Share

Chapter 65: Manyak at Maldita

Author: Karilxx
last update Last Updated: 2025-06-06 18:27:23

Therese POV

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng mokong na Asher. Nagawa pa niyang tumawa bago ilayo ang mukha niya sa akin.

Akala ko naman ay nagagandahan at nag-iinit na siya sa mukha ko. ’Yun pala ay sasabihan lamang niya akong maldita. Lintik.

“Hah! Ako? Maldita? Hindi ba puwedeng hindi lang ako nadadaan sa mga gimik ng mga playboy diyan sa tabi?” ganti ko.

Nagsalubong agad ang dalawang kilay niya. Takte, parang di ako maka-focus! Sobrang gwapo niya talaga. Kung hindi ko lang alam na playboy siya, baka ako mismo ang sumunggab sa kanya.

“Gusto mo atang subukan ko sa’yo ang pagka-playboy ko? At bakit parang kilala mo ako? Sino ka ba?”

Gamit ang kanyang hintuturo ay inangat niya ang baba ko na agad ko ring tinampal.

“Ako ang magpapatino sa’yo,” biro ko saka humalakhak.

Napansin kong mag-iisang oras na akong napapahiwalay kina Isla at Cecille. Oo, sumama si Cecille—ang dami pang sinasabi, gusto rin pala. Nagdadasal pa nga kanina, sana raw ay may mag-uwi rin sa kanyang Mr. Right. Irereto
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kobe Anthony Morandarte Lumayno
sana si ceciel dun din sa isang kaibigan ni dominic...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Chapter 65: Manyak at Maldita

    Therese POVNalaglag ang panga ko sa sinabi ng mokong na Asher. Nagawa pa niyang tumawa bago ilayo ang mukha niya sa akin.Akala ko naman ay nagagandahan at nag-iinit na siya sa mukha ko. ’Yun pala ay sasabihan lamang niya akong maldita. Lintik.“Hah! Ako? Maldita? Hindi ba puwedeng hindi lang ako nadadaan sa mga gimik ng mga playboy diyan sa tabi?” ganti ko.Nagsalubong agad ang dalawang kilay niya. Takte, parang di ako maka-focus! Sobrang gwapo niya talaga. Kung hindi ko lang alam na playboy siya, baka ako mismo ang sumunggab sa kanya.“Gusto mo atang subukan ko sa’yo ang pagka-playboy ko? At bakit parang kilala mo ako? Sino ka ba?”Gamit ang kanyang hintuturo ay inangat niya ang baba ko na agad ko ring tinampal.“Ako ang magpapatino sa’yo,” biro ko saka humalakhak.Napansin kong mag-iisang oras na akong napapahiwalay kina Isla at Cecille. Oo, sumama si Cecille—ang dami pang sinasabi, gusto rin pala. Nagdadasal pa nga kanina, sana raw ay may mag-uwi rin sa kanyang Mr. Right. Irereto

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Chapter 64: Maldita

    Third Person POV“Oh, bakit lugmok ka riyan?” bungad agad ni Cecille nang maabutan niya si Isla sa opisina. Lukot ang mukha ng kanyang kaibigan habang nakapangalumbaba. Sa tagal simula ng maging MU sila ni Dominic, ngayon niya lamang ulit nakita itong parang pinagbagsakan ng mundo. Sunod namang pumasok si Therese na ngiting-ngiti noong una. Gustong-gusto na niyang makichismis, ngunit nang masilayan niya ang mukha ni Isla, umurong agad ang excitement nito. “Oh? Anong nangyari?” Agad na nilapitan ni Therese si Isla. “Hindi ba nagustuhan ang bigay mo?” tanong din ni Cecille. Hindi alam ni Isla kung paano ipapaliwanag, dahil maging siya, hindi niya alam kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin nang banggitin niya ang kanyang ina. Isa pang kinalulugmok niya ay ang mabagal na pag-reply ni Dominic sa kanya. Dapat din ay may lakad sila ngayon, ngunit kinansela ito ng lalaki. Kaunti na lamang ay mapipigtas na ang kanyang ulirat. “I don’t know… Noong una ay smooth naman ang naging usapan na

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Chapter 63: Plan

    Third Person POV Napakuyom ang kamao ni Dominic. “Why?”“You know why.” halos mapiyok si Divine.“Because she’s Amanda’s daughter.”“At hindi kasalanan ni Isla ’yon.”“Wala akong pakialam kung kasalanan niya o hindi,” mabilis na sagot ni Divine. “Ayokong nandito siya. Ayokong mapalapit siya sa’yo.”Umiling si Dominic, medyo naiirita sa inaasal ng kanyang ina. “You’re being unfair.”“No, Dominic. I’ve swallowed too much for too long.” Umangat ang boses ni Divine, nanginginig ang kanyang labi at punong puno ng pait ang kanyang boses.“I married your father knowing I was never the first. I lived with it. I tried to forget Amanda every single day. And then she died—and I thought, finally, maybe I can be enough.”Humakbang palayo si Divine, pilit pinapakalma ang sarili. Ngunit kahit anong gawin niya, nangingibabaw ang galit, inis, at sakit sa kanya. “But then her daughter shows up. Her face. Her smile. Her presence… it’s all Amanda. And now you’re bringing her here like she belongs here?”

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Chapter 62: The past

    Third Person POV Naramdaman ni Isla ang malamig na ihip ng hangin sa pagitan nila ni Divine. Kanina lang, parang tanggap na tanggap na siya. Ngayon, parang may pader na ulit sa pagitan nila. Hindi man nagsalita si Divine, ramdam ni Isla ang paglayo ng tingin at pakikitungo nito. Kaya naman kahit i-pilit pa ni Dominic na manatili pa sila saglit, si Isla na mismo ang nagdahilan. “Dominic,” mahinahong sambit niya habang nakangiting pilit. “I think I should go. May kailangan pa akong tapusin na project sa office.” Napakunot ang noo ni Dominic. “Sigurado ka?” Tumango si Isla. “Oo. I’ll just call a ride.” “No. I’ll drive you,” ani Dominic, sabay tayo. Nagpaalam si Isla sa lahat. Si Mr. Dawson ay ngumiti at nagbigay pa ng blessings, pero si Divine ay hindi man lang tumingin sa kanya. Hindi rin sumagot sa mahinang, “Salamat po,” na alay ni Isla bago sila tuluyang umalis. Pagkasara ng pinto, sumabog agad ang tensyon sa dining room. “Ano ‘yon, Mom?” tanong ni Diva, halatang hi

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Chapter 61: Small World

    Third Person POVNakakabingi ang katahimikan na bumalot sa kanilang lahat matapos ang hindi parehas na sagot nina Dominic at Isla.“Yes,” Isla had said.“No,” Dominic had answered at the exact same time.Their eyes met, panic rising in Isla’s throat like an unstoppable tide. Gusto niya na lamang magtago sa ilalim ng mesa sa kahihiyan. Dominic, on the other hand, looked amused.“Okay, now you have to explain that,” nakangising sambit ni Diva na halatang interesadong malaman ang puno’t dulo ng love story nila.Nahihiya naman si Isla na amining sa bar sila unang nagkita. Ayaw niyang isipin ng pamilya ni Dominic na gano’n siyang klase ng babae—na sa bar lamang siya nito “napulot.”“It’s okay, they will understand,” bulong ni Dominic sa kanya at saka bahagyang hinaplos ang kanyang kamay.“Well…” panimula ni Isla, hindi malaman kung anong idudugtong. “We didn’t exactly meet in a traditional setting.”“Bar,” Dominic supplied bluntly, causing Isla’s spine to straighten.“Oh,” Diva said, her e

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Chapter 60: Meet His Fam

    Isla’s POVI’ve never been scared of dinner before.Pero ngayon? This one had my palms sweating even before we turned into the long, tree-lined driveway of the Dawson family estate.Grabe ang mansion nila! I could see the garden from the car window, perfectly trimmed hedges, lights buried in the grass, at isang malaking fountain sa gitna at paikot ng daan. Ganito yung mga nakikita ko sa K-Drama. I sat a little straighter in the passenger seat as Dominic parked the car himself. “You okay?” tanong niya sa akin habang tinatanggal ang kanyang seatbelt.“Hindi ba pangit ang suot ko? Oa ba o may kulang? Yung make-up ko, kumusta? Hulas na ba ako?” Nginitian niya lamang ako sabay pitik sa aking noo. “You look beautiful. You’re not here to impress anyone. Kahit pa magmukha kang clown, tatanggapin ka ng pamilya ko.” Pagkababa namin ng sasakyan, sumalubong agad sa amin ang napakalaking wooden door na bumubukas kapag nakadetect ng tao. A uniformed house staff greeted us and led us through a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status