Share

Chapter 334

Author: Ethaniel Rein
last update publish date: 2026-04-10 21:33:28

"Sa totoo lang, mas gusto sanang ibigay ni Lola 'yang 3% na shares sa inyo ni Marco. Sinabi ko lang 'yun noon dahil kay Marco, siya kasi ang panganay at inaasahang mauunang magbigay ng tagapagmana. Sino bang mag-aakala na mauuna pa si Julian? Kahit mas gusto kitang pagbigyan, hindi naman pwedeng sobra-sobra, baka magkaroon lang ng gusot sa pamilya. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?" Anang Senyora, bakas sa tono nito ang pagkakadismaya.

"Opo, naiintindihan ko po."

"Parang hindi ka nam
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Tama ka marco sige magimbestiga kapa hanggang malaman mo na si sierra ang kaisa isang babae sa buhay mo...🩷🩵thank u author
goodnovel comment avatar
Ethaniel Rein
Salamat po sa pagbabasa, pero mahaba-haba pa po. pero sisikapin ko pong maramihang mag-update para hindi masyadong matagal.
goodnovel comment avatar
Maricel Inamach
hay sana ma reveal na ung identity ng kambal paano kaya? kc meron na namn mga bagong character parang hahaba pa ang story🥲
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 619

    Dahil noong nagkasakit si Stevan, si Ericka lamang ang kasama nito—at kay Ericka rin narinig ni Senyora Elizabeth na inatake ang lalaki.Masyadong abala si Ericka sa pagpapalakas ng loob kay Stevan—walang dahilan upang patayin pa ito. Kung mawawala man ito, ano na ang mangyayari sa pinakamahalagang sandigan ng pamilya Montezides?Maliban na lamang kung ang taong nasa likod ay makapagbibigay sa kanya ng mas matibay na sandigan, o nangangako ng malaking pakinabang—o kaya naman ay may hawak siyang patunay na maaaring makasira nang lubusan sa kanya—hindi niya gagawin ang anuman laban kay Stevan.Santillan residence.Madaling‑araw pa lamang, pagkagising ni Sierra ay hindi tumigil ang pagkibot ng kanyang kanang mata.Sabi nga sa kasabihan: ang pagkibot ng kaliwang mata ay tanda ng swerte, habang ang kanan naman ay banta ng kapahamakan. Pakiramdam niya ay may masamang mangyayari.Nag‑ayos na siya, tinulungan ang anak na bumangon, magbihis at maghilamos—at sabay silang bumaba.“Gising na po b

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 618

    Agad na hinawakan ni Marco ang braso ng lalaki at itinulak ito nang paitaas nang may lakas, narinig ang malakas na lagitgitan ng pagkakabali nito.Namutla ang mukha ng lalaki sa sakit at napasigaw. Bago pa man makapaglabas ng pangalawang sigaw, hinawakan na ni Marco ang kabilang braso at sa isang mabilis na pagkilos ay muling binali, kasabay ng isa pang masakit na lagitgitan.Nagtubig na ang noo ng lalaki sa tindi ng kirot; nakalaylay na lamang ang kanyang mga braso, at tanging mahina at masakit na ungol na lamang ang nakalalabas sa kanyang lalamunan.“Ikaw…”May iba pang sumubok magsalita, ngunit nang sinalubong sila ng matalas at malupit na tingin ni Marco, bigla silang natahimik, namula pa sa pagpigil ng hininga.“Gusto niyo bang kaladkarin ko kayo isa-isa?”Isang malalim at malamig na tinig ang umalingawngaw sa silid. Walang sigaw, ngunit ang banta at kapangyarihang nakatago rito ay nagpadala ng ginaw sa likod ng lahat.Ang mga duwag ay dahan‑dahang tumakas na agad. Ang mga may ka

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 617

    Bahagyang tumingala si Stephano at sinilip sa salamin si Stevan na nakahiga sa ospital sa ilalim ng masusing pagbabantay. “Kumusta na siya?” “Sabi ng doktor, napakabigat ng kalagayan, pero dapat ay nagising na siya.” “Humihinga pa, kaya may pag‑asa pa ring magising. At kapag nagising siya… wala ka nang matatakbuhan.” Inamin na ni Ericka ang lahat kay Stevan.. Ngayong patay na si Senyora Elizabeth, kung magising pa ito nang totoo, tiyak na mamamatay siya sa kakila‑kilalang paraan. “Gusto mo pa bang gumawa ako ng hakbang?” “Napakaduwag mo. Lahat ng ito ay ikaw ang gumawa, pero ako ang nasasangkot. Kapag nagising siya, ikaw ang unang mapapahamak. Ano namang kinalaman ko roon?” “Ano ang ibig mong sabihin? Tatalikuran mo na ako ngayong nagawa mo na ang gusto mo?” “Kung nais kitang ipagkanulo, hindi ko na sasabihin pa ito sa iyo. Ang nais kong ipaalam — kapag nagising siya, ikaw ang unang babagsak. Ang pagiging mabait sa akin ay pagiging malupit sa sarili mo.” Napakadiin ang pagkakah

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 616

    “Bukod pa rito, wala pang sinasabi ang inyong asawa. Wala kang karapatang makialam dito bilang isang babae lamang. Akala mo ba talaga ay wala ng silbi at basura ang asawa mo?”Agad na tumayo si Esmerlada mula sa likuran ng wheelchair ng asawa at matalim na tumitig nang may matinding galit sa lalaki at sumigaw. “Subukan mong ulitin ang sinabi mo!”Hinawakan ni Stephano ang kamay ni Esmeralda, bahagyang umiling sa kanya bilang senyales na huwag magpadala sa galit, at saka tumingin sa lahat at nagsalita. "Ang aming namayapang ina at ang kapatid kong nakaratay riyan sa loob ay labis kaming nasasaktan kaysa sa inyong lahat."“Ngunit dahil na sa mga pangyayaring kumalat sa internet ay nasira na ang pangalan ng pamilyang Montezides. Kung tatawagin pa ang mga awtoridad ngayong gabi, hindi ba’t magiging katatawanan pa lalo ang ating angkan?”Matapos ang ilang segundong katahimikan, may nagsalita. “Hindi tayo pwedeng tumawag ng pulis ngunit hahayaan na lang ba nating makalaya ang halimaw na ito

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 615

    “Magpadala ka ng mga eksperto upang suriin muna ang katawan ni Lola. Alamin kung may kakaibang sanhi ang kanyang pagkamatay.” Kahit na base sa sinabi ni Anita ay halos wala nang pag-asang may ibang gumawa nito, mas mabuti pa ring masuri nang maayos upang mawala ang pagdududa.Natigilan si Liam—naghihinala ba si Marco na sinadya ang pagpatay sa matanda? “Gagawin ko agad.”“Tingnan mo rin ang kalagayan ni Stevan. Maglagay ka ng ilang mapagkakatiwalaang tauhan na magbabantay sa kanya nang salitan. Huwag na huwag itong iiwan nang walang kasama. Sa sandaling magkamalay siya, ipaalam mo sa akin agad.”Tumango si Liam. “Sisimulan ko na ang pag-aayos nito.”“At isa pa—pwede mo bang sabihan ang silid ng mga rekording na kailangan kong tingnan ang mga kuha ng kamera?”“Walang problema.”Sa labas ng ICU.Matapos alamin ni Stephano ang kalagayan ni Stevan, pinalibutan siya ng mga kamag‑anak mula sa ibang sangay ng pamilyang Montezides na naghihintay sa paggising nito."Stephano, wala na ang matan

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 614

    “Hindi iyan totoo!” Pigil ni Anita kay Stephano. “Master Stephano, mula nang maipasok ang matanda sa ospital, unti-unting bumaba ang kanyang presyon at naging maayos ang kanyang kalagayan. Walang kinalaman ang binata sa kanyang pagkamatay.”“Naniniwala naman ako sa kanya, ngunit malakas ang hatol ng opinyon ng mga tao. Kung haharangin niya nang ganito ang bangkay ng aking ina…”“Uncle,” putol ni Marco, “kapag nalaman na ang buong katotohanan, magbibigay ako ng tamang paliwanag sa inyo. Ako na ang bahala sa paglilibing ni Lola.”Tumahimik sandali si Stephano. “Sige. Ako pa rin ang may pananagutan sa lahat. Anak pa rin ako ng iyong lola, at kahit pilay na ako, may bigat pa rin ang aking salita. Dahil sinabi mo iyan, magtitiwala ako sa iyo. Ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang lahat.”"Thank you, uncle."“Bakit pa tayo nag-uusap ng ganito? Kumusta naman si Stevan?”Idiniin ni Marco ang kanyang mga labi at sumagot makalipas ang ilang sandali. "Stable siya sa ngayon, ngunit kailangan pa ring

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 46

    Tumayo ang Senyora at kinuha ang dalawang kamay ni Sierra at saka iyon malambing na giniya paupo kasama niya. “Hindi mo pa ba nababasa ang naka-post sa internet ngayon?” Marahang binawi ni Sierra ang kamay at saka marahang umiling. “Para po hindi na kayo masyadong magalit ay pagkarating ko po roon

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 27

    Nang tuluyang makaalis si Sierra ay ang nurse ang nakatokang magbantay sa may pintuan habang ibinabalita ni Morgan ang mga bagay-bagay kay Marco. Nakasandal ang ulo ni Marco sa headboard ng kanilang kama habang pinipirmahan ang huling dokumento. Nang matapos ay nag-angat siya ng tingin kay Morgan.

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 22

    “Hmm… mabuti naman kung ganoon,” anang doktor na may himig ng pagdududa. “You must be wondering why I came so early today than yesterday, that's because Marco has an exercise to do today.” Kumunot ang noo ni Sierra sa narinig. Ehersisyo? Paano naman nag-i-ehersisyo ang imbalidong tao? Bago pa man

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 26

    Nanigas si Morgan sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang boses ni Sierra sa kanyang likod. Ngunit agad din naman itong nakabawi dahil sa tagal na niya sa industriyang ito ay nagkaroon na siya ng kakayahang um-adapt sa mga pagbabago. Kaya naman agad niyang pinalitan ng kalmado ang taranta sa kanyan

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status