Mag-log in“Hindi stable ang kanyang kalagayan pagdating sa isipan."“Ano po ang ibig ninyong sabihin, doc?" Litong tanong ni Captain Custodio."Nawawala siya sa kanyang katinuan." Pinasimple ng doctor ang eksplenasyon."Nawawala sa sarili?" Nanlaki ang mata ni Captain.“Maaaring ang pagtama ng kanyang ulo ay naka-apekto sa mga ugat ng kanyang utak, o kaya naman ay labis siyang nabigla sa nangyari. Mayroon ding namuong dugo sa loob ng kanyang bungo. Maaaring magkaroon siya ng pagkalito, pagkawala ng alaala, o kaya ay pagbabago ng pag-uugali—ngunit hindi ko pa masiguro kung ito ay magiging pangmatagalan.”"Ibig ninyong sabihin na may posibilidad na pwede lamang niya itong pekein?"“Hindi ko matiyak kung totoo ang kanyang kalagayan o nagpapanggap lamang. Mas mainam na idulog siya sa isang psychiatrist upang masuri ng maayos."Nakahinga nang maluwag sa loob si Sierra nang marinig ito. Pagkaalis ng doktor at mga nars, pumasok siya sa silid kasama sina Capt. Custodio at Marco.Nakaupo si Lorenzo sa h
Nagtanong si Sierra tungkol sa naging takbo ng family meeting, kung naging mabait ba si Sathalia, at kung masaya ba si Sylvester na isinama na ang kanyang pangalan sa talaan ng pamilya.Siya ang madalas magtanong, at marahan at matiyagang sumasagot naman si Marco.Nang makapagpalitan pa ng ilang salita, saka pa lamang nila tinapos ang tawag.Matapos ibaba ang telepono, nanatiling nakaupo si Sierra sa tahimik na pasilyo at nakaramdam ng bigat sa kanyang dibdib. Kahit hindi pa sila tuluyang naghihiwalay, nararamdaman na niya ang lungkot ng paglisan.Tunay ngang mapanganib ang nakasanayan.Dahan-dahan siyang bumuntong-hininga. Sa kanyang mukha ay halong pag-aalinlangan at pagtanggap—marahil dahil sa kaibuturan ng kanyang puso ay matagal na niyang inaasahan na ito ang magiging kahihinatnan ng kanilang pag-iibigan.Masyado lamang itong maagang dumating kaysa sa inaakala niya.Dumating ang oras ng hapunan, ngunit walang ganang kumain si Sierra. Ilang subo pa lamang ay ibinaba na niya ang ka
Sa OspitalNakikipagkwentuhan si Sierra kay Alessia habang nakaupo sa sofa nang bigla niyang marinig ang mahinang tinig mula sa higaan. "Drey-drey…”Tumingala siya at nakitang gising na si Senyora Estrella at pilit itong tumatayo.Mabilis siyang lumapit at inalalayan ang matanda upang humiga muli. “Lola, katatapos lang po ng inyong operasyon. Hindi pa kayo pwedeng kumilos.”Hinawakan ni Estrella ang kamay ni Sierra, at lumabo ang kanyang paningin dahil sa luha. “Ikaw ba talaga… ikaw ba talaga si Drey-drey?”Kinagat ni Sierra ang kanyang ibabang labi at tumango.Mahigpit na hinawakan ni Estrella ang kamay ng dalaga, at agad na sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Marahil dahil sa matinding tuwa, o kaya naman ay sa sobrang higpit ng hawak, naramdaman niyang kumirot ang sugat mula sa operasyon. Sa tindi ng sakit ay namutla ang kanyang mukha at kumunot ang kanyang noo.“Lola, ano po ang nararamdaman ninyo? Tatawagin ko po ang doktor.” Mabilis na lilingon sana si Sierra.“Ayos lang
Parang walang malisyang nagtanong si Julian. "Anong balita po iyon?”“May kinalaman kay Sierra,” sagot ni Stephano, ngunit umiling din agad. “Hayaan mo na, huwag na nating pag-usapan. Ipagpatuloy na lang natin ang pag-inom.”Natigilan si Julian. Baka may kinalaman ito sa isang lihim tungkol kay Sierra?Baka tungkol sa kanyang tunay na pagkakakilanlan?“Uncle?”Nagising si Julian sa kanyang malalim na iniisip, ngumiti, at nakipag-toast kay Stephano. Ngunit sa isip niya ay nagpaplano na kung paano niya mahihikayat ang matanda na sabihin ang tinatagong impormasyon.Paulit-ulit niyang inalok ng inumin si Stephano, sa pag-asang malalasing ito at makukuha niya ang mga nais malaman.Matapos ang ilang pag-inom, napansin ni Julian na lumabo na ang paningin ni Stephano at malinaw na siyang nalalasing. Dito na siya nagsimulang magtanong nang maingat. “Uncle, sinabi ninyong may nabalitaan ang inyong kaibigan tungkol sa aking hipag?”Hinimas ni Stephano ang kanyang sentido at nagsalita. “Hindi ba’
“Hindi na kailangan. Tumawag na si Mama. Pupunta sila ni Papa para dalawin si Lola at dadalhan na rin nila ako ng mga gamit.” Tumango si Marco. Matapos kumain ng kaunti ay may naalala siya. “Ngayong alas-sais ng hapon, may meeting ang pamilyang Montezides. Pag-uusapan ang pagkakakilanlan ni Sylvester nang sa ganoon ay legal na siyang bahagi ng pamilya. “Kailangan ko bang dumalo?” “Asikasuhin mo muna si Lola dito. Ako na ang bahala sa roon.” “Sige.” Dumating sina Ronaldo at Alessia bandang alas-dos ng hapon. Napansin ni Sierra na madalas tumatawag si Marco. Alam niyang abala ito sa kanilang kumpanya at kailangan pang pumunta sa meeting ng pamilya ng alas-sais, kaya’t sinabi niyang maaari na itong umalis at asikasuhin ang kanyang mga gawain. Nang makitang kasama na ng dalaga ang kanyang mga magulang, nakahinga nang maluwag si Marco at nagpaalam na. Nang matapos ang pagpupulong ng pamilya, pinanood ni Julian ang pag-alis nina Marco at Vester. Sa sobrang galit ay halos madurog na
“Matagumpay naman ang operasyon at ligtas na ngayon ang pasyente. Ngunit dahil may edad na siya, maaaring mabagal ang kanyang paggaling. Kailangan ninyong maging matiyaga sa pag-aalaga at siguraduhing makapagpahinga nang maayos.”“Maraming salamat po, Doc.” Sa sobrang tuwa ay napaluha si Sierra. Lumingon siya at mahigpit na niyakap si Marco. “Maayos na si Lola, ligtas na siya.”“Oo,” marahang tinapik ni Marco ang likod ng dalaga.Pumunta si Sierra sa silid ng pasyente upang makita si Estrella. Maputla ito at walang malay sa higaan. Mahina man ang kanyang paghinga, ang mahalaga ay buhay pa siya—higit pa ito sa anumang bagay.Hindi nagtagal, dumating din si Rianna kasama si Deion.Nang makita ang matandang babae na may uban na sa gilid ng ulo, namula agad ang mga mata ni Rianna. Mahina niyang niyakap si Sierra, tila ba pinapakalma ito, at kasabay din ay pinapakalma ang sarili sa takot na naramdaman. “Ayos na ang lahat, ligtas na kayo.”Pumunta naman sina Marco at Deion sa isang sulok up
"Thank you so much!" Halos lumundag si Sierra sa tuwa. Tumayo siya at maingat na inilagay ang kwentas sa kahon nito. Lumingon siya kay Carlos upang paalalahanan ito. "Carlos, please keep an eye on this necklace. Mahalaga ito sa akin kaya pakiusap, pakiingatan ito ng mabuti."Bawat salitang binitawa
"Bakit?" Agad na lumingon si Sierra nang marinig ang boses ng babae.Nagbaba ng tingin si Rianna nang lumingon si Sierra. Pinigilan niya ang nararamdaman bigat sa damdamin bago muling nag-angat upang salubungin ang tingin ni Sierra. "Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo."Alam ni Sierra na ang
"What were you thinking just now?" Tanong ni Marco sa halip na sagutin ang tanong ni Sierra. "Wala naman." Tumingin si Sierra sa shooting range sa harap niya na parang walang nangyari. "Totoo ba ang mga baril sa kotse nila?" Sinulyapan ni Marco ang bahagyang nakakurba niyang mga daliri, saka tum
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa kabilang linya. "... Gusto mo bang tumawag ako ng doktor para i-check ka riyan?"Namilog ang mata ni Sierra at mabilis na umiling, kahit na hindi naman nito iyon nakikita. "No, no, there's no need. That's because you were too harsh and you don't know how to be







