. Boses ni Michael ang pumukaw sa kanya mul
Halos sabay silang napalingon ni Michael sa pagbukas ng pinto. Sa gilid ng kanyang paningin, nakita ni Marga ang paninigas ng katawan ni Michael—ang gulat na hindi nito naitago nang makita kung sino ang pumasok.“Go–good morning, Boss,” garalgal ang boses nitong bumati. Mula sa kinatatayuan niya ay agad na tumuwid ang tindig ni Marga nang magtagpo ang kanilang mga mata.“Good morning, Boss,” kalmado niyang sagot. Sinubukan niyang ngumiti, ngunit nabigo siyang itago ang pagiging blanko ng kanyang ekspresyon.Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang sumulpot si Miguel sa Nabunturan Branch. Wala siyang natanggap na kahit anong abiso mula kay Jhadie—ni wala ring indikasyon na may isyu sa kanyang distrito na nangangailangan ng biglaang pagbisita.Matalim ang tingin ni Miguel sa kanya, pero hindi iyon galit. Isa iyong titig na mas nakakatakot—kontrolado, sinusukat, at puno ng mga tanong na hindi binibigkas.“Let Marga and me have a moment, Michael,” diretsong utos nito, puno ng a
Napapikit si Marga sa higpit ng yakap nito. Kusang umangat ang mga kamay niya at kumapit sa likod ni Xander, parang doon lang siya muling humuhugot ng lakas. Gusto niyang magsalita, may gustong umapaw sa dibdib niya—pero pinili niyang manahimik. Dahil minsan, mas mabigat ang mga salitang hindi binibigkas. Xander rested his chin lightly on top of her head, his arms firm around her as if anchoring himself. “If I had my way,” he continued quietly, voice low and honest, “I’d keep you where I can see you every morning. Every night. No distance. No countdowns.” Bahagyang humigpit ang yakap niya bago ito dahan-dahang lumuwag, sapat lang para maharap siya ni Marga. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya, thumbs brushing softly—isang haplos na walang hinihingi, walang tinutulak. “But I won’t,” he said quietly, eyes never leaving hers. “This isn’t about possession. It’s about knowing when to step back and let you live the life you’re building, babe.” Naramdaman ni Marga ang biglang pag

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





