Masuk"That's good." Ipinatong ni Stevan ang kamay sa likod ng kamay ni Ericka. Nang maalala niya si Sierra, nanlamig ulit ang mukha niya. "Sa'yo ko ipapamahala ang lahat dito. Uuwi muna kami sa mansyon."Alam naman ni Ericka kung bakit sila babalik. "Ano ang balak mong gawin sa kanya?"Puno ng galit ang mga mata ni Stevan. "Matagal ko siyang binalaan! Kapag hinamak niya ang bata, hindi ko siya patatawarin!"Napabuntong-hininga si Ericka. "Kanina sa party, nag-abot pa nga ng cake si Adriana at nagpakumbaba, hindi ko inakalang gagawin pa rin niya 'yon."Parang binuhusan ng gasolina ang apoy, halos magliyab na ang mata ni Stevan sa galit. "Walang puso talaga ang babaeng iyon! Ahas talaga!""Sige na, huwag ka nang magalit diyan, sayang ang energy mo." Dahan-dahang hinimas ni Ericka ang dibdib nito. "Hindi maganda ang balita para kay Mama, huwag na muna nating sabihin sa kanya."Alam nilang paborito ni Senyora Elizabeth si Sierra. Kung namatay sana ang bata, baka pumayag si Senyora na parusahan
Kumunot ang noo ni Adriana kay Julian at bumulong, "Babe .." Malinaw ang ibig sabihin nito—ayaw niyang kasama si Sierra sa seremonya, gusto niya ay si Julian ang kasama.Hinalikan ni Julian ang noo nito. "Mabait ka na."Tiningnan ni Adriana ang paligid at nakita ang mga tingin ng inggit mula sa lahat. Agad na sumaya ang kanyang puso at nahihiyang sinabi, "Susunod ako sa'yo."Hiling naman ni Julian ang pagkakaisa at saya ng pamilya, kaya hindi pwedeng tumanggi si Sierra; kung gagawin niya iyon, parang sinabi na niyang ayaw niya ng kapayapaan sa loob ng bahay.Sabay silang pumunta ni Adriana sa harap ng champagne tower.Inabot ng waiter ang nakabukas na champagne kay Sierra. Lumapit siya nang kaunti kay Adriana, at sabay nilang hinawakan ang bote at sinimulang ibuhos ang alak sa pinaka-itaas na baso.Nagtipon ang mga tao at nagsimulang pumalakpak.Bigla na lang, hindi alam kung bakit, may narinig na kaluskos o basag mula sa tower, at sa sumunod na sandali, gumuho ang lahat ng baso. Awto
Naaalala niya ang kwento ni Auntie Cynthia tungkol sa malungkot na nakaraan ni Esmeralda, at bigla siyang nakaramdam ng simpatya. Hinawakan niya ang kamay nito at sinabing, "Sige po, pupunta kami. At gusto ko ring humingi ng tips sa inyo tungkol sa pagpipinta."Natuwa si Esmeralda na nagpapakita ng interes si Sierra. Hinaplos niya ang likod ng kamay nito at ngumiti, "Sige, hihintayin ko kayo."Nagkuwentuhan pa sila nang ilang sandali bago sinabi ni Esmeralda na aalis na sila."Katatapos lang ng programa, hindi na po ba kayo magtatagal?" tanong ni Sierra.Ngumiti si Esmeralda at sumulyap kay Stephano na naka-wheelchair. "Ayaw niya ng maingay. Dumaan lang kami para bumati. Sapat na 'yon."Tumayo si Sierra at inihatid sila.Pagdating sa labas ng hotel, pinauna muna ni Esmeralda na isakay si Stephano sa kotse. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni Sierra at seryosong sinabi, "Iba ang pamilyang Montezides kumpara sa iba. Kung gusto mong tumibay ang pwesto mo dito, dapat magbuntis ka rin
Mabuti iyon, para tumahimik naman ang buhay niya.Pero alam pa rin niya kung paano panatilihin ang itsura, tulad ng pagsasandok ng pagkain sa plato nito, pagsasabing mag-ingat sa pagpasok sa trabaho, at pagsasabing "uwi ka na" paglabas nito sa opisina. Hindi niya pwedeng suwayin ito nang tuluyan, dahil kailangan niya pa rin naman ito.Dumating ang katapusan ng Agosto, kaarawan ni Adriana.Ilang araw nang sinabi ni Julian na maghahanda siya ng birthday party para kay Adriana. Parte ito para ipagdiwang ang kaarawan nito, at parte rin para ipahayag ang magandang balita na buntis ito.Labis itong sinuportahan ni Stevan Montezides. Sinabi nitong malaking okasyon ito para sa pamilyang Montezides at dapat ay maayos na ipagdiwang, at inutusan pa si Julian na gawing engrande ang handaan.Ilang beses na ring sadyang hinaharangan ni Adriana si Sierra, para lang magyabang at mang-asar. Dahil may dalawa ring bodyguard na inilagay si Julian para bantayan ito, lalo pang naging matapang ito.Pero hin
Natigilan sandali si Sierra, pagkatapos ay nahihiyang binawi ang kanyang kamay. "Bakit hindi ka kumatok bago pumasok?" Tuluyan ng pumasok si Marco sa kwarto. "Bakit hindi ka nagrereply sa mga message ko?" "Anong message ang rereplyan ko?" Kunwari ay hindi alam ni Sierra. "Nag-message ka ba sa akin?" Tapos kunwari ay tiningnan niya ang kanyang cellphone. "Ay, mayroon nga palang hindi pa nababasa. Siguro ay nag-CR lang ako kaya hindi ko nakita. Bakit mo ba ako pinapapunta? May kailangan ka ba?" Nakatayo si Marco sa gilid ng kama, at ang kanyang malalalim na mata ay nakatitig kay Sierra. "Hindi ba pwedeng kausapin lang kita kahit walang kailangan?" Bakit parang pamilyar ang linyang 'yan? Naalala niya noong huling beses na pinuntahan siya ni Marco, sinabi rin niya ito, tapos niyakap siya sa bewang at gustong may mangyari sa kanila. Iyon ang unang beses na tumanggi siya rito. Gusto na naman ba niya akong akitin? Isang linggo siyang may dalaw, tapos halos kalahating buwan na rin... d
Nakangising umiling-iling si Deion na bumalik sa kumpulan ng mga nagbabaraha.Nang makita ng mga nandoon na papalapit siya, agad silang nagbatian at nagbigay ng mauupuan.Naiwan si Marco na nakaupo sa sofa at malalim ang iniisip. Maya-maya, inubos niya ang alak sa isang lagukan, ibinaba ang baso, at tumayo papunta sa pinto.May nakakita sa kanya at tumawag, "Bud, aren't you going to drink anymore?""Kayo na lang muna, may asikasuhin lang ako." Pinanood lang siya ni Deion habang paalis na ito at nakangising sinabi sa mga kasama, "Natatakot lang 'yan na mapag-isa sa bahay, uuwi 'yan para lambingin ang asawa.""Really? Ms. Sierra is already lucky marrying Marco. Why would she give him a hard time?"Ganoon din ang akala ni Deion noon—na nakadepende lang si Sierra kay Marco. Pero ngayon, siya mismo ang nagpatayo at nagpasikat ng A.S Studio hanggang sa maging benchmark ito sa industriya. Hindi iyon basta-basta nagagawa ng kahit sino.Sa totoo lang, pantay na sila ni Marco.Habang namimili
Pareho silang hingal na hingal ng matapos. Hindi lamang iyon isang beses, nasundan nang nasundan. Para bang sa bawat pagtatapos nila ay mas lalo pang nagkakaroon ng lakas. Kung hindi pa siya nakiusap na hindi na niya kaya, hindi pa siya nito titigilan. Lupaypay si Sierra na nakahiga sa kama. Walan
Napapahiyang bumalik si Sierra sa kanyang sariling upuan.Nakahain na ang lamusal sa lamesa.Kumuha siya ng ilang bacon, itlog at toasted bread at saka sinimulan iyong kainin ng tahimik. Narinig niyang may kausap si Marco sa telepono. "Deion, are you on duty yet?"It turned out, si Deion pala ang t
Lumingon si Sierra at malamig na tiningnan si Beatriz. "Bitawan mo ako..."Naramdaman ni Beatriz ang lamig mula sa tingin ni Sierra na parang tumagos sa kanyang buto-buto, ngunit matibay ang pagnanais niyang mabuhay, kaya hindi niya ito binibitawan.Umiling si Beatriz, umiiyak habang humihingi ng
Lumabas ang driver ay galit na hinarap ang sasakyang nakabangga. "Paano ka ba nagmamaneho? Nakapikit? Hindi mo ba alam na nasa maling lane ka na?!" Galit na galit si Adriana. Lumabas siya ng sasakyan, padabog na isinara ang pinto, at sumigaw sa driver, "how dare you shout at me like that?! Ikaw an







