Mag-log inDahil sa ingay at gulo, marami agad ang dumayo at tumingin. Lumabas din ang doktor na nakabantay sa silid ni Stevan. "Tumigil na kayo, hospital ito!" Sinubukan niyang paghiwalayin sila, pero agad din siyang sinuntok paglapit niya. Nang makitang lumala na ang sitwasyon, sinabi ni Sierra kay Reon, "Reon, itigil mo na." Habang iniiwasan ang mga suntok, sumagot si Reon, "Gusto ko sanang sumunod, pero sila ang hindi tumitigil sa pananakit." Sinamantala ito ni Sierra, hinawakan ang braso ng isa sa mga lalaki, at itinupi ito sa likuran nito. Tumingin siya sa tatlo pa at banta, "Tigilan niyo na 'yan, o tatawag ako ng pulis." "Bitiwan mo siya, malandi ka!" sigaw ng isa sabay hagad sa kanya. Sa takot na mapahamak si Sierra, itinulak ni Reon ang dalawang nakaharang sa kanya at tumakbo upang saluhin ang suntok na para sana sa dalaga. Nang makita ito ng doktor, kinuha niya ang kanyang telepono upang tumawag ng pulis. Sa sandaling iyon, tumakbo si Ericka mula sa dulo ng pasilyo. "Anong nang
Sa sandaling iyon, bumalik na si Elliott bitbit ang lalagyan ng tubig, kasama na rin sina Sierra at ang batang si Thalia. Mula sa malayo ay sumisigaw na agad si Thalia, "Daddy! Daddy!" Bahagyang nagulat si Esmeralda. Daddy? Naisip niya, kahit na ibang lalaki ang ama ng bata bago pa sila ikasal, dahil ikinasal na ito kay Marco, tama lang na itawag nito sa kanya bilang ama. Lumuhod si Marco at mahigpit na niyakap ang kanyang anak na babae. Masayang-masaya si Thalia nang makita ang ama, pero naalala niya ang bilin ng kanyang ina bago sila umalis. ang lugar na pupuntahan nila ngayon ay seryoso at banal. Hindi man niya lubos na naiintindihan ang ibig sabihin niyon, alam niyang bawal tumawa. Naaalala niya iyon. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa dibdib ng ama, nararamdaman ang kaligtasan at init ng yakap nito. Lumapit naman si Elliott para tulungan si Esmeralda na ipainom ng gamot sa walang-malay na si Stephano. "Ano po ang nangyari?" naguguluhang tanong ni Sierra kay Marco, sabay
Nang marinig ito, lumingon si Ericka at nakita ang matangkad at tuwid na lalaking lumalapit. Dahil masyadong mapansin kung bigla siyang tatayo mula sa pagkakahiga, dahan-dahan na lamang siyang tumayo at humarap sa lapida. Nang makarating si Marco at makita silang nandoon ni Stephano, bahagyang napakunot ang kanyang noo. Mahinahong nagpaliwanag si Stephano, "Your mom won't leave and want to stay a little longer. Sinubukan ko na siyang pakiusapan siya kanina na umuwi na upang makapagpahinga, ngunit matigas ang kanyang ulo. Could you please escort her?" Nagkunwari namang pinupunasan ni Ericka ang kanyang luha, ngunit ang tunay niyang iniisip ay. Hindi pa natutuklasan ni Marco ang tunay na kulay ni Stephano. Napakahusay ng lalaking ito umarte—mas mahusay pa kaysa sa kanya. Bumagsak ang malamig na tingin ni Marco kay Ericka. "Kailangan mo pa bang magpanggap kahit sa harap ng patay? Hindi ka ba natatakot na baka gabi-gabi kang puntahan niyan?" Nanigas si Ericka, at palihim na sumulyap
Ayaw na ni Esmerlada na makasama pa kahit isang saglit si Ericka. Sinabi niya kay Elliott, "Take care of your dad. Hindi mo na ako kailangang samahan." Pagkatapos ay tumalikod na siya at umalis. Tumingin si Stephano kay Elliott at pinaalalahanan ito sa pamamagitan ng tingin na sundan na lang niya si Esmeralda dahil ayos lang naman siya. Tumango si Elliott at sumunod. "Kumusta na ang kapatid ko?" may pag-aalalang tanong ni Stephano. Ipinaliwanag ni Ericka ang kalagayan ngayon ni Stevan. Nang mawala na sa paningin nila sina Esmeralda at Elliott, nagtanong siya, "Ano ang kailangan mong sabihin sa akin?" Hindi siya naniniwala sa sinabi nito tungkol sa pagkakasakit ni Stevan, at mayroon din naman siyang gustong itanong dito. "Ini-imbestigahan na ni Marco ang mga kuha ng camera noong nagkita tayo sa kapihan." Agad na natakot si Ericka at namutla ang mukha. "Ano ang gagawin natin?" "Sinira ko na ang mga camera ng kapihan bago pa man ako pumunta roon." Nakahinga nang maluwag si Erick
Sa punerarya. Tumawag si Sierra kay Marco at ibinalitang pinainom ng pampatulog si Stevan ni Ericka. Bagama’t punong-puno siya ng galit, hindi siya lumapit sa babae. Sanay iyang magpanggap. Sa harap ng maraming tao, tiyak na iiyak lang ito at sasabihing pinainom niya ito para makapagpahinga, o kaya ay ayaw niyang magalit ang asawa kapag may dumalaw. Sa ngayon, siya ang sinisisi na dahilan ng pagkamatay ng lola niya at pagkakasakit ng amain niya—walang maniniwala sa kanya. Sa halip, halos lahat ay naniniwala sa pag-iyak at paratang ni Ericka. Nagtapos ang seremonya ng cremation nang alas-diyes ng umaga. Kailangang dumalo ni Marco sa pagpupulong ng mga may-ari ng kumpanya, kaya naiwan na kay Stephano ang ibang gawain sa punerarya. Kahit na kontrolado na ang issue sa internet, hindi pa rin tumigil ang mga direktor sa pagpapahirap kay Marco. Iginiit nilang maghiwalay sila ni Sierra. Sabi nila, kapag naghiwalay daw ito, mawawala na ang paratang na inagaw niya ang babae ng kapatid n
Kaya ikinuwento ni Rianna ang lahat ng naganap. “…Ganoon iyon. Pakiramdam ko ay kakaiba ang tingin ni Uncle Stevan sa akin sa huli—parang hindi pasyente ang nakatingin.” “Baka naging malinaw na ang isip niya noon?” Hula ni Liam. “Paulit-ulit niyang sinasabing 'anak', sino ang tinutukoy niya? At 'Ma.. Ma...' wala naman siyang anak na nagsisimula sa ganoong letra kundi ikaw lang, ibig bang sabihin ay ikaw ang hinahanap niya at tinatawag iyang anak?” Tumingin siya kay Marco sa huling tanong. Tumango si Rianna. “Sa tingin ko ay hindi siya nagtitiwala sa akin. Kung kayo po ang pupunta, baka magkaiba ang maging reaksyon niya. Pero mukhang naghihinala na si Ericka, kaya mahihirapan na akong makapasok ulit.” Nag-isip nang mabuti si Marco. Matapos ang katahimikan, nagsalita siya. “Ngayong gising na siya, hindi na niya kailangang bantayan palagi ni Ericka. Bilang manugang, kailangang dumalo ni Ericka para sa kremasyon ng matanda bukas—kung hindi, mag-iingay ang mga tao. Karamihan sa pamilya
Masyadong malapad ang kalsada kaya naman dire-diretso lang ang paggulong ng wheelchair ni Marco. Kung susuwetehin ay makakakapit pa ito sa railing at hindi diretsong mahuhulog sa bangin na may malalim na tubig, subalit malabo iyon dahil ang lalaking lulan ng wheelchair ay parang wala sa sarili at gu
“Drive safely, Carlos.” Wika ni Marco nang ilang segundo ay walang makuhang sagot kay Sierra. “Yes, master.” Anang butler at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho at hindi na nagtanong pa. Doon lamang tila nakahinga ng maluwag si Sierra. Hindi niya lubos maunawaan kung tama ba ang kanyang pa
Inutusan ni Stevan si Sierra na sumunod sa study nito. Kinausap pa sandali ni Sierra ang mga biyenan bago tuluyang sumunod kay Stevan Montezides. Nang buksan ni Sierra ang pintuan ng study ay nakita agad niya si Stevan na nakaupo sa swivel chair nito at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga muna nito ang
Hindi inasahan ng Senyora na marinig iyon galing kay Sierra, kaya naman bahagyang nanlaki ang kanyang mata sa gulat. Ngunit sa totoo ay tama lamang na iyon ang hula nito dahil masyadong halata ang naging epekto niyon sa kanyang katawan. Bilang pagsuko sa ginawa ay marahang tumango si Senyora. “Nang







