Mag-log inHinawakan ni Marco ang kamay ni Sierra, hinila ito palapit, at niyakap sa baywang. “Audrey is gone. The dead are gone. I don’t want you concerning yourself too much with her affairs.” “Nag-aalala ka ba na dahil kay Julian ay makagawa ako ng bagay na makakasama sa pamilya niyo? Huwag kang mag-alala. Alam ko kung sino ang tunay na may kasalanan. Hindi ko idadamay ang mga walang kinalaman.” “Paano kung hilingin kong kalimutan mo na ang galit na iyan?” Mariing sumagot si Sierra. “Imposible iyon.” Nakunot ang noo ni Marco. “Nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagtalon sa dagat. Marahil para sa kanya ay paraan iyon upang makalaya. Kung nakalimot na siya at nagpahinga na, bakit kailangan mong maging matigas ang ulo at ipilit pa ito?” “Hindi siya nagpakamatay.” Nagtaas ng kilay si Marco. “Anong ibig mong sabihin?” Natigilan si Sierra. Naku, nasabi niya nang hindi sinasadya. Pinisil niya ang kanyang mga labi at agad na inayos ang sinabi. “Ang ibig kong sabihin, kilalang-kilala ko si Au
Nasa loob ng opisina si Marco at binabasa ang mga dokumento nang tumunog ang telepono. Sinulyapan niya ito; tawag na inilipat mula sa tanggapan. Nagtaka siya kung sinong punong ehekutibo ang tumatawag. Kinuha niya ang aparato at sumagot, “Hello, sino po ito?” “Mr. Montezides, ako po ang Hepe ng Himpilan ng Pulisya ng district ii sa Laguna. Huwag po kayong mag-alala, tiyak na aayusin at pangangasiwaan namin nang maayos ang bagay na ipinagkatiwala niyo sa amin. Ang paglutas ng mga kaso nang walang kinikilingan ay aming tungkulin at katungkulan.” Lito at nagtataka si Marco. “Anong bagay ang ipinagkatiwala ko?” “Hindi ba’t inutusan niyo po ang inyong asawa na bantayan at asikasuhin ang kaso ni Douglas Rodriguez?” Nanatiling tahimik si Marco. Ang hepe, na walang narinig na sagot, ay lalong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso. “Mr. Montezides?” “Salamat sa inyong pagod at pagsisikap.” “Siyempre po, iyon po kasi…” “Mayroon pa ba kayong iba pang sasabihin?” “Wala… wala na po. Abal
Sa pag-iisip na ito, hindi mapalagay ang loob ni Sierra. Paano niya pipigilan si Lorenzo para hindi magtagumpay ang kanyang balak na paghambingin ang mga bakas? Pagkaraan ng ilang sandaling pag-iisip, nakaisip siya ng paraan. Sinabi niya kay Reon na nasa manibela, “Reon, bumalik tayo.” “Ano pong nangyari, ma'am?” “Hindi pa kasi kumpleto ang mga ayos ko para sa usapin ni Auntie Jiara. Kailangan kong bumalik at muling alamin ang tiyak na oras at mga susunod na hakbang.” “Sige po.” Nakahanap agad ng daan si Reon, para bumalik sa lokasyon nila kanina, at hindi nagtagal ay huminto sila muli sa harap ng himpilan ng pulisya. Bumaba si Sierra at muling pumasok sa loob. “Narito ba ang inyong hepe?” Kakatanggap lang ng mga pulis kay Sierra at alam nilang nais niyang dumalaw kay Douglas. Dahil inakala nilang nais lamang niyang gamitin ang mga koneksyon upang mapabilis ang proseso, sumagot sila, “Miss Sierra, may takdang paraan at proseso ang pagdalaw. Aayusin namin ito sa lalong madaling
Nangangamba siyang baka mahulog ang loob ni Rianna kay Deion. Tutal, gwapo naman ito at maganda ang pinagmulan. Katulad niya ni Marco, pareho silang uri ng lalaking mahirap hindi pagpukulan ng atensyon ng mga babae. Ngunit mas hindi siya mapagkakatiwalaan kaysa kay Deion, na kahit paano ay nananatiling tapat at dalisay at lubusang nagmamahal sa kanyang asawa. Nasa mundo siya ng sining at pelikula—isang masalimuot at nakasisira na kapaligiran kung saan hindi mabilang na kabataang babae ang handang magpaalipin sa kanya araw-araw kapalit ng katanyagan at oportunidad. Kung inaalagaan lang niya si Rianna para sa kanyang sariling kapakinabangan, kaya rin niyang kumuha at mag-alaga ng ibang babae. Sobra nang pagdurusa ang pinagdaanan ni Rianna; ayaw ni Sierra na maranasan pa nito ang sakit at pagkabigo sa pag-ibig. “Mas mabuti nang ganyan ang pananaw mo. Matalas ang iyong paningin at hindi ka madaling masasaktan.” Alam ni Rianna na nag-aalala lamang si Sierra para sa kanya. “Huwag kang
Kumunot ang noo ni Sierra. “Marco.” Bumaliktad si Marco at tumalikod sa kanya. “Bumalik ka na sa kwarto mo. At isara mo ang pinto paglabas mo.” Habang nakatingin sa makinis na likod ng lalaki, napakuyom ang mga ngipin ni Sierra. Lumapit siya at niyakap ito mula sa likuran. “Sige, isusuot ko na.” “Just let it. Hindi kita pipilitin.” Napakagat-labi si Sierra. “Hindi, gusto ko naman talaga.” Humarap si Marco sa kanya, at agad na nagpilit ngiti si Sierra. Nagtanong ito, “Sigurado ka bang hindi kita pinipilit?” Umiling si Sierra. “You were the one driving and I am just a receiver, kaya paanong pinipilit iyon?” Sumilay ang multo ng ngiti sa labi ni Marco. "Hmm... ako na ang bibili ng mga ganoong damit.” Napakuyom ng mahigpit ng maliliit na kamao ni Sierra. Sinasamantala talaga siya ng lalaking ito. “Ayaw mo ba?” Pinanatili ni Sierra ang kanyang ngiti. “Kung gusto mong bumili, sige lang. Gagawin ko ang anumang sabihin mo.” “Mabuti naman.” “Kung ganoon, tawagan mo na ang kaibigan
“Hindi, ayoko, ayokong sumama sa’yo.” Biglang puno ng takot ang mukha ni Jiara, at sa isang iglap ay naging labis ang kanyang pagkabalisa. “Papatayin mo lang ako, hindi ako sasama sa’yo.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Rianna. “Riri, hindi tayo uuwi, hindi tayo babalik doon.” Mabilis siyang inalu ng anak. “Yes, mommy, hindi tayo uuwi. Huwag po kayong matakot.” Tila nasa sukdulan na ang pasensya ni Douglas, kaya galit siyang sumigaw. “Rianna, makinig ka sa akin! Tigilan mo na ang kakulitan mo at umuwi na kayo ng Mommy mo!” Alam ni Sierra na hindi na matutuloy ang pagbagsak ni Douglas sa araw na ito, ngunit tiyak na maghahanap siya ng ibang pagkakataon sa hinaharap. “Mr. Rodriguez, hindi pa gaanong stable ang emosyon ng iyong asawa ngayon. Sinabi niyo rin mismo na mayroon siyang matinding kalungkutan at depresyon. Kung isasama niyo siya ngayon pauwi, baka lalong lumala ang kanyang kalagayan. Paano kung dalhin ko muna siya sa bahay namin sandali para makausap ko? Kapag maayos
Masyadong malapad ang kalsada kaya naman dire-diretso lang ang paggulong ng wheelchair ni Marco. Kung susuwetehin ay makakakapit pa ito sa railing at hindi diretsong mahuhulog sa bangin na may malalim na tubig, subalit malabo iyon dahil ang lalaking lulan ng wheelchair ay parang wala sa sarili at gu
“Kasasabi mo lang na hindi na ito maganda, kaya dapat lang na tigilan na natin ito. Utang na loob, tama na ‘to.” Napasapo si Sierra sa sariling ulo sa inis. “Hmm…” kalmado lang na tumango si Sylvio. “Hindi nga iyon maganda para sa iyo. Hindi magandang gising na ang asawa mo tapos ikaw lumalabas par
Nagtagal ang titig niya sa lalaki, hinihintay na makita ang pangamba sa mukha at maga nito sa repleksyon ng bintana ng kotse, ngunit wala. Walang makita si Sierra roon kundi ang kalmado at hindi makitaan na takot. Sierra was caught off guard when Marco suddenly turned his head. “Bakit ka nakatingi
Pagkatapos ng hapunan ay nagkayayaang maglaro ng chess ang mga lalaki habang sumisimsim ng alak at nag-uusap tungkol sa negosyo. Ang mga babae naman ay nasa Living room at nagtsatsaa, nang mapansin ni Esmeralda na tahimik si Sierra ay ito na mismo ang nagsimula ng usapan. Baka kasi mabuburyo na ito







